sa
Mindoro lang po!
Wag nga po pala kayong magtataka
kung bakit umiikot lamang sa Oriental Mindoro ang mga kwento ko... eh kase
po.. taga-Oriental Mindoro po ako! at di ko pa gaanong na e-explore ang
Occidental Mindoro... hmmm.. assignment ko yan ha! pero sigurado ako, kase
ayun sa mga kwento sa akin, katulad ng Oriental eh me katangi-tangi ring
kagandahan ang Occidental Mindoro.
Kahit ilang ulit ata akong lumabas o
umalis ng Mindoro eh sa Mindoro pa rin talaga ako babalik. Hinde dahil sa,
para masabi lang na makabayan ako, hinde rin para makita ng mga kababayan
ko don na me konting pag-unlad din ako, in short, magyabang; hinde rin
para makita ko yung mga past syota ko (ilan ba sila... la ata eh!). At
lalong hinde rin dahil tatakbo akong konsehal ng bayan o Meyor o kahit
anumang
pwesto sa gobyerno; lam mo naman kapatid, marami sa ating mga kababayan
ang babalik lang sa sariling probinsya kase me ambisyong pampulitikal. Yun
bang nawala ng napakatagal na panahon tapos babalik lang kase eleksyon at
nabalitaang malaki ang makukurakot sa bayan... wag nang mag-deny... marami
talaga sa atin ang ganyan. Mga tipo ng taong, nanirahan na sa ibang bansa
o di kaya'y ibang lugar sa Pilipinas pero dahil nakapag-ipon na ng panggastos sa
pag-kandidato eh babalik na uli, take note ha, "panggastos",
ibig sabihin eh namuhunan, tapos pag nanalo na eh babawi ng 3 doble,
minsan nga eh higit pa... hehehe... nakatulong nga sa bayan ang Kumag na
'to.
Pero bakit nga ba, gustong-gusto
ko sa Mindoro.
Maaring sa ibang mga probinsya eh
iisa ang dahilan kung bakit nais nga ng mga umalis na rito na mag-balik
probinsya pansamantala man o permanente na. Iba kase talaga kapag nasa
sarili kang lugar, yun bang kakilala mo ang mga tao, hinde lang sa baryo o
barangay ninyo kundi, me nakikilala ka o me nakakakilala sa yo sa buong bayan... di
katulad sa Manila kung san ako nanirahan ng me katagalan din....sus!
Walang pakialaman ang mga tao, kapitbahay mo ng 3 taon di mo alam kung
ilang magkakapatid, kung sino ang panganay, na namatay na pala si ganito... yeah... merong ganyan ha!
Di ba ansarap noong.... tanghalian eh,
dudulog ka na lang sa hapag eh me kakatok pa at maghahatid sa yo ng ulam na
mula sa kapitbahay, at pinatitikman sa yo, tikim lang eh pang-ulam na ang dala. Yun bang me
makikita ka pang mataas na puno ng mangga na
hitik sa bunga. Me ilog ka pang matatawiran na di ka mandidiri sa amoy at
dumi ng tubig nito; sa Manila mahulog ka lang sa ilog, tulad sa ilog sa min sa
me depot station ng LRT sa Baclaran, mababaw ang tubig, baka di pa umabot
sa tuhod, pero kapag nahulog ka eh siguradong kundi pandidiri, eh sakit o
baka ikamatay mo pa ang mangyari sa yo.. Ansarap di ba nong makakapaglakad ka sa kalye na di ka
mag-aalalang me basta na lang hahablot ng kwintas mo o di kaya'y hand-bag
ng esmi mo?
Isa sa mga ipinagmamalaki ko na From
mindoro talaga eh... lam mo naman dito sa Sawdi, basta
nagkakwentuhan tungkol sa buhay sa Pinas... ang pagbibida ko agad eh yung buhay
sa Mindoro at di yung buhay-Manila (teka, me maganda ba sa buhay Manila,
sabagay depende yan sa pananaw mo!). Ipinanganak ako sa Puerto Galera,
syempre, sino ba ang di nakakaalam ng Puerto
Galera eh lugar ito ng mga magagandang resorts, isa sa mga paborito kong
panoorin sa lugar na ito eh ang mga disenyo ng mga cottages, bilib ako sa
galing ng mga designs nila. 'Yung mga beaches eh ok din, basta me kabayan
ako dito sa sawdi na magbabakasyon eh recommended ko lagi na pasyalan nila
ang Puerto(o Yan Mayor ng Puerto, nagpro-promote ako ng bayan natin
ha!). Sana nga lang eh mapanatili ng mga kababayan ko sa Puerto ang
kalinisan ng Paligid at yaman ng bayang ito, ang dagat, ang mga beaches at
ang mga lupain. Teka, itong larawan sa kaliwa nga pala ang Maria Christina
Falls, sa Puerto Galera din ito.
Ano ba yung "Tamaraw o Anoa
Mindorensis"... ito ang pride ng Mindoro, ang tanging uri ng Kalabaw
na tanging sa isla lamang ng Mindoro matatagpuan, as in... wala
kang makikitang tamaraw sa ibang dako ng daigdig, kung bakit? Siguro eh me
favoritism din si God no.. hehehe... biro lang po Lord....
Maraming mga lugar na maipagmamalaki
ang Mindoro. Di ko ipagpapalit ang lakatang saging na
pwede mo lang mahingi sa kapitbahay mo, o ang rambutan na kapag panahon ng
ani eh mas marami pa ang hiling (give-away) kesa sa isang kilong binili
mo, ganun din ang lansones. Nakatikim ka na ba ng sinturis (dalandan ng
Mindoro... hmmm.... malupittt ang katamisan nito, sintamis ng mga
kadalagahan ng Mindoro. Natikman mo na ba ang mabangong bigas ng Mindoro?..wow....
amoy pa lang eh pwede ka nang di mag-ulam.
Mayaman ang Mindoro sa Aquaculture
at Agriculture. Sariwa at mura ang mga isda at iba pang yamang-dagat,
mura at matataba ang mga alimango at sugpu... bagama't me mga kababayan pa
rin akong walang pagpapahalaga sa kinabukasan ng mga bata.. yun bang namumutol
ng puno, mga GANID sa yaman.. mga TAMAD at ang gusto eh madali ang pagyaman....
mga SWAPANG.... MAMATAY na sana kayo! Kayo ang UOD na sumisira sa
probinsya naming mahal. Kung pwede lang manawagan sa lahat ng mga engkanto
at lamang-lupa sa Kabundukan ng Mt. Halcon... (meron nga ba?).. sana eh parusahan ang mga
walanghiyang illegal loggers na ito.... dumumi sana kayo ng pako!
Sana naman eh mapanatili ang ganda,
hinde lang ng Mindoro kundi ang iba pang mga probinsya para naman yung mga
susunod na henerasyon eh me mga kwento ring magaganda katulad nitong mga
kwento ko.
balik
sa taas ng peyds
|
|
|