
Part 5
An Epic Battle with [Coldwind]
Kinabukasan sa NW ng siyudad ng prontera........
Nagmamadaling dinampot ni Tirso ang pointed scale na nalaglag mula sa wormtail.
"Hoy!!!! akin yan a!!! sawsaw kayo" ang sigaw ng level 15 na swordie kila Pritong Kandule.
"AMP!!! BOBO KA A!!! KAMI NAMAN ANG UNANG NAKAKITA BAKIT MO INATAK? PBP!!!" ang hamon ni Tirso sa sa swordie sabay tago sa likod ni Pritong Kandule.
"NYAHAHAHA!!! ANO PBP NA LANG!!!" ang sunod na sigaw ni Pritong Kandule habang nakataas ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya). Nakahanda na din ang pana ni Ate Guy.
"Madami lang kayo ih..........." papaiayak ng sagot ng vl 15 na swordie.
Kinutusan ni Ate Guy ang swordie. "AMP!!! Oy alis na diyan, alis. Duwag ka naman pala." ang sabi pa ni Ate Guy.
"ISUSUMBONG KO KAYO SA MGA GM!!!!!!!!!!! HUHUHUHU!!!!" ang paiyak na sigaw ng level 15 na swordie habang tumatakbo.
"AMP!!! NYAHAHAHAHA!!!!! SIGE MAGSUMBONG KA PA!!!!!!!!!!!!! SABIHIN MO SA MGA GM NA YAN, AKO, SI PRITONG KANDULE, SAMPU NG AKING MGA KASAMA........"
"Ninong 2 lang kami.... " sundot ni Tirso.
"....oo nga.... DALAWA NG AKING MGA KASAMA AY HUMAHAMON SA MGA POTANG GM NA YAN!!!! POTA! POTAAAAAAA" ang sigaw ni Pritong Kandule sa mabilis na tumatakbong swordie.
"OO NGA!!!! SABIHIN MO POTA SILA! POTAAAAAAAAAA!!!!" sigaw pa ni Tirso at ni Ate Guy.
"Ahehehehe medyo mahal to, siguro lampas ng 5 zeny to. ahehehe" ang sabi ni Ate Guy habang tinitingnan ang pointed scale na naloot nila.
Makalipas ang ilang sandali.....
"Hayun ninong, yung mabangis na aso......." bulong ni Ate Guy kay Pritong Kandule habang nagtatago sila sa mga halamanan.
"Kaya ba talaga natin yan?" pabulong ding tanong ni Tirso.
"Nyahahaha. Wag kang matakot. Di hamak na mas matitindi ang mga nakatunggali ko na kesa diyan." ang sabi ni Pritong Kandule.
"Basta tandaan niyo ang plano, ako ang unang aatake, tapos ikaw Ate Guy sa malayo ka dapat aatake, at ikaw naman Tirso, ihil mo lng ako pag sinabi ko ha." pabulong na sabi ni Pritong Kandule.
"Opo ninong" sagot ng dalawa.
D ahan dahang naglakad si Pritong Kandule habang sumisipol palapit sa wolf . Ng makalampas na siya sa wolf, dahan dahan niyang hinugot ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION (kasi agi knight daw siya) habang nanginginig sa takot si Ate Guy at si Tirso na nanonood.
"HUMANDA KANG POTANG ASO KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Pritong Kandule.
Tumama kaagad ang unang tira ni Pritong Kandule sa wolf na mabilis na bumaling sa kanya at nangagat. Unang attack pa lang ng wolf ay nangalahati kaagad ang hp ng ating bida kaya't sumigaw siya ng "TIRSO HIL!!!!"
Agad na hineal ni Tirso si Ate Guy na kasalakuyang nanginginig sa takot dahil sa bangis na nakita niya sa wolf.
"AMP!!!! AKO I HIL MO BOBO!!!!" sigaw ni Pritong Kandule kay Tirso.
"Sorry po ninong!!!!" sigaw ni Tirso sabay heal kay Pritong Kandule.
"YAN!!!! OY ATE GUY ATTACK KA NA!!!!!!!!" sigaw naman ni Pritong Kandule kay Ate Guy.
Ng sandaling iyon, natauhan si Ate Guy. isang iglap lamang, pero parang ang bagal ng mga pangyayari. Hinugot niya ang kanyang bow at nanlilisik ang matang tiningnan niya ang wolf na kasalukuyang lumalapa kay Pritong Kandule. "Hindi ko pwedeng biguin si ninong. Tinanggap niya ako sa party ng walang kapalit kundi 200 zeny lang. Para sa yo to ninong." ang sabi ni Tirso sa kanyang sarili.
{START SLOW MO}
"LAYUUUAAAANNNN MO SIIII NIIINOOOOOONNNNNGGGGGG!!!!" ang sigaw niya , sabay bato ng bow sa wolf.
Sabay sabay na napalingon si Pritong Kandule, si Tirso at ang wolf sa ginawa ni Ate Guy.
{END SLOW MOTION}
"AMP!!!! BAKIT MO BINATO?!!!!?" sigaw ni Pritong Kandule, habang ang wolf naman e tumigil muna sa pag attack kay pritong kandule dahil nagtataka siya sa nangyaring slow mo.
Nagkakamot ng ulong sumagot si Ate Guy "Ninong 2 lang kasi arow ko. e nagamit ko na dun sa mukhang sibuyas na berde kanina"
"AMP........." napansin ni Pritong Kandule na nakakarecover na ang wolf mula sa kaniyang pagkakagulat. "TAKBO NA TAYO!!!!!!!!!" ang nagmamadaling sigaw ni Pritong Kandule sabay takbo.
Mabilis na tumatakbo ang tatlo ng may makasalubong silang isang assassin. Napansin ng assassin ang nangyayari at agad na inattack niya ang wolf na napatay niya sa isang bira lamang.
N apatigil ang tatlo at napatanga sa ginawa ng assasin. Bigla na lang nagalit si Pritong Kandule at nanggagalaiti na lumapit sa assassin at sumigaw ng "SAWSAW AMP!!!! MAHIYA KA NAMAN!!!! POTA KA A!!!!".
"/swt" ang reaksiyon ng assassin.
Itinutok ni Pritong Kandule ang kanyang DOUBLE VITAL FALCHION
(kasi agi knight daw siya) sa assassin at sabay sigaw ng
"AMP!!! WAG NA WAG KANG GAGALAW!!!..... TIRSO!!!"
"Yes ninong" sagot ni Tirso.
"Damputin mo yung mga balahibo ng aso at yung kuko dali!!!" utos ni Pritong Kandule kay Tirso na mabilis namang tumalima.
"Kala mo malulut mo pa kame ha" ang sabi ni pritong kandule sa assassin na walang naisagot kundi "......".
bigla na lamang lumapit si ate guy kay pritong kandule at may ibinulong.
"huh?...... aba..... oo nga no........NYAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!" ang halakhak ni pritong kanduli.
"AMP!!!! PAG NGA NAMAN SINUSWERTE!!!! KILALA KA NAMEN!!!! IKAW SI [Coldwind]!!!!! At ang makapapatay sa yo ay makakakuha ng clip. NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!"
"YAYAMAN NA TAYO NINONG!!!!" ang sigaw ni tirso.
"SIGE MGA KASAMA, ATAAAAAAAAAKKKKKKKK!!!"
muli, "..." lamang ang reaksiyon ni [Coldwind].
sabay sabay na umatake ang tatlo kay [Coldwind]na hindi naman
kumikibo ngunit halata ng naiirita na sa tatlo.
sunud sunod na atake ang ginawa ng tatlo ngunit ni isa sa mga tira nila e
hindi pa tumatama. dahil sa mga walang kakwenta kwenta ang mga umaattack sa
kaniya, gumalaw na si [Coldwind] at naglakad na lamang papunta sa norte.
"WAG KAYONG SUSUKO, TATAMAAN DIN NATIN ANG POTA NA YAN!!!!!!!!! NYAHAHAHAHA!!!!!!!!!" ang sigaw ni pritong kandule habang patuloy silang naglalakad at umaattack kay [Coldwind].
makalipas ang tatlong araw, sa gate papasok ng siyudad ng Alde Baran........
"n-n-ninong........ hin-hindi na ko mkahinga...." sabi ni tirso.
"haaak...haaaakkk.. ako din ninong. di ko na kaya... haaaak..haaaak." sabi ni ate guy.
"hiiinggg... sige pa, konti pa..... tatama din tayo......" ang sagot ni pritong kandule habang sinusundot sundot na lamang niya si [Coldwind] na hanggang ngayon ay di pa rin nila tinatamaan.
nagcollapse na sa pagod si ate guy at si tirso. at pagka sundot pa ng isang beses ni pritong kandule ay napaupo na din siya sa pagod.
sabay sabay nilang pinanood si [Coldwind] na pumasok ng clock
tower na ni hindi pa rin sila pinapansin.
"POHO..hiiinnngg..TAAA KA [Coldwind], DI PA TAYO TAHAPOS......PHOTA"
sigaw ni pritong kandule kay [coldwind] bago siya mawalan ng ulirat.
samantala, sa isang lihim na lugar......
"yes PRAETOR, marami ng nagrereklamo sa kaniya. at wala siyang ginawa kundi murahin at hamunin tayo." sabi ni NEO kay PRAETOR.
"at ang babastos pa! wala ng ginawa yung mga yon kundi mangharas ng mga kapra" patuloy pa ni PHAIGE
"May lihim din silang lengwahe na di ko mapaliwanag. madalas na lumalabas sa bibig ng kasama niyang acolyte ang mga katagang "==0000==D". hanggang ngayon di pa rin namin alam kung ano ibig sabihin nito. Kung ako sa nyo PRAETOR, i ban na natin yung mga yon sa midgard." ang sabi naman ni CALIBUR
humarap sa kanila ang nakatalikod na si PRAETOR. "pritong kandule......... ikaw na nga kaya?" ang sabi ni PRAETOR sa sarili niya.
"KUNIN SILA LAHAT AT DALHIN DITO! AT KELANGAN AY WALA SILA NI ISA MANG GALOS. GUSTO KO SILANG MAKITA NG BUHAY" ang sabi ni PRAETOR sa mga GM.
"YES PRAETOR" anbgsabay sabay na sagot ng mga GM.
Ragnarok Online Copyright(c)2001 Gravity Corp.&Lee Myoungjin
All rights reserved