| |
|
|
|
You
are visitor
|
|
| |
|
| |
ANG
WALANG HANGGANG PABALITA
"At nakita ko ang ibang mga anghel na lumilipad sa gitna ng
langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita
sa mga nananahan sa lupa, at sa bawat bansa at angkan at wika at
bayan;
At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Diyos, at
magbigay kaluwalhatian sa Kaniya; sapagkat dumating ang panahon
na Kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at
ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.
At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi,
Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa
lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na
nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa
hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa
kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, ay iinom din naman siya ng
alak ng kagalitan ng Diyos, na nahahandang walang halo sa inuman
ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre
sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero."
|
|

APOCALIPSIS 14:6-10
|
|
| |
|
| |
Ang Panginoon ay may aral na
buhay na nararapat ingatan ng tao. Ang mga aral na ito ang
siyang magiging gabay ng bawat isa sa paglalakbay sa sanlibutang
ito at habang naghihintay sa pagparito ng ating Panginoong
Jesus. Nais ni Satanas na sirain ang salita ng Diyos sa
pamamagitan ng pagbabangon ng mga huwad na aral upang iligaw ang
mga tao. Pagyamanin po natin ang aral ng Panginoon sa ating
buhay upang kung sa gayon ay maging sandata natin sa anomang
anyo o paraan na ginagawa ng mga nagliligaw palayo sa
katotohanan. Alalahanin po natin ang sinasabi ng kasulatan sa 2
Timoteo 2:15 - "Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos,
manggagawang walang anomang iakahihiya, na gumagamit na matuwid
ng salita ng katotohanan."
Ang pagpapala nawa ng Panginoong Diyos ang siyang sumainyo,
ngayon at magpakailanman.
Siya Nawa.
Amiel N.de Guia |
|
| |
|
|
|