Sa Thesis Writing, pasaway ka ba?
ni: April Joy M. Aguillana, Nursing IV
Kadalasan, kapag nababanggit ang salitang "thesis," maraming mga bagay ang naisasaisip. Ilan ay ang mga pag-oovernight, pagpupuyat, pagtatype, pagsusugod sa National Library, pagdedefense at pagsapinal bago gawing libro. Idagdag pa ang gastos!
Ang thesis ay isa ring pamantayan kung may natutunan ka nga sa iyong propesyong napili. Isa pang dulot nito ay dagdag na kaalaman di lamang sa mga researchers kundi para sa mundo ng iyong propesyon.
Kami ay nangalap ng mga opinyon, kuru-kuro at obserbasyon sa mga nakapagthesis na at nagsakripisyo para lamang maipasa ang mga ito. Ayon sa pag-uugali at pananaw sa thesis writing, narito ang mga grupong binuo namin. Alamin kung nasaan ka.
1. The Rich Kid - ito ang taong laging busy. May lakad na importante, maraming appointments, pictorials, tapings, sports tournament at spa treatments. In short, sandamukal ang excuses. CONTRIBUTION:\\FINANCIAL
2. The Feeling Leader - ito ang nagpakapagod mangunsumi at kahit hindi siya ang leader ng grupo, nag-uutos at gusto laging nasusunod. CONTRIBUTION:\\ SANDAMAKMAK NA PAGTALAK
3. The Honanga - ito 'yung gustung-gustong tumulong pero hindi makatulong. Bakit? Dahil takot magsalita sa pag-aakalang mali ang ideya niya. Di makahirit sa mga feeling leader. CONTRIBUTION:\\"OO NA NGA!"(TATANGO PA)
4. The Asa - closely-related ito sa mga Honanga. Feeling niya, wala siyang sapat na kakayahan para makipagsabayan sa mga taga Upper House Committee. Siya rin ang matatawag na dakilang deboto o disipolo. CONTRIBUTION:\\YUN NA NGA, WALA! (Kasi sila'y umaasa lamang sa kagrupo nila)
5. The EIC - ito 'yung Editor-in-Chief ng grupo. Masipag at laging may bagong idea. Nagwawala kapag hindi nasusunod ang gusto, nafrufrustrate at pressured naman kapag di natutuwa sa katoxican niya. CONTRIBUTION:\\PANONOXIC AT PANINISI
6. The Drunky Master - ito 'yung mga kunwari interesadong gumawa pero may hidden agenda pala. Pagpatak ng alas-dose, "hello Redhorse na!" CONTRIBUTION:\\INSTANT BEER HOUSE! ENTERTAINMENT KUNO!
7. THE cookie Monster - ito ang taong di nakakalimot ng lunch, merienda at dinner. Motto niya "kain muna bago gawa, mababa ang glucose level ko." CONTRIBUTION:\\TAGALINIS NG KUSINA
8. The Masa/Mahi - ito ang taong matakaw sa tulog! Kumbaga narcoleptic sila! Konting galaw, konting kibot, isang hikab, sabay tulog. Magunaw man ang mundo basta't sila'y masandal o mahiga, solve na! CONTRIBUTION:\\SIYA ANG TAGABIGAY HUDYAT SABAY PREPARE NG HIGAAN KAPAG TULUGAN NA
9. The Great Einstein - ito ang taong over confident, grandiose, at sobrang henyo! In a wink of an eye, dada! tapos ang thesis. Maraming ideas, maraming konsepto puro dada, wala namang ginagawa. CONTRIBUTION:\\MOTIVATION NG GRUPO "KAYA NYO 'YAN!"
10. The OCD - Obsessive Compulsive Disorder. Ito ang taong suwerte sa grupo. Siya ang taong gusto'y organisado, planado at perpekto ang trabaho, a.k.a "Perfectionist." Reminder niya, "Dapat tayo ang Best in Thesis." CONTRIBUTION:\\DISCIPLINARY OFFICER.
At bakit nga ba di maiiwasan ang mga awayan sa mga pagkakataong ito? Ito'y dahil na rin siguro sa hindi magandang pag-uusap at klarong paghahati ng mga gawain o dulot na rin ng pressure sa paghahabol sa deadline ng submission. Para maiwasan ang iringan, ito ay aming maipayo:
Una, dapat magkaroon ng sapat na panahon para magawa ng maayos ang thesis.
Pangalawa, dapat may "bonding" o palagayan ng loob ang mga magkakasama sa grupo.
Pangatlo, pag-usapan ang mga gagawin at paghahatian ang mga trabaho.
Pang-apat, dapat sumunod sa mga pinagkasunduan tulad ng pag-overnight ng lahat upang maiwasan ang pagkakaroon ng samaan ng loob.
Panglima, dapat gusto mo ang mga gawain upang maging inspirado at hindi napipilitan lamang sa paggawa ng thesis.
Pang-anim, maging sensitibo sa mga tao sa paligid at maging sa mga kasamahan dahil maaaring hindi ka nila maintindihan.
Pampito, umisip ng mga bagay o paraan para sa ikabubuti ng inyong thesis at ang pinakahuli, siguruhing naroroon ka at di nawawala sa mga oras na kailangan ka .