Text-only version

AKDANG PANDIGMANG BAYAN

Listahan ng publikasyong pampanitikan at pansining
sa Bagong Demokratikong Rebolusyon 1968-2000

inihanda ng IPASA


PUBLIKASYON NG NAMUMUNONG ORGANO/KOMITE


cover Ulos 1978
Ulos. Pambansang Komisyon sa Kultura 1972-1974; Komite sa Propaganda, Maynila-Rizal 1974-75; Ispesyal na Komite sa Kultura, Komisyon sa Edukasyon at Propaganda 1978; 1980-84; Artista at Manunulat ng Sambayanan/National Democratic Front 1987, 1991, 1996; ARMAS/Partido Komunista ng Pilipinas 1999 Maikling kwento, tula, kanta, komiks, sanaysay, ilustrasyong biswal

EDITORYAL
"Mula sa masa, para sa masa: ang kultura ng rebolusyong Pilipino"
Ulos 1978, p28

Sinisimulan nating muli ang paglalabas ng Ulos bilang babasahing pangkultura para sa sambayanang Pilipino na nakikibaka laban sa patuloy na paghahari ng diktadurang Estados Unidos-Marcos.

Sa pamamagitan ng panitikan at guhit-larawan, hangad ng Ulos na patingkarin ang karanasan ng sambayanan sa pakikibaka, pagpapakasakit at pag-asa sa tagumpay ng rebolusyon para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya. Ang buhay ng masa, lalo na ng mga manggagawa at magsasaka na pangunahing nagsasabalikat sa rebolusyon, ay mayamang bukal na mapaghahanguan ng materyal ng mga manunulat, artista at iba pang manggagawang pangkultura para sa kanilang mga rebolusyonaryong likha.

Batay sa diwa ng proletaryong internasyunalismo, ililimbag din sa Ulos ang mga salin ng kwento at tula na naglalarawan ng rebolusyonaryong karanasan ng masa sa iba't ibang panig ng daigdig na nakikibaka laban sa imperyalismo, sosyal imperyalismo, kolonyalismo, pasismo, rasismo at iba pang klase ng reaksyon.

Dapat pagsilbihin ang ganitong mga likha sa pagsusulong ng rebolusyon ng sambayanan. Kaalinsabay ng pagpapaunlad ng isang pambansa, syentipiko at pangmasang kultura, kailangan ding bakahin ang kulturang pasista ng diktadura na iniluwal ng imperyalismong Amerikano at peudalismo at nagsisilbi sa mga ito.

Laban sa pagsulong ng mamamayan ang kulturang ipinangangalandakan at ipinalalaganap ng diktadurang EU-Marcos. Sa pamamagitan ng Cultural Center, Folk Arts Theater, "Green Revolution", Kabataang Barangay, radyo, telebisyon, pelikula, dyaryo at iba pa, pilit na pinagtatakpan ng diktadura ang paghihirap ng bansa, ang panunupil sa mamamayan at ang pag-aalsa ng buong sambayanan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Sa kasalukuyang yugto ng ating pakikibaka laban sa diktadurang EU-Marcos, ang rebolusyonaryong kultura ay yaong nagsisilbi sa pagpapalawak ng armadong pakikibaka at pambansang nagkakaisang prente para sa pagtatatag ng isang lipunang malaya at demokratiko.

Ang rebolusyonaryong kulturang ito ay pinapanday at hinahasa sa apoy at dugo ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino, para sa pakikibaka at tagumpay ng rebolusyong Pilipino.

Tungkol sa mga artikulo sa bilang na ito: Ang mga tulang "Ortelano: Ing Bayaning Era Balu," "Ausan daka, Kaluguran," at "Mag-alsa ka, Balen" na isinalin sa Pilipino ay nilikha ng mga Pulang mandirigma sa Gitnang Luson. Ang mga ito ay binibigkas sa mga pulong ng mga Pulang mandirigma at magsasaka sa mga sonang gerilya. Ang tulang "Alay sa Alaala ni Kasamang Freddie" ay binigkas sa isang pulong parangal-paggunita para kay Kasamang Wilfredo Gacosta, isang Pulang mandirigma at makata. Siya ay pinatay ng mga tropa ng diktadurang EU-Marcos noong Oktubre 3, 1977 sa Cabalwaon, Guinobatan, Albay. Ang kanyang tulang "Ang mga Kaibigan" ay mula sa kalipunan ng kanyang labindalawang tula na unang nalimbag noong 1976 sa pangalang Geronimo Dulongtimog. Ang maiikling kuwento sa seksyong Sa Kanayunan ay hinango sa mga tunay na pangyayari na nagaganap ngayon sa mga liblib na pook sa buong bansa. Ang kuwentong pambata, "Ang Dalawang Bata at ang Baril," ay sinulat ng isang rebolusyonaryong kasama at ina. Ang kuwentong

"Ang Anak" (1963) ay salin ng isang kuwento mula sa The Ivory Comb (1967), kalipunan ng mga rebolusyonaryong kuwento na nilikha ng mga manunulat na Biyetnames sa timog Biyetnam sa panahong nakikibaka ang buong bayan laban sa imperyalismong Amerikano at mga lokal na tuta nito. Ang likhang biswal sa pabalat ay tungkol sa paglilinis ng baril ng mga Pulang mandirigma sa piling ng masa, isang karaniwang tagpo sa mga sonang gerilya ng Bagong Hukbong Bayan.

Panawagan sa mga kasama at mambabasa: Ipadala sa kinauukulan ang mga kuwento, tula, dula, salin ng anumang akda, likhang biswal at nakatape na awit. Gayundin ang anumang puna para sa pagpapahusay ng ating babasahin. Buong-puso naming tatanggapin ang anumang kontribusyong pampinansya, papel, tinta, masking tape at iba pang tulong na materyal at pasilidad upang matiyak ang regular na paglalabas ng Ulos.


REVIEW
(of Ulos 3, Sept 1983)
Edel Lector, "Children of the revolution"
Liberation, April-May 1984, p27

While the Philippine neocolonial culture festers in all its glittering decadence - lionized bourgeois literature, expensive dinner theater, barefaced Broadway imitations - and sickening perversion - Manila Film Center's Malacanang-sanctioned pornography, smut magazines, pandering "court poetry" - the new revolutionary culture that even now presents visions of the future is being forged by the writers and artists of the people.

One achievement in this relentless, subtle field of struggle is Ulos, which describes itself as "the national cultural magazine of the Philippine revolution." That it manages to come a little late each time is less an indication of the intensity of creative output than of logistical limitations.

One recalls having come across Ulos right after the declaration of martial law. Then, it had been in mimeographed form, long size, with a full complement of penetrating analyses of and exposes on the pretentious "culture" of the new-fascist "Bagong Lipunan," plus potent protest poetry and stories evoking images of a society resisting the onslaught of a new dark age in Philippine history. The old Ulos disappeared, but in its new form, it now carries gripping, alternately harrowing, and triumphant, and always well-written (or well-translated) narrative accounts of the people's war in the Philippine counryside. The advance of the revolution itself has determined the thrust and content of our new revolutionary literature. With each resounding victory - big or small - that they chalk up, the New People's Army, the people's militia, the armed partisans, and their great mass base are furthering the cause of the national democratic revolution, in the process bringing about numerous instances of sacrifice, martyrdom, and courageous heroism.

Ulos #3 is a very special issue. It recounts the unforgettable deeds of children and youth actively taking part in the revolution. Because any revolution, in the final analysis, is waged for the sake of the fatherland's children and the future they shall inherit, their conscious and full-hearted participation makes for the most moving accounts of human courage, especially when they triumph over more than "man-sized" odds. The little couriers of today are almost assuredly the Red fighters of tomorrow.

The magazine contains vignettes, short stories, an illustrated story, a narrative account, poetry, a song, and an essay on revolutionary art and literature among the peasantry. What an appropriate counterculture to the proliferating new fascist tripe masquerading as culture!

The four vignettes are collectively titled "Mga Bata sa Sonang Gerilya." In "Si Marcial," a peasant lad is badly roughed up by a squad of AFP soldiers and his dog slain and devoured by them. Threatened with reprisals against his family should he report their presence in the area, Marcial thinks long and hard, then remembers his father's constant admonition: "News must be relayed to our comrades at once. Any delay can only harm them and the masses." Marcial makes up his mind. Unmindful of the heat and the distance, overcoming his fear of the AFP devils, harboring a contempt for their inhuman ways, Marcial trudges up the mountain to the guerrilla camp.

In "Si Violy," a lass and her friends realize they are the only hope for getting medicine and supplies through a checkpoint. The adults are being stopped, harassed and punished. Violy thinks up an ingenious way: she and the other girls conceal the much-needed things in their underwear. They are almost stopped at the checkpoint. But they eventually make it.

In "Si Totoy," a strapling of a courier likewise discovers a method of getting a crucial letter past menacing armed men who have posted themselves in front of a school. Totoy rolls the letter around a flat stone around which he wraps a coconut leaf. He pretends to be nonchalantly throwing the stone about and picking it up again, till he and the letter are out of danger.

In "Si Dante," a barrio lad confronts a dilemma: he's one of those unfortunates who have government soldiers for relatives. In Dante's case, he discovers that his uncle, a PC trooper, has notches on his M-14 rifle, with names of places in the country where he has fought against the people's revolutionaries. Dante decides. He wraps up the M-14 in a sack and spirits it away, bringing it over to the NPA fighters.

The most harrowing true account in Ulos is that of Mila and Bebe, children of a peasant couple in Samar, who become victims of an insane "thrill-killing" by bloodthirsty and loot-hungry AFP troopers who murder their mother and chase their father away. Bebe himself is wounded in the face. Mila summons up all her strength and courage to find help for Bebe and their dying mother. Unable to do so, Mila is finally left alone to care for a grievously wounded brother. The future looks bleak, but even in the midst of tragedy, hope can spring eternal. All around them grow lush the pregnant ricestalks, symbol of triumph over vicissitude.

It is impossible to remain unmoved, uninspired by these vignettes and stories. Reading them, one realizes that the real-life drama going on in the countryside, and recounted in a brisk, simple, but heart-tugging suspense, throbbing action, and very decisive endings.

The use of full illustration (as in the comics) in at least one story is an advantage. It makes for variety and reader appeal, especially for the very young. The story chosen here is, of course, what attracts most, being all about Magno, the "Boy Revolutionary," who starts out very young in his commitment to serve the masses. The visual technique and the meaningful content of stories like this one show a possible path towards the day when we shall be free of inane, escapist, profit-motivated, sexist pulp magazines propagating feudal values and arousing mere animal instincts.

There is only one criticism one could lay on Ulos #3. The short story by Kris Montañez, "Karne," which is about the awakening of Ador and the punishment of his stepfather, seems inappropriate. The only allusion to karne in the story is dogmeat. Unless the author meant laman, to signify relationships. But the story itself is powerful, and compares favorably - in terms of plot - with "literary" short stories.

The strength and beauty of the new Ulos lies in its being comprehensive. It includes literature, artwork, and folk tradition (like the "ismayling" song composition of Ka Arnol). The Ulos covers, in fact, are beginning to make their presence felt in the art world.

One is tempted to look forward to that day when the Ulos and like magazines and publications shall be read by young and old from island to island, weapons in a vast literacy struggle that shall be waged by countless comrades in a victorious revolution.

In the meantime, try to get hold of one, reproduce it, translate it, pass it around, send it out to people who value literature and liberation.


PAGBATI
"Kumpasin ang ibayong pagsulong!"
Ka Beltran, Tagapagsalita, NDF-Timog Quezon
Ulos 1991, mp11-13

Ang lahatang-panig na pagpapaunlad ng rebolusyonaryong pagkilos, sa kabila ng mababangis na operasyong kontrainsureksyon, ay walang humpay na nag-iibayo. Ito'y isang panlipunang katotohanang nagaganap sa buong bansa, halimbawa'y sa isang parte ng lalawigang Quezon na tinaguriang Timog Quezon.

Matagumpay na naitatag ang larangang gerilya sa Timog Quezon noong bandang kalagitnaan ng dekada 80, matapos biguin ng pwersang rebolusyonaryo ang buktot na Oplan Cadena de Amor na kaaway sa border ng Quezon at Bikol.

Mula 1985 hanggang 1988, relatibong bumagal ang lahatang-panig na rebolusyonaryong pag-unlad sa larangang gerilya dahil sa di wastong paghawak sa ilang suliraning internal at sa pakanang "gradual constriction" ng rehimeng US-Aquino.

Ang mga taong 1989-1990 ay kinatangian ng pagpapanatili ng kritikal na lakas at muling pagsikad ng rebolusyon sa Timog Quezon. Sa panahong ito inilunsad ang Batayang Kursong Militar, Batayang Kursong Opisyal at Kadre Iskul. Inilimbag at pinalaganap ang ilang dokumento ng Partido na tumatalakay sa pakanang "gradual constriction" ng kaaway at kung paano mabisang malalabanan ang naturang pakana. Panimulang nilagom ang karanasan sa implementasyon ng rebolusyong agraryo, at muling sumikad ang kampanya. Binigyang-diin ang proseso ng reaktibasyon ng mga saligang organisasyong masa. Isinilang ang Diklap, ang rebolusyonaryong pangmasang pahayagan ng Komite sa Larangang Gerilya ng Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Quezon. Pinaputok ng naturang pahayagan ang mga isyung pampakilos sa masa.

Panahon din ito ng pagbabalangkas ng mga beteranong kadre ng kinauukulang gabay para sa gitgitang labanan sa mga rekon erya [Talababa: reconstruction area, lugar sa larangang gerilya kung saan muling binubuo at ibinubwelo ang mga saligang organisasyong masa] at para sa ibayong konsolidasyon ng pampulitikang kapangyarihan sa mga baseng gerilya. Tinutukan na rin ng pansin ang gawaing sosyo-ekonomiko. Ang serye ng pampulitikang mobilisasyon ng masa, kapwa sa kanayunan at kabisera ng Timog Quezon, ay lumikha ng matinding ligalig sa lokal na poder ng estado. Tinatayang lakas-kumpanya ang panagupang pwersa ng AFP-Southern Luzon Command na pautay-utay na dinurog ng mga operasyong anihilatibo at atritibo ng Bagong Hukbong Bayan. Ang sining ng digmang bayan sa Timog Quezon ay itinatanghal sa dramatikong pagkakaisa ng mga isip at puso ng magigiting na pwersang rebolusyonaryo at masang bumabangon.

Tunay na napapanahon ang ginanap na pagsasanay sa larangan ng gawaing sining at panitikan sa pagtataguyod ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS). Ang kumpas ng lahatang-panig na rebolusyonaryong pagkilos dito sa Timog Quezon ay lumampas na sa yugto ng preserbasyon-sa-sarili, banayad na pag-unlad at pagsikad. Nasa yugto na ito ngayon ng bweladong pagkilos sa lahat ng panig ng nag-iibayong pakikibaka. Dapat ilunsad ng mga aktibista at kadreng kultural, na mapapalitaw at malilinang na mga balangay ng ARMAS sa Timog Quezon, ang kinakailangang kumpas ng martsa ng ibayong pagsulong.

Dapat isatula ang maniningning na tagumpay sa pagbubuo ng mga organisasyong masa at ng NDF sa antas munisipalidad. Dapat isaawit ang pagsulong ng rebolusyong agraryo at mobilisasyong pampulitika. Dapat isayaw ang mga opensibong laban ng Bagong Hukbong Bayan. Dapat isadula ang malatrahedyang buhay ng mamamayan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino at ibandera ang kanilang militansya. Dapat isakwento ang libulibong sakripisyo at peligrong sinusuong ng nagkakaisang paninindigan ng masa.

Sapagkat ang diwang palaban ng masa ay pinatitingkad ng mga baril at mga pluma.


PAMBUNGAD
Patnugutan
Ulos, Disyembre 1996
("Alay kay Kasamang Romulo A. Sandoval, Hulyo 26, 1950-Pebrero 8, 1997") mp5-8

Muling inilalathala ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS) ang Ulos sa pamamagitan ng ispesyal na isyung ito. Nadadagdagan ang kabuluhan ng paglalabas nito dahil sa dalawang mahalaga't magkaugnay na okasyon sa kasaysayan ng Rebolusyong Pilipino.

Una, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang Sentenaryo ng Rebolusyong 1896. Naging mainam na pagkakataon ang okasyong ito para sariwain natin at higit na panghawakan ang mga aral na hango sa magiting na pakikibaka ng masang Pilipino at ng kanilang tunay na mga lider. Sa kasalukuyang panahon, ikinakawing ang mga aral na ito sa patuloy nating pagpupunyagi sa armadong pakikibaka, sa ilalim ng matatag na makauring pamumuno ng proletaryong Pilipino, hanggang sa makamit ang pambansa't panlipunang paglaya ng sambayanan.

Pangalawa, inilalathala ang ispesyal na isyung ito sa gitna ng masiglang pagsulong ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ng rebolusyonaryong kilusan. Apat na taon na ang nakakaraan mula nang ilunsad ito at nananatiling buo ang loob ng rebolusyonaryong pwersa na tuparin ang mga itinakdang tungkulin nang sa gayo'y matiyak na patuloy na lalakas ang rebolusyonaryong kilusan.

Bilang dyornal ng malikhaing panulat na nagsisilbi sa pambansa-demokratikong kilusan, patuloy na mag-aambag ang Ulos sa paglalarawan ng iba't ibang kulay at galaw ng buhay sa rebolusyon sa pamamagitan ng mga obrang pampanitikan at pansining. Hangad nitong maging daluyan ng ekspresyong pangkultura ng mga kadre, Pulang mandirigma, aktibistang masa, at pati ng mga alyado ng Rebolusyong Pilipino.

Sa isyung ito, nagtatagpo ang mga manunulat ng iba't ibang henerasyon. Pinangungunahan ni Crisanto Evangelista (1887-1942) ang listahan. Lingid sa marami, katangi-tanging mananaludtod ang tagapagtatag na pangulo ng Partido Komunista ng Pilipinas (1930). Ang pangungulila sa sariling bayan naman ang handog na tula ni Jose Maria Sison ("Sometimes, the Heart Yearns for Mangoes"), ang tagapagtatag na pangulo ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLKMZ). Nagpugay naman siya sa Kaisipang Mao Zedong sa tulang "The Giant Oak."

Ang gunita at hinagpis ng isang mandirigma ng Katipunan ang dumaloy sa kwentong "Ingkong Belong" ni Ruth Firmeza, isang makaranasang manunulat at mandirigma mula sa Hilagang Luson. Ang hiraya naman ng pag-aalay ng panahon at buhay ang binigyang-hugis at kulay ni Felipe Feleo sa kwentong "Pag-aalay."

Nariyan din ang mga nakagisnang tema ng pambansa-demokratikong kilusan tulad ng kamatayan ("Engkwentro" ni Simplicio Madlangbayan; "Panambitan" ni Luna Luz) o ang magkatuwang na pagmamahal at paglingap sa kasama at sa bayan ("Sa Mutya ng Kalayaan" ni Grace Fuerza). Ngunit mayron ding mga bagong materyal na luwal ng mga karanasan ng mga kasama sa ilalim ng kilusang pagwawasto. Sa tulang "Kapag Nagpupulong," binigyan ng panibagong sipat ni Simplicio Madlangbayan ang mga nakagisnang ritwal sa kilusan, tulad ng pagpupulong, pag-aaral, pagtatalakayambuhay at pagpupunahan. Nariyan din ang testimonya ni Ka Bagani ("Ang Pagpupunyaging Magwasto ay Gawaing Mahirap, Ngunit Dakila"), na naglalarawan ng mga natamong tagumpay sa gawaing rekoberi kaugnay ng kilusang pagwawasto.

Lunsod at nayon, manggagawa at magsasaka, petiburges at batayang masa - ilan lamang ito sa mga elementong nagtatagpo't nag-uugnayan sa mga obra sa isyung ito. Bagama't iba't ibang karanasan ang madadalumat sa mga akdang nakapaloob dito, ang lahat ay inaasahang makakapag-ambag sa rebolusyonaryong sensibilidad ng ating panahon.

Inaasahang magiging masigla ang pagsusulat ng mga kasama lalo pa't maraming karanasang iniluluwal ang pagpapanibagong-lakas ng rebolusyonaryong kilusan. Inaasahang higit pang yayabong ang malikhaing panulat sa kagyat na hinaharap.

Higit sa lahat, sisikaping maging tuluy-tuloy ang paglilimbag ng Ulos at paglalabas ng iba pang anyo ng rebolusyonaryong panitikan. Maisasakatuparan lamang ito sa pamamagitan ng malugod na suporta at masugid na partisipasyon ng mga kasama at ng malawak na masa.


cover DSDW 1972Dare to Struggle, Dare to Win. Pambansang Komisyon sa Kultura, 1973 Tatlong labas. Sanaysay, maikling kwento at tula para sa panggitnang pwersa


Panitikang Pilipino. Lupon para sa Rebolusyonaryong Panitikang Pilipino, 1975 Dalawang labas. Tula, kwento, dula mula sa digmang bayan at kilusang welga


cover




Geronimo Dulongtimog [Wilfredo Gacosta], Mga Tula ng Isang Pulang Mandirigma. Lunsod Quezon, Disyembre 1976. Mimyo, wp

PARANGAL
(Makinilyadong kopya ng orihinal na dokumento,
walang nakapangalang organo, walang petsa)

Noong ikatatlo ng Oktubre [1977], sa ganap na ikatlo at kalahati ng hapon, si Kasamang Wilfredo Gacosta ay namatay sa isang engkuwentro laban sa mga pasistang tropa. Naganap ito ilang oras matapos gampanan ang isang espesyal na tungkuling iniatas sa kanya ng Kal/AHKBk.

Si Kasamang Nards ay namatay na isang rebolusyonaryong martir. Higit na ninais niyang harapin ang mga pasistang tropa kaysa sumuko sa mga ito. Buong giting niyang hinarap ang mga angil ng mga punlong ibinuga ng mga baril ng mga pasista sa kabila ng gipit na kalagayang kinalagyan niya sa mga oras na iyon. Minatamis pa niya ang mamatay nang lumalaban. Sa katunaya'y nagsikap pa siyang lansihin ang kaaway hanggang sa huling hibla ng kanyang buhay upang di na makakuha pa ang mga ito ng dagdag na impormasyon laban sa Partido, rebolusyon at sambayanan. Hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga ay ipinamalas niya ang kanyang rebolusyonaryong kagitingan at katapangan.

Sariwain natin ang buhay at pagkatao, ang mga rebolusyonaryong ambag at aral na iniwan sa atin ni Kasamang Nards.

Si Kasamang Nards ay nagmula sa isang pabagsak nang saray ng panggitnang petiburgesiya. Siya ay isang may mababang sahod na propesyonal bago lubusang lumahok sa rebolusyonaryong kilusan at bago naging kasapi ng Partido. Ipinanganak siya sa bayan ng Barcelona, lalawigan ng Sorsogon. Sa lalawigang ito nagsimula ang paglahok ni Kasamang Nards sa rebolusyonaryong kilusan.

Taglay ang militanteng diwa ng pagmamalasakit sa kapakanan ng masa, isa si Ka Nards sa mga masigasig na bumatikos sa mga katiwaliang ginagawa ng mga lokal na burukratang kapitalista sa lalawigan. Kasama siya sa mga kasaping tagapagtatag ng isang samahang nagnais ng pagbabago laban sa mga kabulukan ng pamahalaan. Ang samahang ito'y bumandila sa pangalang Pagkasararo Kan Kaakiang Demokratiko sa Sorsogon o PKDS.

Sa pagsulong ng rebolusyong pangkultura kaugnay ng Unang Rebolusyonaryong Sigwa ng taong 1970, ang KPDS ay isa mga samahang di nag-atubiling sumanib sa Kabataang Makabayan sa ilalim ng pangalang Lakas ng Kabataang Sorsogon (LAKAS). Malaking tulong ang nagawa ni Ka Nards upang matransporma ang PKDS bilang isang repormistang samahan tungo sa isang rebolusyonaryong samahan. Si Ka Nards ay isa sa mga naging masigasig na aktibista ng KM sa lalawigan. Matapos ang matiyagang pag-aaral niya ng mga prinsipyo ng lipunan at rebolusyong Pilipino, walang sawa siyang nanguna sa paglelektura ukol dito. Sa pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa ng lalawigan ay walang humpay siyang nagpropaganda bilang tagapagsalita sa mga demonstrasyon-rali, patnugot sa mga rebolusyonaryong pahayagan at bilang pangkulturang aktibistang laging lumalahok sa mga pangkulturang pagtatanghal.

Tumayo din siya bilang kalihim ng KM sa antas ng munisipalidad at lalawigan. Maraming mga balangay ng KM ang naitayo sa baryo, komunidad at paaralan sa kanyang pangunguna. Taglay ang diwa ng paglilingkod sa sambayanan ay sinikap ni Ka Nards na pandayin ang kanyang sarili sa rebolusyonaryong pakikibaka. Sa mga panahong ito'y buong sigla na siyang lumahok sa gawaing pangmasa sa kanayunan. Mulat na si Ka Nards sa kahalagahan ng pagbabago ng kanyang petiburges na paninindigan, pananaw at pamamaraan upang higit na maging karapatdapat ang kanyang paglilingkod sa sambayanan. Ang rebolusyonaryong kasigasigan ni Ka Nards ang naging daan upang buong lugod siyang tanggapin ng Partido bilang kandidatong kasapi nito noong Setyembre 1971. Sa katunayan, makaraan lamang ang anim na buwan ay agad siyang pinasumpa bilang ganap na kasapi ng Partido. Ang pagiging kasapi ng Partido ay lalong nagbigay-lakas upang buong sigasig na gampanan niya ang anumang tungkuling iniatas sa kanya ng Partido.

Bilang KK ay ginampanan niya ang tungkulin bilang pangalawang kalihim sa edukasyon ng PVC-Sorsogon. Pagkasumpa bilang GK [ganap na kasapi] ay agad siyang naiangat bilang patnugot ng SRIB (Subregional Instructors Bureau). Sa panahong ito'y walang kapagurang ginampanan niya ang pangunguna sa gawaing pagtuturo upang masandatahan ng mga prinsipyo ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tse-tung ang mga kadre at kasapi ng Partido sa subrehiyon ng Kabikulan. Kasabay ng pagiging patnugot ng SRIB ay napaloob siya sa PVC-Sorsogon bilang muling pangalawang kalihim sa edukasyon. Hanggang sa dumating ang panahong siya na ang tumayong kalihim ng nasabing PVC. Sa paggampan niya sa mga pampartidong gawaing nabanggit ay minabuti niyang gugulin ang halos lahat ng kanyang panahon sa pakikipamuhay sa mga magsasaka sa kanayunan. Isa siya sa mga nagtaguyod ng linyang ang mga lider ng Partido sa rehiyon ay dapat bumase sa kanayunan bilang pangunahing larangang kinikilusan. Isa siya sa mga matiyagang pumuna sa mga lideratong mahilig bumase sa mga siyudad dahil lamang sa mga karangyaang naibibigay nito. Isa siya sa mga buhay na halimbawa ng isang namumunong kadre ng Partido na di natakot harapin ang kahirapan at pagpapakasakit sa pagkilos sa hanay ng mga maralitang magsasaka sa kanayunan. Sa kabila ng mga administratibong gawaing kanyang ginampanan ay sinikap niyang mahigpit na makipag-ugnayan sa masa. Tumulong siya sa pagbubuo ng sangay sa isang baryo at sa pagpapatatag nito. Malaking tulong din ang kanyang iniambag sa pagtatayo ng rebolusyonaryong base sa lalawigan sa gitna ng itinakdang sentral na distrito nito.

Nang dumating ang panahon ng pangwawasak sa Partido at Hukbo na ginawa ng mga oportunistang taksil na pangkating Gapud-Sanchez-Espinas-Bautista-(Roberto) Labitag, ay isa si Ka Nards sa mga nanguna upang muling patatagin at palawakin ang Partido at hukbong bayan sa lalawigan ng Sorsogon. Pinangunahan niya ang pagtatakwil sa mga oportunistang linyang palasuko ng taksil na pangkating Sanchez-Gapus-Bautista-(Roberto) Labitag. Sinikap niyang saluhin ang mga nalalabi pang puwersa na katulad niya'y nagpakatatag sa gitna ng mapangwasak na unos na isinagawa ng kaaway laban sa Partido, rebolusyon at sambayanan.

Sa gitna ng mga naganap na kaguluhan ay sinikap ni Ka Nards na umugnay sa Komite Sentral kaugnay ng pagnanais niyang muling ibangon at manatiling nakawagayway ang bandilang pula sa Sorsogon. Isinagawa niya ito sa kabila ng kalagayang nalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Matapos ang matagumpay na pakikipagkonsultahan sa ilang kagawad ng KT/KS ay hinirang siya nito upang maging kagawad ng AHKBk. Isa siya sa naatasang buuin ang panrehiyong organisasyon ng Partido sa Kabikulan.

Ginampanan niya ang tungkulin bilang pangalawang kalihim sa edukasyon at pagkaraan ng ilang krisis, sa organisasyon ng AHKBk. Buong sigasig siyang tumulong upang maitatag ang panrehiyong organisasyon ng Partido sa rehiyon. Hindi mapasusubalian ang naging ambag niya sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa rehiyon. Sa panahong ito'y nakasama niya sa pagkilos ang kanyang asawa na isa ring kadre ng Partido. Malaking tulong ang kanyang nagawa upang patuloy na magpakatatag ang kanyang kasamang-asawa na isa sa mga naging bunga ng kanyang walang pagod na pag-oorganisa sa lahat ng mga motibong puwersa ng rebolusyon. Sa kabila ng maraming hirap na nakaharap niya sa paggampan ng tungkuling nabanggit ay patuloy na nagpakatatag si Ka Nards hanggang sa sapitin niya ang isang dakila at marangal na kamatayan.

Si Ka Nards ay namatay na isang tunay na komunista. Isang komunistang taos-pusong naglingkod sa sambayanan hanggang kamatayan.

Ang kamatayan ni Ka Nards ay isang dakila at marangal na kamatayan dahil namatay siyang taglay ang kapakanan ng Partido, rebolusyon at sambayanan.

Malaking kawalan ng Partido sa rehiyon ang pagkamatay ni Ka Nards. Tunay na ang kamatayan niya'y kasimbigat ng isang bundok. Isinisigaw ng ating mga damdamin ang katotohanang ito kaya't di natin maiiwasan ang lumuha at mamighati, subalit nararapat lamang na ibaling ang mga pagluha at pamimighating ito sa rebolusyonaryong katapangan.

Libu-libo nang martir ang nag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa mga kapakanan ng sambayanan. Itaas natin ang kanilang bandila at sumulong sa landas na tigmak ng kanilang dugo!

Papag-alabin ng dugong inialay ni Ka Nards alang-alang sa sambayanan ang ating rebolusyonaryong damdamin. Higit nating patatagin ang ating proletaryong rebolusyonaryong paninindigan, pananaw at pamamaraan!

Si Ka Nards ay namatay upang mabuhay nang walang hanggan. Nakitil man ang kanyang hininga, at maagnas man ang kanyang katawan, mananatiling buhay at gabay ang mga rebolusyonaryong ambag at aral na iniwan niya sa atin hanggang sa tagumpay!

Mabuhay ang PKP!
Mabuhay ang BHB!
Mabuhay ang DRB!
Mabuhay ang masang Pilipino!
Ibaling ang pamimighati sa rebolusyonaryong katapangan!


cover of Kamao 1978, 1-2




Kamao. Komite sa Propaganda sa Maynila-Rizal, 1978-1980
Limang labas. Maikling kwento, tula at ilustrasyong biswal para sa mga manggagawa


cover




Felipe Granrojo, Sky Rose. Unang limbag 1979, The Netherlands. Davao: Buhilaman Publications, 1991. 28bp
Maikling kwento tungkol sa unang iskwad ng Bagong Hukbong Bayan na nabuo at kumilos sa kabundukan ng Davao


cover Hulagpos


Mano de Verdades Posadas, Hulagpos. Palimbagang Kubli, 1980. 268bp. Potoistensil
Nobela tungkol sa pagkamulat ng isang petiburges na intelektwal sa kalagayan ng bansa sa panahon ng batas militar, at ang pagpapasyang lumahok sa digmang bayan

PABATID
"Lumabas na ang Hulagpos,
nobela ukol sa kasalukuyang rebolusyon"
Ang Bayan, Enero 15, 1981, mp12-13

Ang Hulagpos nina Mano de Verdades Posadas ay ang kauna-unahang inilimbag na nobela tungkol sa pambansa-demokratikong rebolusyon sa panahon ng pasistang batas militar na isinulat ng aktwal na kalahok sa rebolusyonaryong pakikibaka.

Layon nitong tumulong sa pagsusulong sa kamalayang pampulitika ng mga mambabasa nito, at sa gayo'y hinihimok silang lumahok nang mas makahulugan at mabisa sa rebolusyonaryong kilusang masa sa kanayunan at kalunsuran ng Pilipinas.

Bilang isang nauunang hakbang sa tamang direksyon, inaasahang magbibigay rin ang nobela ng inspirasyon sa mga manggagawang pangkultura sa paglikha ng bago at mas makabuluhang mga akda sa sining at panitikan sa pamamagitan ng direktang paglahok sa rebolusyon at paghango mula rito ng mga "karanasan, damdamin at kaisipan" ng mamamayang Pilipinong nakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Komprehensibong binibigyang-liwanag ng nobela ang buong pwersa, paraan at programa ng rebolusyong pambansa-demokratiko, at ang pag-unlad ng pakikibakang masa sa iba-ibang larangan sa buong bansa sa isang tiyak na panahon, noong 1974-75.

IBA-IBANG KLASE NG PIITAN. Kahit na maraming tauhan, pangyayari at ideya ang sakop ng nobela, lahat ay napagkakawing-kawing at napag-iisa sa tema ng pagbaka at paghulagpos sa iba-ibang klaseng bilangguan, maging ito ma'y ang pagkamakasarili ng indibidwal o ang bulok na sistemang panlipunan mismo na kasalukuyang naghahari.

Sa pagkarami-rami ng mga kwento sa nobela, tampok ang tungkol kay Juan Crisostomo Guevarra, o Tommy, isang petiburges na intelektwal na kauuwi lamang sa Pilipinas matapos ang dalawang taong pag-aaral ng journalism sa Estados Unidos. Mula sa isang tipikal na petiburges na may makitid na pananaw sa mga realidad ng lipunan, umunlad ang kanyang pag-unawa sa lipunan at rebolusyong Pilipino hanggang siya'y magdesisyong lumahok sa prinsipal na anyo ng pakikibaka sa rebolusyon - ang sandatahang pakikibaka sa kanayunan.

Ang balangkas na ito ng nobela ay pinatitingkad ng pagkilos ng mga pwersa ng rebolusyong Pilipino - ang mga manggagawa't magsasaka, maralita ng lunsod, estudyante't propesor, pambansang minorya at pambansang burges. Nagpupunyagi silang magpalawak ng sariling kamulatan, magpakatatag at magkaisa para mas mahusay nilang magampanan ang kani-kanilang tungkulin sa kilusang lihim, sa kilusang welga o sa armadong pakikibaka.

Maraming positibong tauhan mula sa mga demokratikong uri ang inilalarawan bilang kapuri-puring pamantayan sa pagkilos. Sa kabilang banda, mayroon ding ilang tauhang tiwalag o kumokontra sa rebolusyonaryong kilusan at nagsisilbing negatibong halimbawa sa masa.

Ipinapakita rin ng nobela ang anti-mamamayang pagkilos ng diktadurang E.U.-Marcos sa pamamagitan ng paglalantad sa mga pasistang tropa nito, mga bangkaroteng opisyal ng baranggay at mga burukratang kapitalistang kasapakat ng mga imperyalista ng Estados Unidos at Hapon. Gayunman, may indibidwal sa hanay ng kalaban na napagbabago at napakikilos para sa rebolusyon.

Ang pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas sa pambansa-demokratikong rebolusyon ay inilalarawan ng mga rebolusyonaryong tauhan sa kani-kanilang pamumuhay, pag-iisip at pagkilos sa hanay ng mga kasama't mamamayan at sa harap ng kaaway. Ipinakikita ng nobela ang pag-unlad ng iba't ibang tauhan habang sumusulong ang rebolusyong pambansa-demokratiko.

NAKAKAWING SA NOLI. Sa kasaysayan ng nobelang Pilipino, ang Hulagpos ay nakakawing sa Noli Me Tangere (1886) ni Jose Rizal. Parehong masaklaw ang pagtingin ng dalawang nobela sa lipunang Pilipino sa kani-kanyang panahon, at magkapareho ang landas na tinahak ng mga pangunahing tauhan mula sa makitid na personal na pananaw tungo sa mas malawak na pag-unawa sa mga usaping panlipunan.

Gayunman, taglay ng Noli ang repormismong namayani sa kilusang propaganda bago ang Rebolusyong 1896; ibinabandila naman ng Hulagpos ang proletaryong teoryang rebolusyonaryo at tiyakang kinakatigan ang kawastuhan ng armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pambansa-demokratikong pakikibaka.

Bukod pa sa pundamental na kaibhang ito sa pulitika, ang Hulagpos ay gumagamit ng modernong pamamaraan ng pagkukwento na kaiba sa kombensyunal na teknik ng naunang mga nobelang Pilipino. Halimbawa, ang kaiklian, pagpuputul-putol at suspens ng mga pangyayari ay impluwensyado ng pagseserye ng mga nobela sa mga lingguhang komiks na popular sa masa, samantalang ang kombinasyon ng iba-ibang pangyayari bilang paraan ng pagpaparis, pag-iiba-iba, pagsasabay-sabay o pagtutuluy-tuloy ay halaw naman sa teknik sa pelikula na gumagamit ng mabilis na pagsusunud-sunod o pagsasalit-salit ng mga eksena.

Sa pamamagitan ng paraang ito, "napaiikli" ang mahabang nobela at "napapakapal" ang "manipis" na buhay-petiburges ng tampok na tauhan.

Gaya ng sinasabi sa "Mahalagang Paliwanag" ng pangunahing may-akda, mula sa mga taong 1974-75 ang mga datos pang-ekonomya na ginamit sa nobela. Marami nang pagbabagong naganap mula noon - mas lumala ang paghihirap ng mamamayan sa isang banda, at sa kabilang banda naman, mas yumabong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa buong bayan.

Gayunman, ang diwa at laman ng nobela tungkol sa rebolusyonaryong pakikibaka sa kasalukuyang panahon ay hindi nagbabago at patuloy na mananatiling makabuluhan para sa rebolusyonaryong pagkilos ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Ang unang edisyon ng nobela ay isinulat noong 1977 sa titulong Huwag Akong Ipiit at inilabas sa napakalimitadong bilang ng kopyang makinilyado lamang. Ang kasalukuyang ikalawang edisyon ay minimyograp sa limitadong bilang pa rin, matapos ang ilang pagbabagong ginawa ng pangunahing may-akda batay sa karagdagan niyang mga karanasan sa rebolusyonaryong pakikibaka at batay rin sa mga mungkahi ng mga nakabasa sa unang edisyon.

Kinikilalang ang kasalukuyang edisyon ng Hulagpos ay mayroon pa ring mga kakulangan. Kaya para sa paglilimbag ng susunod na edisyon, inaanyayahan ang mga mambabasa ng kasalukuyang edisyong ito na magmungkahi para sa ikahuhusay pa ng nobela. Pero mas mahalaga pa sa anyayang ito ang panawagan ni M.V. Posadas sa pambungad ng nobela: "[Ang] anumang damdamin at kaisipan [na] sa pagbabasa n'yo nito'y mapaigting o malikha ay huwag sanang payagang makimkim at mabilanggo sa pagtikom ng bibig at pagwawalang-bahala."

Ang Hulagpos ay sumasalamin sa kasalukuyang mga katotohanan at naghaharap ng isang hamon.


REVIEW
Ricardo Rojo, "Breaking free from neocolonial bondage"
Liberation, Oct 1981, p11

First Quarter Storm literature - that body of creative writing fanned by the revolutionary fervor of the late '60s and early '70s, and which in turn stoked the flames of protest - did not produce a fullblown novel about the contemporary Philippine crisis or about the period itself. The activist tempo with which the committed writers moved perhaps allowed for the writing of militant poetry, allegorical fiction and street theater, but there seemed to be no time left to write the "Novel of the Revolution". Somebody has yet to write the definitive novel about student activism.

In the meantime, a novel has recently come to the fore. While not addressing itself to the birth of the national democratic movement in the country, it focuses on a particular phase of it and draws familiar themes that were first articulated during the First Quarter Storm and translated into various degrees of revolutionary action up to the present.

The novel is Hulagpos (literally, Break Free), written by Mano de Verdades Posadas. This must be a pseudonym, since it means "Hand of Chained Truths". It is the first novel to be published by the underground press, and appeared early this year.

SCOPE OF NOVEL. The novel pictures the entire national democratic forces at a particular time (1974-75) and the level of struggle in various fronts throughout the country, with particular emphasis on armed struggle, workers' strike movement and urban poor resistance against demolition. The novel has a broad compass.

At first glance, characters and events seem to be unconnected with one another due to the employment of certain technical devices such as the cinematic montage and the installment method of illustrated novels in comic books.

In terms of craft, this may be more a disadvantage than an advantage. The same effect, it may be argued, could be had through a straight journalistic reporting of events or a montage of features and vignettes about oppressed lives and the gathering struggle.

In terms of readability, the novel achieves the presumed objective of its "unconventional" literary style. On closer examination, though, the style employed is not really as "barbaric" as a literary formalist may fear. Characters and events are in fact linked together by the central action and unifying thesis of the novel: breaking free from all forms of prison, be it the narrow petty bourgeois outlook on life or the exploitative social system itself.

CENTRAL CHARACTERS. Amidst the many characters and episodes, the novel follows the political development of Tommy Guevara, a petty bourgeois intellectual, from his limited view of the basic problems of Philippine society to his decision to participate in the armed struggle. His politicalization comes rather late, reckoned in terms of pre-martial law events. But this is only understandable since he is a balikbayan who never had the opportunity to identify himself with the revolutionary aspirations of the Filipino people during a most revolutionary time.

There is, of course, no such thing as a "late" politicalization. This process happens every day among the workers, peasants, urban poor, students, teachers, religious and other classes and sectors who ultimately find themselves brought together in the national democratic movement.

There are fully developed characters in Hulagpos and they serve as standards of the new human beings tempered by the fire of revolution. There are also characters who stand outside the revolutionary movement, serving as negative examples from the ranks of the masses. The novel likewise portrays enemy actions: the machinations of U.S. imperialism and the Marcos regime, military torture of political prisoners and other atrocities, corrupt practices of barangay officials and many others. The reactions of the masses to all these are depicted and played up, ranging from the simple turning off of the radio set "before the voice of the tyrant could foul the air," to organized mass actions in city streets or dirt roads of the countryside. At the same time, the novel gives examples of individuals from the enemy ranks who defect and reform themselves through revolutionary practice.

LASTING VALUE. The novel's lasting value lies in its portrayal of revolutionary characters in the conduct of their daily lives, acting with comrades and the masses and confronting the enemy.

The novel does not attempt to make a minor epic out of this particular phase of the Philippine revolution. Rather than create a sweeping scenario of the Filipino masses in struggle, the novel sheds light on this piece of action, on that piece of life, as if to say that countless events occuring in the country daily are a striking microcosm of the revolution: men and women oppressed, men and women resisting, men and women making history. They do not have to be central characters like Tommy Guevara.

But literature functions as a stage for central characters who delineate for us the forms of human thought and action and who draw attention to the human condition.

Hulagpos, as a literary medium for the expression of the historical will of the Filipino masses, may be faulted for not being in the tradition of the "epic" novel, but it can be hardly faulted for its seriousness of purpose and the efficacy of its message.


Dagiti Rebolusyonaryo a Kansion. Imprenta ti Pagilian, 1980. 135bp


cover lrp[Ispesyal na Komite sa Kultura, KOMEDPROP], Lipunan at Rebolusyong Pilipino [ni Amado Guerrero], Isinalarawan. Palimbagang Sentral, 1981. 222bp. Ikalawang edisyon, inamyendahan. Palimbagang Sentral, Partido Komunista ng Pilipinas, 1998. 267bp. Salin sa Cebuano ng ikalawang edisyon: Katilingban ug Rebolusyong Pilipino, Gihulagway. Nasudnong Departamento sa Edukasyon, Kinatibug-ang Kalihiman, Hulyo 1996. 246bp

PAUNANG SALITA
Komisyon sa Edukasyon at Propaganda, Partido Komunista ng Pilipinas
1981

Bakit nagdarahop tayong mga Pilipino gayong tayo'y masipag at matalino, at sagana ang ating bayan sa likas na yaman? Bakit tayo api, bakit lagi't lagi na lang sinusupil ang ating mga adhikaing lumaya at kamtin ang ating mga karapatan bilang bansa at bilang mga mamamayan? Ano ang dapat gawin para baguhin ang mapagsamantala't mapang-aping sistema at itatag ang isang Pilipinas na malaya at demokratiko, nagkakaisa at masagana?

Inilathala noong 1971 ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino, na malalimang pagsusuri ni Kasamang Amado Guerrero sa ating lipunan. Ginamit niya ang siyentipikong mga kasangkapan ng Marxismo-Leninismo para halukayin ang istoriko't materyal na batayan ng pagsasamantala at pang-aapi sa ating bayan. Matalas niyang tinukoy ang saligang mga problema ng ating lipunan - ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. At ipinakita niya ang landas tungo sa pambansang kalayaan at demokrasya - ang paglulunsad ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Ngayo'y tuluy-tuloy na lumalala ang krisis sa ekonomya ng ating bayan, at pinag-iibayo ng pasistang diktadurang EU-Marcos ang pang-aapi sa sambayanan. Pinaiigting naman ng sambayanan ang kanilang rebolusyonaryong pakikibaka para ibagsak ang pasistang diktadura, at itatag ang demokratikong pamahalaang koalisyon na magtataguyod sa kanilang pambansa at demokratikong mga interes.

Maramihang namumulat ang mamamayan at ngayo'y kumikilos sa iba't ibang paraan para labanan ang pagsasamantala't pang-aapi. Nais nilang tukuyin ang ugat ng ating mga problema at lubusang lutasin ang mga ito. Naghahanap sila ng mga babasahin at nagnanais ng pag-aaral sa layuning mapalalim ang kanilang kaalaman at pagsusuri, at magabayan ang kanilang pagkilos.

Habang inilalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas ang higit na marami pang kopya ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino at iba pang rebolusyonaryong akda't lathalain, minabuti nitong maglabas ng isinalarawang bersyon ng mahalagang akdang ito. Pagtugon ito sa kahilingan ng maraming mamamayan, laluna ng masang manggagawa at magsasaka, para sa simple't popular na mga babasahin kaugnay ng ating lipunan at rebolusyon.

Sa pagbubuo ng isinalarawang bersyon, sinikap na ipaloob ang kalamnan ng orihinal na akda at inilalapit sa kabuuang daloy nito (bagamat pinagsanib ang unang dalawang kabanata). Mangyari pa, maraming datos na hindi na isinama rito, para mapatingkad ang tratong biswal nang di naman ito labis na kumakapal. Nagdagdag din naman ng kongkretong mga pangyayari sapul noong 1971, isang dekadang higit na nagpatatag sa mga pagsusuri, kongklusyon at panawagan ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino.

Inaasahang makatutulong ang isinalarawang bersyong ito sa panimulang pagsapol ng mga mambabasa sa ating lipunan at sa mga layunin, target at pamamaraan ng ating rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansa at panlipunang paglaya.


MAIKLING PALIWANAG
Pambansang Kagawaran sa Edukasyon-Pangkalahatang Kalihiman
Disyembre 1998

Muling inilalathala ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino (Isinalarawan) na unang nalathala noong 1981. Ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino (Isinalarawan) ay isang saligang babasahin para sa edukasyong pampulitika sa hanay ng mga rebolusyonaryong pwersa laluna yaong kabilang sa uring manggagawa at magsasaka.

Ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino (Isinalarawan) ay inamyendahan upang mapaloob ang mahahalagang pangyayari sa lipunan at rebolusyong Pilipino mula noong 1981 hanggang sa kasalukuyan. Isinaayos at iwinasto rin ang ilang pormulasyon na naimpluwensyahan ng mga nakaraang disoryentasyon at pagkakamali.

Ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino (Isinalarawan) ay makatatayo bilang hiwalay na aralin o suplemento sa pag-aaral ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino.


cover tula




[Ispesyal na Komite sa Kultura, KOMEDPROP], Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino 1972-80.
Palimbagang Pulang Tala, 1982. 202bp. Potoistensil

PAUNANG SALITA
Tagapaglathala
mp iii-iv

Mula nang ipataw ang batas militar, saksi tayo sa patuloy na pagyabong ng rebolusyonaryong sining at panitikang Pilipino. Bigo ang pasistang diktador ng pangkating EU-Marcos sa layunin nitong supilin ang mamamayan, busalan ang kanilang bibig at patahimikin ang kanilang pluma. Lalo na nitong huling bahagi ng nakaraang dekada, higit pang sumigla, lumakas at umunlad ang pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang pambansa at demokratikong mithiin sa pamamagitan ng tula, awit, dula, drowing at iba pang anyo ng sining at panitikan.

Mas maraming likhang sining at panitikan ang nagsisilitawan at lumalaganap sa iba't ibang dako ng bayan-sa kalunsuran at lalo na sa kanayunan. Hindi na lamang mga rebolusyonaryong manunulat at artista ang lumilikha. Maraming akda ang nagmumula sa mga kadre, Pulang mandirigma at aktibista na nanggagaling sa mga uring anakpawis. Mas mayaman ang pinapaksa ng mga likhang sining at panitikan. Marami sa mga ito ang mahusay na nagsasanib ng makasining na anyo at nilalamang nagdadala ng pambansa-demokratikong interes ng mamamayan.

Sa daan-daang tulang lumabas mula 1972 hanggang 1980, tinipon natin ang halos isandaan para bumuo ng antolohiyang pinamagatang Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino. Marahil, mapupuna ng mga mambabasa, laluna sa kanayunan, na wala sa kasalukuyang koleksyon ang ilang tulang pamilyar sa kanila. Limitado ang ating panahon para sa mas malawak na pananaliksik, bukod pa sa limitasyon natin para maglabas ng mas makapal na antolohiya. Limitado rin ang ating panahon at pwersa para sa pagsasalin kaya hindi na naisalin sa Pilipino ang ilang tula at may ilan ding kahinaan sa mismong pagsasalin. Gayunman, inaasahang sapat nang makapagpahiwatig ang antolohiyang ito ng naabot nang yaman at kalidad ng rebolusyonaryong panulaang Pilipino.

Inilalabas natin ang antolohiyang ito sa layuning higit pang mapasigla ang paglaganap ng panulaan bilang isang anyo ng rebolusyonaryong sining at panitikan. Marami sa mga tulang naririto ang pwedeng gamitin sa mga rebolusyonaryong pangkulturang pagtatanghal. Inaasahan din nating makapagbibigay ito ng inspirasyon sa mga kadre, Pulang mandirigma at aktibista sa rebolusyon para lumikha ng mas marami at mas mahuhusay na tula.


cover kantareb
[Ispesyal na Komite sa Kultura, KOMEDPROP], Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino. Palimbagang Sentral, 1984. Dalawang cassette tape recording, songbuk. Muling inilabas ng IPASA sa titulong Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino, 1995
Mga kantang popular sa mga larangang gerilya sa buong kapuluan

PAUNANG SALITA
Tagapaglathala
1984

Narito ang unang koleksyon ng Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino. Sa pamamagitan ng mahigit sa apatnapung kanta na bumubuo ng unang koleksyon, sinisimulan namin ang paglalabas ng mahuhusay na kantang popular sa pambansa-demokratikong kilusan sa Pilipinas.

Layunin ng paglalabas ng antolohiya ng mga kanta na maipamalas ang naabot na yaman at kalidad ng rebolusyonaoryong musika at awit sa Pilipinas. Lalo na nitong nakaraang ilang taon, mas malaki pang pagsulong ang natamo sa larangang ito ng gawain sa sining at panitikan: maraming bago at mahuhusay na kanta ang nalikha, itinanghal at lumaganap sa buong kapuluan. Kahit ang mga "lumang kanta" na nalikha at popular noong bago ipataw ang batas militar ay patuloy na lumalaganap at kinakanta sa buong kapuluan.

Inaasahan namin na ang koleksyong ito at ang susunod pang mga koleksyon ay makapagsisilbing kongkretong inspirasyon at gabay para sa pagsisikap ng mga rebolusyonaryong manunulat at kompositor na higit pang pagyamanin at paunlarin ang rebolusyonaryong musika at awiting Pilipino. Higit pa rito, nais din naming maipalaganap sa mas sistematikong paraan ang mahuhusay na kantang kinagigiliwan at popular sa masa, pati na sa mga Pulang mandirigma, aktibista at kadre ng rebolusyonaryong kilusan.

Sa mabilis na paglaganap ng mga kanta sa iba't ibang rehiyon ng bansa, mapapansin natin na nagkaroon ng pagbabagu-bago ng tono at titik ng mga ito. Kadalasan, ang pagbabagong ito'y epekto ng mga pagkakaibang rehiyonal tulad ng magkakaibang karakter ng wika o lokal na tradisyon sa pag-awit. Sa iba nama'y sadyang binago ang kanta para umangkop sa partikular na kalagayan ng teritoryo. Ngunit may mga pagbabago sa marami-raming kaso na dulot na ng mga kahinaan at kakulangan sa pagkakasalin-salin ng mga kanta. Sa paglalabas ng songbuk na may kasamang teyp inaasahan nating magiging mas maayos at mas mabilis ang pagpapalaganap ng mga kanta.

Sa ilang kaso nama'y may taglay nang mga kahinaan ang orihinal na nilalaman at paglalapat ng musika. Kung minsa'y di maliwanag ang isinasaad ng kanta o dili kaya'y di magkaangkop ang titik at tugtog. May iba namang di naangkop o di wasto ang isinasaad sa obhetibong karanasan at kalagayan ng pakikibaka. Ginawan ng patnugutan ng karampatang pagbabago at pagsasaayos ang ilang kanta na kabilang sa unang koleksyon.

Limitado ang ating kakayahan at panahon sa paglalabas ng dalawang teyp lamang. At dahil apatnapung kanta lang ang mapagkakasya sa dalawang teyp, sinikap namin sa pagpili ng mga kanta na magkaroon ng balanse ng luma at bagong kanta, ng representasyon ng mga kanta mula sa iba't ibang rehiyon, ng distribusyon ng iba't ibang tema, pati na ng representasyon ng ilang kantang may paksang partikular sa isang lokalidad o isyung taktikal. Gayunman, pangunahing batayan ng pagpili ng kanta ang mahusay na pagsasanib ng rebolusyonaryong nilalaman at makasining na anyo, nang wala nang kakailanganing malaking pagbabago o pagsasaayos.

Sa dinami-dami ng ating mga rebolusyonaryong kanta, katiting lang talaga ang maipapabilang sa unang koleksyon. Ang marami'y nakareserba para sa susunod na mga koleksyon. Ang iba naman na pumapaksa ng mga isyu o pangyayaring partikular sa isang lokalidad ay di na isasama sa koleksyon kung nauulit na lamang nito ang napili nang mga partikular na kanta. Ang iba nama'y may malalaking kahinaan sa nilalaman o sa paglalapat ng musika.

Habang patuloy kaming nangongolekta at nagsusuri ng mga kanta mula sa iba't ibang rehiyon, hinihikayat din namin ang mga kasama na maging kritikal sa pagsusuri ng mga kanta, gumawa ng naisipan nilang mga pagbabago at ipaabot sa patnugutan ng proyekto ang kanilang panunuri at ginawang bersyon. Bukas din ang patnugutan sa mga kontribusyon ng mga kantang orihinal, adaptasyon o salin para sa susunod na mga koleksyon; at sa mga puna, obserbasyon o mungkahi hinggil sa pagpipili, pagsasalin at pagbabagong ginawa sa mga kanta ng unang koleksyon. Hinihikayat din namin ang mga kasama na magkusa sa paggawa ng pagsasalin at/o adaptasyon ng mga kanta ng unang koleksyon para ipalaganap sa kani-kanilang teritoryo o organisasyon.


PABATID
"Mga kantang rebolusyonaryo, inilabas"
Ang Bayan, Peb 1985, p21

Sa lahat ng porma ng sining at panitikang nagsisilbi sa pagsusulong ng rebolusyong pambansa-demokratiko, ang kanta ang isa sa pinakapopular na tagapagpalaganap ng ating mga rebolusyonaryong adhikain.

Sa ganitong pagtingin, inilabas ang Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino na paunang koleksyon ng 40 rebolusyonaryong awiting nakateyp at may kasamang isinalarawang songbuk, na tinipon mula sa iba't ibang rehiyon ng kapuluan.

Ang ilan ay mga kanta mula pa sa pakikibaka ng ating mga ninuno laban sa kolonyalismong Espanyol (tulad ng kantang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" na tula ni Andres Bonifacio at nilapatan ng himig). Ang iba nama'y mula sa mga katutubong awitin ng mga rehiyon na nilapatan ng ibang titik upang salaminin ang kasalukuyang pakikibaka ng masang Pilipino laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Isang halimbawa ng awit na ito ang "Entero Kapupud-an" (Buong Kapuluan) na batay sa isang kantang pandigma ng mga Manobo ng Mindanaw, at ang "Pandaigdigang Awit" na hango naman sa isang awitin sa pangangaso ng mga Aggay, isang tribung minorya sa Hilagang Luson.

Marami naman sa mga bagong kanta ang sumasalamin sa kasalukuyang pakikibaka ng mamamayang Pilipino tulad ng "Rebolusyon" na nilikha sa Samar, at sa mapanlabang katangian ng masa na ipinakikita naman ng kantang "Diwang Walang Takot" na nilikha sa loob ng piitang Bicutan sa Metro Manila.

Kahit mula sa iba't ibang rehiyon, iisa ang katangian ng mga awiting ito. Sila'y awiting bahagi ng rebolusyonaryong kulturang pambansa, syentipiko at pangmasa. Pambansa dahil tumutulong ang mga kanta na bigkisin ang mga mamamayan tungo sa pambansang kaisahan laban sa imperyalismo at pangibabawan ang makitid na rehiyonalismo at lokalismo. Siyentipiko dahil ang mga ito'y naninindigan sa katotohanan at batay sa realidad. Pangmasa dahil ito'y nagsisilbi sa masa at mahigpit na nakaugnay sa kanilang buhay at pakikibaka.

Dahil marami sa ating mamamayan ang hindi pa marunong bumasa, malaking tulong ang mga kanta sa pagpapalaganap ng propaganda hinggil sa rebolusyong inilulunsad natin ngayon. Ang simpleng titik at simpleng himig ay madaling tandaan ng masa at sa paulit-ulit na pagkanta nito'y tumitimo sa kanilang isipan ang mensaheng nais ipaabot ng kanta.

Aktibong pinalalaganap ng mga kasama ang ganitong porma ng sining, hindi lamang upang maipakalat ang mensahe ng pambansa-demokratikong rebolusuyon, kundi upang wasakin ang palatakas at dekadenteng kulturang inilalako ng diktadurang US-Marcos.


REVIEW
Kris Makabayan, "Songs forged in the struggle"
Liberation, Sept-Oct 1985, mp26-27

In the guerrilla zones of the Philippine revolution, no prompting is needed to make the people sing revolutionary songs. Out there, the masses, Red fighters, activists and cadres of the national democratic struggle would sing whenever the occasion presents itself - before and after meetings or group sessions, during weddings and memorial meetings, or for plain relaxation. These songs fortify, inspire the people and imbue them with a sense of solidarity. They serve to infuse revolutionary spirit in the people and in all their undertakings.

Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino (Unang Seleksyon) or Songs of the Philippine Revolution (First Selection) document these songs in two cassette tapes with an accompanying songbook. Selected from several hundred songs collected from various regions in the Philippines, the forty songs in this set are representatives of the kind of music that the present national democratic revolution has been singing since the late '60s. This selection of songs is meant primarily for popularization, and translations of songs into Pilipino and other regional languages are provided in the songbook.

While many of the songs are recent compositions, they are strikingly interspersed with songs dating as far back as the Philippine Revolution of 1896 and the Japanese Occupation. Moreover, not all songs were composed in the countryside. Some were composed in detention centers and in the course of the developments of the mass movement in the cities. Despite this seemingly broad source, these songs can be said to have been forged in the crucible of the revolutionary struggle and share a common scientific outlook and a proletarian standpoint. Ideologically, then, the collection is as authentic as its source. The songs, in sum, are expressive of the anti-imperialist, anti-feudal and anti-fascist struggle of the Filipino people.

Aside from songs in Pilipino, there seems to be a preponderance of songs in Waray and Cebuano in the collection. On the other hand, not one song in Pampango is represented, and there is only one song in Ilocano. It is hoped that succeedings selections would include songs in Pampango and Ilocano.

Musically, the songs made use of both Filipino and foreign forms that are popular among the masses from Luzon, Visayas and Mindanao. These include the familiar militant march, the light and appealing valse and pop ballads, the lyrical and sad kundimans and uyayis (lullabies), as well as the not so familiar but equally indigenous materials from the Philippine cultural communities or nationalities such as the Kalinga-Apayao in the north and the Manobo, Tingguian and Muslims of the South.

To some critics and artists, the musical forms of the national democratic movement as reflected in the collection may not be as revolutionary as their content. As one composer, upon hearing them, commented, there is a discrepancy in form and content especially from a strictly musical point of view where music itself is content. But in the experience of the practitioners and audiences of protest and revolutionary music, both in the urban centers and the organized countrysides, such a qualification is unnecessary. As this collection has demonstrated, traditional and foreign forms can be revolutionized and made effective vehicles for new politics and revolutionary practice.

This may be true for a time. Once these melodies, rhythms and harmonies become overly used and familiar (as in the case of the marches of which the collection has too many) - such songs will lose their freshness and impact. Hence, the need to compose new forms and tunes to new music. Or better still, the need to be more creative in using the indigenous musical forms that the Philippines is so rich in, to better capture the revolutionary character of the Philippine struggle, this time not just in the ideological content but in the musical language as well.

Musically, too, the performance can still be improved particularly with regard to intonation, diction and expression. Some of the lyrics need better articulation and phrasing. The singers' voices are of good quality but sound too tense at times. Obviously, some training in voice production is required. The cassette production as a whole needs improving. The sounds do not come out vibrant or natural and sometimes seem muffled and poorly recorded. Such technicalities must not be ignored for they affect the delivery of the revolutionary message.

It is not enough, then, that the political line of the songs is correct and emphasized. Songs are weapons for winning the battle for the hearts and minds of the people. Their message, to be effective and worthy of our revolutionary commitment, must at all times be conveyed with beauty and art.


cover Magsasaka




[Ispesyal na Komite sa Kultura, KOMEDPROP], Magsasaka: Ang Bayaning di Kilala. Kilusan sa Paglilinang ng Rebolusyonaryong Panitikan at Sining sa Kanayunan (LINANG), 1984. 169bp Pagbati ni Jose Maria Sison Tula, kwento, kanta at likhang biswal tungkol sa magbubukid

PAGBATI
Jose M. Sison
8 Pebrero 1984
mpi-ii

Ang panitikan at sining ay mahalagang sandata ng pambansang demokratikong rebolusyon. Sinasalamin ng mga ito ang pakikibaka at mithiin ng mga uring rebolusyonaryo, lalo ang mga uring manggagawa at magsasaka; at pinasisigla sila upang lalong masigasig na ipaglaban ang pambansang kalayaan at demokrasya at kamtin ito laban sa mga imperyalistang Amerikano at mga lokal na naghaharing uri.

Kung walang taimtim na pagsisikap ang rebolusyonaryong proletaryado na tanganan ang sining at panitikan bilang sandata upang ipagtanggol at isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan, ang mga reaksyonaryong uri ay pababayaang gamitin itong sandata upang tabunan, maliin ang pagsasalarawan at labanan ang mga interes at mithiin ng bayan.

Napaghaharian ng mga imperyalista, pasista at iba pang reaksyonaryo ang sambayanan di lamang dahil sa pagtangan nila sa ekonomiya at pulitika kundi dahil din sa lagi nilang sinisikap na tanganan ang pinakakaluluwa ng sambayanan sa pamamagitan ng panitikan at sining at iba pang kasangkapan sa kultura.

Isang dakilang paglilingkod sa sambayanan ang pagsisikap ng Kilusan sa Paglilinang ng Rebolusyonaryong Panitikan at Sining sa Kanayunan (LINANG) na ilimbag ang antolohiya na pinamagatang Magsasaka: Ang Bayaning di Kilala. Ito ay mga tula, awit, kwento at guhit ng mga magsasaka at aktibista sa kultura.

Ang pagtutuon sa magsasaka bilang bayani ay isang lubhang mahalagang bagay. Ang mga mahirap at panggitnang magsasaka, kabilang ang mga manggagawang bukid ay siyang bumubuo sa di kukulang na 70 porsiento ng populasyon. Ang uri nila ang pinakamalaki subalit pinagsasamantalahan higit sa iba pang uri sa ating bayan; at ang kanilang pakikibakang magkalupa at lumaya ay siyang pangunahing nilalaman ng pambansang demokratikong rebolusyon.

Ang antolohiyang ito ay konsolidasyon ng marami-rami na ring natamo sa larangan ng kultura at isa ring tulak sa higit na pagsisikap sa larangang ito. Ang mga aktibista sa kultura na nasa hanay na ng mga magsasaka ay magkakaroon ng sigla na lumikha ng marami pa at lalong mahuhusay na akda. Yaong mga nasa kalunsuran ay hinihikayat na ibaling ang kanilang pansin sa pakikibakang magsasaka.

Lubhang masama ang trato ng kasalukuyang naghaharing sistema sa mga manunulat at iba pang alagad ng sining. Iilan lamang sa kanila ang nabubuhay sa pamamagitan ng kanilang mga akda. Gayunpaman, napipilitan silang pagbigyan ang pananaw at panlasa ng mga Pilisteyo. Limpak-limpak na dolyar ang ginugugol ng mga pasista sa mga pasilidad sa kultura at sa mga angkat na materyal at pagtatanghal subalit ginugutom nila ang mga Pilipinong manunulat at iba pang alagad ng sining o itinutulak sila na maghanap ng ibang ikabubuhay liban sa kanilang mga akda sa sining.

Panahon na upang ang lahat ng Pilipinong alagad ng sining at kultura ay magkaroon ng rebolusyonaryong pananaw, mag-organisa at humango ng kanilang materyal mula sa masang anakpawis, ilarawan sila bilang mga bagong bayani at paunlarin sila bilang mambabasa, manonood at tagapakinig.

Sabik ang mga manggagawa at magsasaka na tangkilikin ang mga manunulat at iba pang alagad ng sining na naglilingkod sa kanila. Tulad ng natutunghayan natin sa mga lugar na organisado na sila ng mga rebolusyonaryong kadre, tinatanggihan nila ang mga bulgar na uri ng akdang itinatambak sa kanila ng mga reaksyonaryo.

Maaaring itayo ang isang sistema na ang mga lokal na organisasyong masa at grupong magkakapitbahay ay babayaran ang mga akda at pagtatanghal upang ang mga may-akda at tagapagtanghal ay mayroon namang ikabubuhay. Ang mga manggagawa at magsasaka ay siyang pinakamalaking patron ng mga akdang kultural at di ang sasandakot na mga reaksyonaryong patron.


REVIEW
Juan Augusto, "Paeans to the peasants"
Liberation, Sept 1984, mp17-18

The task of regaining the freedom of creative expression and communication must be viewed as a process of development through time. A society whose culture has been rendered neurotic by colonization, enslaved by feudalism and poverty, and prostituted by crass materialism and wanton commercialism must rediscover the philosophy and techniques of art and literature in its own forms and traditions and must adopt influences that strengthen them to liberate itself and attain progress. Magsasaka: Ang Bayaning di Kilala published by the Kilusan sa Paglilinang ng Rebolusyonaryong Panitikan at Sining sa Kanayunan (Pilipinas: Palimbagang Anakpawis, 1984, 169 pp.) serves as a monumental evidence of recognition that artistic and literature progress is a process that requires not merely participation but the leadership and deep involvement of the masses in shaping their own art and literature.

Magsasaka documents and mirrors the present struggle of development that cultural work in the national democratic movement has achieved toward liberating the people's consciousness from the clutches of obscurantism and decadence fostered by the present order.

That the existing popular art and literary forms should be studied, enriched and utilized to embody and propagate nationalist ideas, scientific and pro-people culture and knowledge, and discipline in the struggle has long been realized by the movement. Since the early '70s, cultural workers committed to the people's cause have researched and experimented collectively and individually on popular forms not only to popularize liberative ideas but also to raise cultural standards, the popular taste and the people's consciousness.

After 13 years, the endeavor shows inspiring fruits collected in this milestone of a book. Learning from the crudities, vulgarities, mechanical and trite formulations in the early stages of development, the editors of the anthology reveal that rectification is in order. The works included in Magsasaka reflect the general positive attitude now toward struggling with the finer, almost illusive nuances of experiences and reality, with the rigors and demands of perfecting the craft, with the masterly employ of language and form, all aimed at attaining an effective and powerful art. Despite limitations and difficulties, such an attitude that should be internalized by every artist in the struggle promises the honing of sensibility and talent, accuracy in balancing content and form, and the flowering of art and literature into a higher level of dialectics.

The book as a medium depicts through poetry, narrative fiction (short story), song and visual art the life, experiences and struggles of the peasantry, the largest oppressed sector in Philippine society. As a creative medium, it drives home an equally important message: the need for unity. Unity not only of the peasantry, which is an explicit theme in the pieces included in the collection, but of the artists in the different art forms and media of communication, and of the different languages in the country. The poet, storyteller, performer (as in "Manahimik o mag-aklas: isang balagtasan"), songwriter and singer, and cartoonist and visual artist are seen and heard working together in this volume. And they come from many regions, towns and cities, from Luzon to Mindanao; they use their own language with pride: Kapampangan, Visayan, Ilokano, Waray, Pilipino. And they harness the oral traditions (balagtasan, tulang pambigkasan, kanta) of their communities, adopt techniques from the print media (editorial cartoon, poster design, cover design, comics) and thus widen the range and possibilities in the creative field. And working as one, the artists transcend individualism - an artist's nom de guerre or pseudonym or even anonymity becomes a testimony of selflessness in the midst of a communal creative revolutionary activity.

A people's art and literature viewed in this way cannot but give growth to a revolutionary spirit. For growth then derives from a rich source: not only in the unique and diverse experiences of the people but also in their cultural legacy. Images and symbols (such as the rat symbolizing the enemy in a Taliba ng Bayan cartoon), humor, comic and heroic tones of poetry, simple and straightforward or witty or even languid and mellifluous language found in narrative folk traditions offer a wealth of possibilities waiting to be harnessed by the sensitive and innovative artist.

On the other hand, models in print, especially those that flourished during the era of the propaganda movements against Spain in the l890s and the United States since the 1900s, give interesting insights on the use of short tales such as the sugilanon of Vicente Soto ("Palamunin" and "Ang Matanda" are reminiscent of these) and the dagli or satire in El Renacimiento and Lipang Kalabaw or even in the writings of Marcelo del Pilar. Sophisticated techniques such as the flashback (such is used in "Palamunin"), multiple points of view, stream of consciousness, etc. have been found to be effective in the stories written during the First Quarter Storm such as those collected in Sigwa in 1972. Plays and songs produced and popularized during the Hukbalahap days and the FQS period are replete with lessons for those who create kundiman, marches, or even pop songs for present needs. Even the art and literature that sprung from the hotbed of people's liberation movements in other Third World countries and protest movements in advanced societies will yield positive influences for the visual and literary artist.

Magsasaka points to this direction: the continuing education and struggle of the people's artist that can be found in every true and freedom-loving Pilipino. The next volume that belongs to this orientation will mark a higher level of achievement.


cover Butil





Karet, Mga Butil at Katas, Unang Uhay. 1985. 42bp. Potoistensil
Dagli

PAG-AALAY
Kay Ka Andy (Edilberto Anonuevo 1953-1981)

Ang unang uhay na ito ay marubdob na iniaalay sa alaala ni Kasamang Andy, na lumaki sa lunsod ng Olongapo bilang Edilberto Anonuevo.

Nagdaan si Eddie sa pagiging biktima ng bulok na kultura ng lunsod na iyon ng imperyalistang base nabal, ngunit nanaig ang kanyang pagkamabuting-tao, at lalo pang yumabong ito nang magsimula siyang kumilos nang puspusan para sa rebolusyon. Naging huwaran si Ka Andy sa pagiging masinop, mapagbigay , matyaga at mapagkumbaba. Nasawi siya bilang isang ikinararangal na bayani ng Bagong Hukbong Bayan.

Kabilang si Ka Andy sa mga tumulong na bigyang-hugis ang mga kwentong narito.


cover Sublak






Sublak (Negros-Panay). Unang labas Nob. 1983
Binalaybay, ambahanon, sugilanon, pabula, tanaga

EDITORYAL
"Para sa masa ang rebolusyonaryong kultura"
p1

Ginasuguran naton ang pagpaggwa sang Sublak bilang pangkultura nga balasahon para sa mga kadre sang Partido, organisador, Pulang hangaway, kag ang maabot nga masa kag kaalyado sa Panay nga nagahimakas batuk sa diktadurang US-Marcos-Benedicto.

Handum sang Sublak nga mapatingkad ang eksperyensya sang pumuluyo sa paghimakas, ang ila pag-antos kag ang paglaun sa kadalag-an sang pungsodnon-demokratikong rebolusyon, paagi sa literatura kag arte - mga binalaybay, komposo, malip-ot nga sugilanon, drowing kag iba pa sini nga porma.

Sa subong, madamo na sang nagaluntad sa isla nga mga inobrahan kultural. Padayon pa init nga nagasublak kag nagamanggaranon ang kaundan sa pagdihon sang mga kadre sang Partido, organisador, Pulang hangaway kag mga aktibistang masa. Tanan ini nagadala sang bag-ong kaisipan kag sa simple nga lenggwahe.

Samtang ginasulong ang malawigan nga inaway banwa para waskon ang paghari sang imperyalismong US, pyudalismo kag burukrata kapitalismo lakip ang pasista, pyudal kag burges nga kultura nga nagalingkod diri, amat-amat nga nagaathag man sa Panay ang pag-uswag sang pagbalay sang mga rebolusyonaryong pwersa sang nanari-sari nga porma sang literatura kag arte nga may pungsodnon, syentipiko kag pangmasa nga kinaiya.

Ang daan kag bag-ong porma sang arte kag literatura nga popular sa kultura sang masa amat-amat nga nahatagan sang rebolusyonaryong kaundan nga kongkreto sa eksperyensya sang rebolusyonaryong pwersa kag masa.

Sa subong, dapat ini nga mapalapnag kag maghatag sang inspirasyon sa iba nga pwersa sa paghimo pa gid sang mga binalaybay, komposo, kag iban pa nga porma. Tuyo naton nga mapaserbi ini sa interes sang masa; kag sa partikular, sa aton mismo rebolusyonaryong hilikuton sa pagpukaw, pag-organisa kag pagpahulag sa masa. Mahimo naton nga mangin instrumento ang literatura kag arte sa pagpalapad kag pagkonsolida sang rebolusyonaryong pwersa.

Ang mga kadre sang Partido, organisador kag mga aktibistang masa mahimo nga maghanda sang kultural nga palagwaon sa adlaw nga dungganon sa kasaysayan katulad sang pagtukod sang Partido kag Bag-ong Hangaway sang Banwa, ukon iban pa nga adlaw nga may kabilinggan sa mga partikular nga areya.

Upon sa mga Pulang hangaway, ang mga inobrahan kultural nga nagasalaming sang hugot nga pagkapot sang disiplina, sakripisyo, pag-isganan kag pagsalig sa kadalag-an sang rebolusyon, tanan, mangin kabahin sang ila pagtuon para sa pangpulitika nga edukasyon, paghanas-militar, paghanda sa paglunsar sang taktikal nga opensiba, pagtasa kag pagsuma sang mga inagihan ukon pagpadungog sang mga rebolusyonaryong martir.

Sa syudad kag labi na sa mga prenteng gerila nga ginahulagan, madasig nga mapalapnag ang basehang problema sang masa kag ang partikular nga tikang sa huluhalintang nga pagsolbar sini sa porma sang literatura kag arte katulad sang drama, komposo kag binalaybay nga makapukaw sang balatyagon kag makapahulag gilayon sa masa sa pagpamatuk sa militarisasyon sang kaaway ukon kontra-pyudal kag kontra-imperyalistang mobilisasyon.

Sanglit indi mabulag ang pag-uswag sang rebolusyonaryong literatura kag arte sa kabilugan nga dalagan sang armadong paghimakas kag rebolusyonaryong kahublagang masa, padayon pa nga magauswag ang mga binalaybay, komposo kag makahimo sang panibag-ong porma, kadungan sa pag-uswag man sang lebel sang inaway banwa.

Sa kabilugan, ang pagsulong sang rebolusyon nga pungsodnon-demokratiko amo ang nagapasiguro nga malutos ang kaaway kag mawasak ang materyal nga basehan sa ekonomya kag pulitika sang pasista, pyudal kag burges nga kultura nga ginapalapnag sang rehimen. Sa sini mapasiguro man ang pag-uswag kag pagpaluntad sang kultura nga pungsodnon, syentipiko kag pangmasa ang kinaiyanga nagaalagad sa interes sang pumuluyong Pilipino.


Jason Montana, Clearing, Poems of People's Struggles in Northern Luzon.
ARMAS/Christians for National Liberation /NDF, 1987. 89+bp

REVIEW
Justo Pascual, "Revolution as an act of love"
Liberation, Nov-Dec 1988, p14

When I miss your presence
And love must traverse highways
And courage climb mountains,
I conduct the ritual of a poem
                    "Ritual"

Among others, the single theme most prominent and most preponderant in Jason Montana's collection of poems, Clearing, is, not surprisingly, love. In fact, he sees revolution as the ultimate act of love. The various ways in which the revolutionary can love - love the masses, love one's partner, love the God manifest in the people's struggles - are part and parcel, co-extant and co-operant with his being a revolutionary.

Through all of the poems, this revolutionary spirit is present and unflagging, serving as inspiration, motivation and guiding light. Jason Montana did well not to indulge in a style reminiscent of sloganeering - his are observations of life taken in the light of pro-people thought and expressed in verse.

The first four poems ("Homecoming 1: The Language," "Homecoming 2: The Church," "Homecoming 3: Breaking the Circle," and "Homecoming 4: The Graves") serve as apt beginning. We are introduced to the poet on a homecoming trip to bury the dead, a loved one. We see the town as he sees it and feel as he feels: "There is an end to breathing time,/ Then a lowering into a pool of tears" ("Homecoming 4: The Graves")

From there we go through the matrix of his life through the various celebrations, actions, contemplations, events, circumstances and people that surround, and fill everyone's life, but as seen through the eyes of a dedicated freedom fighter. For example, two poems dwell on the theme of Christmas: "Prophecy" and "Cordillera Christmas," the latter being especially indelible in its contrasts of images. There is also an excellent ode to Baguio City:
          City of a hundred hills
          How still in the night it lies
          .............
          Tonight there is a secret meeting
          Of workers on Holy Ghost hill
                    "Nocturne in Baguio City"

There is a spirit of piety in Jason's poems; references to the God of history are everywhere, as in the poems "Easter Homily" and "Jonas Outside a Country Church," or the Christmas poems.

Then there are the poems which describe guerrilla life such as in the touching, evocative, emphatic "Zone Encounter." Feel the following lines:
          New names are introduced. All are received.
          As beloved warriors in the common struggle,
          Each bearing the living presences of comrades
          Of other places, other times.
          Slowly the house becomes a full grenade,

Then there are times when prose becomes poetry as in "Barrio Hapao: Summing Up:"
          The cadre must not miss this time of coals,
          And the masses, the discovery that we can
          Sum up the fissive sparks from the forge
          And the workers' hammering, to correspond
          To the wielded beauty of the hammer and sickle.

Personal, political, physical love are also expressed in poems like "Orange Orchids," "So Must Love Become," "Time Turns for Us," "Love Beginning" and others but always in the correct situationer of a much bigger love - the love for the people:
          No longer are we so bourgeois
          As to be voyagers hurled into black holes of idealism
          And where else can we feel so close to each other
          And grow on the tensions of personal love
          And the call to give all to the people's struggle
                    "Orange Orchids"

Heart-warming are the poems on Jason's first-born as:
          You lay in your crib, a total presence
          Unexpected beyond imagination of love
                    "I was Speechless when I First Saw You"

The Cordillera poems, poems which depict the struggle and the peoples of this great mountain range make up one substantial unit in this collection. Notable among them are the thought-provoking "Cordillera Harvest," the celebratory "Ifugao Revisited" and the most notable poems of the lot: "Turning Point" and "Celebration." "Turning Point" is a particular achievement. It first describes a tribal people on the warpath, their traditions, their enemies. As the village comes into contact with the revolutionary movement, tribal anger is transformed into class anger so that divisive tribal wars are elevated to the more meaningful revolutionary guerrilla warfare. This breaking of chains, so to speak, liberates not only the tribespeople from the traditions of old that bind them. It also liberates the women of the tribe from the chauvinistic attitudes that oppress them, raising them to their rightful status of being co-equal to men:
          Worthy and capable is woman
          To bear arms against the class enemies
          Of an oppressed and exploited people.
          She who works the rice fields,
          She who gives life must defend life
                    "Turning Point"

What does all this say? That the revolution can nurture love and poetry. That poetry is not the sole property of the privileged and the elite. That there is culture in the hills - indeed, a new kind of culture. It is a culture that serves the people and educates them at the same time. It is growing along with the revolution that spawned it and it will one day soon digest the Coca Cola culture the enemies of the people impose on us.

Jason Montana, fittingly enough, ends Clearing with elegies: tributes to the fallen heroes and martyrs of the revolution like Puri Pedro, Edgar Jopson, Fr. Zacarias Agatep. As he says in "In Memoriam:"
          Death shall have no dominion
          The people release you from its shackles
          And hold you in being in their hearts
          Fallen comrades, you rise anew with the masses.

Like the memory of our martyrs, love, poetry and the revolution from whence they come, shall endure and prevail.


cover/back of Kabanbanuagan




Kris Montañez, Kabanbanuagan, Mga Kwento ng Sonang Gerilya. ARMAS/NDF, 1987. 98+bp

BOOK LAUNCH
"Cocktails in the underground"
Liberation, Oct-Nov 1987, p18

Outside, the cool monsoon rain had just about made our day. But not quite all of it. For inside a roomy affair somewhere in Metro Manila, a burning ceremony they call a book launching, kept warm by our host family and the distilled spirit of San Miguel brew, had capped what could have been just another day for us in the underground.

Throughout the afternoon and late into the night of November 21, the Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS), the underground mass organization of artists and writers affiliated with the National Democratic front (NDF), had reason to celebrate, its main offering this year being three major publications: Ulos, a literary journal; Kabanbanuagan, a collection of short stories by Kris Montañez; and Clearing, a collection of poetry by Jason Montana. It had to be cocktails, yes, in the underground.

At the helm of things was Kris Montañez, author, ARMAS officer, emcee, purveyor of cultural insights. The program could've been like him - formal yet resilient. A message from the NDF was delivered by a representative from Liberation. Inspired and challenging talks came from both Jason Montana and Kris. A guest, himself a cultural worker in the trade union movement, provided a spontaneous rendition of his popular compositions. So suddenly did the program culminate with a deliciously memorable dinner of kaldereta and fried duck.

Those involved in alternative publishing may as well take a cue from ARMAS-NDF. Despite the hazards of being part of the underground movement, ARMAS grappled for almost a year with the practical demands of publishing work and endured the hassles of the trade. The volunteer force of cultural workers who were directly involved in the project, in that moment of accomplishment, had elation written on their smiles, yet were intent on keeping their status of committed anonymity.

While still daring to raise the remaining funds to pay the never-say-die printer of the three publications, the ARMAS volunteers are now raring to venture into their next publishing project for l988. Without illusions, they expect to reduce problems in future undertakings by arming themselves with outstanding lessons and unqualified promises of support. Transforming Ulos, Kabanbanuagan and Clearing into printed reality provided litmus proof of what could be done and gained.

Meantime, the post-program spell saw the commando staff of Ulos in a relaxed mood. Jason Montana was a figure of insurgent serenity in the midst of cigarette smoke, animated conversations, the rising and ebbing tide of beer and technical scrutiny of the three books. Everyone indeed exuded a sense of reunion even while devising schemes for marketing the publications, pointing out errors in press work, or requesting signatures from the authors. Everybody derived a sense of pride from being part of the cultural movement that produced Ulos, Kabanbanuagan and Clearing.


cover Tungki

Tatang [Cesar Hernandez Lacara, Agosto 21, 1910-Hunyo 19, 2000], Sa Tungki ng Ilong ng Kaaway. LINANG, 1988. 152bp
Talakayambuhay ng isang beterano ng rebolusyonaryong kilusan mula sa pagiging kasapi ng lumang Partido Komunista ng Pilipinas noong 1931, at muling pagkilos sa muling-tatag na Partido noong 1968

PAUNANG SALITA
Ka Bino [Crispin Beltran]
Mayo 1988
mp13-14

Ang buhay at pakikibaka ni Ka Che ay isang mabuting aklat. Nagbibigay ito ng aral at inspirasyon sa sinumang may marubdob na pagnanasa at pagmamahal sa tunay na kalayaan at demokrasya sa ating bayan.

Nagsimula siyang lumahok sa kilusang masa sa idad na 18, at nagpatuloy nang walang humpay hanggang ngayong halos 80 anyos na siya.

Nakilala ko siya noong 1957. Payat, may sakit sa pulmon, nakatira sa maliit na kubo sa pampang ng Ilog Balut sa Tundo, at humaharap noon sa kasong rebelyon.

"Paano kayo nabubuhay?" tanong ko.

"Nag-aalaga ng talaba. Ipinagbibili ko para may pambili ng pagkain at gamot," ang sagot niya, habang inihahanda ang isang bilaong talaba para sa amin.

"Bakit kayo nasangkot sa rebelyon?"

"Sapagkat kasama ako ng mamamayan sa paglaban sa ating kaaway."

Matagal na nanatiling mahiwaga sa akin si Ka Che. Sa tingin ko noon ay "malabo" ang kanyang pananaw at paninindigan.

Minsan, noong 1969, naitanong ko sa kanya kung paano maging kasapi ng "kilusan". Wika niya: "Basta gumawa ka ng mabuti para sa masa, mabuhay at makibaka kasama nila. Gawin mong pangunahin ang pagsusulong sa interes ng anakpawis. Darating ang panahon na may lalapit at hihimok sa iyo."

Nang maditini ako sa isang kampo ng diktadurang US-Marcos noong 1982, sumulat sa akin si Ka Che: "Balita ko'y malungkot ka. Matuwa ka imbis na malungkot. Isang malaking karangalan ang makulong sa ilalim ng mapaniil na rehimeng ito. Maliit na bahagi lamang iyan ng ating pakikibaka. Magsikap na lumaya para muling sumama sa pagkilos."

Nang makatakas ako sa kulungan, si Ka Che ang unang sumalo sa akin para tulungang ilayo sa lambat ng kaaway. Habang nasa kabundukan ako, lagi kong naiisip si Ka Che; inspirasyon ko siya. Hinangad ko ring magkaroon ng kombatsyus, tulad ng nakuha niya sa patay na pilotong Amerikano na ang eroplano'y bumagsak malapit sa kanilang hanay, habang nagmamartsa silang mga Huk mula sa Gitnang Luson patungong Maynila noong 1944. Ang pakiramdam ko at ng mga kasama ay kombatsyus ang aming tsinelas.

Isang karangalan ang mapalapit ako kay Ka Che. Higit na karangalan ang sumulat nito bilang pambungad sa libro tungkol sa kanyang buhay at pakikibaka.


REVIEW
"Tatang's life story, a story of masses in revolt"
Ang Bayan, April 1989, mp16-17

Among other things, an autobiography seeks to inspire and to teach. Sa Tungki ng Ilong ng Kaaway, an account of the life of Tatang, is a book that fulfills both aims - it is inspiring, and it brims with lessons drawn from the rich experiences of Tatang and the people. It is a book worth reading by all Filipinos who yearn for freedom and democracy.

Tatang comes from the poor and common folk. He was born in a remote barrio in Bacnotan, La Union. When he was a child, his parents migrated to Tarlac and to other towns in Central Luzon to earn a living. Tatang early learned the meaning of hard work as a worker in a sugar mill in Pampanga. Here, he experienced oppression and saw the need for organized struggle to change the unjust society. Thus, at 18, he threw himself into the heat of mass struggles, and in 1931 joined the newly established Communist Party of the Philippines.

Tatang grew to be a revolutionary. He actively participated in the forming of mass organizations, the establishment of Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon) and the setting up of the CLO (Congress of Labor Organizations). Despite his humble origin, he was recognized by the masses as their leader because he took to heart the spirit of service to the people and was always ready to lead them. This is one of the book's messages.

In 1952 he was arrested by agents of the reactionary state and incarcerated for two years. When he was released, he continued in his work of arousing and organizing the masses, though the Party by then was in the verge of dissolution and could not give him any guidance. In the 1960s he was one of those who responded to the call to reestablish the Communist Party of the Philippines, and he was given an important assignment - to take charge of the revolutionary movement's expansion in the North. He was instrumental in opening up many new areas for revolutionary work.

In his simple style of narration, Tatang gives us a vivid depiction of his experiences, intertwined with the experiences of the masses, as a rural poor boy, a sugar worker, an organizer, a guerrilla, a mass leader, a Party cadre. Tatang though seemed to have missed discussing the significant turning points in his life. For instance, why did he join the Party? How did he view the communists? Why did he decide to join the reestablished Party in 1968?

At the time Tatang wrote his book, he was 72 years old and had been active for more than 50 years in the movement. That he persevered in putting down on paper the story of his life is truly inspiring. But what is more inspiring is that in his account, he knows no weariness at all in the long and ceaseless struggle in which he had taken part. Instead, we feel his revolutionary enthusiasm, firmness, undying faith in the masses and in the triumph of the revolution, and the iron will to offer whatever strength remains for the struggle.

Tatang's story spans almost the entire history of the Party itself. It can be said that it is also the history of the Party according to the point of view of a living witness to and participant in the Party's birth, rebirth and decades of life-and-death struggles, who fortunately chose to write all of it down in black and white. One wishes though that Tatang could have delved more deeply into the important landmarks in the Party's advance or retreat, to give the readers, especially those who are not Party members, a historical summing-up of the Party's development. Still, the book as it is serves as valuable material for scholars who want to study the twists and turns of Party history.

By creating a literary piece, Tatang is a testimony to the fact that from the ranks of the masses, often derided by the bourgeoisie as ignorant and illiterate, can emerge writers - as well as poets, artists, teachers and leaders. In truth, the masses are a wellspring of revolutionary writers, poets, artists, teachers and leaders - people's intellectuals who may not have had the benefit of formal schooling but who hone their natural talents in the course of making revolution. The Party values them, helps them to blossom, and gives them a valuable role in the historic process of forging a new society. Tatang's book serves as a challenge to all those revolutionary intellectuals and cultural workers who seem to have slackened off in their creation of works of revolutionary literature.

In the final analysis, Tatang's autobiography is not just the story of his life. It is also a story of the Filipino toiling masses and their leaders who rose up in revolt against the semicolonial, semifeudal order. Tatang is an integral part of them, his experiences woven into the whole fabric of the people's revolutionary experience. In his book, Tatang talks about the lives and passions of the masses - their suffering and hardships, unity in struggle, love of country, hatred for the tyrants and the invaders, contempt for traitors and many more.

Tatang also reminisces about some revolutionary figures with whom he fought side by side in the fire of the revolution. Reading these parts of the book evokes mixed emotions - one tinged with regret for such fine leaders as Capadocia, Del Castillo, Balgos and others. All that they labored so hard for, the victories they achieved in the 1930s and especially during the period of the Second World War - all these almost came to nothing, because of the serious mistakes and weaknesses of the old Party in its later years. On the other hand, there is a sense of pride in the Party's rise from the ashes in 1968, together with many of the revolutionary veterans who came forward once again to raise the fallen flag of struggle and sow the seeds of a stronger armed revolution and revolutionary mass movement. Today we glimpse the bright day of freedom ahead.

After reading Tatang's book, who can now claim that the reestablished Party is not the true heir to the tradition started by Crisanto Evangelista?


REVIEW
Kris Montañez, "Portrait of a veteran revolutionary"
Liberation, July-Aug 1988, mp12-14

The invitation to the August 21 afternoon celebration came as a bookmark topped with a red tassel. Bearing the facsimile of the book cover which is highlighted by a photograph of Tatang's deep-set eyes and bushy eyebrows, the bookmark-invitation was a capsule of an old revolutionary's 78 years. It concentrates on the darker half of Tatang's photograph, capturing a glint of an eye and its crescent reflection on the ravine of an eyelid.

The affair itself was a double celebration - first, for the release of a book; and second, for the birthday of its author, who was born August 21, 1910 in a peasant seaside village in Northern Luzon. Amidst food and drinks and comradely warmth, songs were rendered and messages read, including an article published in the May 1982 issue of Ang Bayan, based on an interview with Tatang. Tatang himself, lean and straight and alert, took time out from his out-of-town workplace to be with his friends, old and new, to receive the first copies of his handsome book, and to autograph copies with his name. He signed them, simply, Tatang, although throughout his revolutionary life he had been known as Cesar, Rodel, Marcial, Lauro, Jose, Roy and other names.

The book chronicles the life and times of a revolutionary from the peasant class, starting with his boyhood years in La Union as he helped the family keep both ends meet while trudging barefoot to a school in town. In 1921, the family moved to Tarlac in search of work. From 1926 to the outbreak of World War II, Tatang worked in the sugar haciendas and milling factories in Pampanga and Nueva Ecija, including a logging company in Dingalan Bay, Quezon. It was these years that sharpened his sense of class oppression and solidarity; he worked in union-building and led workers' strikes to fight for their rights. After August 1930, when the Partido Komunista ng Pilipinas recruited him as a member, his organizing and expansion work grew more intense, marking him off as a target of the ruling classes. During the Japanese Occupation, he headed the Maintenance and Supply Division of the Expeditionary Forces No. 1 of the Hukbalahap, consisting of three battalions and including the Wachi (Chinese) contingent.

Immediately after the war, he worked with the Congress of Labor Organizations (CLO) headed by Manuel Joven, his townmate, who was later brutally murdered by enemy agents. With the CLO splintered into several federations, Tatang continued to work with other labor groups, until he was captured and detained in 1952. Upon his release from prison in 1961, he engaged in organizing work among the urban poor, first in Barrio Magsaysay in Tondo and later in Constitution Hill (now the site of Batasang Pambansa) in Quezon City. In 1968, he was consulted by new cadres regarding the reestablishment of the Communist Party of the Philippines on the basis of Marxism-Leninism-Mao Zedong Thought, and he himself was present during the Party's formal reestablishment.

His tasks under the Party had been opening up new areas for expansion work: in 1969, in Pangasinan and La Union; in 1972-74, in Eastern Rizal; in 1976, in the boundary area of the Cordilleras interconnecting Kalinga-Apayao, Abra and Ilocos Sur; and in 1981, in Central Luzon.

Now 78 years old, Tatang still carries on his tasks for the revolution.

In sum, the autobiography shows a firm proletarian stand and emphasizes the importance of organizing the masses for struggle and of relying on the masses of workers and peasants for carrying out revolutionary work. The vivid sequential recall of events, dates, personalities and places enlivens moments in history in which Tatang played a part, highlighting both his character as a revolutionary and the nature of the Filpino people's revolutionary struggle from the earlier decades to the present.

Tatang may not be a big name in the movement, but neither are those hundreds of thousands of organized workers and peasants, cadres and Red fighters who are carrying on the revolution on a day-to-day basis, the young and the old alike fighting hard and in anonymity. Tatang's biography speaks for all the true heroes of the revolution, and herein lies the book's worth - it gives voice to the masses who indeed make history.

Tatang's handwritten manuscript, on which the present book was based, has a story to tell. While in an underground house in Metro Manila in the early 1980s, the young cadres he stayed with would ask him to tell stories about his long history of work in the movement. Later, they would devise a set of questions for the beterano to answer as he moved from one house to another. The answers, in turn, would give ground for more questions, clarifications, details. This process went on until 1984, when the entire manuscript was turned over to a staff for editing and possible publication. Work on the manuscript was off and on due to various reasons; however, edited sections managed to appear in some mass publications such as Tambuli and Pahayag.

In 1986, LINANG, publisher of the well-known 1984 anthology Magsasaka: Ang Bayaning di Kilala, took charge of the project. One of the first problems raised by the project staff was the method of dealing with such a manuscript: as a historical document, should not the texts be kept as they are, as suggested by some academic historiographers; shouldn't the variants/elaborations be integrated in the main texts, thus avoiding duplications and achieving a continuous narrative run; or should not the main texts serve as the main narrative line, followed by elaborations on certain topics contained in the main narrative?

The last option was taken, as it followed the original format of the manuscript. Since the book was meant to reach a wider audience and not just a narrow circle of academic scholars, the demand for readability made it necessary to excise some repetitive lines, cut, fuse or transfer sentences, and standardize spelling. Data contained in the manuscript had to be checked out in history books. In addition, notes, photographs and maps had to be prepared.

The project staff maintained close consultation with Tatang, to press him for more exact details and to discuss with him current debates within the movement. Staffmembers took photographs of him whenever he was in his workplace in Manila; they visited him once in a house in Northern Luzon while recuperating from a surgical operation, with his wife close by to nurse him.

In his autobiography, not much was said about his own family life. His first wife died several years after the war; he remarried, but with neither did he have any children. No matter, for all the young revolutionaries he has come to work with in his various areas of assignment are his children, who fondly remember and honor him (and keep on working with him) as their dear Tatang.


TRIBUTE
Jose Maria Sison
Founding Chairman
Communist Party of the Philippines
22 June 2000

Julie and I convey our sincerest condolences to the family of Comrade Cesar Lacara over his passing away. We join all our comrades and friends in honoring him as a steadfast and outstanding communist, a revolutionary fighter of the proletariat and the entire people.

In the 1930s when he was a farm worker in Central Luzon, one among the young people seasonally migrating from Northern Luzon to cut sugarcane, he joined the militant movement of peasants and farm workers and became a revolutionary cadre.

He participated in the people's war against the Japanese fascist invaders during World War II and consistently worked in the interest of the peasant masses under the leadership of the proletariat. Subsequently, he became a cadre in the Congress of Labor Organizations.

Under conditions of the most severe anticommunist and antipeople suppression, he remained loyal to the revolutionary cause of the proletariat and the people. He dedicated himself to the cause of national liberation, democracy and socialism and to the ultimate goal of communism.

I came to know Ka Che personally in the course of the efforts of the proletarian revolutionaries to rebuild the Communist Party of the Philippines during the resurgence of the anti-imperialist and antifeudal mass movements in the 1960s.

He was among the senior comrades who came from the old merger party but who stood up for the Marxist-Leninist line against revisionism. He was highly respected by his fellow veteran revolutionaries. And like all younger comrades, I came to respect him for his resoluteness and militancy.

He took an active part in the struggle to assert the proletarian revolutionary line against the Lava revisionist renegades and to reestablish the Communist Party of the Philippines under the theoretical guidance of Marxism-Leninism-Mao Zedong Thought. He based himself on his long and rich revolutionary experience and had an excellent grasp of the ideological, political and organizational line of the Party.

Whenever he thought necessary, he sought me out to give counsel and consult with me on the work to be done. He wrote letters to me and came to meet with me and other comrades in Central Luzon as well as in Cagayan Valley, especially in the years from 1969 to 1971.

I always regarded Ka Che as a living treasure of the revolutionary movement because he had participated in so many past struggles. And he continued to work in the underground for the revolutionary movement against the US-directed Marcos fascist dictatorship. Even when age had taken its toll on him physically, he tenaciousl;y performed the tasks decided in the various units to which he belonged.

Ka Che was characteristically a quiet, self-abnegating and hardworking comrade. He had the communist trait of doing far more for the revolution in anonymity than what is publicly known. But because of his exemplary life and work, a publishing unit thought it wise to have his biography published in the 1980s in order to inspire our revolutionary ranks. The book gives many details about him and about his struggles, sacrifices and achievements in the course of revolutionary work in the new-democratic revolution.

Ka Che lived a full and meaningful life in the revolutionary service of the proletariat and people. The significance, scope, intensity and richness of his revolutionary experience make his life outstanding and inspiring. He continues to live in our hearts and minds and in the revolutinary movement of the Filipino people.

Long live the memory and example of Ka Che!
Long live the Filipino working class!
Long live the memory and example of Ka Che!


Letters of the Revolution. Vizcaya-Quirino: Biwag Anni Malana Pub., 29 Sept 1988. 31bp
Tungkol sa maigting na ganting-salakay ng militar laban sa insureksyunistang patakaran sa rebolusyong agraryo ng kilusan sa Vizcaya-Quirino


cover Bukal





Levy Balgos dela Cruz, Bukal ng Tubig at Apoy. LINANG/Mainstream, 1989. 310bp
Mga maikling kwento tungkol sa armadong pakikibaka sa Kordilyera

PAUNANG SALITA
"Isang bukas na liham mula sa awtor"
28 Mayo 1989
mp1-4

Mahal na mga Mambabasa:

Isang maalab na pulang pagbati sa inyo!

Ang Bukal ng Tubig at Apoy, isang munting aklat ng kalipunan ng mga kwento ng nakikibakang mga mamamayan - kayo - ay nais kong ibalik sa inyo ngayon sa paraan ng isang paghahandog.

Ang sambayanan at rebolusyon ang bukal ng napapanahong mga paksa't tauhan para sa panitikan ng kasalukuyan na naglilingkod sa mga mithiin sa tunay na pagbabago at pag-unlad ng bayan at sambayanan. Mga paksa't tauhang pagkaraan ng dalawampung taon ng pambansa-demokratikong pakikibaka ay tunay nang matining at matingkad na mga paksa't tauhang may laman at dugo, may mukha't katauhan, may distinktong tinig, may kaluluwa - sa awtentikong mga lunang pinangyarihan mismo ng drama ng kanilang makauring mga kontradiksyon at tunggalian at proseso ng pag-unlad.

Mga paksa't tauhang singkongkreto ng kongkretong reyalidad ng lipunang Pilipinong sakbibi ng isang rebolusyong pambansa at demokratiko. Mga paksa't tauhang hinango sa kongkreto't buhay na mga karanasan ng nakikibakang mamamayan - pakikibaka sa produksyon, tunggalian ng mga uri at syentipikong mga pagsubok at pagtuklas. Mga paksa't tauhang hindi na maaaring bakuran at sagkaan ng mga kumbensyon sa panulatang itinatakda ng oryentasyong Kanluranin at kolonyal, elitista at pasista.

Ang makapangyarihang bukal na ito ng mga paksa't tauhan ng sambayanan at rebolusyon ay dumadaluyong na katulad ng tubig at naglalagablab na katulad ng apoy at siyang magwawasak at tutupok sa lahat ng mga bakod, sagka at balakid sa pagyabong ng rebolusyonaryong sining at panitikang Pilipino. Ang matining at mataos na kalamnan ng mga ito ang siya na ring magtatakda sa mga anyong ang mga ito na rin ang huhubog para sa mas epektibong pagbabahagi ng mga mensaheng nais mailinaw sa lalong nakararaming mambabasa.

Lipas na at kasalukuyang naghihingalo ang panahon ng mga indibidwal na bayani sa panitikang Pilipino na may monopolyo sa kakisigan, katalinuhan at katapangan - isang bathala sa gitna ng lipunan ng mga tao, isang superman, ang sentro ng grabidad ng sangkatauhan; a, burgis na impluwensya sa pagkamakasarili at karakterisasyon ng ilang piling tauhan - na karaniwan nang produkto ng malikot na imahinasyon o tunay na pantastikong likhang-isip - sa panitikang pyudal at burges!

Tapos na rin ang panahon - iyon ay noon pang dalawampung taon na ang nakararaan! - na ang mga kwento hinggil sa nakikibakang masa ay kwento ng mga tauhang karikatura na nagsisipagdiskurso ng mga paninindigan sa pakikibaka sa antas ng teorya, at ang tugatog ng pakikibaka ay sinisimbulo lagi na ng pagkakawit-bisig, madidilim na mukhang tulad ng maskara, at kuyom na mga kamaong nakasuntok sa hangin.

Pagkaraan ng dalawampung taon ng pagrerebolusyon ng sambayanang Pilipino, nagdugo na ang maraming kuyom na kamao at maging ang maraming dibdib, puso, ulo; marami nang mga kamay ang may-hawak ng baril, gayunding hindi na iilan lamang ang nagbago ng loob at nagpalit ng isip; gayunpama'y nagpapatuloy pa rin nang puspusan at walang-puknat ang pakikibaka ng sambayanan - habang higit pang nag-iibayo ang tining at tingkad ng mga talang nakatitik sa mga palad ng kuyom na mga kamao ng nakikibakang mga manggagawa at magsasaka, sa mga palad ng mga Pulang mandirigma ng hukbong bayan na mahigpit na nakahawak sa mga sandata ng mamamayan, maging sa may-iwang mga talampakan ng mga magsasaka at mga kuryer ng pakikibaka, sa musmos na mukha ng mga batang kay-agang pinaglamat ng malalaking katanungan, hanggang sa mukha ng lupa sa linang, bundok at gubat sa kanayunan at aspalto ng mga lansangan at burak ng estero at patay na mga ilog sa syudad; ang may-dugo't-laman, may mukha't-katauhan at may-tinig-at-kaluluwang mga paksa't tauhan ng Rebolusyong Pilipino na umuukilkil na maisulat na sapagkat hindi na kayang sinupin na lamang sa mga alaala o epektibong maipalaganap sa paraan ng berbal na pagsasalaysay.

Sa inyong lahat, mataos kong inihahandog ang ilan lamang sa bungkos-bungkos nang mga paksa at pupu-pupong pumpon ng mga tauhan ng ating pakikibaka na nagsimulang wari'y mga pumpon lamang ng magagandang salita dalawampung taon na ngayon ang nakararaan.

Ang Bukal ng Tubig at Apoy ay isa lamang munting pagsisikap sa panig ng inyong lingkod na maisulat na ang mga paksa at tauhan ng pakikibaka, at pagdamutan ninyo ang munting handog na ito sa kadakilaan ng inyong mithiing makamtan ng bayan at sambayanan sa hindi na malayong hinaharap ang tunay na kasarinlan, kalayaan, demokrasya, pag-unlad at kapayapaan.

Kasama ng ibang manunulat ng pambansa-demokratikong pakikibaka, hihilingin ko sa inyong pagtulung-tulungan pa nating linangin ang mga paksa't tauhan ng sambayanan at rebolusyon sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa ating mga rebolusyonaryong praktika hanggang sa tagumpay.

Hihintayin ko ang inyong mga puna at mungkahi kaugnay ng kalipunang ito, at sisikapin kong mapahusay pa ang susunod na mga pagsisikap na makapag-ambag ng aking makakayanan sa pagtataguyod ng tunay na sining at panitikan ng sambayanang Pilipino.


cover STR


STR [Sa Tagumpay ng Rebolusyon], Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino. LINANG/Mainstream, 1989. 230bp
Mga tula tungkol sa digmang bayan ng 10 makata: Ruth Firmeza, Wilfredo Gacosta, Jaime Kasanag, Emmanuel Lacaba, Lucia Makabayan, Servando Magbanua, Katalino Maylayon, Jason Montana, Kris Montañez at Emin Peña

MENSAHE
Pangkalahatang Kagawarang Pampulitika
Pangkalahatang Komand
Bagong Hukbong Bayan
29 Marso 1989

Mga kasama!

Isang mainit na pagbati sa inyong lahat sa araw na ito, ika-20 anibersaryo ng pagkatatag ng Bagong Hukbong Bayan!

Isang mainit na pagbati sa okasyong ito ng paglulunsad ng STR, isang aklat ng mga rebolusynaryong akda mula sa kanayunan.

Labis kaming natutuwa at pinili ninyo ang araw na ito para sa paglulunsad ng STR. Angkop na angkop na ipagdiwang natin ang anibersaryo ng hukbong bayan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang aklat na naglalaman ng ating mga rebolusyonaryong damdamin at mithiin; mga kaisipang nakapagpupukaw at nakapagpapakilos ng libu-libong mamamayan; mga adhikaing pinagbuwisan na ng buhay at dugo ng ilanlibong Pulang mandirigma at iba pang mga rebolusyonaryong martir.

Kapag ginugunita natin ang paglaki at paglakas ng hukbong bayan, tiyak na makikilala rin natin ang kaagapay na pag-unlad ng ating rebolusynaryong kultura at sining sa kanayunan. Napakalaki at napakahalaga ng papel na ginampanan at patuloy na ginagampanan ng sining sa pag-unlad ng hukbong bayan. At gayundin ang hukbong bayan sa pag-unlad ng ating sining at kultura. Hindi na natin kailangang baybayin pa ang katotohanang ito, na nasasalamin at napapatunayan mismo ng mga akdang nakapalaman sa inilulunsad nating aklat ngayon.

Mga kasama! Nangangarap ang kaaway sa pag-aakalang mababawi niya ang tiwala ng masa at magagapi niya ang mga rebolusyonaryong pwersa sa pamamagitan ng pagkopya sa ating mga Sandatahang Yunit Propaganda (SYP). Pero malinaw na bigo na sila. Mahigit nang isang taon ang mga Special Operations Team (SOT), pero wala pa silang naisusulat na kahit na isang tulang buong puso't damdamin na binibigkas ng masa. Wala pa tayong naririnig na kahit isang awit ng mga SOT na buong giliw na isinasalubong ng masa kapag pumapasok sa baryo ang mga mapagkunwaring pasista. Paano tayong magagaya ng AFP gayong bulok ang kanilang kultura at wala silang sining?

Sa kabilang banda, dalawampung taon na tayo at isang taon pa lang ang SOT ng kaaway. At pang-ilang aklat na itong ating inilulunsad ngayon?

Mga kasama! Marami pang taon ng pakikibaka ang kaharap natin. Kailangan pa natin ng mas maraming tula, awit, maikling kuwento't nobela. Kailangan natin ng mas maraming mga akdang higit pang makakapagpapatatag ng ating diwang rebolusyonaryo, higit pang makakapagpahigpit sa ugnayan natin sa mamamayan, higit pang sasalamin sa mga damdamin at mithiin ng masa at mga kasama sa larangan.

Natitiyak naming buo rin ang kapasyahan ninyong makabahagi sa pagpuno sa pangangailangang ito.

Sana'y masundan pa ito ng paglulunsad ng mas maraming aklat ng mga rebolusyonaryong akda.

Isulong ang rebolusyonaryong sining!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Sulong sa ganap na tagumpay!


Balligi, cassette tape ng mga kanta. Komisyon sa Kultura, Cordillera People's Democratic Front/Pambansang Komite sa Musika, ARMAS, 1989

REBYU
[Kris Montañez], "Ang salidumay ng fetad!"
Liberation, Jan-Feb 1991, mp15-16

Kapwa bahagi ng tradisyunal na kultura ng mga katutubo sa Kordilyera ang salidum-ay at fetad! Sa pag-awit o sa pakikidigma, taglay ng mga katutubo ang mga kaugaliang nakapagpanatili ng kanilang lipunan sa harap ng mga pagtatangkang sakupin sila, mula sa panahon ng kolonyalismong Espanyol hanggang sa kasalukuyang paghahari ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo, dagdag pa ang pambansang pang-aaping dinaranas nila bilang pambansang minorya sa kamay ng mga lokal na naghaharing uri.

Sinasagisag ng mga kantang nasa koleksyong ito ang antas ng organisasyon at pakikibakang naabot na ng mga katutubo sa Kordilyera para sa pambansang demokrasya at tunay na otonomya.

Noong 1981, sinimulang itatag sa rehiyon ang Cordillera People's Democratic Front (CPDF) bilang organisasyong pampulitika ng mga katutubo. Ang CPDF ang nagsisilbing panimulang binhi ng Cordillera People's Revolutionary Autonomous Government (CPRAG), isang probisyunal na rebolusyonaryong gubyerno para sa pakikibaka.

Ang mga batayang yunit panteritoryal ay binubuo bilang mga lokal na rebolusyonaryong gubyerno ng mamamayan (Organo Dagiti Demokratiko Bilig Pampulitika o ODBP) sa mga lugar na may relatibong lakas ang Bagong Hukbong Bayan, may mga milisyang bayan, may makinarya ng mga aktibista at organisasyong masa ng CPDF, at kung saan napahina na ang otoridad ng reaksyunaryong gubyerno.

Kaya nga ang mga kantang ito ay mga panawagan para sa pagpapatatag ng mga ODBP sa mga lugar na kinikilusan ng Chadli Molintas Command, ang destakamento ng BHB sa rehiyon, at nasasakop ng pamamahala ng CPDF.

Ang kantang "Umili iti Kordilyera" ay nananawagan para sa pagtatayo ng gubyerno ng mamamayan hanggang sa tagumpay: Gubyerno iti umili/ Itakder ainggana't balligi (Gubyerno ng mamamayan/ Itatag hanggang sa tagumpay)

Ang lahat ng mamamayan, armado o hindi, ay hinihikayat na ipagtanggol ang kanilang gubyerno laban sa mga atake ng kaaway, tulad nang sinasabi sa "Fetad!": Lallakay, kabataan/ Uubing, kababaihan Armado ka man/ Wenno sibilyan PRG salakniban/ Saan tayo a palubusan/ A sumrek ti kalaban/ Intayo ngarud Pagtintinnulungan/ PRG ket bantayan (Kalalakihan, kabataan/ Mga paslit, kababaihan/Armado ka man/ O sibilyan/ PRG ipagtanggol/ Huwag nating papayagang/ Pumasok ang kalaban/ Tayo na't Magtulung-tulong/ PRG ay bantayan)

Sa ilalim ng bagong gubyerno, isinusulong ang iba't ibang gawain para sa pagpapahusay ng pamumuhay ng mamamayan, tulad ng produksyon, kalusugan at hustisya.

Sa "Salidum-ay Hustisya," inilalarawan kung paano tumatakbo ang mga korte ti umili (hukumang bayan) para maresolba ang mga problema sa hanay ng mamamayan at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang mga komunidad: Komite ti hustisya/ Daytoy ti trabaho da/ Risiris ket isimpa/ Tapno ili natalna/ Sino't nagbasul kanyada/ Agpayso kadi dayta/ Daytoy ti usigen da/ Kitaen padapada (Komite sa hustisya/ Ang gawain nila/ Gulo ay ayusin/ Upang baya'y maging payapa/ Kung sino ang may sala/ Katotohana'y alamin/ Ito'y uusigin/ Susuriing mahusay)

Sa "Salidum-ay Salun-at," inilalarawan ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng katutubong panggagamot, kalinisan sa mga komunidad, pag-iwas sa sakit at ng paghahanda para gamutin ang mga kasama at masang nasusugatan sa digma: Gagangay iti gubat/ Nagadu ti masugat/ Intayo mangiwayat/ Programa ti salun-at (Talagang sa digmaan/ Maraming nasusugatan/ Ating ilunsad/ Programa sa kalusugan)

Sa "Salidum-ay Pangkabiagan," hinihimok ang mamamayang magtanim ng mga masustansyang gulay; gumawa ng irigasyon, tulay, daan, iskwela, klinik; magbuo ng mga kooperatiba; at pataasin ang produksyon. Pinapahalagahan ang kolektibong paggawa para sa pagpapahusay ng kabuhayan: Abuyog nainsigudan/ Intayo pairutan/ Trabaho nabingayan/ Kolektibo pamuspusan (Kolektibong paggawa/ Ating palakasin/ Hatian sa gawain/ Ating pagsikapan)

Ang muling-paghuhubog-sa-sarili ang siya namang nilalaman ng kantang "Sinnogom Akay." Idinidiin ang pagtatakwil sa bulok na kaisipan, ang pagharap sa mga sakripisyo at kahirapan, ang pagiging malapit sa masa, ang pagkilos para sa kapakanan ng nakararami, at ang pagtataguyod ng pamumuna at pagpuna-sa-sarili bilang paraan ng pagwawasto sa mga kamalian: Bulok a kapanunutan/ Ibelleng ken rimbawan/ Galad rebolusyonaryo/ Ipinget, ipangato (Bulok na kaisipan/ Itapon, itakwil/ Rebolusyonaryong diwa/ Isapuso, paglinangin)

Ilang himig ng salidum-ay ang inilalarawan sa koleksyong ito. Bukod sa salidum-ay, may halimbawa rin ng oggayam, isang tipo ng katutubong chant. Minimal ang paggamit ng katutubong plawta o kawayang patpat, at sa isang kanta ay gumamit ng sound effects tulad ng huni ng ibon at bagsak ng bomba. Walang pagtatangkang gawing "moderno" ang salidum-ay, tulad ng paglalagay ng second o third voice, counterpoint o pagkantang ala-rock sa koleksyong Salidum-ay (1987). Mahusay na disisyon ito, sapagkat nilalayon ng koleksyong ipopularisa ang mga kanta sa hanay mismo ng mga katutubo at awitin nila ang mga ito batay sa kanilang kinagisnang paraan at kasalukuyang pangangailangan sa paggugubyerno at pakikidigma.

Namamayani sa mga kantang ito ang diwa ng fetad!, ang panawagan para sa pakikibaka ng mga katutubo sa Kordilyera. Ang pangunahing kahulugan ng salitang ito, kapwa sa tradisyunal at rebolusyonaryong paggamit, ay armadong pakikibaka. Gayunman, batay sa karanasan sa pagkilos ng mga kasama at katutubo sa rehiyon, yumayaman ang kahulugan nito para masakop ang pakikibaka sa hayag na kilusang masa, ang pagbubuo ng ekonomyang panggera, ang pagpapaunlad ng kakayahang magtanggol ng mamamayan at ang pagbigo sa mga pakana ng kaaway na paglaban-labanin ang iba't ibang tribu sa Kordilyera.

Tulad ng fetad!, bodong, sagang at iba pang kinamihasnang ritwal sa kabundukan ng Kordilyera, ang mga salidum-ay at oggayam sa song cassette tape na ito ay nagkakaroon ng bagong gamit at kahulugan para sa mga katutubo na nakikibaka para sa pambansang demokrasya at otonomya.


cover/back Sebyo

Carlos Humberto, Sebyo. LINANG/Mainstream, 1990. 164bp
Nobela tungkol sa pagkamulat ng isang lumpen mula sa buhay-Maynila tungo sa pagiging manggagawa sa bukid at sa huli'y bilang Pulang mandirigma

REVIEW
"Issues of life and death"
Ang Bayan, Jan-Feb 1991, p33

In more than 20 years, very few novels depicting the great struggle of the Filipino people for national democracy have been written. Sebyo by Carlos Humberto is one of these novels.

Published by LINANG (Movement for the Development of Revolutionary Literature and Art in the Countryside) in October 1990, the novel's story revolves around the main character, Sebyo, a lumpen proletariat who became a worker, a peasant, and finally a New People's Army guerilla.

Humberto used the lumpen character to depict the oppressed social condition of the common people. Sebyo was still young when his parents died. Because of poverty, he and his brother, Cris, had to separate. Sebyo roamed the streets, sold newspapers and sweepstakes tickets, and later joined a group of thieves led by Mando. His brother became a dishwasher in an eatery, continued his study and, after a few chapters, was never mentioned again.

When Mando was killed in a gang fight, Sebyo changed his trade and became a circus worker in a perya. There he met a clown named Tony, who happened to be a member of a militant labor federation called KASAMA (Federation of Workers' Organizations). He started to enlighten Sebyo on political issues, such as capitalism or the exploitation of workers by capitalists.

Tony invited Sebyo to join the KASAMA congress in Baguio City. While they were in Baguio, the circus retrenched, and Tony and Sebyo were among these who lost their jobs. Tony went back to Manila and was never mentioned again in the novel.

Luckily, Tony had introduced Sebyo to a farmer from Isabela named Damian Masintal, or Menong, who invited Sebyo to visit their place and once there Sebyo himself requested that he be permitted to stay. Sebyo helped tend Menong's farm, which is owned by a despotic landlord named Don Benito Perez. As he worked in the farm, Sebyo realized that the life of a peasant was as oppressed and difficult as that of a lumpen.

Menong was the leader of a peasant group in the area. Sebyo became a member of the group, which later launched a political action in the form of active support to the workers' strike in a tobacco factory owned by Mario Alvarez, a comprador and friend of Don Benito Perez. The strikers battled with the scabs hired by Alvarez. In addition, their picket was dispersed by the soldiers of General Raval, a friend of both Alvarez and Don Benito.

Later, Don Benito evicted the tenants of his land, including the family of Menong. Some farmers migrated to Cagayan, but others decided to go to the mountains and join the NPA. Among them were Menong, his sister Choding, Sebyo and Choding's sweetheart Pedring.

Inside the guerilla army, Sebyo received education and training. A few more characters came out, such as the petty-bourgeois teacher named Menti, who helped further shape Sebyo's mind and emotions. Later, Sebyo became part of an armed propaganda squad. In an encounter, Sebyo was captured and beaten by the enemies, but was later able to escape. He went back to his unit and eventually became a squad leader. The novel ends with a successful NPA raid on a communications facility of the enemy.

The novel's strength lies in depicting the everyday difficulties suffered by the common people in a semicolonial and semifeudal society. It is not lacking in standard issues: struggle between the rich and the poor (class struggle), feudalism, landlord-comprador-military collaboration, worker and peasant alliance, and armed struggle as the only hope of the oppressed. The novel is faithful to the doctrines, and this is clearly shown in the details of discussions and arguments of the characters.

However, whether the issues or doctrines were presented deeply is a big question. The novel seemed to lack so many details or elements. For example, who was Tony, the worker who first indoctrinated Sebyo? How did a circus clown become a member of a militant federation of workers? Or, wasn't Menong too trusting and wasn't he taking too much security risk by taking Sebyo along as a family member? These are only a few of so many problems in the novel These should not have been problems if the novel contained explanations or more details to show the motivations or deeper traits of the characters.

The novel also leaves the impression that the events are so fast and common that they are not very surprising anymore. They do not create the necessary dramatic and emotional impact that can help deepen the reader's understanding or grasp of the social issues being portrayed. Maybe this is due to the use of Sebyo as a single character depicting the plight of different social classes - lumpen, worker, peasant and Red fighter. Sebyo moved in a very wide area, and his movements were so fast that he merely became reactive to incidents in his life, instead of gaining important lessons that will be his source of crucial and independent decisions.

On the whole, the novel can be appreciated for its faithful portrayal of ordinary incidents in the life of the common man, and for bringing the message that these ordinary incidents are issues of life and death.


cover Rising




A People Rising. Photo documentation. National Democratic Front, 1990. 100bp

REVIEW
Armando Jose, "Visions of tomorrow"
Liberation, Sept-Oct 1990, mp29-30

Although the struggle to bring about thoroughgoing change in Philippine society began over two decades ago, relatively little of what the Filipino people have achieved so far in shaping a new future has filtered to the outside world. The photo documentary book A People Rising brings to light little-known facts about what is happening in various areas of the country where the revolutionary movement, led by the National Democratic Front (NDF), wields significant political influence. More important, it helps provide a deeper understanding of the various dimensions of the sweeping changes taking place in the NDF's zones of popular control.

In many parts of the archipelago, the NDF is laying the groundwork for a new and better society for all Filipinos. Its vision of a new Philippines is already evident in areas where the broad confederation has established its presence. Here, people from all walks of life are actively engaged in the task of building the foundations of a just, humane and prosperous social order. What they have achieved so far is a testament to the determination of the Filipino people to chart their own destiny and to shape a new future.

In communities where it has extended its influence, the NDF has created - and is creating - new mechanisms for self-governance. By giving people the opportunity to decide on matters that affect them, and providing the widest possible latitude for the exercise of their political freedoms, the NDF seeks to make genuine participatory democracy flourish at the grassroots level.

Through the establishment of the organs of political power in the zones of popular control, genuine people's empowerment has become a reality. Here, the people learn the lessons of self-governance and collective decision-making to promote their interest and assert their rights. This further strengthens the people's resolve to make freedom, dignity and humanity flourish in vibrant communities where they have established structures which they, together with the NDF, have built.

Apart from encouraging grassroots democracy, the people's revolutionary organs of governance (PROG) are helping bring about a new economic order based on cooperation, mutual help and self-reliance. The objectives are clear: to overturn patently inequitous economic structures; put an end to the grinding poverty that has left many Filipinos on the edge of despair; ensure self-sufficiency in basic needs; and create conditions for a strong and robust economy that will not only help sustain the war effort but also advance the revolutionary struggle to final victory.

In areas where the revolutionary movement has taken deep root, the PROG's education committees are leading a determined campaign to eliminate illiteracy, provide rudimentary but meaningful education to both young and old alike, and have rekindled the people's desire to learn new ideas. Lessons in literacy and numeracy are creatively combined with political courses to provide the people with a better understanding of the various processes that they have to go through to significantly change their lives.

Health is also a primary concern in the zones of popular control. This is expressed in the health committees' programs and projects concerning health education and disease prevention, as well as information dissemination about proper nutrition and physical hygiene. Western medical procedures are combined with alternative methods like acupuncture and herbal medicine. Paramedics can easily cope with common medical emergencies and can even perform minor surgical operations whenever necessary.

NDF initiatives in the political, economic and social spheres must go hand in hand with advances in the cultural field. The new culture that is evolving in increasingly larger areas of the Philippine countryside is one that takes into account the history and traditional values of the Filipino people. It reflects a keen appreciation of the sacrifices of the people's revolutionary heroes and martyrs.

Apart from disseminating hitherto little-known information about recent developments in the NDF's zones of popular control, A People Rising has succeeded in bringing together the most graphic and inspiring images showing how people in these areas strive to lead normal lives under the most abnormal conditions.

Although the text provides revealing insights into some of the issues and problems arising from a fledgling day-to-day governance, it is the photographs which succeed in evoking powerful emotions - mainly awe - that make the people shown in them loom larger than life. The effective interplay of light and shadow in many many of the images added just the right amount of drama to the photographs.

The book's main chapters were divided into sections corresponding to the tasks assigned to the key committees of the PROG - organization, livelihood, education, health and defense. Structuring the book in this manner simplified the task of focusing on its principal objective: to depict in the most graphic terms, using text and image, the significant changes that the people in the zones of popular control have achieved under the leadership of the NDF.

The section on History, however, seems to have been collapsed a trifle too much. Surprisingly, too, no mention was ever made of how the EDSA Revolution has affected the lives of the people in the NDF-influenced areas. The absence of corresponding text on post-EDSA developments made the latter part of the section on History appear a bit too contrived.

Everything depicted in the photo-documentary occurs in the midst of a situation where the Aquino regime has unleased the full force of its military might to preserve the existing social order and prevent the advance of the revolutionary movement. And to defeat an unjust war, the people must defend themselves, persevere in their struggle and secure their hard-earned gains.

A comprehensive and well-crafted publication like A People Rising will definitely succeed in bringing to the attention of a wide audience both here and abroad the continuing struggle of a people who are shaping their future today.


Ruth Firmeza, Gera. LINANG/Mainstream, 1991. 348bp
Nobela tungkol sa karanasan ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Isabela at Cagayan mula 1971 hanggang 1979

REBYU
Manolo Tierra, "Hitik sa aral at kabayanihan"
Liberation, July-Sept 1991. p32

Sa paglalathala ng Gera, tulad ng mga naunang libro, patuloy na tinatampok ng palimbagang LINANG/Mainstream ang pagsisikap ng mga rebolusyonaryong manunulat na ibahagi ang mga karanasan ng nakikibakang mamamayan sa iba't ibang larangan ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Akda ito ni Ruth Firmeza, isang lider-estudyante sa Maynila na naging kadre ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Hilagang Luson. Itinatala niya rito ang buhay-at-kamatayang pakikibaka ng mga pwersa ng BHB at masa sa Hilagang Luson mula noong 1968 hanggang 1979.

Kumikilala ang akda sa naunang nobela na Hulagpos nina Mano de Verdades Posadas bilang panulat na impluwensya. Pwede bang Noli ang Hulagpos at Fili ang Gera? Hantad sa Hulagpos ang anino ni Rizal halimbawa sa mga tauhang tulad ni Juan Crisostomo Guevarra; kumakabig ito sa tradisyon sa pag-iistiryotayp ng mga pangalan (Salome, Captain Mamaril, Kumander Tindig, atbp.). Gayunman, malinaw naman kung sino ang mga pinagsisilbihan, at ang patutunguhan ng akda. Hindi na ngayon panahon ni Rizal, ayon kay Firmeza. "Pagkasa ng riple" ang wakas ng Hulagpos, "pagsampa" sa hukbong pwersa sa kanayunan at ang praktis nito ang paksa ng Gera. Sa paninindigan at sa gamit ng pambansang wika na minoderno (ponetikong tim at klining), progresibo ang kalakaran.

Humihigit rin ito sa anyo bilang nobela, sapagkat tunay (o halos tunay) na mga pangalan ng mga tao at lugar ang binabanggit. Dokumentasyong totoo sa mga pinagtagni-tagning episodyo at anekdota; payak na mga datos na may pagka-awtobiograpikal.

Historyograpiyang mapanitikan ito samakatwid, susog sa pagtatala ng kasaysayan bilang malikhaing pagsulat; ito ang kanyang pangunahing lakas at siya ring pangunahing limitasyon. Naglulugar sa pangunahing pagbubuo at sakripisyo ng kilusan, nagsisiwalat ng operasyon at pagkilos, nananamnam at nagpapaantig ng mga kasama at kakontemporaryo.

Subalit upang maunawaan nang lubos ang akda, nangangailangan pa rin ang mambabasa ng malalim-lalim na teknikal na kaalaman hinggil sa kalakaran at linggwahe ng kilusan. Kailangan din ng pamilyaridad sa mga kaugnay na akda o dokumento tulad ng "The Long March of the NPA in Cagayan Valley, 1976-78" [lumabas sa Ulos 1987] dahil sa patalun-talon na pokus at papalit-palit na eksena.

Gayunman, sinasalamin ng Gera ang makasaysayan at dinamikong proseso ng armadong pakikibaka ng pambansang demokratikong kilusan, at hitik ito sa aral at kabayanihan. Masusi nitong ginugunita at pinaghahabi ang mga partikular na detalyeng nagsisilbing sangkap sa paghuhusga sa kasaysayan - kasaysayang ayon sa mga pwersang reaksyunaryo ay tapos na, sa harap ng mga kasalukuyang pandaigdigang pagbabago.

Subalit hindi pa ito tapos. Patuloy pa rin ang pakikidigma para sa makatarungang kapayapaan at kasaganaan; paliku-liko ito dahil tunay na hindi naman inaasahang tuwid. Malalaki ang sagabal, sakripisyo at kahirapan, pero naririto pa rin ang Gera upang magpaalala at magpakilos.


INTERBYU
[Kris Montañez], "Ang kultura ay larangan din ng digma"
Liberation, July-Sept 1991. mp33-34

(Isinagawa ang interbyu kay Ruth Firmeza noong Hulyo 2, 1991 sa isang himpilan ng Lt. Crispin Tagamolila Command sa Kalinga-Apayao.)

Pakisalaysay ng iyong buhay bago ka sumampa sa Bagong Hukbong Bayan.
Ruth Firmeza (RF): Ako ay galing sa uring mababang petiburgesya. Ang tatay ko ay nagtrabaho bilang akawntant sa isang kumpanyang Amerikano. Isa siyang labor organizer ng unyon sa NAFLU-CIF. Tulad ng aking ama, ang nanay ko ay nagtrabaho bilang manggagawa para makapag-aral. Bata pa kaming magkakapatid nang mamatay ang aming tatay.
Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo dahil pinili kong sumampa sa Bagong Hukbong Bayan. Namulat ako noong 1969 tungkol sa mga isyung pang-istudyante at pambansa. Sa simula'y nanalig sa repormismo, pero nang masaksihan ang pasismo ng rehimeng Marcos noong Enero 26, 1970 ay kumilos na bilang aktibista para sa pambansang demokrasya.
Pumaloob ako sa isang organisasyong masa ng mga kabataan na ang gawain ay mag-organisa ng kabataang istudyante, drayber at kabataan sa komunidad. Noong 1970-71, kasama ako sa mga pangkulturang pagtatanghal ng aming organisasyon sa Bataan, Laguna, Pampanga at Rizal. Sumampa ako sa hukbong bayan sa Isabela noong 1971. Hanggang ngayon ay nasa BHB pa rin ako, sa kanayunan ng Hilagang Luson.

Ano ang panahong sinasaklaw ng iyong nobelang Gera?
RF: Sinasaklaw ng nobela ko ang panahon mula 1972 hanggang 1979, na may partikular na diin mula 1975 hanggang 1979. Sang-ayon sa isang artikulo sa Ang Bayan, ang mga taong 1969-1979 ay mga taon ng pagbubuo (formative years) para sa armadong pakikibaka at kilusang masang magsasaka sa kanayunan. Nakasentro ang nobela kina Ka Arman (Catalino Balmores Jr.), ang kumander ng platun sa Dulong Hilagang Isabela, at Ka Enyong (Johny Escandor). Nagkasama kami mula 1975 hanggang 1979.
Mahalaga ang panahong 1975-79 dahil ito ang pinakakritikal na kalagayan sa pagbubuo ng hukbong bayan. Binigyang-sulyap din sa nobela ang mga pangyayaring naganap nang maglunsad ang kaaway ng kampanyang pagkubkob at paglipol laban sa BHB sa Forest Region ng Isabela noong 1972-77.

Ano ang nagtulak sa iyo para sulatin ang nobela?
RF: Layunin kong makatulong ang nobela para maunawaan ng mambabasa, laluna ng karaniwang masa, kung ano ang dinaanan ng BHB noong naunang mga taon. Kinokontra nito ang mga kasinungalingang inilalako ng kaaway sa pamamagitan ng mga pelikula at komiks at iba pang porma ng masmidya.
Hangad ko ring maging simula ito ng pagpapalitan ng karanasan ng mga kasama sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ang nobela ay nakapokus sa Hilagang Luson, partikular sa Cagayan at Isabela. Sana, ang mga kasama sa ibang rehiyon ay magsulat din para mabasa naman namin ang kanila namang mga karanasan.
Isa pa, ang nobela ay isang pagpupugay sa mga kasamang nagbuwis ng buhay o kaya'y patuloy na nakikibaka. Ang pinakamataas na pagpupugay na maiaalay ko sa kanila ay maipreserba sa pormang nakasulat ang kanilang kasaysayan, mailarawan sila sa naging aktwal nilang pagkilos.

Ano ang lalamnin ng iyong ikalawang nobela?
RF: Sisikapin kong mailarawan sa susunod na nobela ang mga huling taon ng paghahari ng rehimeng Marcos, mula 1980 hanggang 1985. Ang mga pangunahing tauhan ay sina Dr. Juan Escandor, Venerando Villacillo at iba pa. Sisikapin kong mailarawan sa nobela ang pakikibaka sa iba't ibang bahagi ng bansa, bagamat ang pangunahing lunan ay sa Hilagang Luson pa rin. Sana'y matapos ko ang pagsusulat ng nobela bago bumagsak si Cory Aquino o bago siya muling umupo bilang presidente.

Sa harap ng iyong maraming gawain, paano ka nagkakapanahong magsulat?
RF: Bagamat may kahirapan, binibigyan ko ng panahon ang pagsusulat. May mga pangyayari at kalagayang kinakailangang maisulat kaagad, halimbawa'y sa paraan ng tula. Kailangang may disiplina sa pagsusulat at hindi nakadepende sa sumpong lamang.

Ano ang mga babasahing nakakaabot sa inyo?
RF: Iba't ibang babasahin ang dumarating sa amin. Dito sa kanayunan, mahirap maging mapamili ng gusto mong basahin. Kung ano ang narito, iyon ang aming hinaharap. Nasa pagsusuri ang susi sa pagbabasa.
Sa aking palagay, dapat baguhin ang tendensya sa mga rebolusyonaryong publikasyon na maging istiryotipiko ang nilalaman. Hindi dapat malimita sa mga istilong pandyaryo. Ang mga pangmasang pahayagan ay dapat bumaba sa lebel ng masa at mga kasama. Hangga't maaari, maglabas ng mga komiks tungkol sa mga usaping pambansa o lokal. Dapat pang paunlarin ang panitikang pangmasa at rebolusyonaryo at palaganapin sa hanay ng mga Pulang mandirigma at masa. Dapat bawasan ang istilong propaganda-praymer-polyeto at bonggang propaganda.

Ibahagi mo nga ang iyong karanasan sa larangan ng gawaing pangkultura sa kanayunan.
RF: Naging myembro ako ng grupong pangkultura mula 1971 hanggang 1977. Nagtatanghal kami ng drama sa mga baryo, gumagawa ng kanta at tula, nagtatatag ng mga grupong pangkultura sa hanay ng masa, nagsasagawa ng gawaing masa at paminsan-minsa'y nahaharap sa gawaing militar. Mula 1977, regular akong nagsusulat para sa panrehiyong pahayagang masa sa Cagayan Valley, ang Baringkuas. Sinimulan din naming ilabas noong 1982 ang pahayagan ng BHB sa Hilagang Luson, ang Nalabaga a Gerilya (NG). Ito ang regular writing job ko.
Sa mga unang labas ng NG, panay tungkol sa mga taktikal na opensiba ang nilalaman. Nagmistulang obituaryo ang mga artikulo dahil sa madalas na pagpaksa tungkol sa mga kasamang namatay sa mga labanan. Dahil dito, nagsagawa ng ilang pagbabago simula noong 1985. Halimbawa, ang binibigyang-parangal ay hindi lang ang mga kasamang namamatay sa labanan kundi maging yaong mga buhay na kasamang nakakagawa ng katangi-tanging mga gawain sa pagpapaunlad ng rebolusyon. Nagkaroon din ng mga regular na pahina para sa mga paksang istorikal at palitan ng karanasan. Lalong sumigla ang pagsuporta ng mamamayan sa mga Pulang mandirigma.
Sa karanasan namin, nakakasawa ang kanta o dramang nagsisimula sa pang-aapi ng asendero at nagtatapos sa pagpaparusa sa kanya. Ngayon, ang mga kanta at dula ay nagkakaroon na ng pagbabago, tulad sa pagpapakita ng panloob na tunggalian ng mga tauhan para mapaunlad ang sarili at ang kanilang mga organisasyon. Napapaunlad na rin ang ilang pormang pangkultura tulad ng timpalak sa pag-awit, indibidwal o grupo, palaro at sayawan. Ang mga katutubong ritwal at selebrasyon ay nilalagyan ng bagong laman.
Patuloy na pinalalaganap ang kampanya sa pagsusulat at pagbabasa. Pinalalaganap natin ang pag-aaral sa mga basic sciences para makaangkop ang ating pwersa sa kinakaharap na mga pakikibaka. Kailangang maintindihan ng mandirigma kung bakit bilog ang mundo, kailangang maintindihan niya ang magneto at ihip ng hangin para mapaunlad niya ang pagtudla, ang paghagis ng granada at pagsipat sa mortar, hindi lang ang pagpapaputok. Sabi nga ni Mao Zedong, hindi lamang dapat marunong bumanat ng pana ang mandirigma; ang mahalaga'y maitudla niya ang palaso sa target. Ito ang kasalukuyang diin sa pagsasanay ng mga pwersa.

Mayroon ka bang nais ipanawagan sa mga kasama?
RF: Malaking tulong ang hinihingi sa mga intelektwal, mga aktibista sa syudad, mga manggagawa na handang pumalaot sa kanayunan upang magdagdag ng pwersa at kaalaman sa mga atrasadong bahagi ng bansa. Kailangan ang tulungan ng kanayunan at kalunsuran. Ang pinakakongretong tulong ay ang pagsama sa masa sa mismong larangan.
Ang rebolusyon ay hindi lamang paligsahan ng armas at tagisan ng mga hukbo, labanan din ito ng kaalaman at diwa. Ang kultura ay isang larangan din ng digmaan sa pagitan natin at ng kaaway. Dapat ay hasain at patalimin ang ating sandatang ito, dahil ang isang hukbong mapurol ay mahihirapang gapiin ang kanyang kaaway.


cover Story



Dahlia Castillejos, The Story I will Tell my Children. Northern Luzon: Polaris Publishers, 1992. 77bp
Mga tala ng kadre-asawa ni Nilo Valerio, kadre ng Bagong Hukbong Bayan. Si Fr. Valerio ay pinatay ng militar sa Bakun, Benguet noong 24 Agosto 1985

MESSAGE TO THE READERS
By the author
July 1992
mpvii-ix

It was Nilo's death in 1985 which urged me to write this narrative. Physically losing him then and in such a sudden, brutal manner was all too painful. During those hardest moments, writing was some sort of therapy for me; I was moved to put into writing the revolutionary life we shared together; it was meant for our children to read when they grow up. I tried my best to describe in words the kind of person that Nilo was...my comrade-in-struggle, my husband, the loving father of our children. Thus, through every word I wrote in this story I was telling our two small boys, "No one and nothing, not even this system could kill your father. Your father will live forever!"

I know that my husband's story is just one among many. When he was killed and in such a barbaric manner, I found it very hard to believe and accept the reality. To somehow express the pain, and face the reality, I was moved to put into record and tell the world that according to eyewitnesses, after killing him with bullets the government soldiers cut off his head and used it for target shooting; and afterwards, together with the other two slain comrades paraded their heads in Beyeng, Bakun, Benguet on August 24, 1985. Having known him as much as I do, I believe that my good husband never did anything to deserve such barbarism on his person. In fact, if only the military who killed him would have known the kind of man he was, I do not believe they could have even physically hurt him in any way.

Two weeks later, when a fact-finding mission composed of our relatives and friends went to claim their bodies, these were nowhere to be found. Even the last respects to the dead could not be given to my husband and his companions.

For quite a long time, our relatives and friends exhausted all possible means to seek justice for Nilo as well as for his two companions, Resteta Fernandez and Soledad Salvador. But just like countless other cases, justice was never given. For is there any justice after all under such an oppressive system? In fact, our relatives were only given the "run-around", an experience which is common to the relatives of other victims.

To surface at the time and help seek justice for them was not among my options. At that time when the story of the Rebel Priest Who was Killed in a Bakun Encounter was published almost daily in the papers, most of our people did not know that Nilo left behind a grieving wife and two small boys.

In between other tasks, I finished the bigger bulk of the narrative in 1987; and by then, the acute pain I felt because of Nilo's death was somehow lessened. Originally, I was writing only for our children and had no intention to have the material published. When friends saw the manuscript, they urged that these notes be published. However, another book on Nilo and his companions entitled Bakun, Three Martyrs for the People which I co-authored took priority. This was published that same year, 1987. Due to some circumstances, The Story I will Tell my Children was put aside for several years. Last year, I was inspired to write again. The second book, We are your People, speaks about the lives of comrades and their children whom I came to meet in the revolutionary movement, and also about my own modest experiences. Only after this book was published in December 1991 could I pay attention to my original writings.

Before, I had occasionally written poems and short articles but since 1985 when Nilo was killed, writing has become an integral part of my life. For me then and now, writing has become a need. Writing brings me face to face with myself, it makes me more tender, more patient with others and with myself. Writing makes me more reflective and human. I strongly believe, too, that writing is one way of giving justice to our comrades and martyrs, my beloved husband included, through sharing the truth for which they lived and died. Writing, to me, is an important part of revolutionary work.

As I picked up my manuscript once again, I had the strong feeling that I might as well write, too, about the wonderful people I came to meet in the process. They are among the countless, unknown people in our midst whose silent voices also deserve to be heard. Each and everyone of them identifies with the millions among us who silently serve as forces and friends of the people's struggle; each and everyone of them had been wounded and may even be broken in the process of this people's war, yet each and everyone has tried and is trying to keep whole and complete for the common interest. We want to help bring them home to the very hearts of our people, and so we have the second part of this book, "Other Letters and Stories."

More than six years have passed since Nilo's death. Although my heart still aches whenever I remember that gory execution, I have fewer tears to shed now. My gratitude to the comrades, relatives and friends who generously stayed by our side during those most trying moments will never end. I can never thank enough these good people who always gave the needed support and who in one way or the other inspired me to keep on writing.


cover/back Kung Saan


Zelda Soriano, Kung Saan Ako Pupunta. 1993. 97bp
Maikling kwento at tula tungkol sa digmang bayan sa Timog Katagalugan


Jason Montana, Rituals for Anna and other poems. 1994. 70bp
Mga tulang paggunita ng kadre-makata sa alaala ng kanyang kadre/asawa na pinaslang ng militar sa kabundukan ng Pangasinan noong 1988


cover Dagitab






Dagitab. ARMAS-Timog Katagalugan
Unang labas 1994. Maikling kwento, sanaysay, tula at kanta

PANGULONG TUDLING
"Dagitab"
mp3-5

Uring magsasaka ang pangunahing pwersa ng demokratikong rebolusyong bayan na pinamumunuan ng uring manggagawa sa pamamagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ang kanilang problemang agraryo ang pangunahing nilulutas sa kasalukuyang yugto ng ating pakikibaka.

Ang Bagong Hukbong Bayan na nasa absolutong pamumuno ng Partido, sa pangunahin ay isang hukbong magsasaka. Karamihan sa mga pulang kumander at mandirigma nito ay ang mga pinakamahuhusay na anak ng mga magsasaka.

Samantala, ang armadong pakikibaka at rebolusyonaryong kilusang masa sa kanayunan ang gulugod ng matagalang digmang bayan na sumusulong sa kanayunan patungong kalunsuran.

Batay sa mga ito, lahat ng rebolusyonaryong pagsisikap ay dapat na tumutugon sa pagpapalakas ng rebolusyonaryong kilusang masa at armadong pakikibaka sa kanayunan. Kabilang na rito ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura.

Noong dekada 60, tumugon ang mga rebolusyonaryong artista at manunulat na pangunahing nakabase sa lungsod. Lumahok sila sa Ikalawang Kilusang Propaganda at rebolusyong pangkultura na rumurok sa Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Ito ang kilusan at sigwa na lumikha ng opinyong publiko para sa pambansa-demokratikong rebolusyon.

Noon, nag-ambag ang mga rebolusyonaryong artista at manunulat. Hindi lamang ng kanilang talino at galing sa pagpinta ng myural sa mga pader ng lansangan. Hindi lamang sa pag-arte, pagkanta at interpretibong sayaw na tinanghal sa gitna ng mga demonstrasyon doon sa Mendiola, Plaza Miranda at Plaza Lawton (ngayo'y Liwasang Bonifacio na); o kaya'y sa harap ng piketlayn o sa komunidad ng mga maralitang tagalungsod. Hindi lamang sa paglikha ng mga akdang pampanitikan at mga obrang masining.

Higit sa lahat, nag-ambag sila ng kanilang mga sarili. Kasama sila sa daandaang aktibista at kadre mula sa kalunsuran na tumungo sa kanayunan sa dalawang layunin: lumahok sa armadong pakikibaka at gawing moog pangkultura ng rebolusyon ang malawak na kanayunan.

Ang ilan sa kanila ay nag-alay na ng buhay para sa rebolusyon tulad ni Maria Lorena Barros, isang makata, na pinaslang ng mga kaaway dito sa Timog Katagalugan.

Ngunit ang diwa at tradisyon ng rebolusyong pangkultura noong dekada 60 hanggang 70 ay diniskaril ng mga pagkakamali noong dekada 80. Ang mga paglihis sa mga batayang prinsipyo ng rebolusyon ay di lamang nasalamin sa kapabayaan sa masikhay na gawaing masa, mga gasgasang labanan at wala-sa-panahong regularisasyon ng Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan. Hindi rin lang sa mga kaliweteng aksyong masa at insureksyunismo sa kalunsuran.

Ang petiburges na kapusukan at pagkainip sa matagalang digmang bayan ay tumagos hanggang sa gawaing pangkultura.

Sa Timog Katagalugan, masasalamin ito sa pagkalulong ng ilang grupong pangkultura sa pagkilos sa loob ng unibersidad at eryang urban. Ang "kataas-taasang" paglilingkod ng mga manggagawang pangkultura doon sa eryang urban ay itinumbas sa pagpupultaym sa ligal na institusyong pangkultura. Sa halip na, tumungo sa kanayunan at lumahok sa digmang bayan.

Paghahabol ng "kalidad" sa teknika at pagkalulong sa mga palihan ng kasanayan (skills) at mga pagtatanghal kapalit ng masinop na gawaing pang-ideolohiya at organisasyon.

Komersyalisasyon ng mga obra at serbisyo.

Pagpapalabnaw ng pampulitikang nilalaman ng mga likha para pumasa sa pamantayan sa mga galeriya, istasyon ng radyo, tanghalan at iba pang daluyan ng sining at panitikan na kontrolado ng imperyalismong US at mga naghaharing uri.

Bulok at dekadenteng istilo ng pamumuhay.

Ang mga kadre at manggagawang pangkultura na nagdadala ng ganitong mga kaisipan at gawi ay nagpapanggap na rebolusyonaryo, nasusuklam tumungo sa kanayunan, ayaw magpanibagong hubog at lumilikha ng mga obrang nakalutang sa realidad, mali ang pampulitikang nilalaman, ang estilo ay hindi makamasa kundi elitista, walang militansya, at walang silbi.

Pagkat ang kanilang mga likha ay hindi pumupukaw, nag-oorganisa at nagpapakilos ng mga manggagawa at magsasaka para sa matagalang digmang bayan. Hindi rin lumilikha ng opinyong publiko sa kalunsuran at kabayanan pabor sa kilusang magsasaka at armadong pakikibaka sa kanayunan.

Paano sila makalilikha ng mga obrang para sa mga magsasaka at armadong pakikibaka gayong sila mismo'y mangmang tungkol sa kilusan at pakikibaka sa kanayunan?

Iginuhit na ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ng PKP ang wastong linya. Sa gabay nito ay muli nating pinagtibay ang mga saligang prinsipyo ng rebolusyon at iwinawasto ang mga pagkakamali.

Kaisa ang Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS) sa Timog Katagalugan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon at bansa sa pagtataguyod sa kilusang ito.

Alinsunod sa paninindigang ito ay ipinapahayag ng ARMAS ang pagtatakwil nito sa mga elementong nagdadala ng mga lihis at bulok na pananaw at gawi sa gawaing pangkultura at rebolusyon.

Pinagtitibay ng ARMAS sa rehiyon na ang uring magsasaka ang pangunahing pwersa ng rebolusyong pinamumunuan ng PKP. Na ang lahat ng pagsisikap sa kultura ay dapat tumutugon sa pangangailangan ng rebolusyonaryong kilusang masa sa kanayunan at kalunsuran at sa armadong pakikibaka.

Mauuwi at mabubulok ang mga elementong nagdadala ng burgis na kultura sa basurahan ng kasaysayan. Ngunit ang maraming matatapat na kadre, aktibista at manggagawang pangkultura ay tutungo sa kanayunan para lumahok sa armadong pakikibaka at gagawing moog pangkultura ng rebolusyon ang malawak na kanayunan ng rehiyon at bansa.

Ang kilusang pagwawasto at mga rebolusyonaryong pagsisikap ng ARMAS at buong kilusan sa rehiyon, ay ibabandila ng lathalaing ito, ang Dagitab.


Dakilang Hamon, cassette tape ng mga kanta (ARMAS-Timog Katagalugan, 1996)

PAUNANG SALITA
ARMAS-Timog Katagalugan

Ang produksyong ito ay ibinunsod ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at humango ng dakilang inspirasyon sa mga rebolusyonaryong prinsipyong muling pinagtibay.

Sinasalamin ng koleksyon ng mga kanta ang mataas na rebolusynaryong diwa at optimismong taglay ng mga proletaryong rebolusyonaryo. Bumangon tayo sa mga kabiguan at taas-noong iwinagayway ang pulang bandila ng pagmartsa sa tagumpay na taglay ang leksyon sa nakaraang pagkakamali. Determinado tayong magwasto para sumulong sa tamang landas. Higit pa, pinag-aalab ang tatak ng rebolusyonaryong optimismong ito ng di nagmamaliw na suporta ng sambayanan. Ito ang diwa na ipinaaabot ng ating mga awitin. Iniaalay ang koleksyong ito sa masang inaapi't pinagsasamantalahan ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.

Karamihan ng mga kanta sa koleksyong ito ay mula sa Dagitab 1994, ang opisyal na publikasyong pampanitikan ng Artista at Manunulat sa Timog Katagalugan. Maliban sa "Papuri sa Sosyalismo" at "Pulang Paaralan," lahat ay mga bagong komposisyon mula sa mga larangang gerilya ng rehiyon.

Bunga ng pangangailangang pabilisin ang popularisasyon nito, minarapat na maglabas ng isang popular na anyo sa pamamagitan ng produksyong ito. Ito ay upang higit pang pag-ibayuhin ang gawaing pangkultura at propaganda sa pamamagitan ng napapanahong mga awit na nagtatanghal ng rebolusyonaryong pakikibaka at kabayanihan ng mamamayan.

Ang produksyong ito ay sama-samang itinaguyod ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan sa pangunguna at pagtutulugan ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLKMZ), Bagong Hukbong Bayan at ARMAS-TK.

Buong giting kaming nagpupugay sa sambayanang Pilipino, na siyang tunay na inspirasyon ng mga kasama sa ARMAS-TK sa paglikha ng unang koleksyong ito ng mga rebolusyonaryong awitin.

Nais din naming ipaabot ang rebolusyonaryong pasasalamat sa mga kasama sa Pambansang Kawanihan sa Kultura ng Partido Komunista ng Pilipinas, sa mga kasama sa ARMAS-Pambansang Pamatnugutan, sa mga masa at alyadong nagbigay ng puspusang pagsuporta sa produksyong ito.

Isulong ang Pambansa-Demokratikong Rebolusyonaryong Sining at Panitikan!


Martsa kan Bikolandia, cassette tape ng mga kanta. Panrehiyong Istap sa Propaganda at Kultura, Bikol, 1998

PAUNANG SALITA
Panrehiyong Istap sa Propaganda at Kultura

Sa pamamagitan ng mga awit na ito, nakikiisa ang mamamayan ng Bikol sa buong-pusong pagkilos ng sambayanang Pilipino para sa minimithing kalayaan. Isinisigaw ng produksyong ito ang imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo upang itindig ang lipunang may ganap na pagkakapantay-pantay.

Atin ang mga awit na ito. Mga kuwento ng buhay at pakikibaka ng karaniwang mamamayan ng Bikolandia at ng buong bansa tulad ng mga magsasaka't manggagawang bukid. Sinasalamin ang ating pasang hirap bunga ng mapang-api't mapagsamantalang lipunang malakolonyal at malapyudal; ang mahigpit na pakikipagbukluran ng ating Partido at Hukbo sa atin; at ang magkatuwang nating pagtahak sa may pag-asang landas ng demokratikong rebolusyong bayan. Mga awit na nalikha kasabay ng pagsibol ng rebolusyonaryong pakikibaka sa Kabikulan mula dekada 70 hanggang huling bahagi ng dekada 80. Mga himig ng mga inani nating tagumpay sa ilang dekada ng mapagpalayang pagkilos. Mga awit at himig na pumukaw sa mga kamalayan at bisig natin (lalo't ang ilan ay adaptasyon ng mga kundimang Bikol) hanggang umanib sa kilusang kaagapay sa pagtuto, pangibabaw sa mga kahinaan, pagwasto sa mga kamalian, at patuloy pang pagsulong ng digmang bayan.

Sa panahon ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, ibayong umaalingawngaw ang mga awit na ito dahil dumaranas tayo ng panibagong pagsibol mula sa pagkatukoy ng mga nakaraang kahinaan, at dahil may determinasyon na ipagtagumpay ang pakikibaka. Pagtugon din natin ito sa panawagang malaon pang pagliyabin ang kultural na rebolusyon na ubod ng proletaryong pagpapanibagong hubog, kung saan isang popular na anyo ang awit.

Prinoyekto ito ng Partido Komunista ng Pilipinas/Bagong Hukbong Bayan/Pambansa Demokratikong Prente ng Bikol sa di matatawarang tulong (at rebolusyonaryong talento!) ng ARMAS-Timog Katagalugan, Pambansang Kawanihan sa Kultura-PKP at mga kasama sa ARMAS-Pambansang Patnugutan, na nais nating paabutan ng proletaryong pasasalamat sa uulitin.

Ang seleksyong ito ng mga himig ay ilan sa hanggang ngayon ay dumarami pang koleksyon ng mga rebolusyonaryong komposisyon sa rehiyon. Kaya't sa inspirasyong hatid ng lalong humihigpit na pagkakaisa sa pagitan ng Partido, Hukbo at masang anakpawis, inaasahan nating umpisa pa lamang ito ng kasing-tipong mga produksyon.

Alay natin ito sa sambayanang Pilipino, pagmarka sa ika-29 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan, at paggunita sa mga rebolusyonaryong martir na may guhit din sa pinaghabing diwa, tinig at himig ng mga awiting ito.

Isulong ang rebolusyon sa kultura!


Sanggunian din ang sumusunod:
Pulang Bandila (Bagong Hukbong Bayan)
Ang Partisano (ABB)
Kalayaan (Kabataang Makabayan)
Dangadang (Ilokos/Kordilyera)
Baringkuas (Cagayan Valley)
Himagsik (Gitnang Luson)
Kalatas (Timog Katagalugan)
Kapit-bisig (Laguna)
Balikwas (Hangganang Quezon-Bikol)
Silyab (Bikol)
Pakigbisog (Gitnang Kabisayaan)
Larab (Silangang Kabisayaan)
Pag-alsa (Leyte)
Mindanaw (NDF Prep. Com. Mindanaw)
Insureksyon (Sidlakang Mindanaw)
Pasa Bilis (Timog Mindanaw)
Kalihukan (Hilagang Mindanaw)
Asdang (Dulong-timog Mindanaw)

Hosted by www.Geocities.ws

1