|
|
| |
|
|
|
Adobe
Reader is required to access the file. If you don’t
have this application, you may download it
here.  |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
On its 85th year, the Philippine
Collegian looks back at eight decades of
headlines that saw print on its pages &
sent ripples within and outside the university. |
|
|
| |
|
13 Peb 1992 |
|
Banta ng
ebiksyon,
pangamba
ng mga
residente ng
San Vicente |
| Habang dumarami
ang proyektong
pinapatupad ng UP
administrasyon,
dumarami rin ang
bilang ng pamilyang
nabubuwag sa kanilang
tirahan at kabuhayan. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| |
|
| |
Love Mushin’ |
|
|
|
There is no use asking what love
is.
Most likely, you will refer instead to a tattered photograph,
an abandoned
bottle of wine, a word or a line, a chance encounter,
an unsent message, and secrets tucked in a notebook.
It is best kept that way, you suppose – as obscure
as possible, as fantastic as it can be. Such is how
we are
supposed to tame it, such is how we bring the word to
its knees.
|
|
|
|
|
|
|
|
Seatmate |
|
|
|
Om Narayan
Velasco
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Tiyak akong kabisado
ko na ang bawat
kurba ng iginuguhit mong isda.
Kanina ko pa pinagmamasdan, at
mabilisang binabaybay ng titig
ang kahabaan ng iyong buong karagatan.
Binabakuran ko ng siko ang aking silya sa
pananalig na sa bawat pagkakataong ito’y iyong
masagi, magtatagpo ang ating paningin, at
lulunurin ko ang sarili.
Magpapatangay sa alon ng ilusyong
ang maging tayo ay hindi imposible
kahit hanggang sa katapusan lang ng klase.
# Philippine Collegian
<< back
to home |
|
|
|
|
|
|
|
Paghatid Pauwi* |
|
|
|
Sylvia G.
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
kung babalikan
ko lahat ng mga nilakad natin
habang yakap tayo ng hamog ng enero,
pebrero,
marso,
at ilan pang mahahamog na gabi
ng taong magkasama tayo,
hindi ko na maalala
ang mga detalye ng sinabi mo,
o makuwento lahat ng mga ginawa natin. ngunit
sa puntong ito,
sariwa sa alaala ko
na sa mga gabing iyon,
sa tuwing lalapag ang puwang
sa pagitan natin,
ang hamog ay nagiging
malambot na halik sa balat,
sipol sa umaga,
hawi sa buhok,
hagod sa likod
at punas sa luha.
hamog na yumayakap sa'tin
nang mahigpit,
hamog na tulad mo'y
nais kong maramdaman
nang paulit-ulit.
*Unang tula para kay Darwin D.
# Philippine
Collegian
<< back to
home |
|
|
|
|
|
|
|
Pagbalikwas |
|
|
|
Nika E. Aguilar
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Limang beses na
akong lumulunok, tatlong beses nang tumingin sa malayo,
pitong beses nang humawak sa labi. Nakatitig ka pa rin,
naghihintay ng sagot. Nginuya ko ang humahaba nang mga
kuko sa kaliwang kamay; mabilis mo itong pinalis pero
di ka na bumitaw. Noon ko lamang napagtanto kung gaano
kaliit ang espasyong kayang suyurin ng paningin. Di
ko maiwasang mahagip ang matulis mong titig.
Umupo siyang bigla sa tabi ko,
binubutingting pa rin ang gitara mo. Saglit niyang inangat
ang tingin, hinuli ang mata kong lumingon sa direksyon
niya, at bahagyang ngumiti bago ibinalik ang titig sa
kwerdas ng luma mong gitarang namana pa sa lolo. Hindi
ko namalayang nawala na pala ang pagkakakapit mo sa
kamay ko. Nginuya kong muli ang kuko sa daliri ng kaliwang
kamay. Di mo na ako pinansin.
Nasa hinliliit na ako nang ipatong
niya sa mesang pumapagitan sa atin ang gitara't itulak
sa direksyon mo. Kinuha mo ito't nilakbay ng daliri
ang nagpipingas nang kahoy at ang bagong-palit na mga
kwerdas. Habang nakababa ang tingin mo, gumapang ang
kamay niya papalapit sa kanang kamay ko sa ilalim ng
mesa. Hindi ko ipinulupot ang mga daliri ko sa mga daliri
niya, pero di ko iniwas ang palad nang maramdaman ang
pagdampi ng kanyang palad. #
Philippine Collegian
<< back to
home |
|
|
|
|
|
|
|
Uniform Fetish |
|
|
|
Glenn L. Diaz
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Remember the day
I asked you to partake
in my uniform fetish? When I asked you to
shed the grown-up garments, for the pasty
polo, the darling pair of pants that learned
the insides of your closet by heart
for many
years. When the night came, we just laid in
bed, lazed like the behaved Catholic school
boys we once were. It was surprising, wasn’t
it? That I didn’t pounce
on your lithe body
like you expected, that instead I asked you
to sway like the wind and live, delight in the
moment. Breathe. I forced my eyes close
for a second and felt something
explode, explode
like fireworks that do not rush to the heavens
but befall on hearts instead. Remember the days
when our troubles were far simpler? When I
would pout for a silly hour when
your eyes would
linger on someone else. You told me let go, we
don’t have a choice on the matter. But did I tell
you I miss it? I miss it like the
horizon cries every sunset.
And for one primitive moment when the years are powerless
to show in our faces, you are mine, things are simple
again
like black and white – a white polo, a black pair
of pants.
# Philippine
Collegian
<< back to
home
|
|
|
|
|
|
|
|
Hindi dapat tayo nagkakilala |
|
|
|
Bojie de Silva
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Simple lang naman.
Sa isang perpektong mundo,
hindi tayo magkakakilala.
Makikita kita’t hindi makikita.
Segundo lang ang ilalagi mo
sa aking gunita,
marahil mas mabilis pa.
Mas mainam naman siguro
na estranghero ka,
walang hubog,
walang alaala,
walang kahit ano pa,
at hindi ko na kailangang
isulat pa
kung bakit hindi dapat tayo nagkakilala.
Kaysa naman nagkatagpo tayo
dahil marahas ang mundo,
dahil sumapi tayo,
dahil kapwa natin tinatangkang gunawin ‘to,
at isang hapon nagkataong
pareho tayo ng patutunguhan.
# Philippine
Collegian
<< back to
home |
|
|
|
|
|
|
|
Mga Tala sa Balarila |
|
|
|
Carlos M. Piocos III
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Paano nahahawakan
ng mga labi ng lapi ang mga bagay na kaydulas sa
kamay? Paano nahuhuli ang diwa ng pandiwa, anong galaw?
anong
pagkilos? anong pag-abot?
Paano inangkin ang Ngalan sa isang
pangalan, paano ito naisilang,
naipakilala nang may buong kasiguraduhan, tawagin at
amuhin, tawagin
at palapitin, tawagin at pasunurin?
At paano ito isinawalang-bahala,
paano ginawang anonimo’t nawalan ng
mukha-katauhan-kaluluwa at ibinura ng mga kawalang-katiyakan,
ng
mga bagay na panandalian, ng mga kinaligtaan at sa halip
na malirip at
maalalala sa isang tabi sa isang silid ng isang gunita,
ay ipinanghalip ng
palayaw ng mga pangkaraniwang pangngalan?
Bakit kaydami ng salitang Ito,
ang Ito at ang mga Ito,
upang buong katiyakang ipanduro sa mga bagay na hindi
naman
sigurado,
may bigat ang iyong bigkas na tila ba’y ika’y
tiyak na tiyak.
At tatantiyahin ko ang mga Ito’t ito
Bilang ang aking Lahat: absoluto at ganap.
Uulit-ulitin ko ang mga salitang ito hindi dahil ito
Lamang ang mayroon ako, ngunit sa kayamanan
Ng mga pantig at sa karukhaan ng mga pintig
Itinatatatak ko sa iyong isip ang kalabisan ng titik,
Ang lubhang kalabisan ng pag-uulit-ulit.
Bakit kaylapit ng salitang
halika sa halik?
Ngunit bakit sa tuwing ikaw ay tatawagin ko
Sa aking tabi, halika sa aking tabi,
Sapagkat nanginginig ang kama sa titig ng gabi,
Halika, sapagkat nais kong sabihin ang halika
Nang paulit-ulit, halika, halika, hayaang mapuno
Ng halika itong madilim na silid
Sasagot ka ng katahimikang bitbit ang buong daigdig
At tila isang uniberso ang pagitan ng ating mga bibig.
# Philippine
Collegian
<< back to
home |
|
|
|
|
|
|
|
Serenata kay R |
|
|
|
Prinsipe Amante
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Gabi-gabi kung sunduin
kita sa Ortigas.
Ibibigay mo sa akin ang iyong bag
at isusukbit ko ito sa aking balikat.
Subalit hindi kita masakbi-sakbibi
ng aking mga braso.
Batid mong tanggap ko
ang iyong kahapon.
Nang ihinga mo sa akin
ang iyong hinanakit,
sinalo ko ang iyong mga luha.
Subalit,
hindi mo naman maisapuso
ang aking pagkagiliw sa iyo.
Gabi-gabi kung sunduin kita sa Ortigas.
Gabi-gabi rin kung maglaho ka
sa aking tabi.
# Philippine
Collegian
<< back to
home |
|
|
|
|
|
|
|
Hudyat ng Taglamig |
|
|
|
Rica Torres
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008 |
|
|
|
Dito ko isisiwalat
ang mga bagay na hindi ko masabi sa tuwinang aking tatangkain.
Mahal kita, sabi mo. Salamat, ang
tugon ko.
Hindi na nasasabik ang mga labi
ko upang salubungin ang sa iyo. Ayoko nang nararamdaman
ang iyong braso sa aking balikat. Lagi ko nang inaayos
ang buhok ko o anumang bagay na malapit--maiwasan lamang
ang mga kamay mo na tiyak na kukunin ang sa akin. Sinasadya
kong matulog nang mauna at nakatalikod sa iyo upang
maiwasan ang mga bisig mong tiyak na ikukulong ako.
Hinahayaan na lang kitang hagkan ang aking kahubdan
nang paulit-ulit kahit pa wala na akong maramdaman.
Hindi ko na masabing nangungulila
rin ako para sa iyo. Nagdadahilan akong abala kung magyayaya
kang makipagkita. Hindi ko na pinagtitiyagaang makatulog
nang hindi ibinababa ang telepono upang marinig kahit
hininga natin kung tayo ay magkalayo.
Ni minsan hindi ka naging masama
sa akin. Wala akong hinanakit sa iyo, ni walang dahilan
upang magalit ako. Marahil, masyado ka ngang mabait,
at ako, masyadong tanga. Siguro nasanay ako nang pinaglalaruan,
tinatarantado. Sa kanilang lahat, ikaw na ang diyos.
Ang lahat ng ito, idinaraan ko
sa iling at pagtingin sa malayo kung ika’y magtatanong.
May ilang kopya rin ng diyaryong
ito ang sa iyo’y iniwan ko upang basahin ang mga
akdang pinagpuyatan ko. Hanggang ngayo’y nakikita
ko ang mga itong nakatambak sa sala ng bahay na halos
hindi n’yo naman tinitirhan. Marahil, kapag nagkaroon
ka na ng panahong basahin ang mga iyon, mababasa mo
rin ang mga salitang ang tagal kong ninais sabihin sa
iyo.
# Philippine
Collegian
<< back to
home |
|
|
|
|
| |
|
|
|
|