
part 1 part
2 part 3 part
4 part 5 part
6 part 7 part
8 part 9 part
10 part 11
*reader advisory: the following fanfic contains profanity*
Part 1
Isang araw, sa siyudad ng Prontera kung saan matatagpuan ang katakutakot na
tao, merong isang swordie na nagngangalang Pritong Kandule ang naglalakad
habang ngitngit na ngitngit.
"Amp na knight yon, nagsamon ba naman ng injustice tapos biglang naghide. Paq u sya. Pag mataas na lvl ko, ay isa na din akong knight, hahamunin ko yun ng PBP".
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Pritong Kandule ay lvl 21 na swordie. At oo matagal na siyang lvl 21. Tinatamad na siyang pa lvl up kasi mahirap daw pumatay ng mga monsters at sawa na siya sa mga poring.
"Amp naman kasi, bat sa int ko pa nailagay lahat ng istat ko e. Kala ko kasi pede kong magmagic, hindi pala. Paq!" 'Yan ang madalas na sinasabi ni Pritong Kandule sa sarili niya..Pero bago tayo malayo, sundan muna natin si Pritong Kandule.
Pumasok siya sa isang pub. Madaming tao sa loob ng pub kaya sa sulok siya nakapuwesto. pagka up niya, hinampas niya agad ang lamesa sabay sigaw na "KAPRA! PAHINGI NG ISANG ALCHOL! AMP! KE BAGAL BAGAL!”
Dahil sa kanyang pagsigaw, nagtinginan ang mga nasa loob ng pub na karamihan e mga novice na naghahanap ng magtatank sa kanila. "ABA BAKIT KAYO NAKATINGIN? MAY ANGAL KAYO? PBP!", ang hamon ni Pritong Kandule sa mga tao sa loob. Sabay sabay na nagbalikan ang mga novice sa kanilang ginagawa, ang iba ay nagyukuan, nanginginig sa takot.
Lumapit ang kapra at iniabot kay Pritong Kandule ang alcohol. "Yan! kung ganyan ba naman ang serbisyo niyo e e di hindi kayo nasisigawan. Amp... Teka nga pala, kilala mo ba yung kapra sa comodo? Pag nakita mo sabihin mo type siya ni Pritong Kandule ha" Umiling lang ang kapra sabay talikod. "Aba't bastos tong..... makainom na lang nga."
At tinungga ng tinungga ni Pritong Kandule ang kanyang Alcohol.......
Makalipas ang ilang sandali, tinawag ng ating bida ang kapra. "Magkano ba to?". "10k, pero mas mahal pagtrade", sagot ng Kapra. Bigla nalang namutla si Pritong Kandule at nasabi sa sarili "Amp! pangwarp nga sa comodo kulang pa zeny ko e, tapos 10k sinisingil sa kin........ Aha alam ko na."
"10k lang pala, sige ideal mo ko!" dineal nga siya ng kapra, pero biglang kinancel ni Pritong Kandule. "Teka lang ulitin mo. Amp! ang bagal!" dineal ulit siya ng kapra. Ang hindi alam ng kapra ay may kinuha si Pritong Kandule sa bulsa na flywing. "Wahihihihi" sabi ng ating bida sabay nawala..
Natulala ang kapra, sabay sabi na "Scammer!. Bwiset!!!”
Samantala, si Pritong Kandule ay napunta sa gitna ng Prontera. "Ahehe, nakalibre na naman.”
Naglakad siya papuntang BS PIONT habang nagsisisigaw ng "MGA GM PAQ U KAYONG LAHAT!!! KAYO DIN MGA PAQ U KAYO!!!!" ng paulit ulit.
Ragnarok Online Copyright(c)2001 Gravity Corp.&Lee Myoungjin
All rights reserved