Home | Links | Contact Us  

 
 Home
 Introduction
 Different Denominations
 True Church
 Question and Answer
 Articles
 Links
 Guestbook
 Contact Us
 
 
 
  Ang Dating Daan  
     
 

Paraan ng Pangangaral

Kung ating susubaybayan ng may kalaliman at bukas na puso ang paraan ng pangangaral ni Eliseo Soriano ng "Ang Dating Daan" o ADD, maitatanong po natin sa ating sarili, "SINO BA ANG ITINATAAS NITO? SI KRISTO BA O ANG KANYANG SARILI?". Sa kanila na taga-ADD, tiyakang sasabihin nila na si KRISTO ang kanilang itinataas, subalit sa isang tao na bukas ang pag-iisip at may malalim na relasyon at pagmamahal sa Diyos, kalungkutan at panghihinayang ang madarama nito sapagkat hindi si Kristo na nagligtas sa atin ang naitataas ng ADD kundi si Eliseo Soriano, na parati niyang banggit patungkol sa kanya ay ang "AKO ay...", "AKO lang..."! Pakiramdam niya na siya ang pinakamagaling sa Biblia. Isang kayabangan! Sa mga nakapag-aral ng Hermeneutics na marunong makapagbasa ng orihinal na salita ng Biblia at nagkaroon ng malalim na pagsusuri dito, isang katawa-tawa lamang si Soriano sa kanila dahil sa pagmamarunong ng gurong ito. Bakit katawa-tawa? Kasi madalas ay out of context ang paliwanag ng gurong ito, basta't may maibasa lang na talata sa Biblia, 'yun na agad ang sagot huwag lang mapahiya sa nagtatanong at sa nanonood. Kawawa naman ang naaakit nito, sila ay nahiyakayat hindi dahil kay Kristo kundi dahil sa kagalingan ng mapaglinlang na pagsasalita ng mangangaral na ito, si Soriano. Kaya ang bunga nito, pati mga miyembro panay na masasama ang inaasal, para mapatunayan ninyo, subukan ninyong pumunta sa kanilang lugar na kung saan mayroong debate at nangagtitipon ang tropa nito.

Ang pangangaral ng grupong ito ay nagpasimula noong una sa radyo, at nang yumaon ay sa telebisyon at internet. Naging kilala sila sa kanilang programang "Ang Dating Daan".

Sa kanilang pangangaral, isa sa istilo na kanilang ginagamit ay ang siraan ang ibang relihiyon sa kanilang doktrina upang maitaas naman nila ang kanilang grupo. Pangalawa ay ang pintasan ang personalidad ng mga mangangaral ng ibang mga grupo. Pangatlo ay ang tanungang bahagi ng kanilang program na kung saan marami silang napahanga sa paglaan ng talata sa Biblia sa katanungang itinatanong sa kanila, bagamat ang iba ay out of context subalit hindi ito pansin ng marami sa nakikinig sa kanila dahil sa kakulangan marahil ng malalim na pagsasaliksik sa Salita ng Dios. Panghuli, ang kanilang pakikipagdebate na kadalasang ginagawa sa kanilang sariling lugar at naroon ang nangagtitipon ang mga miembro nilang walang ginawa kundi tawanan at alimurahin ang katunggali ng kanilang gurong mapaglinlang.

Sa mga pamamaraang ito, marami silang napahanga ngunit hanggang paghanga lamang sapagkat marami sa kanila ay nakumberte kay Soriano at hindi kay Kristo. Sana'y mapag-aralan ito ng may kalaliman at bukas na puso ng kanilang miembro. Maging si Kristo nawa ang maging sentro ng ating pamumuhay, ngayon at magpakailanman.

 
     
 
 

Ang Dating Daan

 

 
Brief History

SEC Registration

Preaching Style

Debate Style
Contradiction
False Teachings
Pagsusuri
   

Copyright (c) 2003 Navotas SDA Church

Hosted by www.Geocities.ws

1