
Part 10
Baphomet's First Strike
“Pero dapat mo ding tanggapin, kung di sa kaniya, malamang e hindi natin
nakumbinsi ang lahat para sumama sa atin.” Ang sabi ni Phage kay Calibur.
“Siguro nga… Pero ang hirap pa ring paniwalaan na sa kanya nakasalalay
ang kapalaran ng buong Midgard.” Ang tugon ni Calibur.
Bigla na lang silang nagulat ng sumulpot sa likod nila si Ate Guy at Tirso.
Nakaismid kaagad ang tingin ni Ate Guy kay Calibur, samantalang si Tirso naman
ay nagtatago sa likod ni Ate Guy at natatakot.
“Phage, may pinapabigay si Ninong……” Ang sabi ni Ate
Guy sabay abot ng flower.
“Nyee…. Ano to?” Ang napapangiwi na reaksiyon niya, samantalang
si Calibur ay impit na napapatawa.
“Roses, at gawa sa papel yan! At hindi lang yan,” ang sundot pa
ni Tirso, “meron din siyang lab leter para sa yo. Eto o.”
Kinuha ni Phage ang inabot ni Tirso at binasa
Labs,
Ako’y HIYA….
H oping
I t’s
Y ou
A lways
Nagmamahal,
Priti
“Ano ba naman to…..” Ang napapakamot sa ulong sabi niya.
“Pwede bang sabihin niyo sa kanya, magkaibigan na lang kami?”
“Ibig sabihin walang pag-asa si Ninong?” Ang gulantang na tanong
ni Tirso.
“Hindi naman sa ganun… kaya lang, hindi “Hindi naman sa
ganun… kaya lang, hindi naman ito dapat iniisip natin ngayon. May ubod
ng laki pa tayong problema para isipin ang ganyan.”
“Hmm…. Sige, irereport naming kay Ninong.” Ang sabi ni Ate
Guy.
“Halika na alis na tayo” ang yaya ni Tirso. “Bye Phage”
ang nakangiting paalam nila kay Phage. At tumingin lang sila kay Calibur na
parang naghahamon.
Ng ambaan sila ni Calibur ay mabilis na kumaripas ng takbo ang dalawa.
Ng makarating ang dalawa sa Prontera Pub…
“NINOOOOONNNGGG!!!!!” ang hinahapong sigaw ng
dalawa.
“O ano balita? Dali, eksayted na ko e…” ang pahimas himas
pa ng mga kamay na tanong ni Pritong Kandule.
“Napakaganda Ninong!! Halatang halata na may gusto siya sa yo!”
Ang pahingal na sabi ni Ate Guy.
“Oo nga Ninong! Nag-blas pa nga e!” sundot pa ni Tirso.
“Nag blas?!! Nyahaha! Ano sinabi niya? Dali!” Ang tuwang tuwang
sabi ni Pritong Kandule.
“Pagkatapos daw ng problema na-“
BLAAG!!!!!!
Nagulat ang lahat sa loob ng pub ng may isang novice nakalatag sa bumagsak
na lamesa. At sa ibabaw niya ay nakatayo ang isang estranghero na naka cloak
“Pritong Kandule…..” ang mayabang na tinuran ng estranghero,
at sinipa ang novice na nakahiga sa kaniyang harapan..
“Sorry, Pritong Kandule. Pinilit niya kong ituro kung nasaan ka. Hindi
ko siya nakaya…..” Ang sabi ni Wag Po Pls!!! (see part 9) at gumapang
siya papunta sa likod nila Pritong Kandule.
“Amp! Bakit?” Ang galit na tanong ni Pritong Kandule.
“Hahaha…. Ako si Goenitz… at ako ang assistant ng kapitbahay
ng tiyahin ng High Priest ng Divine Order of Baphomet…”
Biglang pumorma na kaagad si Pritong Kandule, hawak ang kaniyang DOUBLE VITAL
FALCHION (kasi agi knight daw siya).
“AMP!! DIYATA’T AT ISA KA SA MGA KAMPON NI BAPHOMET!!!”
Naglabasan kaagad ang mga Novice sa loob ng pub ng madinig ang usapan. Susugod
na sana si Pritong Kandule at ang kaniyang mga sidekick ng biglang may napansin
si Ate Guy.
“Amp….. Ninong…”
Lumapit si Ate Guy kay Ninong at may ibinulong.
“Pota……”
Lumapit si Pritong Kandule sa estranghero at minasdan niya itong mabuti. Sa
likod, sa harap, sa mukha sa ilalim ng cloak. At bigla siyang….
“NYAHAHAHAHAHA!!!! NOBIS AMP!! POTA, KAW LANG BA PADALA NI BAPHOMET? NYAHAHAHA” ang sabi ni Pritong Kandule. Syempre pa, tawa din ng tawa sila Tirso at Ate Guy.
Napa si Goenitz at nairita. Inalis niya ang kanyang cloak,
namaewang at tinuran niya..
“Oo, ako si Goenitz, isang Super Novice!!! Champion 2003 Prontera Novice
Tournament, Grand Champion 2003 PAM-PIG (Prontera, Alberta, Morroc, Payon,
Izlude, Geffen) Association Tournament of The Novices, Voted Most Loved Mod
February 8, 2003 at Third Runner Up That’s My Boy 1992.”
KATAK!!! Ang malakas na tunog ng biglang hambalusin ni Tirso ng kanyang Songhits
si Goenitz sa ulo. Susugod na sana si Pritong Kandule at Ate Guy ng biglang
sumigaw si Goenitz.
“SANDALI LANG!!!”
Napatigil sa kinatatayuan sila Pritong Kandule at pumorma si Goenitz na mahihiya
mo maskman (yung lima sila, na parang bioman, aura power yata yun ) at biglang
sunod sunod na sinabi habang tinatapik ang dibdib na.
“First Aid, First Aid, First Aid…”
Nalaman ni Pritong Kandule ang ginagaw ni Goenitz at siya
naman ang sumigaw.
“AMP!!! POTA! TIRSO I-LEX MO!!! MAY HILCLIP!!!!”
Binilot ni Tirso ang kanyang Songhits at tsaka sumigaw ng “LEEEEEEEXXXXXX
DIVIIINAAAAAAAA!!!” sabay tampal ng Songhits sa bunganga ni Goenitz.
Dahil dun, di na makapag First Aid si Goenitz. Napatingin siya kay Pritong
Kandule, at biglang nagtatakbo paikot ikot sa loob ng pub habang hinahabol
siya ni Tirso at ni Pritong Kandule.
Nagulat siya ng bigla na lang niyang nadinig si Ate Guy na kanyang nakalimutan.
“BLIIIIIIIIIIIIIIITZZZZZZZZ BEEEEEEEEAAAAAAAAT!!!” sabay bato
ng kanyang picky(with eggshell)
Lalong natakot si Goenitz ng makitang nagtatatarang na tumakbo ang picky papunta
sa kaniya at bigla siyang pinagtutuka sa paa.
“AAAAAAHHHH” ang sigaw ni Goenitz, at bigla siyang nahuli ni Pritong
kandule. Dali daling sinakal ni Pritong Kandule ng kanyang kaliwang braso
si Goenitz at sunud sunod na pinagkukutusan.
“POTA KA!! KE YABANG YABANG MO!!! PAQ KA, SABIHIN MO KAY BAPHOMET ETO
GAGAWIN KO SA KANIYA!! POTA!!”
Ramdam ni Goenitz na malapit ng maubos ang buhay niya. “KAILNGANG ILABAS
KO NA ANG AKING HULING BARAHA!!…… play dead ..” ang ubod
ng hinang bulong niya.
Nalugmok na lang bigla si Goenitz at binitawan na siya ni Ninong.
“AMP!!! NYAHAHAHA!!! POTA KA BAPHOMET, IKAW NA SUSUNOD!!! NYAHAHA!!”
ang mayabang na sigaw ni Pritong Kandule habang nakatuntong ang isang paa
kay Goenitz.
Kinuha agad ani Ate Guy ang kanyang picky at sinabing “Ninong, tara
na, maleleyt pa tayo sa miting…”
“Aba, oo nga no. Baka magtampo si Phage pag di ako nakarating”.
Ng makarating sila sa Prontera Square, ang dami ng tao. Nasa taas na ng stage
si Calibur at si Phage.
”Kailangan nating gumawa ng dibersyon para sa grupo nila Pritong Kandule.
At ang pakikipaglaban ay di lamang magaganap sa GH. Kailangang sabay sabay
na magkaroon ng pagkilos sa bawat town para makalusot ang grupo nila Pritong
Kandule papunta sa GH at makuha nila ang Gravity Simulator kay Baphomet.”
Ang sabi ni Calibur sa mga nakikinig.
“Ang bawat isa ay bibigyan din naming ng walkie talkie para pwede tayong
magkausap kahit malalayo tayo. PM ang itatawag natin dun” Ang sabi pa
ni Phage
“Dahil sa malawakang pagkilos, kayo ay hahatiin namain
sa bawat grupo. Ang unang grupo ay tatawagin nating ALPHA-“
Naputol bigla ang pagsasalita ni Calibur ng harangan ng kamay ang kanyang
bibig ni Pritong Kandule.
“Aahh, Calibur, pwede ba ako na ang magsasalita. Pinaghandaan na naming
lahat ng yan.” Sabay kindat naman kay Phage na napa .
Nairita pa lalo si Calibur ng dumaan sa harap niya si Tirso at si Ate Guy
na astang nanghahamon ulit.
“MGA KASAMA!!! MAKINIG KAYO LAHAT!!!”
nagsigawan agad ang lahat ng “NINONG! NINONG! NINONG! NINONG!!”
Kumumpas ang kamay ni Pritong Kandule at nagtahimikan ang lahat.
“Lahat tayo ay magkakaroon ng kani kaniyang grupo at may nakatalagang
lugar kung san dapat sumugod. Dahil kami ang nahirang na pinakamagaling sa
buong Midgard, Ang Grupo naming ay tatawagin POTA 1. Para malaman ninyo kung
saan kayo kagrupo, mangyari lang na basahin ang mga ipamimigay na listahan
ni Calibur sa inyo.”
Padabog na iniabot ni Ate Guy ang makapal na listahan kay Calibur, na tumingin
naman ng masama sa kanya. Napahawak naman si Phage sa nadinig niyang sinabi
ni Pritong Kandule.
“Ang mamumuno sa POTA 2 ay si batgirl, sa POTA 3 ay si Okita, sa POTA
4 ay si red kinoko, sa POTA 5 ay si cr14mson, sa POTA POTA 1 ay si Nerva,
sa POTA POTA 2 ay si Strato….. At sa POTA POTA POTA POTA POTA POTA POTA
POTA POTA POTA POTA POTA POTA 5 ay si greyt ismit op elbs” ang hingal
na hingal na anunsyo ni ninong.
“At para hindi tayo mailto, tandaan niyo lang kung ilang
POTA meron sa pangalan ng grupo niyo. MALIWANAG BA?”
“OPO NINONG!!!” ang sigaw ng lahat.
“KUNG HANDA NA KAYO, ISIGAW NIYO!!!”
“POTAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!”
“ANO SI BAPHOMET?”
“POTAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!”
“POTA!POTA!POTA!…….”
“KILOS NAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!” ang malakas na sigaw ni Pritong Kandule at inilabas ng lahat ang kanilang mga sandata.

continue part 11 >
>
<
< part 9
Ragnarok Online Copyright(c)2001 Gravity Corp.&Lee Myoungjin
All rights reserved