Part 7
Ate Guy Unleashed!

"AMP!!!" ang nasabi ni pritong kandule sabay bayo sa ulo ni Jestoni.

"ARAY!!!" ang sabi ni jeston habang hinihimas niya ang bumbunan niyai.

"POTA!!!! MARAMI PA KAYONG SINASABE!!! PBP!!!!!!!!!" ang sagot ni pritong kandule.

At nag simula na ang laban.

hinugot kaagad ni Jestoni ang kaniyang LUCKY SHREWD VITAL DROWSY CUTTER at ang kanyan KNIFE at umatake kaagad siya kay pritong kandule. ang bawat ulos niya ay di tumatama kay pritong kandule dahil iniwanan niya ang kaniyang dex sa 1 dahil isa daw siyang VIT/INT assassin with maximized HIDE.

Bawat galaw ni Jestoni ay matamang minamasdan ni pritong kandule dahil ang alam niya ang gamit ni Jestoni ay DOUBLE DEXTEROUS DOUBLE VITAL KATAR, "pota!! pang pbp gamit niya" ang sabi ni pritong kandule sa kaniyang sarili. Bagamat panay ang ilag niya, di niya hinahayaang masira ang konsentrasyon niya sa pag atake. alam niya niya na nasasaktan niya si Jestoni dahil tuwing tumatama siya ay nababawasan ng 10 ang hp ni Jestoni.

Samantala......

"FAAAAYAAAAHHHHHHHH WWAAAAALLLLLLLL!!!!!!!!!" ang sigaw ni Fred sabay kumpas ng kamay kay ate guy. nagulat na lang si ate guy ng bigla na lang may lumabas na apoy sa harap niya at di siya makalapit upang makaposisyon sa pag gamit ng bow.

napahiyaw sa sakit si ate guy dahil umusbong ang apoy malapit sa kaniyang tuytoy.

Nakita ni Tirso ang nangyayari kay ate guy, at di niya maipaliwanag kung bakit pero tumakbo kaagad siya para tulungan ulit ito (see part 5 when tirso healed ate guy instead of ninong).

pumorma ulit si Fred para sa isa pang spell at sumigaw ng "SOOOWUUUULLLL STR-------"

ISPLAK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang malakas na tunog ng sumigaw si Tirso ng "LEEEEXXXX DIVINAAA!!!" sabay tampal ng ubod lakas, gamit ang Notbuk na may litrato ni Juday, sa bunganga ni Fred.

dahil doon, nawalan agad ng silbi si Fred dahil di niya mabigkas ang mga kataga ng kaniyang magic sapagkat natanggalan siya ng apat na ngipin at maga ang kaniyang mga gilagid sa lakas ng hampas ni tirso.

Nakita ito ni Jestoni, na patuloy na tinatamaan ng DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) ni pritong kandule, ang nangyayari at sumigaw kay Lotlot ng "LOTLOT!!!!!!!!!!!!! I-MAMMO MO SILAAA NGAYON NAA!!!"

"YES MASTER!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni Lotlot sabay hugot ng kaniyang kartolina at pentel pen at nagsulat ng "S> RED BLOOD 20K RUSH!!!" sabay upo at lagay nito sa kaniyang ulo.

"NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!! BOBO AMP!!!!!!!" ang sigaw ni pritong kandule habang patuloy ang pag attack niya kay Jestoni.

"LOTLOT ANO YAN!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni Jestoni.

"Master wala pa kong zeny e, hintayin niyo lang!!! OY BILIN NYO NA TO PLEASE!!!!!!!!!" Ang sigaw ni lotlot.

Mabilis ang mga pangyayari at nang mawala na ang apoy sa harap niya, lumapit na si ate guy. namumula sa galit ito dahil sa sakit na naramdaman niya ng i-firewall siya ni Fred. Kinuha niya ang kanyang bow at madaming arrows.

Una niyang nakit si Fred na kasalukuyang di pa rin makapagsalita at ito ang kaniyang tinira ng tinira. "FREEEEEEEDDDD PAQ U KAAAAA!!!!!! POTTTTTTTTAAAAAAAA KAAAAAAAAAA!!!!! " ilang arrows lang ang naubos niya at namatay agad si Fred.

Tumuon ang tingin niya kay pritong kandule at nakita niya na di kailangan nito ang tulong. Nakita niya si lotlot at agad niya itong pinaulanan ng arrows.

"HOY TEKA MUNA!!! TAYMPERS MUNA KO!!!" ang sigaw ni lotlot. hindi ito nadinig ni ate guy na patuloy pa rin sa pag attack.

Samantala......

"NYAHAHAHA!!!! WALA PALA KAYONG KWENTA!!!!! MGA AMP!!!! POTA KAYO!!! HETO SA YO!!!!!!!!! PAQ U KA!!!!!!!!!!! OO!! PAQ U KA!!!" ang patuloy na sigaw ni pritong kandule habang taga siya ng taga kay Jestoni.

Ngunit di inaasahan, natamaan ni Jestoni si pritong kandule ng LUCKY SHREWD VITAL DROWSY CUTTER sa balikat.
natigilan si pritong kandule at bigla na lang may nadinig siya.

{START SONG sa tono ng Rock a by baby with nagbabading badingang Joey de Leon's voice}

"tulog na ninong,
tulog ka na.
tulog na ninong
tulog ka naaaa........."

inantok bigla si pritong kandule at di na lang niya namalayan na kinuha niya sa kaniyang bag ang kaniyang unan at kumot at dahan dahang humiga.

ng makahiga na si pritong kandule, kinuha niya sa bag ang isang sikreto na ipinagkakatago niya. kinuha niya si Faffy, ang kanyang manikang puppet, nilagay niya ito sa tabi niya at kinumutan din. matapos iyon, siya ay nakatulog na ng tuluyan.

{END SONG}

"HAHAHAHAHA!!!!!!!!! ITO NA ANG KATAPUSAN MO PRITONG KANDULE!!!!!" sigaw ni Jestoni sabay attack kay pritong kandule na ngayon ay hindi na makailag at hindi pa rin nagigising.

habang inaatack ni Jestoni si ninong ay hineheal naman ito ni tirso ngunit sadyang mabilis ang mga attack ni Jestoni.

"AMP!!!!!!!!ATE GUY!!!!!!!!!! SI NINONG!!!!!!!!!!" sigaw ni tirso.

nakita ni ate guy ang nangyayari at doon nagalimpuyo ang dibdib niya. sa isang iglap, ay madaming pumasok sa isip ni ate guy..... si pritong kandule, ang taong 200 zeny lang ang siningil sa kaniya ng isali siya sa party. ang taong nagbigay sa kanila ni tirso ng tig 20k nang kumita sila ng 97k. iben sheyr talaga. ay kasalukuyang duguan at walang kalaban labang pinapaslang ng assassin na si jestoni. hindi na niya hahayaang mabigo sa kaniya si pritong kandule.

{START SLOW MOTION}

pagkabitaw niya ng huling arrow para kay Lotlot, humarap agad siya kay Jestoni.

"POOTAAA KAAA JESTONIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!! ETO ANG PARA SA YOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni ate guy at may binato siya ng pagkataas taas sa langit, ang kanyang sikret. di ito makita ni Jestoni dahil nasisilaw siya sa araw.

napanganga naman si tirso at napabulong ng "ate guy"

ng makarating sa rurok ang ibinato ni ate guy, sumigaw ito ng ...

"BLIIIIIIIIIIIIIIIITTZZZZZZZZZ................ BEEEEEEEEEEAAAAAAAAAT!!!!!!!!" at ang bagay na binato ni ate guy ay bumagsak sa harapan ni Jestoni..... isang picky (with eggshell).

tumakbo bigla ang picky papunta kay Jestoni at pinagtutuka siya nito.

{END SLOW MO}

isa, dalawa, tatlo....... di mabilang ni Jestoni kung ilang beses siyang nadamage ng 1 ng picky.
at kasabay ng blitz beat ay pinapana din siya ni ate guy.

"aaaarrggghhh........ hi-hind......." natumba na din si jestoni at namatay.

hindi pa man nakakakilos si ate guy at si tirso ay biglang may lumabas na mga GM sa harap nilang tatlo.

"Sasama kayo sa min." Ang sabi ni Calibur kay ate guy at tirso. may dumampot din kay pritong kandule na kasalukuyang tulog pa rin at yakap yakap si Faffy, ang kanyang manikang puppet.

Samantala...

"Kumpirmado na Praetor. ilang buwan ng walang nakakakita kila Neverwinter, Siccoro at Nethermir. gayun din sa ilang malalakas na mga guild kagaya ng Saints, Untouchables, Steel wolves at Apocalypse." angsabi ni Phaige

"Nagaganap na nga ayon sa nakasulat" ang sabi ni Praetor at siya ay napapikit.

Bigla na lang nagteleport sa harap nila Praetor si Calibur kasama si tirso, ate guy at ang nagkakamalay ng sila Pritong Kandule.

"Heto na sila Praetor" ang sabi ni praetor.

"POTAA!!! POTA TALAGA MGA GM!!!!!!!!!" ang sigaw ni Tirso.

"PAQ U KAYO MGA GM!!! PAQ U!!!!" ang sigaw naman ni ate guy.

unti unting nagkamalay si pritong kandule at napansin kaagad niya na nakatingin lahat sa kaniyang manika ang mga tao sa paligid. bigla siyang sinabing "KANINO TO? sino ang naglagay nito sa ken?" sabay tingin niya kay ate guy at tirso na nakayuko. "Itatago ko muna to hangga't di ko alam ang may ari nito!" ang sabi ni Pritong Kandule habang inilalagay si Faffy sa bag.

nagulat na lang siya ng namalayan niya ang mga nakapaligid sa kaniya.

"AMP!!!!!!!!! POTA KAYO!!! SINASABI KO NA NGA BA AT KAYO ANG NASA LIKOD NG MGA KAAWAY KO!!!!!" hinugot niya ang kaniyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) at biglang naghamon ng "MGA POTA KAYO PBP!!!!!!!!!!!!! ANO? PAQ!!!!!!!!!!"

habang nagsisigaw si pritong kandule at pinagmamasdan siya ni Praetor na lihim na napangiti sa kabila ng lungkot o takot na mababanaag sa kaniyang mga mata. "siya na nga. si pritong kandule......" ang sabi ni Prateor sa kaniyang sarili.

"Hindi na natin kailangang maglaban Pritong Kandule. Calibur, ibalik mo na sila sa Prontera."

"Huh? Pero....... yes Praetor!" ang sagot ni Calibur.

"At bago mo sila iwanan sa Prontera, gusto kong bigyan mo sila ng malalakas na armas."

Napanganga si Calibur at ang mga GM na nasa paligid, gayun na din sila pritong kandule.

natauhan si Pritong Kandule at biglang taas ang noong "AMP!!!! NYAHAHAHAHAHA!!!!! SINASABI KO NA!!!! MGA DUWAG ANG MGA BOBONG GM!!!!!!!!! NYAHAHAHAHA!!!!!!!! TAKOT KAYO SA TALIM NG SANDATA NI PRITONG KANDULE!!!
NYAHAHAHAHAHA" ang nakapamaewang pang sabi ni Pritong Kandule habang nagmumumura din si ate guy at tirso sabay tumatawa.

bubunutin na sana ng mga GM ang kanikanilang mga Balmung ng kumumpas lang ng kapiraso ang kamay ni Praetor at ibinalik na ng mga ito ang kanikanilang sandata.

"Sige na Calibur" ang sabi ni praetor.

"masusunod praetor" ang sabi ni calibur sabay teleport sa sarili at kila pritong kandule.

"Neo, tawagin ang lahat ng GM. hawak na ni Baphomet ang GRAVITY SIMULATOR" ang tiim bagang na sabi ni praetor.
Napatulala lahat ng mga GM na nandoon. Mababanaag sa kanilang mga mata ang takot.

"Phaige, sabihin mo kay Calibur, bantayan sila pritong kandule ng palihim. at siguraduhing walang makakasakit man lang sa kanila." ang sabi ni PRAETOR............ NI PRAETOR KANDULE.....

 

continue part 8 > >

< < part 6

Ragnarok Online Copyright(c)2001 Gravity Corp.&Lee Myoungjin
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1