---unang in-upload at nabasa sa Net noong Nobyembre 21, 1999
   sa isang website ni Tanda

 

 

Interbyung Walang Pamagat

ni Jojo de Veyra

 

 

Late 1999 noon nang kausapin ni Jojo de Veyra si Tandang Soria, ang may-akda ng unang online na libro ng maiikling kuwento na pinamagatang Vexed. Ang susunod ay excerpt tungkol sa "Di-Pinamagatan" mula sa interbyu na iyon, na isinalin sa Pilipino para sa website na ito:

 

 

JV: Alin sa mga kuwento sa Vexed ang nagtangkang i-dramatize ang kagandahan?

TS: Well, masasabi kong Before Lunch ang poem-piece na may ganong pakay in the sense na nilalarawan nito ang isang magandang eksena at nagaganap. Isang picnic. Ngunit sa loob ng kagandahang ito ay pinaalalahanan ko ang mambabasa, subtly siyempre, na may mga bagay na seryoso, malungkot, o pangit sa mga ganitong larawan. Tinukoy ang bidang pagkain sa picnic bilang mga "circular figures," na maaaring ang dating sa imahinasyon ng mambabasa ay tila mga Katolikong ostiya. Tapos hinayaan ko ang aking sariling "aksidenteng" maglagay ng mga konsepto rito tulad ng urban/rural na dikotomya (isang di-magaan na paksa sa class-ridden nating lipunan), ang sikolohiya ng mabagot sa isang babae (isang maaaring may pasaring sa machismo), ang pangalang Albino sa isang pangunahing karakter, ang phrase na "human beings," ang tila narrative promise na may mangyayaring pagkalunod ng isang karakter o di kaya pagsulpot ng isang pating, ang ideya ng overpopulation at population control sa pamamagitan ng pagkawala ng ibang tao, at maging ang implikasyon ng galit ng Maykapal, and so on. Lahat nang 'to, sa isang dapat simple at maganda lamang na paglarawan ng isang pangkaraniwang weekend beach party ng isang barkada.
    Ngayon, ang opposite ng Before Lunch ay ang kuwentong Eating Eagles, kung saan meron tayong isang oppressive na paligid, na tinatampukan ng mga batang tila kinuha para maging guinea pigs sa isang observation project. Sa diskripsyon ko ng oppressive setup sa kuwento, parang hinayaan ko lang ang sarili kong "aksidenteng" maglaglag ng mga konsepto ng kagandahan: inosensya, mga pop objects, laro ng kulay, and so on.

JV: Hmm. What about yung Pilipino mong komposisyon, ang Di-Pinamagatan? Dito ba'y may ganun ding subtle na agenda?

TS: Well, kung wala kang naramdamang mga subtle na agenda rito, baka nga wala. Unang-una, ang maikling komposisyon na ito ay piyesang me madaling mapansin na kritisismo sa lipunan. Kung may subtle messages dito, hindi ko nakita ang mga iyon. Literal lang ang pakay ko rito tungkol sa paghusga ko sa isang Filipino political psyche.
    Pero, . . . baka nagsisinungaling ako. Dahil alam ko naman na may mga tanong na pampanitikan na manghihingi ng kasagutan sa piyesang ito mismo at sa akin kung ako'y mahahagilap. Halimbawa, ang isang mambabasa'y maaaring ma-curious kung ano ang nagtulak sa NPA surrenderee na iwanan ang kanyang laban. Dahil nga lang kaya sa kanyang pagkabingi o di kaya sa kanyang frustration sa tipo ng available na simpatya na binibigay ng tao tulad ng halos-pekeng simpatya ng pintor sa kuwento? O may mas malalim na rason ba, tulad halimbawa sa kung babasahin natin ang pagkabinging yun bilang simbolo ng nakabibinging leftist paranoia na walang madinig na kabuuang opinyon ng tao, isang bagay na maaaring magtulak sa isa na sumurender na lang? O di kaya simbolo ng kabingian ng giyera sa mga tawag ng kapayapaan? . . . At, sa panig ng pintor, ang mga daldal kaya niya -- na siyang bumubuo sa teksto ng piyesa -- ay dapat din nating basahin sa literal na basa lamang? O bilang isang ironic na copy, samakatuwid hindi bilang simbolo (sa mababaw na basa) ng kuntentong Filipino psyche ngunit bilang portrait ng isang tunay na simpatyang underground na naka-disguise bilang irony, in an underground fashion? :-) O baka ang lahat ng iyon ay tama!
    Sa tingin ko'y nasagot ko na ang iyong tanong.

JV: Okay. Pero assuming na yun nga ang definition mo ng Filipino political psyche, kamo, na ito'y minsan ganito tapos minsan gano'n, . . . paano? At sa napakaiksing komposisyon!

TS: Well, una sa lahat, astrologically ang Pilipinas ay isang Gemini, ito'y kung kikilalanin mo ang Hunyo 12 na deklarasyon ni Aguinaldo ng ating kasarinlan sa Kawit, Cavite bilang siyang birth date ng ating bansa. Samakatuwid, ang Pilipinong nasyon ay isang kambal na nasyon. Hindi sa sense na merong dalawang nag-aagawang grupo subalit na tila me ambiguity sa lahat ng bagay dito at sa lahat ng tao.
    Para ring isang negatibong tipo ng Gemini force ang nandito dahil kalakip nito ay hindi mga empatya kundi mga kontradiksyon. Nasa bawat Pilipino ito, tila. Ngayon, sa Di-Pinamagatan meron tayong pintor na tila may puso pa rin kahit sa humihina nang insurhensya, subalit isinasabuhay niya ang simpatyang ito sa isang burgis na kilos at sining -- ang pagpinta ng mga kadre for gallery exhibition and dealing. At alam niya yon, kahit na tila di-gaanong aware sa pagiging mali nito! Samakatuwid, ang kanyang lightheadedness tungkol dito ay isa ring negatibong Gemini trait, though wala akong anuman laban sa mga Gemini (lahat ng astrological signs sa akin ay may kanya-kanyang negative traits). Ibig sabihin, dahil sa lightheadedness ang Pinoy ay nawawala sa kanyang sariling gusto at nawawalan ng pride.
    Pero, baka puwede mo ring sabihin yun tungkol sa akin -- bilang may-akda ng librong 'to na gumagamit ng wikang Ingles sa aking mga kuwento sa librong ito maliban sa Di-Pinamagatan. Maaari mo akong paratangang nawawala rin sa aking kultura't di matarok ng aking mga kapitbahay. Maliban na lang, syempre, kung pahihintulutan mong ina-address ko lamang ang intelligentsia progressives bilang target readership ng mga kuwento ko.

JV: Okay. So ang Di-Pinamagatan ay klaro at di klaro. Subalit kung klaro, ang Di-Pinamagatan ay isang piyesa na kung ihahambing sa ibang kuwento'y may malinaw na mensaheng socio-political tungkol sa alienation ng kilusang Kaliwa. Ngayon, ang Finding Books ay isa ring me politikal na paksa tulad ng Di-Pinamagatan na tila meron ding malinaw na mensahe. Pero isa rin bang ganung uri ng kuwento ang Finding Books -- me nakatagong tema?

TS: A oo.  Ang Finding Books ay takeoff ko sa pag-bastardize ni Adolf Hitler sa isang simbolo ng Silanganan upang ito'y maging Nazi; ang tinutukoy ko ay ang simbolong swastika. Hindi ko alam kung nakita ito ng aking mambabasa pero ito ba ang sinasabi mong malinaw na mensahe?

JV: (laughing) Well, hindi ko sasabihin. . . . !

 

 

Karapatang-ari © 1999, 2000 V.I.S. de Veyra. Reserbado lahat ng karapatan. Lahat ng mambabasa ay maaaring tumingin at magbasa, mag-save, mag-file at mag-print out ng tig-iisang kopya ng webpage na ito para sa kanilang personal na gamit. Walang reproduksyon, display, performance, pagkopya ng marami, transmission, o distribution ng webpage na ito, o anumang bahagi, adaptasyon, abridgment o salin ng nasabi, ay maaaring gawin nang walang nakasulat na permiso mula sa may-akda. Sinumang persona na gagawa ng di-awtorisadong aksyon na may kinalaman ang webpage na ito ay liyable sa prosekusyong kriminal at civil claims for damages.


I-address ang lahat ng tanong at reaksyon kay

Tandang Soria

na may subject "Re: Di-Pinamagatan"


BALIK SA KUWENTO

DIRETSO SA IBANG PARTE NG SITE NA ITO:
Sa Harapan | Mga Tula | Mga Rebyus ng Buks Kultural | Mga Music Rebyus | Mga Pelikula Rebyus | Si Tanda


Hosted by www.Geocities.ws

1