Home | Links | Contact Us  

 
 Home
 Introduction
 Different Denominations
 True Church
 Question and Answer
 Articles
 Links
 Guestbook
 Contact Us
 
 
 
  Ang Dating Daan  
     
 

Maikling Kasaysayan

Sa simula, si Eliseo Soriano ay kabilang sa isang samahang itinatag ni Nicholas Antiporda Perez, ang “Iglesia ng Dios Kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan”. Sa murang gulang, nakakitaan siya ng kagalingan sa pagmememorya ng mga talata sa Banal na Kasulatan. Siya ay naging isang mahusay na mangangaral sa kanilang samahan at tagapagtanggol ng kanilang pananampalataya. Nang mamatay si Perez, inaasahan na siya ang susunod na magiging pinuno ng kanilang grupo. Subalit hindi ito nangyari sapagkat noong 1975, inilipat ang pamumuno sa kanilang babaeng kasama na si Levita Gugulan at ito ang naging dahilan kung bakit siya at ang kaniyang mga kakampi sa grupo ay magpasimulang lumaban sa pamumuno ni Gugulan. Naging dahilan nila ay ang di pagsang-ayon na babae ang mamuno sa kanilang relihiyon. Dahil dito, noong 1976, siya sampu ng kanyang mga kasama ay na-ekskomunikado. Noong 1977, si Soriano ay nagtatag ng sarili niyang grupo na pinanganlan nilang “Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan”. Naging kilala ang kanilang samahan sa pamamagitan ng kanilang pangangaral sa radio at telebisyon. Naging tanyag ang kanilang programa na “Ang Dating Daan”. Ang pagbabatikos sa mga katuruan, na hindi nila pinaniniwalaan, ng ibang sekta ng relihiyon ay naging bahagi na ng kanilang programa. Maging ang pag-atake sa personalidad ng iba’t ibang lider ng relihiyon ay hindi pinalampas ni Soriano upang ang kanyang sarili ang siyang matanyag.

Ang grupo ni Gugulan ay nagsampa ng kaso laban sa pangalang ginamit nila Soriano sapagkat ito ay nakakahanlintulad sa pangalan ng naunang grupo. Ang usapin ay umabot hanggang sa pinakamataas na hukuman ng Pilipinas, ngunit bigo si Soriano at ang kaniyang mga kasama na makuha ang kanilang pagkapanalo sa kaso. Dahil dito, sila ay napilitang magbago ng kanilang pangalan, ang “Iglesia Ni YHWH at ni YHWSA HMSYH”.

Iba pang mga pangalan na ginamit nila Soriano para sa kanilang samahan, nariyan ang “Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Inc.” at ang “Bayan ng Katotohanan”. Dahilan sa napakaraming naging pangalan ng grupong Ito, sila ay nabansagan ng iba pang samahang relihiyon bilang "Iglesiang Papalit-palit ng Pangalan".

 
     
 
 

Ang Dating Daan

 

 
Brief History

SEC Registration

Preaching Style

Debate Style
Contradiction
False Teachings
Pagsusuri
   

Copyright (c) 2003 Navotas SDA Church

Hosted by www.Geocities.ws

1