Mga Kwento Ni Lolo

 
 

Balik-Tanaw Sa Ibaan Ng Aming Panahon

 
     
  Kwento Tula Iba Pa Larawan  
           
 

Pambungad

Ang "Mga Kwento ni Lolo" ay kinatatampukan ng mga gunita at ala-ala tungkol sa pang araw-araw na buhay sa bayan ng Ibaan, lalawigan ng Batangas noong kabataan ng may-akda na namuhay sa Ibaan sa pagitan ng taong 1953 hanggang 1969. Ito ay inihahandog sa ala-ala ni G. Gelacio Perea, kilala din sa pangalang "Mamay Gelacio", na nagbigay ng tulong pinansiyal upang makatuntong sa kolehiyo ang may-akda.

Si "Mamay Gelacio" ay isang retiradong Amerikanong marino na noong bata pa si Lolo ay nakaugalian na niyang pagtatanungin tungkol sa Amerika at iba't-ibang bansang kanyang napuntahan. Nakagawian na ni "Mamay Gelacio" na manigarilyo sa balkon ng bahay matapos mag-hapunan at sinasamantala ito ni Lolo upang pagtatanungin siya kung ano ang naging buhay niya bilang isang marinong Amerikano. Ang pag-uusap ng batang mausisa at matandang retirado ay nakintal sa murang isipan ni Lolo at ang senaryong ito ang ginamit ng may-akda upang isalaysay ang iba't -ibang aspeto ng buhay sa Ibaan noong siya ay maliit pa.

   

Iba Pa

Pambungad

Paano Gumawa Ng Binit

Tayo Na Sa Maynila

Palatandaan Ng Tunay Na Taga Ibaan

Paalam Na Po


Iba Pang Gawa Ng May Akda


Hinagap


A Writer At Heart


Optional

 
           
 

Paano Gumawa Ng Binit  |  Tayo Na Sa Maynila  |  Palatandaan Ng Tunay Na Taga Ibaan

       
 

Pambungad  |  Paalam Na Po

       
           
 

Copyright 2008 Aureo P. Castro

       
           

 

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1