tambayan  mga MANGYAN ng mindoro doon po sa amin WOW na pinoy!  nat ol pinoys are ok!  mga nakakabwiset na pinoy  sa mindoro lang  pangiliti 

WOW na PINOY!

ang tanong.... MERON ba?

Hooy!!! meron din naman ha.ang totoo eh maraming mga pinoy ang talaga namang nakakabililb at kahanga-hanga sa kanilang buhay at mga accomplishments. Pero ang kwento ko ngayon eh tungkol sa mga Kabayang kong Pinoy na Hinahangaan ko....as in personal opinion po ba...

si IN-AY. Dahil nais kong magpugay sa mga Kapatid nating Mangyan sa Mindoro, isa sa mga bilib ako eh yung nakilala kong Misyonaryo sa Bayan ng Roxas sa Oriental Mindoro, si Sister In-ay. Isang Madreng nagmula sa Mayamang pamilya, actually isa syang Fil-Chinese, that means... richie-rich talaga ang family nya, pero alam nyo, na since noong makilala ko sya, Grade Six lang ata ako noon sa Barangay San Mariano sa Roxas, Or. Mindoro at until maka-graduate ako sa College sa Manila eh naglilingkod pa rin sya sa mga kapatid nating Mangyan-Buhid sa lugar din ng Roxas at Bongabon (Bayang kalapit ng Roxas). Naging guro, tagapaghatid ng Gospel, si Sr. In-ay o Lourdes Soyao ay ninais  pang manirahan kasama ang mga Mangyan kesa ang marangyang buhay kasama ng kanyang pamilya. Marami na syang napag-aral na mga Mangyan, me mga guro na rin, me nurse at balilta ko nga eh me pinag-aaral pa sya ng abogasya, lahat ito ay sa sarili nyang pagpupursige. Ngayon ata eh bumalik si Sr. In-ay sa loob ng convent para muling makapag-aral ngunit iisa ang tiyak... muli syang babalik sa mga kamangyanan upang magbahagi ng kung anuman ang meron sya.. dakila ka Sr.

si Lea Salonga. Actually, di nyo maiitanong eh kababata ko si Leah..... eh ano ngayon! ang ibig kong sabihin, aba eh yun palang generation namin eh me maiipagmalaki rin kami. sino bang di makakakilala sa kanya.. basta.... si leah yan, kilala nyo rin naman yan eh, no further introductions needed... bilib ako dyan!

Samboy Lim. Basketball fanatic ako at Idol ko itong si Samboy. Mahirap ang larong basketball pero nagawa nyang magtagal at parangalan ng ilang ulit bilang isa sa mga pinakamagaling na players ng Pinas. At ang pinakamalupit ke Idol eh yung lagi kang manalo ng Sportsmanship Award... si Jawo ba eh nanalo na rin ng Award na ganito.... Put#$%^#&#%# namo! yan pa ang isasagot sa yo ni Jawo!

si Pidol si FPJ at Shawie. mga beterano ng Pelikulang Pilipino. Nakakabililb na mapanatili nila ang magandang records nila. Yun bang tipo ng tao na awayin mo eh, siguradong mas marami ang aaway sa yo. Kutyain at siguradong kawawa ka sa mga makakarinig sa pangungutya mo. Kakainggit yung mga taong sikat na eh nakakapamuhay pa rin ng me pagmamahal ng publiko. kakainggit di ba, ERAP?

maraming mga Pinoy ang simple lang ang buhay, buhay maralita, dukha, hikahos pero di nila alam eh malaki ang nagagawa nila para sa bayan.

ang mga Tsuper - saludo ako sa kanila, bagamat kung minsan eh may mga reklamo rin sa kanila, pero kung sa tyaga, siguradong mayaman sila.

mga manual laborers - marami ang mga laborers na pinoy, meron din naman sa kanilang pilipit ang pag-iisip pero nakakabilib pa rin ang karamihan kase mas nagtitiis sila sa hirap ng trabaho kesa naman sa gumawa ng masama at labag sa batas. Patda ang katawan sa maghapong pisikal na trabaho, tumanda na sa pagpukpok ng martilyo o pagpaletada ng semento, pero me ngiti pa rin at maamong mukha, mas maramii ang gabing mahimbing ang pagtulog... patunay ng kaligayahan at contentment sa buhay... bagay na di nararanasan ng marami nating kababayan, ang mga mayaman. Bilib ako sa inyo Mang Rudy na Panday.... Ka Anter na Mason.... at saka yung kapitbahay namin sa Probinsya..si Bay..all-around basta paggawa ng bahay... pwede... 

mga magsasaka sa bukid, mga magniniyog at mga mangingisda - maraming uri ng hanap-buhay sa probinsya, pero nananatili silang malakas at masigla sa paggawa, di nagsasawa sa paulit-ulit na gawain. Di ba natin napapansin eh sila ang bumubuhay sa atin. Pag-uwi galing sa bukid, sukbit pa ang araro at bag na buli na pinaglagyan ng baon sa tanghalian, dadaan muna sa tindahan ni Aling Conching, bibili ng isang bilog (Gin)... pahinga ng konti, tagay ng Gin, pag me napadaang kakilala, "shot muna pare..." Kinabukasan, umpisa na naman ng walangn katapusang pagbungkal. HAAAAYYYY!!!!  mga unsung heroes kayo ah!

mga namamasukan sa pabrika - bagamat pinasok ng mga makakaliwang elemento ang bawat pagawaan ngayon sa tin sa Pinas, meron pa rin tayong mga kababayan na matyaga sa pangangamuhan. Yung kapitbahay ng ate ko sa Laguna eh 4 na beses nang natanggal sa pabrikang pinagtratrabahuhan dahil sa walang katapusang mass-lay-off... pero tuloy pa rin ang agos ng buhay... nagtyatyaga pa rin... OK yan!

mga nagtitinda sa palengke - bagamat ang maghapon nila ay nasa piling ng lansa ng isda,  anggo ng  karne o singaw ng mga chemicals ng gulay sa palengke eh di pa rin sila nagsasawa na magbukas ng tindahan ng als-4 ng umaga at magsara naman ng alas-9 o alas-10 ng gabi. Kaya gusto ko pa ring mamalengke kase naaliw ako sa mga tawaran ng presyo sa palengke, me mataray na tindera, me mas maingay pa sa sirena ng alas-dose galing sa munisipyo kung makapag-imbita ng mamimili. sa ilang ulit na pagbalik-balik ko sa palengke eh sila pa rin ang makikita, patunay lang na enjoy sila sa gawaing ganun..... yan ang LIFE!

mga tagapag-linis natin ng kalsada at bangketa - minsan eh di sila napapansin... ang kakarampot nilang sinasahod sa paglilinis ng kalsada ay di sapat upang makapagpatuloy ka sa trabahong ito. Wala na nga lang talaga sigurong mapasukang ibang trabaho, pero nandyan pa rin sila. Habang ang iba nama'y walang pakialam sa pagkakalat ng basura... 

marahil ay marami pa ang mga kababayan nating Kahanga-hanga at di ko nabanggit.... sa susunod na lang!

SALUDO AKO SA KANILA!

balik sa taas ng peyds

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Hosted by www.Geocities.ws

1