|
Damputin ang rosas na kanyang iniwan Matapos ang gabi ng kaligayahan. Langhapin ang bango ng pamamaalam Ng isang relasyong walang katiyakan.
Sa matinding apoy, agad mong ihagis Ang rosas, larawan, natirang pag-ibig. Hayaang malunod sa samyo ng galit Ang buong katawan, ang puso, ang isip.
Matapos dumaloy ang pawis at luha, Buksan mo ang pinto at mga bintana. Muli mong simsimin ang hanging sariwa. Ibalik sa puso ang dating tiwala.
|
|