Mga Pagmumuni-muni Sa Bangkang Papel

Poetry is the solace of the heartbroken.

Kakapirasong papel
Iyong itupi at gawing bangka
Sa dako ng hapon mo isagwan
Ang mga nagpupursiging panaginip

Kung ikaw ay biglang magising
Maudlot sa iyong kasiyahan
Maaari pang pumikit
At ibalik ang kaligayahan

Damhin mo ang mainit na hangin
Na bumubulong sa iyong dibdib
Nangangakong papawi sa hapdi ng sugat
Ngunit sakit ay pinapatindi

Buksan mo ang iyong mga mata
At sumilip sa kalangitan
Ano ang iyong nakikita?
Ano ang iyong nadarama?

Sa dagat ba ng mga bituin pumupunta
Ang mga ligaw na kaluluwa?
Umaasa sa bawat gabi
Na titigil ang kanilang paghikbi

Sa dulo ba ng buwan
Kailangan mong pumunta
Kung ang puso mong nasaktan
Ay ayaw nang kumanta?

Published in The Philippine Star
(October 6, 2000)

Home Page | Mga Pagmumuni-muni Sa Bangkang Papel | Love is like Mentos | Diva's Lament | Kung ikaw ay gigising na di siya kapiling | Southwoods | Huling Hiling| Guestbook
Hosted by www.Geocities.ws

1