Home  |  Introduksyon  |  Lessons 11-20  Lessons 21-30

 

LESSON 1

The Knowledge of God

(Pagkakilala sa Diyos)

 

1.      Ano ang pinakamahalaga sa lahat ng bagay?

Ang makilala ang tunay na Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Kanyang isinugo. Jeremias 9:23, 24

 

2.      Bakit ang pagkakilalang ito ay mahalaga?

Sapagkat ang makilala ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus-Cristo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 17:3

 

3.      Paano natin makikilala ang Diyos?

Sa pamamagitan lamang ng Kanyang sariling kapahayagan sa sangnilikha at sa Kanyang Banal na Kasulatan. Awit 19:1-3; 2Tim. 3:16; Belgic Confession, Article 2

 

4.      Ipinakikilala ba ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga makasalanan?

Oo, ipinakikita ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang nilikha na Siya ay Diyos at dapat na paglingkuran, nang sa ganon ang mga makasalan ay walang maidadahilan. Roma 1:20

 

5.      May mga bagay pa bang inihahayag ang Diyos sa mga makasalanan?

Ang Diyos ay naghahayag sa kunsiyensiya ng bawat tao hinggil sa kung ano ang tama at mali. Roma 2:14, 15

 

6.      Ang kapahayagan bang ito ng Diyos ay makapagdudulot ng kaligtasan?

Hindi, sapagkat sa pamamagitan nito ang poot ng Diyos ay nahayag mula sa kalangitan laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga tao. Roma 1:18

 

7.      Paano ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang hinirang?

Sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, na ipinapahayag sa atin si Cristo, na Siya lamang ang kaligtasan. 2Timoteo 3:16,17

 

8.      Ipinapahayag din ba ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang hinirang sa pamamagitan sangnilikha?

Oo, sapagkat ayon sa Kasulatan ay makikita natin na ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at ang kalawakan ng gawa ng Kanyang kamay.

 

9.      Sa papaano pang paraan ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kapanahinan ng Kanyang hinirang?

Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng kasaysayan.

 

10.  Makikilala ba natin ang Diyos sa sarili nating pagsisikap?

Hindi, ang Banal na Espiritu lamang ang makapagbibigay sa atin ng katotohanag ito sa pamamagitan ng paggawa Niya sa ating puso. 1Corinto 2:10-12

 

EXTRA WORK

 

1.      Tignan ang mga sumusunod na talata at ilista kung paano nagpapahayag ang sangnilkha patungkol sa Diyos: Awit 19:1, 2; 8:1; Roma 1:20.

2.      Tignan ang mga sumusunod na talata at ipaliwanag kung paano ipinapahayag ng sangnilkha si Cristo: Isaias 53:7; Awit ni Solomon 2:1; Malakias 4:2.

3.      Basahing maigi ang Belgic Confession, Article 2 at isulat kung ano ang sinasabi ng artikulong ito tungkol sa kapahayagan ng Diyos.

4.      Basahaing maigi ang Roma 1:18-25 at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a.       Ipinapahayag ba ng Diyos ang Kanyang biyaya sa lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang kapahayagan sa sangnilikha, tulad ng itinuturo ng mga Arminians?

b.      Ano ang ginagawa ng makasalanan sa kapahayagan ng Diyos sa sangnilikha?

c.       Paano pinarurusahan ng Diyos ang kalapastanganang ito.

5.      Tignan ang Awit 14:1. Ang talata bang ito ay nagtuturo na may mga taong ‘atheists’? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 

LESSON 2

Holy Scripture

(Banal na Kasulatan)

 

1.      Ano ang Biblia?

Ang Biblia ay kinasihan ng Diyos at walang maling naisulat na Salita ng Diyos. 2Timoteo 3:16; 2Pedro 1:19-21

 

2.      Paano natin nalalaman na ang Biblia ay Salita ng Diyos?

Una, sa patunay ng Biblia mismo; pangalawa, sa patotoo ng Banal na Espiritu sa ating mga puso.  1Juan 5:6

 

3.      Ano ang kahulugan ng kinasihan ng Diyos?

Ito’y isang gawa ng Diyos kung saan Kanyang kinilos, niliwanagan at walang maling ginabayan ang Kanyang hinirang na sulatin ang Salita ng Diyos

 

4.      Paano naman isinagawa ng Diyos ang pagkasi?

“Ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos.” 2Ped. 1:21

 

5.      Anu-ano ang mga katangian ng Banal na Kasulatan?

Walang pagkakamali, may pagkaka-isa, madaling maunawaan, makapangyarihan, at sapat.

 

6.      Ano ang kahulugan ng walang pagkakamali ang Kasulatan?

Na ang bawat salita ng Kasulatan ay Salita ng Diyos, kaya nga, walang kamalian. 2Tim. 3:16;  2Ped. 1:20-21

 

7.      Ano ang kahulugan ng may pagkaka-isa ang Kasulatan?

Na ang lahat ng Kasulatan ay isang kapahayagan ng Diyos tungkol kay Jesus na Siyang Diyos ng ating kaligtasan. Juan 5:39

 

8.      Ano ang kahulugan ng madaling maunawaan ang Kasulatan?

Na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang Kasulatan ay madaling maunawaan ng mga hinirang ng Diyos sa kanilang ikaliligtas.

 

9.      Ano ang kahulugan ng may kapangyarihan ang Kasulatan?

Na ang Kasulatan ay siyang tanging pamantayan ng ating pananampalataya at ating buhay. 2Tim. 3:16-17

 

10.  Ano ang kahulugan ng kasapatan ng Kasulatan?

Na ang Kasulatan ay buong naglalaman ng kalooban ng Diyos para sa ating kaligtasan..

Belgic Confession, Article 7

 

 

EXTRA WORK

 

1.      Tignan ang 2Ped. 1:20-21 1t 2Tim. 3:16 at sagutin ang tanong na ito: Ang Kasulatan ba ay produkto ng Diyos at tao? Patunayan ang sa mo gamit ang mga talatang ito.

2.      Basahin ang Belgic Confession, Article 5 at sagutin ang tanong na ito: Bakit natin dapat paniwalaan ang lahat ng nakasulat sa Banal na Kasulatan?

3.      Ano ang layunin ng Biblia? Tignan Juan 5:39; 2Tim 3:16, 17.

4.      Kung ang Kasulatan ay madaling maunawaan, paano mo naman ipapaliwanag ang 2Ped. 3:16?

5.      Mabigay ng iba pang patunay sa Biblia na ang Kasulatan ay walang kamalian.

 

ASSIGNMENT:

Ano ang kahulugan ng mga sumusunod:

a.       Mechanical inspiration?

b.      Dynamic inspiration?

c.       Verbal Plenary inspiration?

 

 

LESSON 3

God’s Essence and Names

(Kalikasan at mga Pangalan ng Diyos)

 

1.      Sa anong mga bagay makikilala natin ang Diyos?

Sa Kanyang esensiya(diwa), mga pangalan, mga katangian, personalidad at sa mga gawa

 

2.      Ano ang ipinapahayag ng Kasulatan tungkol sa esensiya o pagka-Diyos ng Diyos?

Na Siya ay Espiritu na may walang hanggang katangian na nasa tatlong persona. Juan 4:24

 

3.      Mayroon  pa bang sinasabi ang Kasulatan tungkol sa esensiya ng Diyos?

Mayroon, sinasabi ng Kasulatan na ang Diyos ay kapwa ‘immanent’ at ‘transcedent’. Jer. 23:23, 24

 

4.      Ano ang kahulugan ng ‘transcendence’ ng Diyos?

Na ang Diyos ay kataas-taasang nakahihigit sa lahat at hiwalay sa Kanyang nilikha at walang sinuman o anuman na katulad Niya. 1Hari 8:27

 

5.      Ano ang kahulugan ng ‘immanence’ ng Diyos?

Na ang Diyos sa Kanyang buong pagka-Diyos ay nasasalahat sa bawat bagahi ng Kanyang nilikha. Gawa 17:27, 28

 

6.      Sinasabi ba ng Banal na Kasulatan na ang Diyos ay may mga pangalan?

Oo, bagama’t ang Kanyang mga pangalan ay hindi tulad ng ating mga pangalan, sapagkat walang nilalang na katulad Niya. Isaias 40:25

 

7.      Ano ang kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?

Ang mga ito ay kapahayagan ng ilang katangian ng Diyos sa atin. Awit 111:9

 

8.      Ano ang pinakamahalagang mga pangalan ng Diyos?

Ang Kanyang pangalang Diyos at Yahweh (Jehovah, Panginoon). Exodo 34:6

 

9.      Ano ang kahulugan ng Yahweh?

Na ang Diyos ay walang hanggan at di-nagbabagong Diyos ng Tipan. Malakias 3:6

 

10.  Bakit binigyan ng Diyos ang Kanyang sarili ng mga pangalan?

Upang tayo’y maaring makipag-usap sa Kanya at pag-usapan Siya ng may paggalang. Awit 50:15

 

EXTRA WORK

 

1.      Tignan ang mga sumusunod na talata at ibigay ang mga pangalan ng Diyos na nasasaad sa mga ito: Awit 111:9; Isaias 57:15; Genesis 14:18; Awit 80:14; Isaias 40:28.

2.      Tignan ang mga sumusunod na talata at sabihin kung ano ang itinuturo ng mga ito tungkol sa Diyos: Deutoronomio 6:4; Juan 4:24; Isaias 40:18, 25; Awit 90:2.

 3.      Paanong masasabi na ang mga sumusunod na mga talata ay

nagtuturo ng ‘transcedence’ ng Diyos? Job 11:7; Isaias 66:1

 4.      Paano naman pinatutunayan ng Gawa 17:27, 28 ang ‘immanence’ ng Diyos.

 5.      Ano ang itinututuro ng Exodo 3:13-15 tungkol sa pangalang “I AM” (“AKO NGA”)?

 

 

LESSON 4

God’s Incommunicable Attributes

(Mga Hindi Naibabahaging Katangian ng Diyos)

 

1.      Ano ang mga tinatawag na mga katangian ng Diyos?

Ito ay ‘yung mga walang hanggang kasakdalan (infinite perfections) ng Kanyang pagkaDiyos na nagpapahayag sa atin kung sino at ano ang Diyos. 1Pedro 2:9

 

2.      Sa anu-anong uri nakikilala ang katangian ng Diyos?

Nakikilala sila sa tawag na communicable (naibabahagi at makikita rin sa iba) at incommunicable (hindi naibabahagi, sa kanya lamang) na mga katangian.

 

3.      Ano ang kahulugan ng ganong pagkakauri?

Yamang tayo ay nilalang ng Diyos sa Kanyang wangis, ang iba sa Kanyang katangian ay nasasalamin sa atin, ang tawag sa mga ito’y communicable attributes. Ang mga katangiang taglay ng Diyos lamang at hindi makikita sa iba ay tinatawag na incommunicable attributes.

 

4.      Anu-ano ang mga incommunicable na katangian ng Diyos?

Ito ay Kanyang oneness, simplicity, independency, infinity at immutability.

 

5.      Ano ang kahulugan ng ‘oneness’ ng Diyos?

Na mayroon lamang iisang pagkaDiyos o Diyos at wala ng ibang Diyos maliban sa Kanya. Deteronomio 6:4; Awit 18:31

 

6.      Ano ang kahulugan ng ‘simplicity’ ng Diyos?

Na ang Diyos ay di-maaaring mahati at ni hindi nalikha at ang Kanyang mga katangian ay tanging sa Kanya lamang. Marcos 12:29

 

7.      Ano ang kahulugan ng ‘independency’ ng Diyos?

Na Siya ay malayang nabubuhay sa sarili at hindi kinakailangan ang tulong ng iba upang mabuhay. Isaias 40:13, 14;  Juan 5:26

 

8.      Ano ang kahulugan ng ‘infinity’ ng Diyos?

Na ang Diyos ay Diyos na walang hanggang kasakdalan, at Siya ay eternal at nasa-sa-lahat-ng-lugar. Awit 90:2; Jeremias 23:23, 24; 1Timoteo 1:17

 

9.      Ano ang kahulugan ng ‘immutability’ ng Diyos?

Na ang Diyos ay hindi nagbabago sa Kanyang pagkaDiyos at sa Kanyang mga gawa at pamamaraan. Malakias 3:6

 

10.  Bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang mga incommunicable na katangian sa atin?

Upang malaman natin na Siya lamang ang kataas-taasan at Siya lamang ang nararapat na pag-ukulan ng pinakamataas na papuri. Jeremias 10:6, 7

 

EXTRA WORK

 

1.      Anong incommunicable na katangian ng Diyos ang binanggit sa Artikulo 1 ng Belgic Confession?

2.      Anong katangian ng Diyos ang tinutukoy ng mga sumusunod na texto: Gawa 17:24; 1Juan 1:5; 4:8; 1Corinto 8:6; Santiago 1:17; Awit 90:4; 139:7-10; 1Hari 8:27; Job 11:7-9?

3.      Sa Genesis 6:6 ay mababasang ang Diyos ay nagsisi/nalungkot na nilikha Niya ang tao. Paano mo maipapaliwanag ito kung ang Diyos ay di-nagbabago (immutable).

4.      Ano ang panawagan sa atin ng Deuteronomio 6:5, 6 yamang ang Diyos ay iisa?

 

 

LESSON 5

God’s Communicable Attributes

(Mga Naibabahaging Katangian ng Diyos)

 

1.      Paano ang pagkakapangkat-pangkat ng communicable na katangian ng Diyos?

Ang unang pangkat ay may kinalalaman sa Karunungan ng Diyos, ang ikalawa ay hinggil sa Kanyang Kalooban at ang ikatlo’y tungkol sa Kanyang Kapangyarihan.

 

2.      Anu-anong katangian ang kabilang sa Kanyang Karunungan?

Ang Kanyang omniscience, na ang kahulugan ay ang Diyos ay perpektong at patuloy na nakakaalam ng lahat ng mga bagay; at ang Kanyang wisdom.

 

3.      Anu-anong katangian ang kabilang sa Kanyang Kalooban?

Ang Kanyang kabutihan, kabanalan, katotohanan, at katuwiran.

 

4.      Anu-anong katangian naman ang kabilang sa Kanyang Kabutihan?

Ang Kanyang pag-ibig, biyaya, habag, at pagtitiyaga.

 

5.      Sino ang minamahal ng Diyos?

Mahal ng Diyos ang Kanyang sarili bilang pinakamataas na kabutihan at ang lahat ng Kanyang nilalang para sa Kanyang sariling karangalan. 1 Juan 4:8

 

6.      Kung ganon, paano mamahalin ng Diyos ang sinumpang makasalanan (reprobate wicked)?

Hindi Niya magagawa, sapagkat itinuturo ng Biblia na ang sumpa ng Diyos ay nasa bahay ng masama. Kawikaan 3:33

 

7.      Kung ganon, paano mamahalin ng Diyos ang Kanyang mga hinirang na makasalanan din naman?

Sila’y minamahal ng Diyos  hindi bilang makasalanan, kundi bilang mga hinirang kay Cristo at pinawalang-sala’t inaring ganap sa pamamagitan Niya.  Efeso 1:4

 

8.      Ano ang kahulugan ng Biyaya ng Diyos?

Ito’y pagbibigay ng Diyos ng pabor na di naman nararapat sa mga hinirang kay Cristo at pagbibigay ng kapangyarihan para sa kanilang kaligtasan. Roma 11:6

 

9.      Ano ang kahulugan ng Habag ng Diyos?

Ito’y paggagawad ng awa sa Kanyang mga hinirang sa kanilang kapighatian at paghango sa kanila sa ganong kalagayan.. Malakias 3:6

 

10.  Ano ang kahulugan ng Kapangyarihan ng Diyos?

Ito’y ang Kanyang di-mapapantayang kapangyarihan (omnipotence), kung saan Kanyang nagagawa ang lahat ng Kanyang itinalagang mangyayari ayon sa kanyang panukala. Genesis 17:1; 18:14; Luke 1:37

 

EXTRA WORK

 

1.      Ang Diyos ba ay nagbibigay ng Kanyang biyaya sa lahat ng tao (common grace) o ang Kanyang biyaya ay para lamang sa Kanyang hinirang (particular grace)?

2.      Patunayan na ang common grace ay mali sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga sumusunod na talata: Awit 5:4, 5; Kawikaaan 3:33; Roma 1:18. (Gamitin ang ABAB/AB)

3.      Ano ang itinuturo ng Roma 9:15 hinggil sa Habag ng Diyos?

4.      Ano ang itinuturo ng 2Pedro 3:9 hinggil sa Pagtitiyaga ng Diyos?

5.      Tignan ang mga sumusunod na mga talata at ipaliwanag kung bakit maling ituro na ‘mahal ng Diyos ang lahat ng mga tao’: Awit 73:1; Jeremias 31:3; Roma 8:38, 39; Juan 3:16; 1Juan 4:9.

6.      Anu-anong mga katangian ng Diyos ang tinutukoy ng mga sumusunod na talata: Exodo 34:6, 7; Isaias 6:3; Deuteronomio 32:4; Awit 119:68; 1Pedro 1:16?

 

 

LESSON 6

The Holy Trinity

(Ang Banal na Trinidad)

 

1.      Ano ang kahulugan ng katotohanan ng Trinity?

Na ang Diyos ay iisa sa Kanyang kalikasan at nahayag naman sa tatlong Persona.1Juan 5:7

 

2.      Paanong ang Diyos ay iisa sa Kanyang kalikasan at tatlo naman ang Persona?

Mayroon tatlong magkakaibang persona na nahahayag sa Kani-kaniyang katangian sa iisang Pagka-Diyos.

 

3.      Sinu-sino ang mga tatlong Personang ito?

Ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Mateo 28:19

 

4.      Saan sa Banal na Kasulatan makikita ang katuruang may tatlong Persona?

Maraming talata sa Biblia ang nagpapakita ng may higit sa isang persona sa Pagka-Diyos, tulad ng Genesis 1:26; 3:22; 19:24; Awit 110:1. Ang bilang na Tatlong Persona ay malinaw na binanggit naman sa Bagong Tipan, tulad ng sa pormula sa Bautismo (Mateo 28:19) at sa basbas ng apostol (2 Corinto 13:14).

 

5.      Itinuturo din ba ng Banal na Kasulatan na ang tatlong Personang ito ay iisang Diyos?

Oo, buong Kasulatan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay iisa, at meron mga talatang direktang sinasaad ito, tulad ng Deuteronomio 6:4; 1Juan 5:7.

 

6.      Bakit ang mga Personang ito ay tinatawag na Ama, Anak, at Espiritu Santo?

Sapagkat sa mga katawagang ito ay nahahayag ang Kani-kaniyang sariling mga katangian.

 

7.      Ano ang naiibang katangian ng bawat isang Persona?

Ang Ama ang Siyang pinagmumulan ng buhay ng Anak; ang Anak naman ay nagmumula sa Ama; ang Espiritu Santo ay nagbubuhat sa Ama at sa Anak. Juan 14:26; 15:26; Galacia 4:6; Juan 1:14; Awit 2:7

 

8.      Ano ang kahalagahan ng doktrinang ito ng Trinity?

Na ang Diyos na Trinidad ay may perpektong tipan ng pagkakaisa sa Kanyang sarili at Siya ay nagtatag ng tipan ng buhay sa atin. Genesis 17:1, 7

 

9.      Bawat isang Persona ba ay may Kani-kaniyang gawa sa paglikha at pagliligtas?

Hindi, ang Diyos na Trinidad ang Siyang lumilikha, tumutubos, at nagpapabanal. Jonas 2:

 

EXTRA WORK

 

1.      Patunayan ang pagka-Diyos ni Cristo sa mga sumusunod na talata: Juan 1:1; 10:30; Apocalipsis 1:17

2.      Patunayan ang personalidad ng Espiritu Santo sa mga sumusunod na talata: Juan 15:26; 1Corinto 2:10; 12:11

3.      Patunayan sa Juan 15:26 na ang Espirtu Santo ay nagbubuhat sa Ama at sa Anak.

4.      Basahin ang ‘Lord’s Day 8, Question and Answer # 24 ng Katesismong Heidelberg, at ipaliwanag ito ayon sa tanong #9 sa itaas ng lesong ito.

5.        Paano naituturo ng doktrinang Trinity na ang Diyos ay Diyos ng Tipan?

 

 

LESSON 7

God’s Work in Eternity

(Gawa ng Diyos sa Walang Hanggan)

 

1.      Paano napapangkat ang mga ginawa ng Diyos?

Sa dalawa, una ang mga gawa Niya sa eternity at mga gawa Niya sa kasalukuyang panahon. Gawa 15:18

 

2.      Ano ang Kanyang mga gawa sa eternity?

Ang Kanyang eternal na mga Itinakda (eternal decrees). Efeso 1:3, 4

 

3.      Anu-ano ang mga Itinakda ng Diyos?

Ang Kanyang eternal na panukala, na kung saan nakabatay ang lahat ng Kanyang mga gawa.  Efeso 1:11

 

4.      Mayroon pa bang ginagamit ang Biblia na ibang tawag sa Itinakda ng Diyos?

Mayroon, Kanyang panukala, Kalooban, Pakay, at Mabuting Layunin. Efeso 1:9, 11

 

5.      Anu-anong katangian ang binabanggit ng Biblia hinggil sa Panukala ng Diyos?

Itinuturo ng Biblia na ang Panukala ng Diyos ay eternal, malayang-malaya, walang kinusulta, hindi nagbabago, mabisa, ‘all-comprehensive’, mabuti. Roma 11:33-36; Hebreo 6:17

 

6.      Ano ang kahulugan ng ang Panukala ng Diyos ay eternal?

Na itinakda ang lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang Panukala bago pa magsimula ang sanlibutan. Awit 33:11; Isaias 46:10

 

7.      Ano ang kahulugan ng ang Panukala ng Diyos ay ‘all-comprehensive’?

Na ayon sa Panukala ay itinalaga na ng Diyos ang lahat ng bagay na mangyayari. Gawa 15:18; 1Samuel 23:11, 12

 

8.      Ano ang Panukalang ‘Predestination’?

Ito’y ang eternal na Panukala ng Diyos hinggil sa eternal na kalalagyan ng mga nilalang, kabilang na rin ang ‘election’ at ‘reprobation’. Roma 9:11-13

 

9.      Ano ang Panukalang ‘Election’?

Ito’y ang eternal, di-mapapantayang-karapatan, at mabuting layunin ng Diyos na iligtas para sa eternal na kaluwalhatian ang mga hinirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Efeso 1:5, 6; 2Tesalonica 2:13; Roma 8:29

 

10.  Ano ang Panukalang ‘Reprobation’?

Ito’y ang eternal, di-mapapantayang-karapatan, makatarungan at mabuting layunin ng Diyos na sumpain ang iba sa eternal na kaparusahan dahil sa kanilang mga kasalanan. 1Pedro 2:8; Roma 9:17, 18; Kawikaan 16:4.

 

EXTRA WORK

 

1.      Basahin ang Roma 9:11-18 at Efeso 1:4, 5 at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

a. Ang Diyos ba ay humirang ng mga tao dahil sa sila ay sumampalataya sa Kanya?

b. Ang Diyos ba ay nag-reprobate ng mga tao dahil sa sila’y ayaw sumampalataya?

2.      Ano ang itinuturo ng Juan 10:25, 26 hinggil sa kaugnayan ng reprobation at di-pananampalataya?

3.      Ano ang itinuturo ng Canons 1:6; Juan 6:40; at Gawa 13:48 hinggil sa kaugnayan ng pananampalataya at panukalang ‘election’?

4.      Tignan ang 2Pedro 1:10 at ipaliwanag kung paano natin mapapatatag ang pagkakahirang sa atin?

5.      Tignan ang Roma 9:22,23 at ipaliwanag kung ano ang Panukalang Election at Reprobation ayon sa mga talata.

 

 

LESSON 8

God’s Work in Time (Creation)

(Gawa ng Diyos sa Panahon [Paglikha])

 

1.      Ano ang unang ginawa ng Diyos sa kapanahunan?

Ang paglikha/paglalang ng langit at lupa. Genesis 15:18

 

2.      Ano ang kahulugan ng paglikha o paglalang?

Ang paglikha ay ang gawa ng Diyos kung saan sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang Salita ay tinawag mula sa kawalan upang magka-anyo ang mga bagay na wala pa nang una. Hebreo 11:3; Jeremias 10:12; Juan 1:1-3; Awit 33:6

 

3.      Ano ang nilikha ng Diyos?

Ang lahat ng mga bagay: ang langit, ang kalawakan, ang dagat, ang lupa, at lahat ng nilalang na may buhay sa langit at sa lupa at sa dagat..  Genesis 1

 

4.      Gaano katagal nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay?

Sa loob ng anim na araw; araw na binubuo ng gabi at umaga. Efeso 1:9, 11

 

5.      Ano ang nilikha ng Diyos sa unang tatlong araw?

Ang liwanag, ang kalawakan, ang mga dagat, ang tuyong lupa, at ang buong halamanan pati na ang mga punong-kahoy. Genesis 1:1-13

 

6.      Ano ang nilikha ng Diyos sa huling tatlong araw?

Ang mga tanglaw sa kalawakan, mga isda at mga ibon, mga hayop at ang tao. Genesis 1:14-31

 

7.      Ano ang kahulugan ng ang Diyos ay nagpahinga sa ika-pitong araw?

Una, na Siya’y tumigil na sa paglikha; at pangalawa, na Siya’y nagalak sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Genesis 2:1-3

 

8.      Ano ang kahulugan ng nakita ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha at ito ay napakabuti?

Na ang Kanyang nilikha ay tamang-tamang umaayon sa Kanyang layunin, na ito naman talaga ang layunin kung bakit nilikha ang lahat. Apocalipsis 4:11(kjv)

 

9.      Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha?

Ang kaluwalhatian ng Kanyang pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan ng Kanyang mga kapuri-puring katangian. Kawikaan 16:4; Awit 8:1; Apocalipsis 4:11(kjv)

 

10.  Paano natin mauunawaan ang gawang paglikha ng Diyos?

Sa pamamagitan ng pananampalataya, sapagkat “sa pananampalataya ay nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa’t ang mga bagay na nakikita ay nagmula sa mga bagay ba hindi nakikita. Hebreo 11:3

 

EXTRA WORK

 

1.      Ano ang itinuturo ng tinatawag na “theory of evolution”?

2.      Patunayan sa Biblia na ang ‘theory’ na ito ay mali. Tignan ang Genesis 1; Exodo 20:11; Hebreo 11:3; Roma 4:17.

3.      Ano ang ibig ipakahulugan ng Hebreo 11:3 nang sabihin nito na nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos?

4.      Paano mo ipapaliwanag ang salitang “araw” sa mga sumusunod na talata: Genesis 1:14-19; 5:4; 2Pedro 3:8?

 

 

LESSON 9

God’s Providence

(Probidensya ng Diyos)

 

1.      Ang sangnilikha (creation) ba’y nananatili dahil sa kanyang sariling lakas?

Hindi kailanman, sapagkat ang lahat ng mga bagay ay nananatili lamang sa pamamagitan ng pangangalaga (providence) ng Diyos. Juan 5:17; Gawa 17:28

 

2.      Ano ang kahulugan ng Pangangalaga (providence) ng Diyos?

Ang pinakamalakas at nasasalahat ng dakong kapangyarihan ng Diyos kung saan sa pamamagitan nito’y pinangangalagaan at pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang panukala.. Hebreo 1:3

 

3.      Ano ang nasasakop ng Pangangalaga ng Diyos?

Ang lahat ng mga bagay, dakila man o maliit, mabuti man o masama; lahat ng mga bagay sa langit, sa lupa, sa impiyerno; lahat ng mga gawa ng mga tao at mga anghel. Mateo 10:20, 29; Awit 103:19; Kawikaan 21:1; 16:1, 9

 

4.      Ano ang dalawang uri ng Pangangalaga ng Diyos?

Pagpapanatili (preservation) at pangangasiwa (government).

 

5.      Ano ang kahulugan ng Pagpapanatili (preservation)?

Ito’y gawa ng Diyos kung saan patuloy Niyang pinanatili ang lahat ng mga nilalang na Kanyang nilikha. Daniel 4:34, 35; Gawa 17:25-28

 

6.      Ano ang kahulugan ng Pangangasiwa (government) ng Diyos?

Ito’y gawa ng Diyos kung saan ina-akay Niya ang lahat ng mga bagay sa kaganapan ng layuning itinakda sa mga ito. Gawa 15:18

 

7.      Kung ang Diyos ang nangangasiwa sa mga gawa ng tao, nangangahulugan bang sila’y mga ‘robot’ sa Kanyang mga kamay?

Hindi, ang tao ay nananatiling may pag-iisip, nagpapasiya, aktibo at responsable sa lahat ng kanyang mga gawa. Gawa 2:23, Filipos 2:12-13

 

8.      Ano ang kabutihang idinudulot sa mga mananampalataya ng katotohang Pangangalaga ng Diyos?

Na ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin ay dahil sa pangangalaga ng Diyos Ama at Kanyang ina-ayos ang lahat ng mga bagay para sa ating kaligtasan. Amos 9:8, 9; Roma 8:28.

 

EXTRA WORK

 

1.      Ang mga ‘miracles’ ba ay ‘violations’ (‘suspension’) ng batas ng kalikasan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2.      Tinatawag ng Biblia ang ‘miracles’ bilang mga tanda (signs). [tignan Juan 20:30; Isaias 7:14]. Ano ang ‘tanda’ (sign)? Ano ang mga malahimalang tanda?

3.      Ano ang itinuturo ng Awit 73 hinggil sa pagyaman ng mga masasama at pagdurusa ng mga matutuwid?

4.      Ipaliwanag kung paano ang mga sumusunod na talata ay nagtuturo ng ang Diyos ang kumokontrol pati na sa kasalanan: 2Samuel 16:10; 24:23; Kawikaan 21:1; Gawa 2:23; 4:26-28.

5.      Ipaliwanag kung paano ang mga sumusunod na talata ay nagtuturo na ang Pangangalaga ng Diyos ay napakahalagang katotohanan sa mga hinirang ng Diyos: Hebreo 13:5, 6; Roma 8:28; 8:35-39; Mateo 10:30

6.      Ang katotohanan ng Pangangalaga ng Diyos ba ay nangangahulugan na ang Diyos ang may ‘akda’ ng kasalanan (author of sin)?

 

 

LESSON 10

Man in the State of Original Righteousness

(Ang Tao sa Katayuan ng Orihinal na Katuwiran)

 

1.      Ano ang itinuturo ng Biblia hinggil sa pagkalikha sa tao?

a.       Na nilalang ng Diyos si Adan mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay.

b.      Na nilalang siya ng Diyos na katawan at kaluluwa.

c.       Na nilalang siya ng Diyos ayon sa Kanyang larawan.

 

2.      Ano ang kahulugan ng larawan ng Diyos sa tao?

Na mayroong perpektong katangian ang Diyos na masasalamin sa tao, kaya nga sa mga nilalang siya ang makakatulad ng Diyos. Genesis 1:26-27

 

3.      Ano ang mga elementong kabilang sa larawan ng Diyos sa tao?

Tunay na kaalaman hinggil sa Diyos, katuwiran, at kabanalan. Col. 3:10; Efes. 4:24

 

4.      Maaari bang patunayan sa Biblia na ang mga elementong ito’y kabilang sa larawan ng Diyos sa tao?

Oo, itinuturo sa Efeso 4:23, 24 na “…at magbago sa espiritu ng pag-iisip, at kayo’y magbihis ng bagong pagkatao, na nilalang ayon sa wangis ng Diyos, sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.”

 

5.      Ano ang kaugnayan/relasyon ni Adan sa Diyos?

Si Adan ay nabuhay na nakaugnay sa Tipan ng Diyos kung saan siya ay kaibigang-alagad (friend-servant) ng Diyos. Hosea 6:7

 

6.      Ano ang kahulugan nito?

Na si Adan ay parehong kaibigan at lingkod ng Diyos sa Kanyang sangnilikha.

 

7.      Ano ang kaugnayan/relasyon ni Adan sa sangnilikha?

Si Adan ang namamahala sa lahat ng nilalang sa lupa bilang kanilang hari. Gen. 1:28

 

8.      Ano ang kaugnayan/relasyon ni Adan sa sangkatauhan?

Si Adan ang kanilang unang ama at punong kumakatawan sa kanila. 1Corinto 15:21

 

9.      Si Adan ba ay may kakayahang magpasiya (free-will)?

Oo, si Adan ay nilalang na mabuti, upang ganap na mapaglingkuran niya ang Diyos; ngunit maaari rin naman siyang tumalikod at magkasala sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling pasiya. Eclesiastes 7:29

 

EXTRA WORK

 

1.      Ilarawan mula sa Genesis 2:4-15 ang hardin na pinaglagyan ng Diyos kay Adan.

2.      Basahin ang Genesis 2:9, 16, 17 at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a.       Anu-ano ang dalawang punong-kahoy na inilagay ng Diyos sa hardin?

b.      Ano namang utos ng Diyos hinggil sa mga punong-kahoy na ito?

c.       Bakit inilagay ng Diyos ang mga punong-kahoy na ito sa hardin at nagbigay ng utos hinggil sa mga ito?

3.      Sabihin mula sa Genesis 1:28-30 at Genesis 2:15, 19, 20 kung anong kahulugan ng pamamahala ni Adan sa lahat ng sangnilkha dito sa lupa?

4.      Ipaliwanag mula sa Genesis 2:18, 21-25 kung paano nilalang ng Diyos si Eba at ano ang kahulugan nito para kay Adan?

5.      Ano ang kahalagahan ng punong-kahoy ng buhay na binanggit sa Apocalipsis 22:2

6.      Kung si Adan ay hindi nagkasala at nanatiling tapat, siya kaya at ang buong sangkatauhan ay mapupunta sa eternal na kaluwalhatian ng kalangitan? Cf. 1Cor. 15:50

 

 

Susunod (Next)

Top

Home

 

Hosted by www.Geocities.ws

1