Search
 
Philippine Collegian

Issue 22 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
7 Peb 2005
Faculty, REPs demand higher wages to next UPD chancy
UP Diliman faculty and research, extension, and professional staff called on the nominees for their next chancellor to resolve the scarce compensation they receive because of the university’s meager subsidy.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Hollow Glory
Balita
'Sherlyn was tortured after visit to mother-in-law'

Bagong chancellor ng Diliman, hihirangin na

UP OKs UP wet market demolition

Campus beat(ing)

Youth alliance calls 'real' social change

UP lady smashers lose to Ateneo, 1-4

Tangkang census sa Dagohoy, pinigil ng mga residente

Kultura

Out of Sync

For Whom the Bells Toll*

Lathalain
Pagbaklas sa Tanikala ng Alaala

Start UP : The university in its nascent years

Grapiks
Tsupeuyps

Sipat : Refugees

Opinyon
Ang mga petsang hindi ipinagdiriwang

Pipe Dreams

Return to Sender

Fall Apart

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
   

Multisec dialogue, hindi dinaluhan ng admin

Jon Eric Escalante at Cielo Bayson
Philippine Collegian
Last updated February 1st, 2008

Sa kabila ng hindi pagdalo ng administrasyon sa isinagawang pulong ng iba’t ibang sektor sa UP Baguio, tinatayang 200 estudyante pa rin ang nagwalk-out upang igiit ang kanilang demokratikong karapatan kasama ng mga guro at kawani ng unibersidad.

Pinangunahan ng Ugnayang Multisektoral laban sa Komersyalisasyon ng Edukasyon (UMAKSYON) ang pulong noong Enero 29 na dapat sana’y naging lugar para maisaayos at maintindihan ng lahat ang mga isyu ng bawat sektor sa UPB.

Bagaman ipinaalam ito isang linggo bago ang pulong, hindi nagpakita sina Chancellor Priscilla Supnet-Macansantos, Vice Chancellor for Administration Teofina Rapanut, Director for Student Affairs Teofino Macabiog at iba pang miyembro ng administrasyon.

Ayon kay Macansantos, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa University Assembly noong 2005 kung saan nagwalk-out ang mga estudyante sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita. “Hindi ko natanggap ang respetong dapat kong tanggapin,” ani Macansantos. Hindi rin umano kayang resolbahin ang lahat ng isyu sa isang pulong lamang kung kaya’t kailangang isa-isang kakausapin ni Macansantos ang mga kinatawan ng mga sektor.

Dagdag ni College of Social Sciences Dean Raymund Rovillos, ang mga isyu ng bawat sektor ay dapat na malinaw muna at mapag-isa upang hindi umano mauwi sa “mob rule” ang diskusyon.

“I think we’re responsible enough to make our own program, make house rules, prepare a proper flow of discussion during the dialogue itself…Naniniwala naman ako na hindi tayo ganoon kabastos,” ani University Student Council (USC) Chairperson Deo Florence Onda sa bungad ng pulong.

Naglabas ng position paper ang kinatawan ng mga estudyante, sa pangunguna ng USC, noong Enero na tumutuligsa sa mga palisiyang ipinatupad ng administrasyon ng UPB ngayong taon, na hindi umano dumaan sa konsultasyon sa mga estudyante.

Ilan sa mga palisiyang ito ang pagbabawal sa paggamit ng mga silid sa mga performing organization, hindi pag-abruba sa mga proyekto at gawain ng mga organisasyon nang walang basehan, curfew sa mga silid, at hindi pagpapagamit ng mga pasilidad tuwing katapusan ng linggo.

Binanggit din ni All UP Workers’ Union (AUPWU) UPB Chapter President Larry Laureta ang hindi maliwanag na paggamit ng magkahiwalay na batas ng Civil Service Commission (CSC) at ng UP ukol sa pagpapalakad ng administrasyon ng UPB.

Kinuwestyon ni Laureta kung ang pagpapaupo ng opisyal ay ayon sa napagkasunduan ng mayorya o desisyon pa rin ng appointing office ni Macansantos.

Ayon din sa All-UP Academic Union (AUAU), may mga kawani na pansamantalang inilagay sa mga bakanteng posisyon subalit hindi nabibigyan ng karampatang benepisyo.

Nahihirapan din umano ang iilang research, extension and professional staff (REPS) sa dami ng kanilang ginagawa, at hindi sila nabibigyan ng karampatang pribilehiyo sa study leaves at fellowships habang pinagsasabay nila ang trabaho at pag-aaral, dagdag ni Sally Leung, pangalawang pangulo ng REPS.

Nagkaisa ang tatlong sektor na maglabas ng iisang position paper para sa administrasyon na naglalaman ng lahat ng isyu ng mga kawani at guro. Ani Onda, bagamat ilan sa mga isyu ng demokratikong karapatan sa mga estudyante ay naresolba na, patuloy pa rin ang pakikiisa ng mga estudyante sa laban ng mga guro at kawani.

Samantala, hinihingi pa rin ng mga kinatawan ng mga sektor ang isang multisektoral na pulong kasama ang administrasyon upang tiyak na maresolba ang lahat ng usapin. # Philippine Collegian

<< back to home

 
 
   
 

 

   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1