::  Regular Activities
     ::  Long Term Activities
     ::  Special Activities
     ::  Komento/Suhestiyon

// regular activities

Film Viewing

   Upang maging mas mayaman ang pag-aaral ng Sikolohiya, naghahanda ang samahan ng mga film viewing, lalung-lalo na para sa mga kumukuha ng Clinpsy at Abpsych. Ilan sa mga naipalabas na ay ang Sybil, na tungkol sa isang babaeng mayroong multiple personality, As Good as it Gets, at Tuesdays with Morrie, pawang mga pelikula na talagang namang nakaugat sa Sikolohiya!

WOW! SMS

   Ang kulturang Pilipino ay hindi maipagkakailang makulay, kaya naman ang WOW! SMS ang pagkakataon upang mas mabigyang pansin ito! Ang iba’t-ibang rehiyon sa bansa—ang tungkol sa mga puntahing pook sa kanila, pagkain, relihiyon, at maraming pang iba—ay pinagsasama-sama lahat sa isang malaking exhibit. Kasabay nito, ay nagpapalabas rin ng mga dokumentaryo ukol sa mga rehiyong napili.

Job Seek

   Para mabigyan ng mga pagpipiliang trabaho ang mga mag-aaral ng Sikolohiya, buwanang nagkakaroon ng Job Seek. Dito, ipinapaskil sa SMS Bulletin Board ang mga posibleng trabaho na maaari ninyong makuha na patungkol sa kursong inyong natapos. Hindi lamang mga oportunidad sa Pilipinas ang inilalagay, pati na rin mga oportunidad na mayroon sa iba’t-ibang bansa! Ang mga trabahong maaaring mapagpilian ay mula Industrial, Clinical at pati rin Educational.

General Assembly

   Bawa’t termino, nagkakaroon ng General Assembly, na nagsisilbing lugar upang magkatipon-tipon ang mga mag-aaral ng Sikolohiya. Laging may mga pakulo, laro, pa-premyo, at pagkain! Ngunit higit na mas mahalaga, ay tinatalakay ang mga gawain o aktibidades ng SMS na naganap na, at gaganapin pa lamang. Ito ay upang mahikayat ang mga miyembro na makibahagi at maging aktibo sa mga gawain ng samahan, na talagang pinaghahandaan para lamang sa inyo!

Organizational Mass

   Makibahagi sa misa ng buong Psychology community, kabilang na rito ang mga guro ng departamento. Sabay-sabay nating bigyang papuri at pasasalamat ang Panginoon para sa lahat ng biyaya na walang sawa nating natatanggap mula sa Kanya.

<<prev next>>

 
Hosted by www.Geocities.ws

1