|
|
Kung
marunong tayong gumuhit, naipinta na siguro natin kung
paano umiiyak ang mga bata sa cartoons. Mangingilid
ang kanilang mga luha, at upang hindi mapahiya, kakaripas
silang pababa ng hagdan, mapapayid at maiiwan sa hangin
ang kanilang mga luha, habang kasabay na magigising
ang mga alikabok, at sa madaling salita, magpuputik
ang mga daanan.
Ginagawa ko pa ring katatawanan ang ating mga kasawian,
o sasabihin mo naman, iyong mga sa iyo lamang. Kaya
ipagpaumanhin mo sana na hanggang dito, hindi pa rin
ako nakaaambag na mapagaan ang kasalukuyan mong hinaharap.
Batid kong hindi purong biro ang biro mong “hindi
talaga ako nakakatulong.”
Minsan, hindi ka malay, habang matiim kang nag-iisip
ng ulo para sa isang balita, hinila ko na lamang basta
ang sintas ng iyong sapatos. Mula noon, marami na ring
pagkakataon upang makaganti ang iyong sinunggaban. Habang
hindi rin ako malay, at waring nalulunod lamang sa kawalan,
sumagi sa gilid ng aking paningin ang iyong pagsulyap
sa aking sapatos. Agad akong pumaling, sabay tanong
mo ng “O, bakit ka gumalaw?”
Hindi miminsang naibubulalas mo: bakit natin kailangang
umabot sa ganito, at bakit sa lahat ng tao ay sa iyo
pa kailangang
mangyari ang mga nangyayari? Sana naaalala mo pang nasagot
ko ito noon ng “dahil ikaw ang nasa tamang pagkakataon.”
Sadya sigurong minsan,
ipinakikilala tayo ng pagkakataon sa mga bagay at taong
sabay na magpapahirap at magpapadali ng ating buhay.
At madalas,gusto nating sisihin ang pagkakataon. Ngunit
lagi, bumabalik sa atin ang alaalang ang mga bagay at
taong iyon ang ilan sa pinakamagagandang nangyari sa
ating mga buhay.
Sa pagitan ng pagsusulat, pagwawasto ng sinulat ng
iba, at pagbabasa, nakikinig tayo sa usapan ng iba,
pinagtatawanan natin ang kanilang mga tinatawanan, o
kahit ang kanilang mga ikinababahala. Tutuntong ka sa
mabubuway na upuan, at guguluhin ang katahimikan ng
ibang n a g t a t r a b a h o . (Makakaabala ka pa sa
presswork, kaya huwag kang maharot.) Hanggang may darating
na iba, at ipaaalala namang lumayo sa mga pinto, dahil
baka maisama sa pagpinid nito ang maasul na mga damit,
na kulay ng nawawala mo nang tsinelas. Nakakahiya naman,
inaapakan mo lamang ang mga ipinambibihis namin.
Nasabi ko na noon, at ipinapalagay kong hindi mo pa
nalilimutan, na sa pagisip natin sa mga isipin, lalong
narami ang mga ito, sa panganganak nila ng iba pang
isipin. Ngayon ko lamang naisip na hindi masasaklaw
ng sabing ito ang lahat ng ating isipin. Darating ang
mga misteryong hindi na nangangailangang ugatin pa ang
pinamukalan, kundi gawan na lamang ng paraang harapin.
Gaya ng “paano nga naman magagawa ng isang gabi
ang sirain ang isang buhay?” Pasensiya na, na
sa dami ng mga retorikal na tanong na tinangka nating
sagutin, ngayon ay wala akong maisip na magandang isagot.
Sino nga kaya sa atin ang walang naging kalaro noong
bata pa? Sana mabasa mo ang tinipon kong mga tagpo ng
aking mga pakikipaglaro, para mapahiya ka. Ako kaya
ang walang naging kalaro noon, o ang mga nanggigising
sa mga tulog? Sa mga tulog, dahil puyat sila, nakahiga
sa kutsong nakalatag sa sahig, na tatanuran at pagmamasdan,
na ang bawat pagpikit nila ay tutumbasan ng kalikutan
ng iba, hanggang ang antok na ang kusang lumipas?
Makakatulong kaya ako kung baybayin ko na lamang ulit
ang aking mga naging pagkukulang? Pasensiya na at hindi
ko nasulat
ang sumatotal, pati ang artikulo tungkol sa varsity
program. Pasensiya na kung naiisip mong iilang beses
kitang kinampihan at/o ipinagtanggol, dahil totoo naman
nga ito. Pasensiya na at hindi ko naipaliliwanag ang
ilang mga pagkawala, at sinasabi ko na lamang na inayos
ko muna ang buhay
ko. Pasensiya na kung nakikita mo ako rito kahit sa
mga araw na ayaw mo akong makita. Pasensiya na po.
Hindi ko alam kung paano ka mapangingiti: kung bugbugin
na lamang kaya kita ng mga tanong gaya ng “bakit
kailangan ng smiley sa pagtetext?”
Sana hindi ka na masyadong nalulungkot, sa gitna ng
kakaisip sa maraming bagay. Muli akong hihingi ng paumanhin,
dahil ito lamang naman talaga ang gusto kong sabihin:
sa harap ng lahat ng ito, sabi nga, hindi ang mga pagsubok
ang sinisikap nating gupuin, kundi ang ating mga sarili.
# Philippine Collegian
<<
back to home |
|
With
this short letter I offer you my plea.
We never write each other letters. Up to now I still
do not have a concrete proof of the times we spent consoling
each other, for all our correspondences were always
limited to the intangible—all of our previous
conversations had long past, and I can’t even
remember all the reasons why I sought your help. Memories
quiver, and I fear the future when I might not even
be able to remember your name.
You are special; you are among the few people in the
world whom I trust deeply... one of the very few who
knows the secret I so sloppily guarded in the past.
You were one of those who pulled me out of the eternal
darkness. Among yourselves, it is you whom I thank most
profusely.
The first time I met you I was forced to open up; our
Journalism professor required you to write a profile
story about my life, and I, yours.
You were too honest that day. After just a few minutes
you had revealed a lot of your story to me, and I immediately
admired you for that. Meanwhile, I, the dark one, fed
you lies. Like when I told you I wanted to be president,
or that I wanted to change the world. I had been a great
liar, and I know it is unfair that I offered you deception
in exchange of your truth... for how can I change the
world when I can not even change myself?
You answered that question for me— through your
kindness I knew the light, and your friendship was my
rock. I ’m sorry if all these sounds cheesy. You
are free to gag, but all these cheesiness is your fault.
That’s why I was surprised when you told me that
you have more problems than I. I didn’t know you
were suffering more—that the very church that
gave you formation may send your mom to prison, that
your father has diabetes and is prone to outbursts,
or that you may even stop schooling.
You’re depressed, you said in a text message
you sent me one night. You said you’re tired of
being strong, for all your efforts do not change your
situation in the end. I’m sorry if I wasn’t
available to counsel you that night. Forgive me, if
I thought you were joking, and if I can’t return
your help.
Be strong for your family, I replied. But, as you said,
you’re tired of being strong.
I didn’t reply. If you’re tired of being
strong for your family, then can you be strong for me?
# Philippine Collegian
<<
back to home |
|