Sa Mga Kuko ng Liwanag
ni Tandang Soria
(mga notes sa iilang pelikulang Pilipino sa kaniyang koleksyon)
"NARITO'T naka-lista ang iilan sa mga establisadong Pilipinong direktor at ang ilan nilang mga obra na nasa video shelf ko for third-world cinema sa bahay (Philippines section). Para sa mga pelikulang ito, magbibigay ako sa kapwa ko mga Pilipino ng aking sariling mga rekomendasyon. Ngunit bakit ko gagawin ito, gayung ako'y galing sa middle class, at ang katotohanan ay ang isang pelikulang Pilipino tulad, halimbawa, ng Tuhog, ay di angkop sa panlasa ng middle class, dahil -- sa kanila -- kailangan munang magkaroon ng mga Amerikanong aktor ang isang pelikula at i-adapt sa sitwasyon ng Hollywood bago ito makahila ng isang linya man lang ng mga interesadong mamimili ng tiket buhat sa kanilang hanay. At masasabi nating ang middle class ay nahihiyang pumila sa takilya at manood ng sineng Pilipino, dahil ang wikang Pilipino raw bilang drama medium ay maituturing na para sa labandera o yaya lamang. Kapansin-pansin na ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ang karamihan ng Pilipinong screenwriters ay nagsusulat tungkol sa lower class o mga rural concerns lamang, o di kaya tungkol sa mga pantasya ng mga poor-falls-in-love-with-rich na mga karakter o pantasya sa loob ng mga rags-to-riches-through-luck na plots. Ito ang tila katotohanan sa likod ng Filipino middle class bilang nasyong naiiba sa nasyon ng mga Pilipino sa lower-middle at lower class, at ito'y hindi nakakagulat dahil simula pa noon sa ating kasaysayan sila ang mga namuno at patuloy na namumuno sa relihiyon ng import-worship at pagmata sa sarili. Hindi importante kung ayaw nila ang paratang na ito, pero ito ang nararamdaman ng lahat ng "ordinaryong" (nakararaming) Pilipino. Kaya, uulitin ko ang aking tanong, Bakit ko gagawin ito? ... At sasabihin ko sa iyo ngayon, seryoso ba ang tanong mong iyon o iyan ba'y may nakuha nang sagot sa mga nasabi ko na sa itaas?
"Oo nga't maaaring sabihin ng isa sa amin sa middle class (na siya ring mga tipong namamahala ng marketing decisions sa mga production houses o diyaryo), 'Oo, Tanda, pero patay na si Lino Brocka. At si Kidlat Tahimik ay tahimik na at ayaw pa ring gumawa ng pang-pangkaraniwang-sinehan na tipo ng pelikula; ganun din si Lav Diaz pagkatapos ng Batang West Side.' At ang isa naman sa amin sa middle class ay maaaring mag-second ng ganito: 'Oo nga, totoo yun, Tanda, kaya bakit pa mag-aaksaya ng panahon? Ito na ang panahon ng WTO at pamamayani ng mga global (Amerikano, Briton) na mga produkto!' At ako'y tatango't sasang-ayon na si Brocka at si Kidlat Tahimik (de Guia) ay tunay ngang mga diyamante at ipagmamalaking mga delegadong pangalan ng nangibang-bansang Pilipinong cinema, ngunit ang nakalulungkot ay tila wala sa middle class at upper-class na mga may-ari ng production houses at moviehouses ang tumulong na i-market at iangat sila sa pansin ng nakararaming Pilipino, sa paniniwala marahil na di sila dapat makapanood ng mga sineng may politikal o sosyal na komentaryo o di kaya sa paniniwalang puro love stories lang ang gusto ng madla.
"At tulad pa ng madalas kong sabihin, hindi totoo na ang Juan de la Cruz Band ang simula at katapusan ng Pinoy rock. Alam ng mga rockers iyan. Kaya, sa larangan ng Philippine cinema, sasabihin ko sa kapwa ko mga taga-middle class na hindi natin kelangan hintayin na ang mga obra ng ating mga nabubuhay pang mahuhusay na direktor ay maging antique muna bago natin parangalan ng ating palakpak at marketing efforts ang mga ito. Bakit tila ang desisyon natin sa middle class ay parating ibenta lamang sa nakararaming Pilipino ang mga sineng nakatutuwa, nakakatawa, o nakakahiya? Ang kanilang appreciation ay posible para sa mahuhusay at nabubuhay at patuloy na gumagawang mga direktor at screenwriters, sa liwanag man ng Maynila sila galing o sa kuko ng probinsiya man, na may sari-saring kahenyohan (o tila-kahenyohan) na narito na -- na narito na, kung susukatin lamang natin ang iba't-ibang pangalan sa listahan ko on their own terms, o mas mainam pa nga, on our own environ's terms, imbis na sa terms ng kulturang Hollywood na panunuri. At isa pa riyan, sa likod ng sinambit nating kaisipanng me prejudice laban sa ating mga sarili at sariling mga mahuhusay na direktor, bakit hindi natin pagdebatehan ang merits ng isa o dalawang mga sine nila kesa pagdebatehan ang abstract na karapatan ng bawat isa sa kanila upang maidisplay natin sa ating mga middle class na shelves sa ating maiinit na European-style o American-style na mga sala?
"Ako'y sang-ayon na tila mahirap ang magbigay ng mga positibong notes sa iilang Pinoy films, sa dahilang ang isang Pilipinong middle class na manonood ay may dobleng hinihingi sa kapwa Pilipinong pelikula at direktor para sa suspension ng kanyang disbelief, samantalang meron siyang nakahandang pagka-mapagbigay sa mga pelikulang banyaga. Subalit ang demand na ito ay di rin naman masasabing walang magandang dahilan, dahil ang mga sine nga naman natin ay tungkol sa mga bagay na malapit sa ating kaalaman (kaya't hinihingan ng perfection, ika nga) at saka ma-aadmit ko na sa kadalasa'y di exacting pagdating sa acting ng mga aktor at sa dubbing ng kanilang mga linya (third-world nga e) ang ilan nating mga sine. Pero, sige, susubukan ko lang. Tutal natuwa naman ako't nag-enjoy o di kaya tunay na naiyak o natawa, and so on and so forth. . . .
"Kaya, sige, bago ako maging paulit-ulit ng katakot-takot, halika na't sa mga sine at tingnan kung makasasang-ayon ka sa akin!"-- (Tanda)
UNDER CONSTRUCTION PA PO
BUONG-HABANG PELIKULANG FEATURE:
MARILOU DIAZ-ABAYA
Muro-Ami (Reef Hunters, 1999)
(nominado, Best Feature Film, 2000 Hawaii
International Film Festival)
Jose Rizal (1998)
Sa Pusod ng Dagat (In The Navel of the Sea, 1997)
(Audience Favorite Choice Award - Honorable
Mention, 1999 Cinequest San Jose Film Festival;
FIPRESCI Prize, 1998 Singapore International Film
Festival)
Karnal (1984)
Moral (1982)--------------------------------------------------
TIKOY AGUILUZ
Biyaheng Langit (Paradise Express, 2000)
Tatsulok (Triangle, 1998)
Rizal Sa Dapitan (Rizal In Dapitan, 1997)
Boatman (1984)--------------------------------------------------
LINO BROCKA
Gumapang Ka Sa Lusak (Dirty Affair, 1990)
Angela Markado (1983)
(Golden Montgolfiere, 1983 Nantes Three Continents
Festival)
Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag (Manila: In The
Claws of Neon, 1975)--------------------------------------------------
MIKE DE LEON
Bayaning Third World (Third World Hero, 1999)
--------------------------------------------------
MARYO DE LOS REYES
Magnifico (2004)
(International Grand Jury Award, 2005 Madrid
Children and Youth Film Festival, Audience Award,
2005 Sheffield Children and Youth Film Festival;
Glass Bear and the Deutsches Kinderhilfswerk
Grand Prix, 2004 Berlin Film Festival; Grand Prix
for Best Picture, 2004 Rome International Children's
Film Festival; nominated, Crystal Globe, 2003
Karlovy Vary International Film Festival; nominated,
Best Feature Film, 2003 Hawaii International Film
Festival)
Tagos ng Dugo (1987)--------------------------------------------------
NICK DEOCAMPO
Pedrong Palad (1999)
--------------------------------------------------
LAV DIAZ
Hesus, Rebolusyonaryo (Hesus the Revolutionary,
2002)
Hubad Sa Ilalim Ng Buwan (Naked Under The
Moon, 1999)
(nominado, Golden Screen Award, 2000 Singapore
International Film Festival)--------------------------------------------------
RAMONA DIAZ
Imelda (2003-04)
(nominado, Grand Jury Prize, 2004 Sundance Film
Festival)--------------------------------------------------
PEQUE GALLAGA
Scorpio Nights (1985)
--------------------------------------------------
JEFFREY JETURIAN
Tuhog (Skewered, 2001)
Pila-Balde (Fetch A Pail of Water, 2001)
(nominado, Golden Pre-Columbian Circle, 2001
Bogota Film Festival; Gold Award, Independent
Theatrical Feature Film - Mature Audience, 2000
WorldFest Houston)
Sana Pag-Ibig Na (Skewered, 2001)--------------------------------------------------
LUPITA AQUINO-KASHIWAHARA
Minsa'y Isang Gamu-gamo (1976)
--------------------------------------------------
JOEL LAMANGAN
Bulaklak ng Maynila (Flower of Manila, 1999)
--------------------------------------------------ERIK MATTI
Dos Ekis (Double Cross, 2001)
--------------------------------------------------
MARIO O'HARA
Babae Sa Bubungang Lata (Woman On A Tin Roof,
1998)
(samantalang pinangingitlog pa ni Tanda ang kanyang
recommendation note, maaari po bang i-refer ka namin
sa notes ni Ginoong Noel Vera tungkol sa pelikulang ito
rito)
Mga Bulaklak Sa City Jail (Flowers of the City Jail,
1984)--------------------------------------------------
RORY QUINTOS
Anak (2000)
--------------------------------------------------
CHITO ROŅO
Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga (Curacha:
The Woman Without Rest, 1998)
Eskapo (Escape, 1995)--------------------------------------------------
CARLOS SIGUION-REYNA
Azucena (Dog Food, 2000)
(Grand Jury Award, 2001 San Diego Asian Film
Festival; nominado, Golden Spike, 2000 Valladolid
International Film Festival)
MAIIKLING PELIKULA:
CHUCK ESCASA
The Last Typewriter
--------------------------------------------------
JUAN PULA (JON RED)
Trip
--------------------------------------------------
DANIEL LUCAS RED
Papag (Wooden Bed)
--------------------------------------------------
RAYMOND RED
Anino (Shadows, 2000)
(Palm d'Or - Best Short Film, 2000 Cannes Film
Festival)
Karapatang-arit Š 1999,
2000, 2002 Vicente-Ignacio S. de Veyra III. Reserbado lahat ng karapatan.
I-check out mo rin ang mga notes ni Ginoong Noel Vera sa kanyang 13 Pinakaimportanteng mga Pelikulang Pinoy ng Ika-20 na Siglo:
Click dine.
IBA PANG PAHINA SA SITE NA ITO:
Sa Harapan | Mga Tula | Likhang Kuwento | Mga Rebyus ng Buks Kultural | Mga Music Rebyus | Mga Pelikula Rebyus | Si Tanda