14 Dis 07
Opisyal na lingguhang
pahayagan ng mga
mag-aaral ng Unibersidad
ng Pilipinas - Diliman
Search
 
Philippine Collegian

Issue 19 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
10 Dec 1982
Sudden action sparks
speculation over trigger
WE Forum
printshop
raided by
military
Military authorities
raided the offices and printshop of We Forum and Malaya last Tuesday and arrested the publisher, Jose Burgos Jr., and 14 staffers and columnists for alleged subversive activities and conspiracy against the government.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Revolutions on a whim
Balita
Suspek sa pagpaslang kay Mendez, kakasuhan na

PL groups seek probe of C5 extension

CAL council, pub decry relocation

Solons file bills vs oil price hikes

Militant groups seek junking of JPEPA

Anti-TFI student pubs face repression

Theft tops UPD crime stats

Kultura
Sining Gerilya:sining ng pakikibaka ni Parts Bagani
The Doghouse Crumbles
Lathalain
Batas ng Armas: pagsipat sa tunguhin ng ugnayang US-Pakistan

Wasteland

Grapiks
Komiks : Tsupeyups

Sipat : Another Year Coming

Opinyon
A(d)VERTisements

Kina Sir Nic at Rene

s
Return to Sender

We don’t despair

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
   

Mga numero ng kasaganahan sa gitna ng matinding kahirapan

Tuloy na tuloy pa rin (ba) ang Pasko

Toni Tiemsin
Philippine Collegian
Last updated December 12th, 2007

Palibhasa’y Katoliko ang kalakhan ng mamamayan, sikat ang Pilipinas sa mahaba, masaya at makulay na pagdiriwang ng Kapaskuhan. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hanging amihan, malayo pa ang Disyembre ay nakagayak na ang maraming tahanan at malls. Habang nagsasalu-salo sa Noche Buena ang ilang Pilipino, idineklara ng isang pandaigdigang samahan na nasa red alert status na ang kalagayan ng kahirapan sa bansa. Habang nakikinig sa mga masasayang tugtuging pamasko, pakinggan ang kwento ng mga numerong ito:

Bilang ng araw bago ang Pasko kung kailan sinisimulan ang countdown para rito: mahigit 100
Opisyal na bilang ng araw ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ayon sa Simbahang Katoliko: 21
Bilang ng araw ng Simbang Gabi: 9

Halaga ng isang Noche Buena package sa SM Hypermarket: P1000 pataas
Halaga ng isang kilong hamon: P135
Halaga ng isang keso de bola: P200 pataas
Halaga ng isang isang buong manok: P110 hanggang P120

Bilang ng hamon na naibenta ng Rustan’s sa araw lamang ng Disyembre 23, 2006: 30,000
Kilo ng baboy at baka na naibenta ng Rustan’s noong araw ding iyon: 44,000

Bahagi ng populasyon na nakaranas ng di-boluntaryong pagkagutom, isang beses o mahigit, mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon ayon sa Social Weather Station (SWS): 21.5 porsyento
Bahagi ng populasyon na nakaranas ng di-boluntaryong pagkagutom, isang beses o mahigit, mula Pebrero hanggang Nobyembre noong isang taon ayon sa SWS: 19 porsyento

Bilang ng Pilipinong maituturing na mayaman sa bansa noong 2006 ayon sa Global Call Against Poverty (GCAP): 9 milyon
Bilang ng mga pinakamahirap na Pilipinong ang pinagsama-samang pera noong 2006 ay tutumbas sa net worth ng mga mayayaman sa bansa: 49 milyon
Bahagi ng populasyon na ipinapalagay ang kanilang mga sarili bilang “mahirap” mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon ayon sa SWS: 52 porsyento

Halagang kailangan ng isang tao para mabuhay sa isang araw ayon sa United Nations: $1
Halaga ng palitan ng piso kontra dolyar: P41 hanggang P42
Bilang ng Pilipinong nabubuhay sa ganitong halaga kada araw ayon sa GCAP: 11 milyon

Kabuuang kita ng ekonomiya ng Pilipinas mula sa mga laruan at iba pang gamit ng mga batang may edad 7 hanggang 14, batay sa New Generations Survey na kinomisyon ng Cartoon Network: P37 bilyon
Taunang gastos ng bawat bata para sa laruan at iba pang gamit ayon sa survey: P10,588
Pinakamaliit na taunang kitang kailangan ng isang Pilipino para makapamuhay nang “disente” ayon sa gobyerno: P14,866
Bilang ng Pilipino na “disenteng” makapamumuhay sa loob ng isang taon buhat sa halaga ng mga pinagbentahan ng laruan sa Pilipinas: 2,488,900

Buwanang kita na kailangan ng isang pamilyang may limang miyembro para makaahon sa kahirapan ayon sa gobyerno: P8,061
Halaga ng isang laruang robot na Transformer Optimus Prime: P11,000
Pinakamababang arawang-kita sa bansa mula sa pagtitinda ayon sa gobyerno: P115
Katumbas na bilang ng araw ng trabaho ng isang maninindang hindi kumain para mabili ang robot: 95

Halaga ng isang Barbie Fairytopia: P1,199
Kita ng isang batang nagtitinda ng pamusod sa Academic Oval mula sa bawat pirasong itinitinda: P5
Bilang ng pamusod na kailangang maibenta para mabili ang manika: 239

Halaga ng isang Sony PlayStation Portable: P9,499
Bilang ng sako ng bigas na mabibili mula sa ganitong halaga: 10
Bilang ng taong mapapakain mula dito nang sabay-sabay: 2,158

Halaga ng isang limang talampakang Christmas tree: P2,500
Halaga ng isang set na Christmas lights: P50 pataas
Halaga ng buwanang konsumo sa kuryente ng isang set ng Christmas lights na binubuksan isang oras kada araw ayon sa Meralco: P13 hanggang P15
Halaga ng isang dosenang Christmas ball: P50 pataas
Halaga ng isang kilong PET bottles na kinokolekta ng mga bata sa kampus: P17
Bilang ng kilo na dapat makuha ng mga batang ito para makabili ng Christmas tree na may dekorasyon na: 154

Halaga ng regalo na karaniwang ibinibigay sa exchange gifts: P100 pataas
Halaga ng isang latang sardinas: P10
Bilang ng lata ng sardinas na mabibili ng isang pamilyang walang pang-Noche Buena mula sa halaga ng regalo: 10
Halaga ng isang paketeng noodles: P5.25
Bilang ng pakete ng noodles na mabibili mula sa halaga ng regalo: 19

Itinaas ng presyo ng mga bilihin sa buwan lamang ng Nobyembre, na pinakamataas ngayong taon: 3.2 porsyento
Ibinaba ng kakayahang bumili ng piso simula 2000 ayon sa SWS: 45.7 porsyento
Bahagi ng populasyon na naniniwalang walang magbabago sa kanilang Pasko ngayong taon, batay sa Pulse Asia Survey noong Oktubre: 50 porsyento # Philippine Collegian

Sanggunian:
www.pcij.org, www.inquirer.net, www.nscb.gov.ph, www.ebay.com.ph, www.businessmirror.com.ph, www.sws.org.ph, Saksi, at Sunday Inquirer Magazine (Disyembre 9,2007)

<< back to home

 
   
   
   
   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1