tambayan  mga MANGYAN ng mindoro doon po sa amin WOW na pinoy!  nat ol pinoys are ok!  mga nakakabwiset na pinoy  sa mindoro lang  pangiliti 

doon po sa amin!

"hectic ang schedule ko pag-uwi ko sa Pinas" - unang bahagi

Unang bakasyon ni Lahing Mangyan mula sa Sawdi kaya excited. 

Syempre pag-uwi ko sa Pinas eh hindi maaaring di ko muna uunahin ang paglilibot sa mga magagandang Simbahan sa atin... syempre, pasasalamat sa patuloy na pamamatnubay ni Lord sa ating lahat, lalo na sa aming narito sa malayong bayan at sa mga mahal naming pamilya sa pinas... wowwww... religious pala si ako.... Verum Est? o isang himala!

Ansarap talaga sa pinas ano! Miss ko na ang pansit bihon na luto ng biyenan ko, wow! yung me Kinchay pa na noong una kong Klik por enlards byu! matikman eh asiwa ako sa amoy, pero sekreto pala yun na kapag natikman mo eh masarap naman pala, sabay piga ng kalamansi... wooooo.... saraaaapppp!!!!

Habang isinusulat ko ito eh halos dalawang buwan pa bago ako umuwi, I mean, first vacation ko sa pinas mula dito sa sawdi and take note ha, nagbilin na ako sa esmi ko na ipagluto naman agad ako ng Lechon-kawali... yun bang halos pumutok ang balat ng baboy sa kalutungan na sasamahan mo pa ng Mang-Tomas Sarsa....High-Blood, High-Blood...High-Blood...

Miss ko na rin yung inihaw na ulo ng Manok sa me harap ng bakery ng biyenan ko sa Baclaran, noon kase, pagdating ng als-5 ng hapon, di maaring di ako magpapabili ng inihaw na ulo ng manok o kaya'y adidas... (paa ng manok ha, di yung ke Kobe!) na isasawsaw mo naman sa sukang me sibuyas at bawang with matching konting anghang.

Natikman mo na ba ang papaitan ng mga Ilokano sa may kahabaan ng Roxas Boulevard or yung mga karinderia sa me Pasay Rotonda? o ang masarap na goto sa Cuenca, Batangas; sa bayan  ng  esmi ko (ha! me esmi ka na pala lahing_mangyan... sayang...[ang kalimitang sambit ng mga chika-babes]-yabang no!)? .. Noon,  basta uuwi kami sa Cuenca eh di maaring di kami lalantak ng Goto dito. Kapag medyo nagutom ka naman at nasa byahe Klik por enlards byu! ka papuntang Mindoro, eh pwede kang tumigil sa Sto. Tomas, Batangas at kumain sa Bulalohan ni Aling Grace.... yung bulalo na kahit laseng-talelong ka last night eh siguradong tanggal ang pagkahilo mo dahil sa saraaaappp na kapag medyo ubos na ang laman eh hihingi ka ng ekstrang plato para pagtaktakan naman ng laman ng buto ng bulalo!!! Sa me bandang Calamba naman ay  makakabili ka nang "sing-a-ling" na malutong na pag kinain mo eh di maaring di ka bibili uli ng pangalawang supot.

Kapag pupunta naman ako sa Cabuyao, sa bahay ng ate Ems ko eh, siguradong titikim ako ng Proven (mga balat at isaw ng manok na ipiniritong kala mo'y sosy ang pagkakadale).

Kunwari pa ako na mabait! eh kapag nasa Pinas siguradong bisita rin ako ng mga patay.... as in patay-sindi... sino bang hinde.... pinoy pa!..teka bakit nasama sa usapan 'to...erase...erase....

Sa Mindoro naman........partikular sa Bayan ng Roxas, lugar ng tatay ko, dito ako lumaki bagamat sa Puerto Galera ako ipinaganak.

Sa malapit sa bahay ng mga pinsan ko sa baryo ng Dangay sa bayan Roxas, about 2 hours ang layo sa Boracay by pump-boat  eh me kalapit na basketball court at malapit din sa dagat, kaya miss ko rin yung tuwing hapon eh, laro lagi  ng basketball na pupustahan ng 20 pesos bawat isa, paborito kong laro ito eh. tapos pagkalaro eh inom ng palamig, yung  pineapple juice flavor ni Aling Alma na nilagyan ng pagkarami-raming yelo, tanggal naman ang uhaw mo yun nga lang mamaya-maya eh uubo-ubo ka na. Sabay tatambay kaming magpipinsan sa me tabing-dagat at manonood ng mga humihila ng lambat, na pag sinipag-sipag pa kami eh makikitulong naman at kakalabsaw ng konti sa dagat. Kapag umaga naman noon eh gigising kami ng maaga kasama sina Eugene at Tatang Roger na maninisid ng Bulalong-dagat, aba eh nakakarami rin kami ah, minsan nga halos makadalawang kilo kami. Sa gabi naman, magsisindi na agad si Kuya Nante ng Lampara at kanya-kanya na kaming dala ng itak at mangingilaw naman sa Low-tide.

Minsan naman eh kapag nagkasundong magkita sa likod bahay ni Lola Hila,  siguradong ang isa ay me dala nang sariwang isdang Tambakol at uling,...iihawin na yun tapos habang naghihintay ng pagkaluto ng isda ay nag-uumpisa na rin ang pagpapalamig ng Rhum-Coke...hmmm.... habang 'yung isa naman ay sinusundo na si Mang-Etik, na magiling bumanat sa gitara at kakantahan ka ng mga Kundiman basta tatagay muna sya ng kanyang Gin-Bilog na binili rin namin para sa kanya... simpleng entertainer ba... at least hinde sa Japan no!

Kung papasyal ka naman sa bukid, sa me parteng kabaryuhan sa Mindoro, lalo na don sa baryo ng San Mariano sa Roxas din ay ipaghuhuli ka agad ng native na Manok. And take note ha, mas gusto ko yung kasama ako sa paghabol Klik por enlards byu! sa manok. ititinola yun ng tiyo kong si Tyo Karding, na me kasamang papaya at talbos ng sili na kapag naluto eh manilaw-nilaw ang sabaw dahil sa taba ng manok... sabay ihahayin yun na me kasamang bagoong isda o di kaya'y yung dala ni Bok-bok galing sa bukid nila na hipong ginataan na huli sa ilog.

kapag medyo napaaga-aga naman eh papasyal din sa isang kaibigang guro sa probinsya na mahilig naman maglupak ng saging, at syempre mas masarap yung katulong ka sa paggawa ng nilupak o di kaya naman eh paakyatan ka ng buko ng niyog na pagkabiyak na pagkabiyak eh iinumin mo yung sariwang sabaw.

Nakaugalian na rin sa Bayan ng Roxas na kapag Araw ng Miyerkules at Linggo eh me tiangge ng mga gulay at prutas. Would you believe na sa isangdaan piso mo eh marami ka nang gulay na mabibili, sariwa pa. Mage-enjoy ka pa sa pangungulit sa mga tinderang mababait naman at kahit maging barat ka na sa pagtawad ng presyo eh nakangiti pa rin sa yo. Sana nga pag-uwi ko masigla pa rin ang tianggean don.

Kapag pumunta ka naman sa Puerto Galera, sa lugar ng nanay ko eh, mananawa ka naman sa mga beaches, sosy na rin kase ang buhay sa Puerto Galera kaya ang mapapaglibangan mo rito eh videoke sa gabi, kasama mong mag-iinom at kakanta si Boyet na kapag nakainom na eh di na maawat sa pagkanta, minsan nga yung kanta ko eh sya na rin ang bumanat.

Gusto ko rin ang pamimingwit sa Puerto, o yung panonood ng corals sa La-laguna Beach. Yeah! di mo na kelangan ang Diving-Gear, sa tabi lang ng pampang eh pwede ka nang manood ng corals basta me snorkel ka lang.

Pagdating naman ng hapon eh pasyal sa palengke at bibili ng Pugita na ikikilaw naman namin o gagatan at siguradong, Tanduay na lang ang kulang eh di solve na uli!...sugapaaaa!!!!! 

Laking Probinsya ako, bagamat sa Manila ako nag-aral ng College kaya wag kayong magtaka kung bakit, buhay sa bukid ang Kwento ko. wa ko feel ang mga Jolibee at Max eh. Di ko rin feel (dahil sa kamahalan ng presyo) and Enchanted Kingdom at Splash Island.. mabuti pa sa dagat sa Roxas, libre ang paligo lapad pa! sa Puerto nga eh nakakaligo ka na sa beach... me mga libreng tanawin ka pa.... mga tanawin bang magpapaluwa ng mga mata mo... hehehe.. lam mo na yun... naughty ka ha! Ayaw ni Cardinal Sin Nyan!

Pano... ang sunod na kwento ko na lang eh yung mga aktwal na nangyari sa pag-uwi ko sa Pinas....

balik sa taas ng peyds

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Hosted by www.Geocities.ws

1