Huling Hiling

Poetry is the solace of the heartbroken.

Ang nais ko lamang ay muling malunod
Sa dagat ng limot at kapatawaran.
Pagod na ang pusong laging sinasaktan.

Ang bulong ng hangin ay awit ng lungkot,
Ngunit itong awit ay di inaasam.
Ang nais ko lamang ay muling malunod
Sa dagat ng limot at kapatawaran.

Itong kataksilan na tangi mong handog,
Nawa ay maparam sa aking isipan;
Mawala ang galit sa pusong nilinlang.
Ang nais ko lamang ay muling malunod
Sa dagat ng limot at kapatawaran.
Pagod na ang pusong laging sinasaktan.

Para kay Ron Ryan Reyes

Home Page | Mga Pagmumuni-muni Sa Bangkang Papel | Love is like Mentos | Diva's Lament | Kung ikaw ay gigising na di siya kapiling | Southwoods | Huling Hiling| Guestbook
Hosted by www.Geocities.ws

1