Search
 
Philippine Collegian

Issue 23 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
13 Peb 1992
Banta ng
ebiksyon,
pangamba
ng mga
residente ng
San Vicente
Habang dumarami ang proyektong pinapatupad ng UP administrasyon, dumarami rin ang bilang ng pamilyang nabubuwag sa kanilang tirahan at kabuhayan.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Huwad na pag-unlad
Balita
Bagong UP Charter, pasado na sa bicam

Multisec dialogue, hindi dinaluhan ng admin

Media groups file 2 lawsuits vs gov't officials

RP Call Centers, OFWs to be Hit Worst by U.S. Slowdown

Pol killings, abductions may rise with Esperon's term extension

Lyceum calls off educ forum

Kultura

General Patronage

Mailap na Alternatibo

Lathalain
Silang Mapagpasya

Minority Report

Grapiks
Panagimpan

Sipat : Boxed Up

Opinyon
Remember Our Battles*

Demolishing people’s rights

Return to Sender

For Ma,

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
   

Danger zone

Sipat sa tunay na layunin sa North Science &
Technology Park

John Alliage Tinio Morales and
Antonio de Leon Tiemsin
Philippine Collegian
Last updated February 11th, 2008

Ang UP Diliman bilang isang “business process outsourcing (BPO) campus” ang hangad buuin ng Ayala Land, Inc. (ALI) sa pamamahala sa UP North Science & Technology Park (NSTP), na kasalukuyang itinatayo sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Ani UP President Emerlinda Roman, makatutulong ang mga pribadong korporasyong uupa sa NSTP sa pagsusulong ng pamantasan sa mga programang pangresearch and development (R&D), na inaasahang makalilikha ng mga bagong teknolohiyang magagamit ng mga korporasyon.

Ngunit puna ni Prop. Melania Abad, pangkalahatang kalihim ng All-UP Academic Employees Union, walang kasiguruhang pagtutuunan ng pansin ng mga uupang korporasyon ang paggamit sa mga pasilidad para sa pananaliksik. Dagdag niya, ang pagpapaupa ng mga lupain ng UP ay paraan upang lumikom ng karagdagang kita sa harap ng pababang subsidyo ng pamahalaan sa UP.

Para sa 25 taong paggamit ng ALI sa lupa ng UP, tinatayang tatanggap ang UP ng P4.236 bilyon, ayon sa kontratang pinirmahan ng UP at ALI noong Nobyembre 2006. Bago matapos ang taon, magbibigay na ang ALI sa UP ng P100 milyon bilang paunang bayad.

Sinumulan noong Marso 2007 ang konstruksyon ng mga gusali para sa bahagi ng NSTP na nakatalaga para sa information technology (IT), na sasakop sa 38.5 ektaryang lupain ng kabuuang 98.5 ektarya ng NSTP.

Multinasyunal na korporasyon sa UP
Nagsimula na ngayong Enero ang operasyon sa NSTP ng bangkong Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) na nakabase sa London, at software developer na International Business Machines (IBM) na nakabase sa Estados Unidos (EU). Hudyat ng
pagsisimula ng kontrata sa pagitan ng UP at ALI ang pagbubukas ng
mga kumpanyang ito.

Ayon kay UP Vice President for Development Ruperto Alonzo, mangungupahan na rin dito ang Pointwest Technologies Corporation, isang kumpanyang BPO na pangunahing nagsisilbi sa EU at
Japan. Nakatakda ring umupa ang Citibank na nakabase sa EU, ayon sa isang empleyado ng Makati Development Corporation, developer na pag-aari ng Ayala.

Pawang mga sub-lessee ng ALI ang mga kumpanya, at sa ALI sila magbabayad ng upa.

UP bilang “BPO campus”
Tunguhin ng ALI na maging pangunahing “BPO campus” sa bansa ang UPD, ani Marivic Añonuevo,
ikalawang tagapangulo ng Corporate Business Groups ng ALI, sa isang panayam.

Nauna nang naiulat na magtatayo ang HSBC ng dalawang gusali para sa call center na magbibigay serbisyo sa mga kumpanya nito sa
Europa, EU at Silangang Asya.

Batay sa development plan ng ALI, pangunahing uupa sa NSTP ng mga kumpanyang nakatuon sa IT, biotechnology, call center, software development, medical and legal transcription, animation, human resource at accounting services.

Sa taya ng pamunuan ng UP, aabot sa 40,000 ang malilikhang trabaho
ng bahaging IT ng NSTP.

Ayon sa ALI, magtatayo ng 10 gusaling pang-opisina, retail strip para sa kainan, bookstore at iba pang tindahan, at walong gusaling tirahan na bubuo sa isang “research and development community.” Aayusin din umano ang Asian Institute of Tourism (AIT) Hotel para sa mga negosyante at sa pagsasanay ng mga mag-aaral ng AIT.

Para naman sa biotechnology at educational technology ang dalawang natitirang bahagi ng NSTP, ani Alonzo. Napili ng BOR ang ALI mula sa dalawang kumpanyang nagbigay ng panukala sa UP para sa pagtatayo ng NSTP, matapos ang dalawang bigong bidding noong Mayo 2005.
Kasalukuyan namang pinamamahalaan ng Ayala Foundation Inc.
ang UP South South Science & Technology Park (SSTP).

Itinakda sa 1994 Land Use Plan ng UPD ang Commonwealth Property bilang business development at research zone, at ang kasulukuyang kinatatayuan ng SSTP bilang techno park. Idineklara din ng Philippine Economic Zone Authority ang dalawang S&T park bilang mga Special Economic Zone noong 2001.

Sariling-puhunan

Ayon kay Abad, sa pamamagitan ng pagpapaupa ng lupa, “lantarang” ipinapakita ng pamunuan ng pamantasan ang pag-asa sa
sarili nitong intelektuwal at pisikal na kapital upang matugunan ang
malaon nang bumubulusok na subsidyo ng pamahalaan ng UP. Sa katunayan, mas malaki pa umano ang makukuha ng UP kung igigiit nito
ang pagtaas ng pondo ng UP batay sa inflation, kaysa sa kikitain mula
sa NSTP na aabot lamang umano ng P170 milyon bawat taon.

Ani Rafael Antonio Dulce, tagapangulo ng Community Rights and
Welfare Committee ng University Student Council, sa halip na humingi
ang UP ang mataas na subsidyo, sa mga pribadong korporasyong
gaya ng ALI “naghahabol” ang UP. Nakaayon ito sa kagustuhan ng pamahalaan na gawing self-reliant ang UP at ibang pamantasan sa
bansa, dagdag niya.

Sa nakalipas na limang taon, aabot lamang sa kalahati ng panukalang badyet ng UP ang naibigay ng pamahalaan.

Ipinapagam it din ng pamantasan ang lupa nito para ipaupa sa mga
korporasyong pawang wala namang kinalaman sa pananaliksik, tulad ng
mga call center, at para pagtayuan ng mga di-pang-akademikong gusali
tulad ng hotel, komersiyal na pamilihan at pabahay, ani Dulce.

Pinasubalian naman ni Alonzo na pumasok ang pamantasan sa kasunduan
sa ALI dahil sa kakulangan ng subsidyo. Aniya, nasa plano na
ang pagtatayo ng S&T parks sa UP noon pa mang pamunuan ni dating
UP President Emil Javier.

“Ang taas ng risk factor kapag government ang magdedevelop,” ani Alonzo. Bukod sa mahaba umano ang proseso ng paghingi ng pondo upang maisakatuparan ang proyekto gaya ng NSTP, mas malaki pa rin umano ang kikitain ng UP sa NSTP kaysa sa SSTP, na nagbabayad sa UP ng P6 milyon lamang.

Talo sa kontrata

“Dehado” ang pamantasan sa kasunduan, ayon kay Student Regent Terry Ridon, sa kabila ng ng mga benepisyong matatanggap ng UP batay sa development plan ng
ALI. Masasakripisyo ang “research integrity” ng UP dahil mababahiran
na ng komersiyal na tunguhin ang mga pananaliksik, aniya.

Samantala, walang malinaw na probisyon sa kontrata ng NSTP para sa mga bunga ng pananaliksik. Batay sa desisyon ng BOR noong 2003, susunod ang pamantasan sa palisiya nito sa intellectual property rights, na nagsasabing nakasalalay ang pagmamay-ari sa patent at copyright ng mga imbensyon at pananaliksik sa magiging negosasyon ng pamantasan at ng
may-ari ng ginamit na pasilidad.

Para kay Dulce, madidiktahan ng korporasyong may hawak ng pinansiyal at pisikal na kapital ang pagsasagawa ng pananaliksik at paglikha ng teknolohiya. Pangunahin umanong ipagagawa sa mga mag-aaral at guro ang mga sekundaryang teknolohiya tulad ng computer software, na nangangailangan ng hardware na aangkatin pa sa ibang bansa.

“The S&T Park is envisioned to promote R&D linkages among academe, industry and government. This will hopefully make the Philippines more competitive in this area (R&D),” ani Roman,

Subalit ani Dulce, kung nais itaguyod ng pamahalaan ang pagpapasigla ng mga lokal na industriya, dapat nitong itaas ang paggastos sa agham at teknolohiya at R&D.

Noong nakaraang taon, 0.13 porsyento lamang ng gross domestic product ang alokasyon ng pamahalaan para sa R&D, na malayo sa 1 porsyentong panukala ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization.

Dagdag ni Abad, mapakikinabangan lamang umano ng mga banyagang korporasyon tulad ng HSBC at IBM ang mga teknolohiya at kagalingan ng UP, sapagkat wala namang lokal na industriya ng IT sa Pilipinas. # Philippine Collegian

<< back to home


Task Force Usig: 635 kaso ng pagpatay,
hindi totoo
 
John Alliage Tinio Morales
Philippine Collegian
Last updated February 10th, 2008
 

Hindi opisyal na kinikilala ng Task Force Usig (TFU) ang 635 kaso sa mahigit 800 bilang ng pulitikal na pamamaslang na naitala simula nang umupo sa kapangyarihan si Gloria Arroyo, dahil hindi umano pultikal ang motibo ng mga pagpatay.

Sinabi ng TFU, na binuo upang imbestigahan ang mga pagpatay, na 122 lamang ang masasabing “unexplained killings” mula sa tala ng grupong Karapatan simula noong 2001 at maisasama sa listahan ng task force. Samantala, 79 kaso ang patuloy iniimbestigahan ng TFU.

Sa isang pahayag noong Pebrero 3, sinabi ni Danilo Valero, katuwang na kalihim ng Department of Interior and Local Government, na dinadagdagan umano ng Karapatan ang listahan ng mga biktima upang iturong may kinalaman ang militar sa pagpatay.

Ngunit ani Marie Hilao-Enriquez, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, pinatutunayan umano ng hindi pagkilala ng TFU sa 635 kaso ng pagpatay ang kawalang-hustisya sa bansa at ang hindi pagkilos ng pamahalaan upang masolusyunan ang mga pagpatay.

Samantala, 219 na biktima ang walang kaugnayan sa mga militanteng grupo at nasa ilalim na ng imbestigasyon ng mga lokal na pulisya, ayon sa TFU. Kinumpirma ng TFU na buhay umano ang limang taong nauna nang naiulat ng Karapatan na mga napatay.

Hindi rin kinilala ng TFU ang 94 kaso na napatay umano sa lehitimong labanan ng militar, 24 na napatay ng New People’s Army (NPA) at 15 na napatay dahil sa trabaho o awayan sa lupa.

Samantala, 28 kaso ang hindi umano naiulat na insidente at 17 ang may “fictitious” na biktima. Inalis din sa listahan ang mga kasong may kinalaman umano sa suicide, rape, robbery, illegal drugs, gambling at squatting.

Kumpirmadong ugnayan
Giit ni Enriquez, kahit tinanggal ng TFU ang mga nasabing kaso, higit na pinagtibay umano ang kaugnayan ng hukbong sandatahan sa serye ng pamamaslang sa mga militante at mamamahayag matapos kumpirmahin ng TFU na mayroon ngang 122 kasong maikakabit sa militar.

“The government is obviously covering it up to displace state responsibility and accountability. It is a lame attempt to prevent the people to know that [extrajudicial killing] is systematic and a national state policy,” ani Enriquez.

Dagdag ni Enriquez, naisasagawa ang pamamaslang sa ilalim ng programang Oplan Bantay Laya, na naglalayon umanong patahimikin ang mga makakaliwang grupo.

Ayon sa internasyunal na batayan, maituturing na pulitikal ang pamamaslang kung isinagawa ito ng hukbong panseguridad ng estado, ani Enriquez. Puna pa niya, pilit umanong sinisira ng pamahalaan ang kredibilidad ng Karapatan sa halip na pangunahan ang imbestigasyon at hulihin ang mga militar na sangkot sa mga pagpatay.

Aniya, nauna na ring natukoy ang pananagutan ng militar sa ulat ni United Nations (UN) special rapporteur Philip Alston, at mga pagdinig ng Permanent People’s Tribunal sa The Netherlands, senado ng Estados Unidos at UN Human Rights Council.

3 bagong kaso ng pagpatay
Sa kabila ng pagpuna ng TFU sa “death list” ng Karapatan, tatlong bagong kaso ng pamamaslang ang naitala ng grupo noong nakaraang buwan. Aabot na sa 891 kaso ng pagpatay ang naitala mula 2001.

Pinatay si Pastor Filomino Catambis, miyembro ng United Church of Christ in the Philippines, ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaking sakay ng motorsiklo habang pauwi ang biktima sa kanyang bahay sa Abuyog, Leyte. Nagtamo si Catambis ng siyam na tama mula sa 9mm pistol, ayon sa Karapatan. Dalawang tama naman sa ulo ang pumatay kay Ronald Sendrijas, miyembro ng Samahan ng mga Ex-detainees Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya, sa Tagbilaran, Bohol noong Enero 17, na araw din ng kanyang kaarawan.

Matapos dukutin ng apat na araw, pinaghihinalaang pinatay din ng mga pulis si Tildo Rebamonte, isang karpintero, noong Enero 16 sa Claveria, Masbate.

Ayon sa Karapatan, pinaaamin si Rebamonte ng mahigit 20 pulis sa kaalaman niya sa lokasyon ng mga kampo ng NPA. Tinukoy ng pulisya na napatay umano si Rebamonte sa isang labanan sa pagitan ng pulis at mga miyembro ng NPA.# Philippine Collegian

<< back to home


UPD to change free day to Mondays
 
Jodee Agoncillo
Philippine Collegian
Last updated February 13th, 2008
 

In line with Gloria Arroyo's holiday economics, UP Diliman is set to move its no-class day from Wednesday to Monday to minimize the class days lost due to holidays, according to the Office of the University Registrar (OUR).

University Registrar Pamela Constantino said holiday economics makes majority of holidays movable to Mondays. Holidays falling on a Wednesday shall be celebrated on the Monday of the week, while those falling on a Sunday shall be celebrated on the Monday after, as mandated by Republic Act (RA) 9492.
Arroyo introduced in 2001 through RA 9492 the practice of shifting holiday observances to reduce disruption to business and production schedules, encourage domestic tourism and give employees long weekends.
Critics earlier said economic holidays might diminish the essence of celebrating holidays such as Independence Day and Labor Day. Other “movable holidays” include Bataan Day, National Heroes Day, Bonifacio Day and Rizal Day.

Constantino, meanwhile, said the OUR submitted last semester an academic calendar with Mondays off. Upon the approval of the UP President Emerlinda Roman, the new schedule shall be effective next semester.

All-UP Academic Employees Union President Judy Taguiwalo said that moving regular faculty meetings to Monday to give way to classes on Wednesdays would be more practical considering the number of holidays falling on Mondays.
According to University Student Council Chair Shahana Abdulwahid, the change in class schedule might not serve its original purpose of being a venue for research work and break to students.
"There must be breaks midweek where group meetings could be held. If Monday becomes a no-class day, it will seem to be part of weekend thus less convenient for group meetings," said Brendalyn Javier, a second engineering student.
Miriam College and UP Baguio have already implemented this proposed class schedule, said Constantino.# Philippine Collegian

<< back to home


Complaints hound SSB anew
 
Jerrie M. Abella
Philippine Collegian
Last updated February 12th, 2008
 

Allegations, ranging from drinking on duty to immoral conduct, once again hound members of the Special Services Brigade (SSB) designated around UP Diliman (UPD) supposedly to ensure safety in the campus.

In an undated resignation letter obtained by the Collegian, former SSB member Ramil Bayoneta alleged that certain members and officers of the SSB have been found to be drinking alcohol in their areas of duty inside the campus.

The letter also disclosed that on the night of the SSB’s Christmas party on December 23 of last year, two guest relations officers (GRO) were allegedly hired by the group’s officials to dance naked.

Implicated in the allegations are Sgt. Narciso Domino, head of the Supervisory Team for Private Security which handles the SSB, team leader Lawrence Mappala, and SSB Jeffrey Verona. The letter further stated that Domino allegedly handed the payment for the GROs to Verona.

Three other SSB members, who refused to be identified for reasons of security, have corroborated Bayoneta’s claims. Bayoneta also showed to the Collegian a video footage of the incident.

Domino, Mappala,and Verona denied Bayoneta’s claims.

Bayoneta’s resignation came after an altercation on the same night, involving him, Mappala, Verona, and assistant team leader Michael Recopuerto. Police reports show that Bayoneta went uncontrolled upon learning that he is set to be removed from the SSB.

In a Collegian interview, however, Bayoneta denied the reports, saying that Mappala, Verona, and Recopuerto started hitting him when he asked that the GROs be given their payment. The row resulted in Bayoneta stabbing Recopuerto.

Vice Chancellor for Community Affairs Cynthia Gregorio, meanwhile, said she has asked Domino to prepare a full report on the incident,which she has yet to receive as of presstime.

Gregorio added that she will also verify Bayoneta’s claims that some SSB members, including Mappala, report to work while drunk, and that anyone found guilty will immediately be dismissed.

Complaints were earlier raised against SSB from civilians who claimed they were illegaly arrested, beaten up, and threatened against. Student groups also revealed that some SSB members were former Marine soldiers.

The SSB, with members now numbering to about 60, was created in 2005 as a supplementary security agency to the UP Diliman Police. # Philippine Collegian

<< back to home


Kalahati ng ’08 budget, ipambabayad-utang
Pondo para sa social services, UP, ‘kulang na kulang pa rin’
 
Toni Tiemsin
Philippine Collegian
Last updated February 12th, 2008
 

Kalahati lamang ng P1.23 trilyong pambansang badyet ang magagamit ng gobyerno para sa mga pampublikong proyekto at serbisyo ngayong taon dahil P624.09 bilyon ang awtomatikong ipambabayad sa interes at prinsipal na utang ng bansa.

Pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang ganap na maisabatas ang General Appropriations Act ng 2008, na magkahiwalay nang niratipika ng Senado at Kamara noong Enero 28.

Ngayong taon, aabot sa P368.88 bilyon ang kabuuang ilalaan para sa batayang serbisyo, na mas malaki ng 30 porsyento kaysa 2007. Samantala, tatanggap ang UP ng P6 bilyon, ang pinakamalaki sa kasaysayan nito, kung tuluyang maaprubahan ang naunang ipinanukala ng Department of Budget and Management.

Ngunit ani Alvin Peters, pangkalahatang-kalihim ng National Union of Students of the Philippines, “No matter how many times Gloria Arroyo may boast of an increase in the social services budget, any significant increase in the real value remains to be seen. Maaaring nominally ay lumaki nga ang budget, pero malayo ito sa talagang kailangang halaga.”

Badyet ng social services
Sa pinag-isang panukalang badyet ng Senado at Kamara, sektor ng edukasyon ang tatanggap ng pinakamalaking pondo ngayong taon na aabot sa P158.6 bilyon. Naglaan ng P25.84 bilyon para sa sektor ng kalusugan, P29.16 bilyon sa agrikultura, at P94.72 bilyon sa pagtatayo ng mga imprastraktura.

Ayon sa taunang pag-aaral ng Kongreso hinggil sa badyet, sa ikalawang pagkakataon sa ilalim ng rehimeng Arroyo, tatanggap ng mas malaking pondo ang mga sektor ng edukasyon, pabahay at kalusugan, kaysa pambayad sa interes ng utang ng bansa. Nakatakdang magbayad ang gobyerno ngayong taon ng P295.75 bilyon para sa interes ng utang.

Aabot sa P328.34 bilyon ang ipambabayad ng gobyerno sa prinsipal ng utang nito.

Ani Peters, “malinaw namang hindi totoo na wala nang pondo [ang gobyerno]. Sa katunayan ay misappropriated ang pondo.”

Dagdag ni Antonio Tinio, tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers, “kapos na kapos pa rin” ang pondo ng gobyerno sa edukasyon. Aniya, “kailangang doblehin ang badyet sa edukasyon para maabot at matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga mamamayan.”

Ani Tinio, itinakda ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na katumbas ng anim na porsyento ng pambansang gross domestic product ang halagang dapat ilaan ng gobyerno para sa edukasyon, subalit hanggang 3 porsyento lamang umano ang inilalaan ng Pilipinas para rito.

Subsidyo ng UP, kapos pa rin
Samantala, malaki man ang maaaring tanggapin ng UP ngayong taon (sumangguni sa graph), maliit ito kaysa kailangang P11.54 bilyon ngayong taon ayon sa administrasyon ng UP.

Ayon kay UP President Emerlinda Roman, “Bagama’t malaki ang dagdag, hindi pa rin ito sapat para magawa natin ang lahat upang lalong mapabuti ang ating katayuan bilang [isang] pamantasan.”

Ani Vice President for Planning and Finance Ma. Concepcion Alfiler, “[The budget] is never enough.” Lumaki lamang umano ang panukalang badyet ng UP ngayong taon dahil na rin sa mga proyekto gaya ng National Science Complex at National Engineering Complex.

Patuloy naman ang fundraising ng administrasyon dahil sa kakulangan sa subsidyo, ayon kay Roman. Inaasahan din umano niyang mapagkukunan ng pondo ang science and technology parks sa UP.

Ngunit para kay Student Regent Terry Ridon, “For schools to generate income on its own does not exactly answer the problem of substandard instruction. It is always sufficient state subsidy that will answer the problem.”

Dagdag ni Tinio, “Higit na manganganib ang academic freedom kung nakasalalay ang pondo ng unibersidad sa pribadong sektor, sapagkat ang mga ito ay may pananagutan lamang sa kanilang sarili at sa kanilang pribadong interes.” # Philippine Collegian

<< back to home


Groups condemn violent dispersal, arrest at educ summit
 
Patricia Aireen Sarmiento
Philippine Collegian
Last updated February 13th, 2008
 
Various student and teacher groups condemned the violent dispersal of their protest during the start of the government-initiated education summit on January 31, which resulted in the arrest of 6 protesters and injured 23 others.

Arriving activist groups were pushed and hit with riot sticks in an immediate dispersal by police troops along Roxas Boulevard during the first of the two-day education summit held at the Manila Hotel.

“Walang kahit anumang attempt na makipag-negosasyon [ang mga pulis sa amin],” National Union of Students in the Philippines (NUSP) National President Alvin Peters said. “Basta na lamang kami marahas na dinisperse.”

The groups retreated to Luneta Park and discussed their critique of the ongoing summit, when the police troops again dispersed the demonstration. Injured individuals were taken to the Ospital ng Maynila, while those arrested were taken to the Manila Police District.

Protesters Joanna Rose Adenit and Emmanuel Montano of the Philippine Normal University, Crimson Laglera and Alvin Cerrano of the Polytechnic University of the Philippines, Arlo Cervantes of UP Diliman, and Vic del Rosario from Caloocan were detained for more than a day and were released on February 1 around 3 pm.

“Wala naman kaming intensyong masama dun sa ginawa naming pagpapahayag ng hinaing [ng] sektor ng edukasyon,” Adenit said.

“Ipinakita lamang ng kapulisan ang pagsupil nila sa karapatan ng mamamayan, partikular ‘yung pagsupil sa right to assemble,” Montano added.

In a statement, the organizers said the protest criticized the “non-inclusion of student and teacher representatives in the summit” and the “government’s general thrust of commercialization and privatization of education resulting in yearly budget cuts and deregulated tuition policy.”

Student and teacher groups such as the NUSP, Alliance of Concerned Teachers (ACT), College Editors Guild of the Philippines, Anakbayan, League of Filipino Students, and the Student Christian Movement of the Philippines organized the demonstration.

According to Antonio Tinio, chair of ACT who was also injured in the dispersal, the actions of the police violated provisions of the Batas Pambansa (BP) 880 or the Public Assembly Act of 1985, particularly the provision no maximum tolerance.

While the police claimed that the protesters had no permit to rally from the city government of Manila, Tinio said that BP880 allows assembly without permits on any freedom park, such as the Luneta Park.

“Balak namin mag-file ng administrative case sa Office of the Ombudsman laban sa mga pulis na sangkot sa marahas na pagbuwag sa hanay namin,” Peters said.# Philippine Collegian

<< back to home


Hagibis ng langis
Walang habas na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
 
Patricia Aireen Sarmiento
Philippine Collegian
Last updated February 10th, 2008
 
Bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa ilalim ng kanyang termino, nagpatawag si Gloria Arroyo ng isang “energy summit,” na umikot sa temang “$100 per Barrel: Crisis or Opportunity?” Sentro ng talakayan, na ginanap noong Enero 29-31 at Pebrero 5 sa SMX Convention Center ng Mall of Asia, ang pagpapanukala ng mga solusyon upang mapababa ang presyo ng langis, at maging ang presyo ng kuryente.

Agarang binuwag ng mga pulis ang protesta sa umpisa ng summit, kung saan patuloy na iginiit ng mga progresibong grupo ang kanilang mga panawagan upang matigil ang walang hintong pagtaas ng mga presyo ng mga produktong langis—ang pagpapawalang-bisa sa Oil Deregulation Law (ODL) at ang pagtatanggal ng 12 porsyentong Value Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo.

Sipatin ang mga talang magpapakita ng walang habas na pagtaas ng presyo ng produktong langis.

Pagtaas ng pamasahe
Presyo ng diesel noong Disyembre 2007: P36.10-P37.48 kada litro
Presyo ng diesel noong Enero 2007: P32.62 kada litro
Presyo ng diesel noong 2001: P13.82 kada litro
Presyo ng unleaded kada litro (Disyembre 2007): P42.65-P44.67
Kasalukuyang presyo ng 11-kg cylinder ng LPG: P594-P650
Kasalukuyang presyo ng langis sa international market: $100 kada bariles

Pamasahe sa jeep noong 2001 para sa unang apat na kilometro: P4
Dagdag sa pamasahe noong 2004: P1.50
Dagdag sa pamasahe noong 2005: P2
Kasalukuyang pamasahe sa jeep para sa unang apat na kilometro: P7.50
Ipinipetisyong bagong pamasahe sa jeep: P9

Tinatayang bilang ng pasahero ng isang jeepney driver kada araw: 300 tao
Kasalukuyang kita ng isang drayber sa isang araw: P2,250
Bilang ng litro ng diesel na nagagamit ng isang drayber ng jeep sa loob ng isang araw: 30 litro
Nagagastos ng isang jeepney driver sa pagpapa-gas sa isang araw (P36.10/litro): P1,083
Pang-araw-araw na ibinabayad ng drayber sa operator ng jeep: P600 hanggang P900
Maiuuwing kita ng drayber ng jeep: P267-P567

Dagdag na buwis
Sa pagtataya ng gobyerno, halagang mababawas sa kita nito kapag inalis ang 12 porsyentong VAT sa mga produktong langis: P52 bilyon
Halaga ng hindi nakokolekta ng gobyerno na corporate tax noong 2006 dahil sa tax evaders: P82 bilyon
Halaga ng hindi nakakalap na VAT ng gobyerno dahil sa hindi maayos na koleksyon: P57 bilyon
Halaga ng nababawas sa kita ng gobyerno dahil sa smuggling: P64 bilyon hanggang P174 bilyon
Hinihinalang halaga ng kickback sa kontrobersyal na ZTE broadband deal: $135 milyon o P5.49 bilyon
Ibababa ng presyo ng LPG pag nawala ang 12 porsyentong VAT: P60 kada 11-kg cylinder
Ibababa ng presyo ng gasolina pag nawala ang 12 porsyentong VAT: P4 kada litro

Deregulasyon sa presyo ng langis
Presyo ng diesel bago ipatupad ang ODL noong 1996: P3.98 kada litro
Presyo ng diesel nang simulang ipatupad ng ODL: P7.03 kada litro
Presyo ng diesel sa simula ng administrasyong Arroyo noong Enero 2001: P13.82
Porsyento ng pagtaas ng presyo ng langis mula nang ipasa ang ODL hanggang sa kasalukuyan: 535%
Overpricing na ginagawa ng mga lokal na kumpanya ng langis sa ilalim ng ODL ayon sa Ibon Foundation: P4.55 kada litro
Porsyento ng lokal na kumpanya ng langis na nananatili sa kontrol ng transnational companies: 90%
Kinikita ng mga lokal na kumpanya ng langis dahil sa overpricing simula noong 2003: P2.2 bilyon

Bagong batas, bagong pahirap?
Porsyento ng biodiesel na dapat ihalo sa langis ayon sa Biofuels Act of 2006: 1%
Porsyento ng bioethanol na dapat ihalo sa langis ayon sa batas: 5%
Bilang ng planta ng ethanol na kailangang itayo upang maabot ang itinakdang porsyento ng ihahalong biodiesel sa langis para sa buong Pilipinas: hindi bababa sa 25 planta
Bilang ng ektarya ng lupain na kailangan umano ng gobyerno para pagtaniman ng jatropha, ang halamang pagkukunan ng kinakailangang biodiesel: 2 milyong ektarya
Halaga na tinatayang gastusin sa pagpapatayo ng isang bioethanol plant: P2 bilyon
Nairatipikang badyet ng Pilipinas para sa 2008: P1.227 trilyon
Badyet na inilaan para sa Departamento ng Enerhiya: P4.3 bilyon # Philippine Collegian


Sanggunian: ibon.org, bulatlat.com, doe.gov.ph, inquirer.net

<< back to home

 
   
 
  Photo : Chris Imperial
   
 
   
   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1