03 Dis 07
Opisyal na lingguhang
pahayagan ng mga
mag-aaral ng Unibersidad
ng Pilipinas - Diliman
Search
 
Philippine Collegian

Issue 17 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
29 Nob 1990
s
IN STFAP BODY
USC wants
more student
reps
Student participation in policy making procedures of the Socialized Tuition and Financial Assisstance Program (ST FAP) remained uncertain as administration officials merely promised to elevate the student’s proposals to the Board of Regents (BOR) its following meeting.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Spin Stories
Balita
Pagpupunyagi nina Karen at Sherlyn

Panimulang tagumpay: Pagbuo kasunduan sa pagitan ng UP at ng kaguruan at REPS

Mendez family files civil case vs doctor

System glitch: Assessing the new CRS

SR selection kicks off

Proposed acad sched slammed

Kultura
Terminal Destinations: The Traffic of Commuting
Lathalain
Panata: Si Ka Arman sa talaan ng paglaban

Bottled Dreams: Tracing the stories behind UP's young junk collectors

Grapiks
Komiks : Buknoy the Campus Walker no. 8

Sipat : A Long day

Opinyon
Pagpapalaya

Para kay Eman, isang taong gulang

s
Return to Sender

Better Days

 
Home
 
About Us
 
Downloads
 
Contact Us
 
Links
   
 

Panukalang UP Charter, dinidinig na sa Senado

Toni Tiemsin
Philippine Collegian
Last updated December 21st, 2007

Nagsimula na ang pagdinig ng komite ng edukasyon ng Senado sa mga panukalang charter ng UP na may mga panukalang probisyon sa pamumuno sa unibersidad, pamamahala sa mga ari-arian at pagpapataas ng sahod ng mga empleyado nito.

Sa kasalukuyan, anim ang nakasalang na panukalang charter ng UP sa Senado, kung saan ipinasa na rin ng Mababang Kapulungan ang House Bill (HB) 2845 o “An Act to Strengthen the University of the Philippines as the National University” noong Oktubre 12.

Sa pagdinig na ipinatawag ni Senador Allan Peter Cayetano, punon ng komite, noong Nobyembre 26, nagpahayag ng suporta ang UP-Wide Democratization Movement (UP WIDEM) 3, isang alyansa na nagsusulong ng demokratisasyon ng pamumuno sa UP, sa Senate Bill (SB) 1871 ni Senador Manny Villar at sa SB 1236 na panukala ni Senador Francis Escudero.

 Ayon sa UP WIDEM 3, tampok umano sa dalawang panukalang charter ang “proteksiyon laban sa rumaragasang komersalisasyon ng UP.” Ani Prof. Judy Taguiwalo, tagatipon ng UP WIDEM 3, may probisyon din ang SB 1871 at SB 1236 na nagtataguyod sa mga konseho at pahayagan ng mga mag-aaral bilang institusyon.

Representasyon sa BOR
Ayon kay Taguiwalo, may probisyon naman ang SB 132, 158, 1540 at 1700 na nagpapanatili sa “small group of people, the BOR (Board of Regents) as the highest policy-making body without clear provisions for accountability.” Aniya, dapat na umanong palitan ang “kolonyal at elitistang” BOR.

Sa kasalukuyan, binubuo ang BOR ng 12 kinatawan mula Kongreso, kaguruan, estudyante, administrasyon at alumni ng UP, at mga itinalaga ng Malacañang.

Kung maisasabatas ang HB 2845, babawasan mula lima hanggang tatlo ang kinatawan sa BOR na pawang pinili ng  Malacañang mula sa pribadong sektor. Magkakaroon na rin ng kinatawan ang mga kawaning administratibo at ang REPS sa BOR habang magiging dalawang taon na ang termino ng Faculty Regent.

Samantala, gaya ng panukala sa HB 2845, tampok din sa SB 1871 at SB 1236 ang pagtatatag ng mga consultative assembly sa bawat kolehiyo, constituent university at sa buong UP System, na binubuo ng mga inihalal na kinatawan ng mga estudyante, kaguruan, REPS, at kawaning administratibo.

“[Assemblies will] serve as the principal forum [to address] non-academic issues affecting the University, its thrust and directions, and issues relating to long or medium-term development plans for the University,” batay sa HB 2845.

Kontra-komersalisasyon
Samantala, nakasaad sa SB 1871 na, “revenues and other resources from land grants and other real properties entrusted to the University shall be consistent with the University’s academic mission and orientation as the national state university as well as protect the University from undue influence and control of commercial interests.”

Ngunit ani Senador Edgardo Angara sa pagdinig, “UP must commercialize its assets” dahil nakabatay umano sa “land-grant theory” ang pagkatatag ng unibersidad. Binigyan umano ang UP ng malalawak na lupain upang pagkakitaan ito at nang hindi lamang umasa sa subsidyo mula sa gobyerno.

Ayon kay Student Regent Terry Ridon, dapat pa ring pahalagahan ng gobyerno ang edukasyon at pag-ukulan ito ng malaking pondo gaya ng ginagawa ng ibang bansa. Nagbanggit din si Taguiwalo ng mga unibersidad mula sa US at mga bansa sa Europa na na nangunguna sa kalidad ng edukasyon dahil sa subsidyong inilalaan para sa kanila ng kanilang mga gobyerno.

Labas sa SSL
Habang nakabatay sa Salary Standardization Law (SSL) ang tinatanggap na sahod ng mga kawani ng UP sa kasalukuyan, may mga probisyon ang anim na panukalang batas hinggil sa pagpapataas ng pasahod.

Ayon sa panukala ng SB 132, 158, 1540 at 1700, bibigyang kapangyarihan ang BOR na magbalangkas ng sariling pasahod at mga benepisyo para sa mga empleyado ng UP.

Subalit ani Taguiwalo, hindi umano nasisiguro ng paglabas sa SSL ang pagtaas ng sahod ng mga empleyado ng UP. Halimbawa umano ang Philippine Normal University na hindi nagtataas ng sahod, kahit matapos itong makawala sa SSL at magtaas pa ng matrikula ng halos 300 porsyento.

Samantala, mungkahi ng SB 1236 at 1871 na maaaring magbigay ang BOR ng special allowance para sa kaguruan, na katumbas ng hanggang 200 porsyento ng kanilang buwanang sahod.

Sinabi ni Pangulong Emerlinda Roman sa pagdinig na umaabot ng P100,000 ang sahod ng isang guro sa ibang unibersidad, ngunit hanggang P31,000 lamang umano ang pinakamataas na sahod na maaaring tanggapin ng isang guro sa UP kada buwan.

Ani Ridon, kailangan umanong tiyakin na galing sa pondo ng gobyerno ang gagamitin sa pagtaas ng sahod at hindi mula sa mga estudyante.

Dagdag ni Roman, dapat na umanong palitan ang kasalukuyang 100 taong-gulang na charter ng unibersidad, dahil sa kailangang maitaas pa ang antas ng edukasyon sa UP. Labinlimang taon nang binabalangkas ang charter ng UP sa Kongreso, subalit hindi pa rin ito naipapasa hanggang ngayon.

Ayon kay Cayetano, bubuo umano siya ng techical committee na magsasagawa ng konsultasyon sa iba’t-ibang sektor sa UP bago tuluyang makabuo ng isang panukalang charter ng UP. Kung maipasa na ito sa Senado, isasalang ito sa bicameral conference ng dalawang Kapulungan bago pirmahan at maisabatas ng Pangulo.

<< back to main

# Philippine Collegian

 
   
   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1