|
LESSON 21 Saving Faith (Pananampalatayang Nakapagliligtas)
1. Ano ang unang bunga ng pagtawag ng Diyos sa puso ng mga makasalanan? Ang paggawa sa kanyang kalooban ng pananampalatayang nakapagliligtas.
2. Ano ang pananampalatayang nakapagliligtas? Ito ay ang tiyak na espirituwal na kaalaman at taos-pusong pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo bilang Diyos ng ating kaligtasan. 1 Pedro 1:21
3. Mayroon pa bang ibang halaga ang pananampalataya maliban dito? Mayroon, ito rin ang paraan kung saan tayo’y pinag-isa kay Cristo at ang matanggap ang lahat ng Kanyang pagpapala. Juan 15:1-7
4. Ano ang ‘espirituwal na kaalaman’ ng pananamplataya? Ito ay ang kaalaman na ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa Kanyang Salita ay totoo at ang kaligtasan kay Cristo ay para sa atin. Lord’s Day 7
5. Ano ang ‘taos-pusong pagtititwala’ ng pananampalataya? Ito ay ganap na pagtitiwala at pananalig kay Cristo bilang kaganapan ng ating kaligtasan. Lord’s Day 7
6. Sino ang gumagawa ng pananampalatayang ito sa atin? Ang Espiritu Santo bilang Espiritu ni Cristo. Efeso 2:8-10
7. Sino naman ang binibigyan ng Diyos ng pananampalatayang ito? Ang mga hinirang lamang ng Diyos. Roma 8:29, 30
8. Mayroon bang ibang pananampalatayang matatawag maliban sa tunay na pananampalataya? Mayroon, tulad ng pananampalatayang nakagagawa ng himala (miraculous faith), pananampalataya sa kasaysayan (historical faith), at pansamantalang pananampalataya (temporary faith).
9. Ang mga ito ba ay makapagliligtas? Hindi kailanman, ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng tunay na pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo.
EXTRA WORK
1. Ipaliwanag kung ano itinuturo ng mga sumusunod na talala tugkol sa pananampalataya: a. Juan 3:16 b. 2 Corinto 5:7 c. Hebreo 11:1 d. Efeso 2:8 2. Ano naman ang sinasabi ng Santiago 2:14-26 tungkol sa kaugnayan ng pananampalataya at mabubuting gawa? 3. Ano ang itinuturo ng mga Arminians tungkol sa pananampalataya? Patunayan sa Biblia na mali ang kanilang katuruan. 4. Posible ba sa isang makasalanan na tanggapin si Cristo bilang kanyang tagapagligtas?
LESSON 22 Justification (Pag-aaring Ganap)
1. Ano ang unang bunga ng pananampatayang nakapagliligtas? Na ang mananampalataya ay pinawalang-sala’t inaring ganap ng Diyos.
2. Ano ang kahulugan ng pinawalang-sala’t inaring ganap (justification)? Ang Justification ay isang mapagbiyayang hatol ng Diyos kung saan idinideklara Niya na ang hinirang na makasalanan ay matuwid sa harapan Niya. Roma 8:33, 34
3. Ano ang kaibahan ng justification sa sanctification (pagpapabanal)? Ang Justification ay hatol ng Diyos na nagapapawalang-sala sa atin; ang Sanctification ay nagpapatuloy na espirituwal na pagkilos ng Diyos na nag-aalis ng karumihan ng ating kasalanan.
4. Ano ang pinaka-dahilan ng ating justification? Ito’y ang walang hanggang panukala ng Diyos, at ayon dito’y hinirang Niya kay Cristo ang Kanyang bayan at pinag-isa Niya sila kay Cristo. Efeso 1:4
5. Ano naman ang batayan ng ating justification? Ito’y ang perpektong katuwiran lamang ni Cristo bilang Pangulo ng Kanyang bayan. Roma 5:19
6. Ano ang pinaka-patunay o katibayan ng ating justification? Ang Pagkabuhay muli ni Cristo, sapagkat ito’y tatak ng Diyos sa perpektong katuwiran ni Cristo na ginawa sa krus. Roma 4:25
7. Bakit natin sinasabing tayo’y pinawalang-sala’t inaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya? Sapagkat ang pananampalataya ang nag-uugnay sa atin at kay Cristo, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay nalalaman natin na tayo’y tunay na pinawalang-sala’t inaring ganap.
8. Tayo ba ay pinawalang-sala’t inaring ganap dahil sa ating mga gawa? Hindi, sapagkat lahat ng ating mga mabubuting gawa ay bunga ng pagkilos ng Diyos sa atin. Tito 3:5; 2 Timoteo 1:9; Filipos 2:13; 2Tesalonica 2:13
9. Ano ang mga pagpapalang kalakip ng justification? Kapatawaran ng kasalanan, perpektong katuwiran, kayapaan sa Diyos, pagiging anak ng Diyos, at karapatan sa buhay na walang hanggan. Awit 32:1; Roma 5:1; 8:15-17
EXTRA WORK
1. Ipaliwanag kung bakit si Cristo ay ang pangalawang Adan? Roma 5:12-15 at 1Cor. 15:22 2. Itinuturo ba ni Santiago ang “justification by works” sa Santiago 2:14-16? 3. Tignan ang mga talata sa Tanong #9 at ipaliwanag kung paanong ang mga talatang ito ay nagpapatunay ng pagpapala ng justification. 4. Paano itinuturo ng Genesis 15:6 na si Abraham ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo?
LESSON 23 Sanctification (Pagpapabanal)
1. Ano ang sanctification o pinagiging banal? Ito’y gawa ng Diyos kung saan tayo’y hinango mula sa kapamahalaan at karumihan ng kasalanan at binabago ayon sa larawan ni Cristo. 1Tesalonica 5:23
2. Ano ang kaugnayan ng justification sa sanctification? Ang justification ay ang batayan ng ating sanctification, kaya nga hindi maaaring maging totoo ang isa kung wala ang isa. Tito 2:14
3. Ano ang kaibahan ng justification sa sanctification (pagpapabanal)? Ang Justification ay hatol ng Diyos na nagapapawalang-sala sa atin; ang Sanctification ay nagpapatuloy na espirituwal na pagkilos ng Diyos na nag-aalis ng karumihan ng ating kasalanan.
4. Paano ginaganap ng Diyos ang sanctification sa mananampalataya? Sa pamamagitan ng Espiritu ng niluwalhating si Cristo, na Siyang naglilinis sa atin ng lahat ng ating mga kasalanan. 2Tesalonica 2:13
5. Ang mananampalataya ba ay ginawang ganap na banal sa buhay na ito? Hindi, kahit na ang pinakabanal na anak ng Diyos ay mayroon lamang maliit na panimula ng bagong pagsunod. Isaias 64:6; Filipos 3:12; Roma 7:18
6. Paano ang sanctification ay nahahayag sa buhay ng isang mananampalataya? Ang mananampalataya ay patuloy na kinamumuhian at tinatalikuran ang kasalanan, at nagsisimulang mamuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mabubuting gawa. Lord’s Day 33
7. Ano ang maituturing na mabubuting gawa? ‘Yun lamang gawang bunsod ng tunay na pananampalataya, ginawa ayon sa Kautusan ng Diyos, at para sa Kanyang kaluwalahatian. Roma 14:23
8. Kailangan ba na ang Cristiano’y gumawa ng mabuti? Dapat, sapagkat ang mabubuting gawa ang layunin ng kanyang kaligtasan, upang ang Diyos ay maluwlahati sa kanya; at kapag walang kabanalan ay imposibleng makita ang Panginoon. Mateo 5:16; Hebreo 12:14
9. Ano ang kaugnayan ng sanctification sa preservation? Ang lahat ng binanal ng Panginoon ay Kanya rin namang iniingatan sa patuloy na kabanalan hanggang matamo nila ang ganap na kaligtasan. Juan 10:27-29; 1Pedro 1:5
EXTRA WORK
1. Ang sanctification ba ay may kinalalaman sa orihinal na kasalanan o kaya’y sa orihinal na kasamaan? Awit 51:5 2. Sa Santiago 2:14-16, ano ang sinasabi hinggil sa relasyon ng pananampalataya at mabubuting gawa? Posible ba na mayroon pananampalataya na walang mabubuting gawa? 3. Basahin ang Roma 6 at sagutin ang mga sumusunod na katanungan: a) Anong katanungan o reklamo ang sinasagot ni Pablo? (v.1) b) Anong ang kanyang sagot sa reklamong ito? (v.2) c) Ano ang ibig sabihin ng ang kasalanan ay hindi na naghahari sa atin? (vv.17,22) d) Ano ang ibig sabihin ng “alipin ng kasalanan”? At ano ang kahulugan ng “alipin ng Diyos? (vv.17,22) 4. Tignan ang Hebreo 11:6; Mateo 15:19; at 1Corinto 10:31 at ipaliwanag kung paano ang mga talatang ito ay nagpapatunay sa sagot sa tanong 8 sa itaas?
LESSON 24 The Church (Ang Iglesya)
1. Ano ang iglesya (church)? Ang iglesya ay ang hinirang na katawan ni Cristo na nahayag sa lupa bilang mga kinalap na hinirang na mananampalataya pati na ang kanilang mga anak. Efeso 1:23; 1Pedro 2:9
2. Paano ang igleya ay kinakalap? Kinakalap ni Cristo ang Kanyang iglesya sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu. Efeso 5:26, 27; feso 2:13-17
3. Anu-ano ang pagkakakilala sa iglesya? Ang iglesya ay kilala bilang “church militant” dito sa lupa, “church triumphant” naman sa langit at “church latent” na ipapanganak pa lang sa hinaharap.
4. Anu-ano ang pagkakilala sa “church militant” dito sa lupa? Kilala siya bilang “church visible” at “church invisible”
5. Ang kahulugan ng “church visible”? Ang iglesya na nahayag sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagtupad ng Salita at ng mga Sakramento at sa pamamagitan ng pagpapahayag at pamumuhay ng kanyang mga miyembro.
6. Ano ang kahulugan ng “church invisible”? Ito ay ang iglesya kung ang titignan ay ang kanyang panloob na espirituwal na buhay na kinabibilangan ng kapanganakang-muli, pananampalataya at iba pang mga pagpapala ng kaligtasan.
7. Ano ang mga tanda ng tunay na iglesya? Ang tapat na pangangaral ng Salita ng Diyos, ang tamang pamamalakad ng mga sakramento, at pagpapatupad ng disiplinang Cristiano. Juan 8:31, 47
8. Anu-ano ang mga lider ang itinalaga ni Cristo sa Kanyang iglesya dito sa lupa? Ang mga ito ay: Minister, elder at deacon. Gawa 6; Efeso 4:11, 12
9. Anu-ano ang mga susi ng kaharian? Ang pangangaral ng Salita at pagpapatupad ng disiplinang Cristiano kung saan sa pamamagitan ng mga ito ang pintuan ng kaharian ay bumubukas o sumasara para sa mananampalataya o di-mananampalataya. Juan 20:23
10. Sinu-sino ang kabilang sa “church visible” dito sa lupa? Lahat ng nagpapahayag ng kanilang pananampalataya na namumuhay ng ayon sa kanilang kapahayagan kabilang rin pati ang kanilang mga anak. Gawa 2:39; Gen.17:7
EXTRA WORK
1. Basahin ang 1Corinto 12:12-27 at ipaliwanag kung paano ang mga talatang ito ay inihambing ang iglesya sa katawan ng tao. 2. Bakit kailangang maging miyembro ng church visible dito sa lupa? 3. Basahin ang 1 Timoteo 3:2-12 at ilista ang ilang katangian ng elders at deacons?
LESSON 25 The Means of Grace (Ang mga Pamamaraan ng Biyaya)
1. Ano ang kahulugan ng “means of grace” o pamamaraan ng biyaya? Ito’y ang mga pamamaraan ng Espiritu Santo na Kanyang ginagamit upang ibahagi sa atin ang kaligtasan na inihanda ng Diyos na nakay Cristo.
2. Anu-ano ang mga pamamaraan ng biyaya? Ang Pangangaral ng Salita at Pagpapatupad ng mga Sakramento.
3. Paano ang Pangangaral ng Salita ay isang pamamaraan ng biyaya? Sa pamamagitan ng Pangangaral, ang mga hinirang ay tinatawag sa pananampalataya at napapangalagaan sa espirituwal, upang sila’y lumago sa biyaya ng Diyos. Roma 10:17; 1Pedro 2:2
4. Anu-ano ang mga Sakramento? Ito’y ang mga nakikitang tanda at tatak ng Tipan ng Biyaya na itinatag ng Diyos para sa Iglesya, kung saan ang pananampalataya ng mga hinirang ay napapalakas. Genesis 17:7; Colosas 2:11,12
5. Paano ang mga Sakramento ay pamamaraan ng biyaya? Ipinapakilala at pinapagtibay nito ang Katuwiran na nakay Cristo.
6. Ilang Sakramento ang itinatag ng Diyos para sa Iglesya ng bagong tipan? Dalawa: Ang Banal na Bautismo at Banal na Hapunan ng Panginoon.
7. Paano ang Banal na Bautismo ay isang tanda? Ang pagwiwisik ng tubig ay sumasagisag sa paglilinis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng ating Tagapagligtas. 1Pedro 3:21
8. Paano ang Banal na Hapunan ng Panginoon ay isang tanda? Ang pinagputol-putol na tinapay at binuhos na alak ay sumasagisag sa binugbog na katawan at sa dugong ibinuhos ni Cristo, na sa pamamagitan nito, tayo’y napapangalagaan at napapakain sa espirituwal. 1Corinto 11:26
9. Ano ang pinagtitibay ng mga Sakramento? Na ang mga mananampalataya ay matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
10. Ang mga Sakramento ba’y biyaya para sa lahat ng mga tumatanggap nito? Hindi, ito’y biyaya lamang para sa mga tumanggap nito ng may tunay at buhay na pananampalataya.
EXTRA WORK
1. Anu-ano ang dalawang sakramento sa Matandang Tipan? 2. Basahin ang 1Corinto 5:7 at Colosas 2:11 at ipaliwanag kung paano napalitan ng mga Sakramento sa Bagong Tipan ang sakramento sa Matandang Tipan? 3. Ilan ang mga sakramentong itinuturo ng Romano Catoliko, bakit hindi maituturing na sakramento ang mga ito kung Biblia ang babatayan?
LESSON 26 Baptism (Bautismo)
1. Ano ang inilalarawan ng bautismo bilang tanda at tatak? Ang paglilinis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng Panginoong Jesu-Cristo. Gawa 2:38
2. Sino ang dapat na tumanggap ng bautismo? Lahat ng mga nasa hustong gulang na mananampalataya na nagsisi sa kanilang mga kasalanan at nagpahayag ng kanilang pananampalataya kay Cristo, pati rin ang kanilang mga anak.
3. Bakit kailangang bautismuhan rin ang mga bata ng mananampalataya? Sapagkat sila’y kabilang rin sa Tipan ng Biyaya gaya ng mga mananampalatayang nasa hustong gulang. Genesis 17:7; Gawa 2:39
4. Paano sila napasama sa Tipan? Sapagkat ang Diyos ay nakikipagtipan sa nagpapatuloy na generasyon. Genesis 3:15; 17:7; Gawa 2:39
5. Patunayan sa Biblia na ang Diyos ay nakikipagtipan sa lahi ng nagpapatuloy na generasyon. “Aking itatatag ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi kahit sa iyong pagkamatay sa buong lahi nila, isang tipang walang hanggan, upang maging Diyos mo at ng iyong binhi.” Genesis 17:7
6. Sino ang binhi ni Abraham? Lahat ng mananampalataya, sapagkat si Abraham ay tinawag na ama ng lahat ng sumasampalataya. Roma 4:12,16; Galacia 3:9
7. Ang lahat bang batang nabautismuhan ay hinirang? Hindi, sapagkat hindi lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel. Roma 9:6
8. Kung gayon, hindi ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang ipinagtitibay sa bautismo? Mali, sapagkat ang bautismo gaya ng tuli ay nagpapatibay ng katuwiran na natatamo sa pamamagitan ng pananampalataya. Roma 4:11
9. Ano ang pananagutan pagkatapos na mabautismuhan? Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at mamuhay ng ayon sa bago at banal na pamumuhay.
EXTRA WORK
1. Sa Galacia 3:16, sino ang tinutukoy ni Pablo na binhi ni Abraham? 2. Sa Galacia 3:29, sino ang tinutukoy ni Pablo na binhi ni Abraham? 3. Tignan ang Katesismo Lord’s Day 27, Q&A 74, at sabihin kung ano ang mga batayan ng bautismo sa bata? 4. Tignan ang 1Corinto 10:1,2; 1Pedro 3:20,21 at ipaliwanag kung paano ang Baha at Pagtawid sa Pulang Dagat ay larawan ng bautismo.
LESSON 27 The Lord’s Supper (Ang Banal na Hapunan ng Panginoon)
1. Ano ang isa pang sakramento? Ang Banal na Komunyon o ang Banal na Hapunan ng Panginoon.
2. Kailan itinatag ng Panginoong Jesu-Cristo ang sakramentong ito? Noong kumain Siya ng huling Paskuwa kasama ang Kanyang mga alagad nang gabi na Siya’y ipagkanulo. 1Corinto 11:23
3. Anu-ano ang mga sagisag ng Banal na Hapunan ng Panginoon? Ang pinagpira-pirasong tinapay at alak na ibinuhos. 1Corinto 11:24,25
4. Ano ang mga sinasagisag ng tinapay at alak? Ito’y sumasagisag sa katawang winasak at dugong ibinuhos ni Cristo, na siyang pinantubos ni Cristo para sa ating mga kasalanan. 1Corinto 11:26
5. Paanong ang presensiya ni Cristo ay nasa tinapay at alak ng Banal na Hapunan? Siya ay espirituwal na naroroon sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at Espiritu sapagkat ang tinapay at alak ay lumalarawan at nagtatatak sa Kanyang katawan at dugo. 1Corinto 10:16
6. Paano nakakain at naiinom si Cristo sa Banal na Hapunan? Sa espiritwal na paraan at sa pamamagitan lamang ng tunay at buhay na pananampalataya.
7. Sinu-sino ang dapat na makibahagi ng Banal na Hapunan? Lahat ng mga nabautismuhang Cristiano na nagpahayag ng kanilang pananampalataya at namumuhay bilang mga tunay na mananampalataya.
8. Ano ang dapat munang gawin bago makibahagi ng Banal na Hapunan? Dapat munang tamang saliksikin natin ang ating mga sarili kung tayo ay nararapat na makibahagi sa Banal na Hapunan. 2Corinto 11:28
9. Ano ang dapat na saliksikin natin sa ating mga sarili? Tatlong bagay: kung tayo’y tunay na nagsisisi sa ating mga kasalanan; kung tayo’y tunay na sumasampalataya na ang ating mga kasalanan ay pinatawad na sa pamamagitan ni Cristo; at kung tayo’y tunay na lumalakad sa banal na pamumuhay. 2Corinto 13:5
EXTRA WORK
1. Ano kaibahan ng Banal na Hapunan sa Misa ng Romano Catoliko? 2. Patunayan sa 1Corinto 11:24,25 na ang tinapay at alak sa Banal na Hapunan ay mga sagisag ng katawan at dugo ni Cristo. 3. Ano ang sinasabi ng 1Corinto 11:27 hinggil sa mga nakikibahagi ng Banal na Hapunan na hindi karapat-dapat?
LESSON 28 The Death of Believers (Ang Kamatayan ng mga Mananampalataya)
1. Ang lahat ba ng tao ay mamamatay? Oo, maliban sa mga mananampalataya na nabubuhay sa panahon ng pagbabalik muli ng Panginoong Jesu-Cristo. Awit 89:48; 1Tesalonica 4:17; Hebreo 9:27
2. Ano ang mangyayari sa mga makasalanang namatay? Sila ay mahihiwalay sa lahat ng mga bagay dito sa lupa at mapaparoon sa walang hanggang impiyerno. Lucas 16:22,23
3. Subalit bakit kailangan ang mga mananampalataya ay mamatay din? Ang huling bagay na nag-uugnay sa kanila sa mga bagay na makasalanan at nabubulok ay dapat na maputol.
4. Hindi ba maaari silang pumaroon kaagad sa kaluwalhatian ng nasa katawan at kaluluwa? Hindi, sapagkat kailangang hintayin ang muling pagbabalik ni Cristo upang baguhin ang kanilang katawan at gumawa ng bagong langit at bagong lupa.
5. Sa ano nahihiwalay ang mga mananampalataya kapag sila ay namatay? Ang kanilang bagong pagkatao kay Cristo ay nahiwalay sa makalupang katawan at sa lumang pagkatao na makasalanan. 2Corinto 5:1
6. Saan patutungo ang mananampalataya kapag sila ay namatay? Kaagad-agad silang paroroon sa kaluwalhatian kasama si Cristo sa kalangitan.
7. Anong patunay sa Bibla na ito’y totoo? Sinabi ni Jesus sa nagsising magnanakaw sa krus, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.” Lucas 23:43
8. Mayroon pa bang iba pang mga patunay? Mayroon, si Asaf ay umasam na siya’y patutungo sa kaluwalhatian sa kanyang pagkamatay, Awit 73:24,26; at alam ni Pablo na siya makakasama ni Cristo sa kanyang pagkamatay, Filipos 1:23
EXTRA WORK
1. Ipaliwanag ang teorya ng “soul sleep” paano kinondena ng Heidelberg Lord’s Day 22 ang teoryang ito? 2. Patunayan sa Apocalipsis 6:9,10 na ang mananampalataya’y tutungo sa langit kapag siya ay namatay. 3. Ano ang doktrinang “purgatoryo” na itinuturo ng Romano Catoliko? Bakit mali ito 4. Paano itinuturo ng 1Corinto 15:51 na ang mga mananampalataya na buhay sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi mamamatay?
LESSON 29 The Second Coming of Christ (Ang Ikalawang Pagparito ni Cristo)
1. Paano magwawakas ang kasalukuyang daigdig? Sa pamamagitan ng pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. Apoc. 1:7
2. Kailan muling babalik ang Panginoon? Ang araw at oras ay hindi natin alam, subalit ang lahat ng bagay na inihayag ay dapat munang matupad alinsunod sa itinakda ng Diyos. Mateo 24:36; Marcos 13:32
3. Malalaman ba natin ang lahat ng bagay na dapat munang matupad bago dumating ang Panginoon? Mga bagay na pangkalahatan lamang (general) hindi ang detalye, sapagkat inihayag ng Diyos ang mga ito sa atin upang tayo ay makapag-ingat at makapanalangin.
4. Paano ipinahayag ng Diyos ang mga bagay na ito? Ipinihayag Niya sa atin sa Banal na Kasulatan ang mga tanda ng muling pagbabalik ni Cristo.
5. Magbigay ng ilang mga tanda na makikita sa sangnilikha. Taggutom, salot, at mga lindol sa maraming lugar. Mateo 24:7
6. Magbigay ng ilang mga tanda na makikita sa Iglesya. Ang Ebanghelyo ay dapat na maipangaral sa sanlibutan; magkakaroon ng matinding pagtalikod sa pananampalataya; at ang Iglesya ay uusigin. Mateo 24:9-14, 16-23
7. Magbigay ng ilang mga tanda na makikita sa kasaysayan ng daigdig. Magkakaroon ng matinding kasamaan, at ang Anticristo ay maghahari sa buong sanlibutan. 2Tesalonica 2:7; Apocalipsis 13
8. Paano muling babalik si Cristo? Siya mismo ang muling babalik sa katawan, na makikita ng lahat, at taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. Mateo 24:30; 1Tesalonica 4:16
9. Ano ang atas sa Iglesya habang hinihintay niya ang muling pagbabalik ni Cristo? Mag-ingat at manalangin at mamuhay na taglay ang pag-asa ng kanyang ganap na kaligtasan sa muling pagbabalik ni Cristo. 2Pedro 3:13,14
EXTRA WORK
1. Basahin ang 2Pedro 3:7,10-12 at ipaliwanag kung ano ang sinasabi hinggil sa kung paano mawawasak ang sanlibutang ito. 2. Ano ang sinasabi ng 2Tesalonica 2:8-12 hinggil sa Tampalasan o taong masama? Sino siya? 3. Ano ang sinasabi ng Mateo 24:29-31 hinggil sa mga tanda na makikita bago dumating si Cristo? 4. Anu-ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata hinggil sa ating pamumuhay habang hinihintay natin ang muling pagbabalik ni Cristo? a. Mateo 25:13 b. 2Pedro 1:13 c. 2Pedro 3:11,12,14,15 5. (Assignment: Ipaliwanag sa susunod na meeting) Magsaliksik hinggil sa mga sumusunod: Pre-millennialism; Post-millennialism, and A-millennialism.
LESSON 30 The End of this Age (Ang Pagwawakas ng Panahong Ito)
1. Ano ang mangyayari sa pagbabalik muli ng Panginoon? Ang pagbabangon ng mga namatay, ang huling paghuhukom, at ang pagbabago sa lahat ng mga bagay.
2. Sinu-sino ang mga ibabangon muli mula sa mga patay? Lahat ng mga namatay, ang maka-Diyos para sa pagbangon sa buhay na walang hanggan, at ang di-maka-Diyos para sa pagbangon sa walang hanggang impiyerno. Juan 5:28,29
3. Sinu-sino ang haharap sa paghahatol o paghuhukom? Lahat ng may kakayahang mag-isip at moral na mga nilalang: mga tao, mga anghel, at mga dimonyo. Mateo 25:32; 2Corinto 5:10; 6:2,3; Apocalipsis 20:12-15
4. Ano ang kaparusahan para sa mga makasalanan? Walang hanggang pagdurusa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. Mateo 25:41,46.
5. Sa anong katawan tayo ibabangon muli? Sa katawang espirituwal na taglay ang walang-kabulukan, kaluwalhatian, at kapangyarihan. 1Corinto 15:42,43
6. Ano ang kaloob para sa mga hinirang ng Diyos? Buhay na walang hanggan at kaluwalhatian sa presensiya ng Diyos sa kalangitan. Apocalipsis 21:3
7. Mayroon bang iba-ibang antas ng pagpaparusa at pagkakaloob? Mayroon, sapagkat ang lahat ay hahatulan ayon sa kanyang mga ginawa. Lucas 19:17; 1Corinto 3:8
8. Ang kasalukuyan bang daigdig ay wawasakin? Oo, sapagkat inaasahan natin ang bagong langit at bagong lupa kung saan ang katuwiran ay mananaig. 2Pedro 3:10-13
9. Anong pagpapala ang dulot ng bagong langit at bagong lupa? Makapamuhay ng walang kasalanan na nakapaloob sa pagpapala ng walang hanggang Tipan ng Biyaya ng Diyos. Apocalipsis 21
EXTRA WORK
1. Patunayan mula sa Juan 5:28,29 na ang lahat ng mga tao ay ibabangong muli mula sa kamatayan. 2. Ano ang sinsabi ng Juan 5:28,29 hinggil sa kaibahan ng pagbangon ng matuwid at ng makasalanan? 3. Tignan ang mga talata sa Nos.3 at 4 sa itaas at patunayan mula sa mga talata na lahat ng mga tao, mga anghel, mga dimonyo ay hahatulan. 4. Paano pinapatunayan ng Lucas 19:17-19 na mayroong antas ng pagkakaloob at pagpaparusa? 5. Ano ang sinasabi ng Apocalipsis 21:3,4 hinggil sa kaluwalhatian ng bagong langit at bagong lupa?
|