| |
Paraan ng
Pakikipagdebate
Ang pakikipagdebate ang isa sa naging paraan ni Eliseo Soriano upang
maparami niya ang kanyang miembro. Marami kasi ang palahanga lamang
ngunit tamad magsaliksik ng may kalaliman sa salita ng Diyos. Marami
siyang nakumbinse ngunit hindi kumbertido kay Kristo. Bakit
masasabing ganoon? Pansinin ninyo ang mga miembro ng taong ito
lalo’t higit kung siya ay nakikipagdebate, makikita mo kung anong
uri ng pag-uugali mayroon ang mga ito. Kadalasa’y minumura ang
ka-debate ng kanilang idolo, sabay ang pangduduro, hiyawang
mapanglait at pangga-gago. Nasaan si Kristo sa kanilang buhay? Hindi
makakakitaan ng bunga ng pagiging isang tunay na Kristiyano. Ating
isa-isahin ang mga ilang pararaan ng pakikipagdebate ng taong ito, si
Eliseo Soriano:
1. Ang pakikipagdebate niya ay nagiging parang isang contest
na lang sa telebisyon na kung saan ay nagiging pagalingan na lamang
at hindi para maihayag ang katotohanan. Madalas mapapakinggan sa kanya
ay "Kung mabasa ko, talo ka na?" kahit nakakailan pa lamang tayuan
ang magkabilang panig, minsan naman ay "Talo ka na! Talo ka na!" at
kadalasa'y may halo pang mura. Parang bata na nakikipaglaro at
gustung-guto makamit ang pagkapanalo hanggang sa mauwi sa pakikipag-away.
Hindi ba mas mahalaga na hayaang makapag-isip ang mga nakikinig kung
ano ang totoo, at hindi kung sino ang panalo?
2. Sa kanilang lugar ginagawa ang debate at hindi sa isang patas na
lugar.
3. Kadalasa'y panig sa kanya ang moderator.
4. Pinagsisikapang makahanap ng butas sa mga sinasalita ng
katunggali, na laging ipinipilit na dapat may mabasa ka at hindi tinitingnan ang
prinsipyo ng nakasaad sa Biblia. Hindi ba't wala naman tayong
mababasa na ng si Kriso ay nabautismuhan siya ay nabasa? Subalit
tiyakang masasabi natin na si Kristo ay talagang nabasa.
5. Palasigaw, palamura at mapanglait sa kanyang katunggali. Hindi ba
nararapat na patunayan sa isang ka-debate ang mga punto na
pinag-uusapan, at hindi para murahin kapag napipikon na? Ayon sa
Santiago 1:26, "Kung ang sinuman sa inyo ay
nag-iisip na siya'y relihiyoso samantalang hindi pinipigil ang
kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihiyon ng
taong ito ay walang kabuluhan".
Kung pakasusuriin ng may pagtitiyaga, kapansin-pansin ang mga
mapanglinlang na mga pananalita ng taong ito. At sa mga tamad o
walang sikap sa pag-aaral ng Salita ng Dios, hindi malayong masila
ang mga ito ng mga mapangdayang pananalita dahil sa paghanga.
|
|