
:: Regular Activities
:: Long Term Activities
:: Special Activities
:: Komento/Suhestiyon

|
 |
|
//
regular activities |
SMS Reviewer Distribution
Sa tuwing nalalapit na matapos ang
termino, palagiang nagbibigay ang SMS ng reviewers
para sa mga asignaturang
Genpsyc, Elesta1, at sa
ibang mga major subjects na maaaring kailanganin ng
mag-aaral ng Sikolohiya. Dumaan lamang sa LaPiS (J308) o
hindi kaya’y mag-text sa SMS Hotline
(0906-2094439).
SMS Tutorials
Kaakibat ng SMS Reviewers ay ang Tutorials,
kung saan ang mga piling-piling estudyante ay pinapadala
ng mga guro, upang magbigay ng
kanilang oras at magbahagi ng kanilang nalalaman para sa
mga asignaturang may kinalaman sa Sikolohiya. Kadalasan
naman, mismong ang mga propesor ang naglalaan ng dagdag na
oras upang turuan ang mga bahagyang nahihirapan,
lalung-lalo na sa Elesta1.
Piling-Piling Araw
Orihinal na tinatawag na
Piling-Piling Huwebes mula sa Ama ng Sikolohiyang
Pilipino na si
Virgilio Enriquez, ang samahan ay umaanyaya
ng mga tagapagsalita hinggil
sa mga paksang may kinalaman
sa Sikolohiyang Pilipino. Halimbawa ng mga paksang ito ay
patungkol sa
Kultura at Sining, Kabataan, at marami
pang iba. Minsan, kasabay nito ay ang paghahanda ng
pagkain na nagsisimula sa mga titik na sinisimulan din ng
paksang tinatalakay!
Mental Disorder Awareness Week
Dahil ilan sa mga layunin ng samahan
ang palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral, at imulat
sila sa mga tinatawag nating misconceptions, ang
samahan ay nagkakaroon ng
Mental Disorder Awareness
Week. Dito, ipinapakita ang iba’t-ibang mga sakit
na
sikolohikal, kung saan ang mga ito ay iniaangkop rin sa
panahong nilalabas ang mga ito. Ilan sa mga mental
disorder na nailabas na ay hinggil sa
Schizophrenia, Anorexia Nervosa, Autism, Personality
Disorders, at kung anu-ano pa!
<<prev
next>>
|
|