Search
 
Philippine Collegian

Issue 21 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
21 Jan 1990
Anti-bases “welga” set
Members of UP Students Voice, a coalition of anti-bases organizations in Diliman, last week signed a manifesto calling for a bases-free Philippines and finalized plans for the “Welga ng mga Iskolar ng Bayan laban sa base militar” slated for January 30.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Chartering Disputes
Balita
Panukalang UP Charter, isasalang na sa bicam

Residents stop census

Groups oppose removal of ceiling on tuition increase

Partylist funds CSSP tambayan construction

Student march halted at centennial kick-off

Tungo sa Hinaharap: Ang SR sa hamon ng sentenaryo ng UP

Main Lib employee dies from fall

Dead body found in Arboretum

Narra catches fire

Angat o lagapak: Sipat sa pambansang ekonomiya sa 2008

Kultura

Closeted Resistance

Tingi-tinging Kapalaran

Lathalain
Soiled Programs

Tinig ng Pagtindig

Grapiks
Komiks : Buknoy # 10

Sipat : Pananghalian

Opinyon
It sort of hurts to remember your smile*

Shooting the President

Return to Sender

Time Check

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
   

Bagong chancellor ng Diliman, hihirangin na

Toni Tiemsin at John Alliage Tinio Morales
Philippine Collegian
Last updated January 24th, 2008

Dalawa ang pagpipilian upang maging susunod na chancellor ng UP Diliman, na irerekomenda ng pangulo ng UP sa pulong ng Board of Regents (BOR) sa Pebrero 29.

Kandidatong muli si UP Diliman Chancellor Sergio Cao, na tumanggap ng 50 nominasyon mula sa mga dekano, guro at ilang estudyante. Nominado rin si Prof. Maria Serena Diokno ng Departamento ng Kasaysayan na may tatlong nominasyon. Tinanggihan naman ni Prof. Ruben Defeo, direktor ng Diliman Information Office, ang nominasyon para sa posisyon. Noong 2005, lima ang naglaban para sa posisyon na napagwagian ni Cao.

Ang chancellor, na may terminong tatlong taon, ang nagsisilbing “punong ehekutibo at tagapamuno ng kaguruan.” Siya ang namamahala sa administrasyon, akademikong programa, usaping pang-estudyante, at multi-sektoral na relasyon ng isang UP unit.

Binuo ni UP President Emerlinda Roman noong Disyembre 19 ang isang search committee (SC), na may anim na kinatawan mula sa kaguruan, research, extension and professional staff (REPS), kawaning administratibo, at mga estudyante, para mangasiwa sa pagpili ng bagong chancellor at mangalap ng impormasyon hinggil sa mga nominado.

Hamon sa unibersidad
Ani Diokno, na nagsilbing UP vice president for administration mula 1999 hanggang 2005, nananatiling hamon ang patuloy na pagbaba ng subsidyo ng gobyerno sa unibersidad. Aniya sa kanyang vision paper, dapat umanong “labanan” ang pagturing sa unibersidad bilang “korporasyon” at ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon.

Dagdag ni Diokno, “The centenary is an opportune time to review and overhaul, if need be, rules and formal practices that nurture bureaucratic rather than innovative thinking.”

Ayon naman kay Cao sa kanyang vision paper, “[I] will continue to undertake initiatives to strengthen academic units, advance science and technology programs, increase the number of PhD holders, improve administrative efficiency, improve admission, generate additional resources and upgrade the welfare and benefits of faculty, staff and students.”

Kawalang kasiguraduhan
Kapwa sinang-ayunan nina Cao at Diokno na kailangang paigtingin ang kakayahan ng REPS at kawaning administratibo sa pananaliksik, sa konsultasyong ginanap para sa kanilang sektor noong Enero 23. Iminungkahi nina Cao at Diokno ang paglalatag ng “research agenda” sa pamantasan, pagbibigay ng pondo sa mga open grant at administrative development fund.

Ngunit, ani Clodualdo Cabrera, pangulo ng All UP Workers’ Union (AUPWU), higit pa sa pagpapalawak ng kakayahan sa pananaliksik, dapat ihapag ng mga nominado ang kanilang mga konkretong plano upang matugunan ang mababang sahod, kawalan ng benipisyo at seguridad sa trabaho ng mga empleyado at bigyang-solusyon ang hindi pagbibigay ng kanilang cost of living allowance.

Hiningi naman ni Leticia Tojos, unang bise-presidente ng REPS Association, ang suporta nina Cao at Diokno upang maisulong ang pagkakaroon ng sariling rehente ng REPS sa BOR.

Puna ni Cabrera, wala umanong posisyon ang mga nominado sa mga usapin ng komersiyalisasyon ng edukasyon at pribatisasyon at kontraktuwalisasyon sa pamantasan, lalo na’t nagbubunga ang mga palisiyang ito ng pagbabawas ng mga kawani.

“Hindi kami nakakasiguro na mapoprotektahan ang aming welfare (at) mukhang hindi maaasahan na maibibigay (ng mga nominado) ang nararapat para sa amin,” ani Cabrera, dahil umano sa “maka-administrasyong” posisyon nina Cao at Diokno sa mga suliranin ng UPD.

“Token process”
Ayon kay Prof. Judy Taguiwalo, tagapangulo ng All-UP Academic Employees’ Union, “Ang so-called consultative process para sa pagpili ng chancellor ay token process lang. Sa huli, BOR lang ang magdedesisyon.”

Batay sa memorandum na inilabas ni Roman noong Disyembre 5, siya ang pipili at magrerekomenda ng nominado, na aaprubahan naman ng BOR.

Ayon kay Student Regent Terry Ridon, bagamat bahagi ng prosesong administratibo ang pagrekomenda ng pangulo sa BOR, “mas maganda na UP community pa rin ang pipili kung sino ang magiging chancellor.”

Nakatakdang magsagawa ang SC ng mga forum at panayam para sa mga mag-aaral sa Enero 30 at para sa kaguruan sa Pebrero 11.# Philippine Collegian

<< back to home

 
 
   
 

 

   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1