::  Regular Activities
     ::  Long Term Activities
     ::  Special Activities
     ::  Komento/Suhestiyon

// special activities

Bipolar: An Extreme Psych Party

   Naganap lamang noong ika-18 ng Nobyembre, 2005 ang tinaguriang biggest Psych party of the year. Ito ay nagsilbing proyekto ng mga malalaki at nga sikat na pamantasan sa lungsod, katulad ng UP, ADMU, MC, UST, at siyempre, DLSU! Nagkaroon ng fashion show, games, raffle, at siyempre, mga pagtatanghal mula sa iba’t-ibang banda katulad ng Sunflower Day Camp, Sandwich, Imago, at marami pang iba! Pumunta lamang sa http://dive.to/bipolar para sa karagdagang detalye.

LEAP (Lasallian Enrichness Alternative Program)

   Nagbigay ng dalawang (2) klase ang SMS noong nakaraan LEAP o Lasallian Enrichment Alternative Program. Isa dito ay ang talk na Nut, What Love is Not? ni Dr. Bob Mendoza, at ang Bioenergetic Therapy na pinamunuan naman ni Dr. Laurene Chua-Garcia, kapwa mga propesor ng departamento ng Sikolohiya.

Research Grants

   Upang matulungan ang mga mag-aaral ng Sikolohiya, at parangalan ang kanilang galing sa pagsusulat at pananaliksik, magbibigay ang SMS ng research grants. Pagkatapos na dumaan sa masusing proseso, aalayan ang mga napiling estudyante nito upang mas mapadali, mapabuti at mapaganda ang kanilang mga saliksik.

Psyched ‘06

   Nakaugalian na ng samahan na ipagdiwang ang Psych Week, kung saan nagkakaroon ng isang buong linggo ng mga talks, palaro, exhibits, botohan sa kung sino ang nararapat maging Psych Prof of the Year, at kung anu-ano pang pakulo! Sa huling araw nito, nagsisilbing culminating activity ang Psyched concert, na hindi maipagkakailang pinakaabangan ng marami.

Waiter for a Day

   Kasabay ng pagdiriwang ng Discipline Awareness Month, ginaganap ang Waiter for a Day. Dito, ang mga kasapi ng samahan ay tumutulong sa mga canteen personnel sa pagliligpit at paglilinis, kasama na dito ang pagpapaalala sa mga mag-aaral na mag-CLAYGO (Clean as You Go). Ang mga D.O. Officers ang gumaganap na mga hurado sa kung aling grupo ang pinakamagaling. Tunay nga, ito ay isang karanasang masaya at kapupulutan ng maraming aral.

AB/BS Psychology Convocation

   Ang AB/BS Psychology Convocation, na pinamumunuan ng departamento ng Sikolohiya, ay para sa mga mag-aaral ng Sikolohiya na magsisimula ng kumuha ng kanilang mga majors. Binibigyan sila ng isang overview sa mga dapat nilang asahan sa kanilang mga asignatura at sa kanilang mga magiging guro. Ito rin ay nagsisilbing lugar upang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga katanungan at komento hinggil sa kanilang kurso.

 

 
Hosted by www.Geocities.ws

1