::  Regular Activities
     ::  Long Term Activities
     ::  Special Activities
     ::  Komento/Suhestiyon

// long-term activities

Gawad Kalinga House Builds

   Ating tulungan ang ating mga kapatid sa Baseco, Tondo, na mabuo ulit ang kanilang mga tahanan. Maglaan ng oras upang makapiling, makausap, at maki-usi sa mga buhay nila. Ipakita natin na kung mayroon man tayong kayang ibigay sa kanila---iyon ay walang iba kung hindi ang ating mga puso.

Bahay Banahaw Feasibility Study

   Ang SMS ay may layuning makapagtatag ng isang maayos at kapaki-pakinabang na isang research house na maaaring gamitin ng mga mag-aaral ng Sikolohiya sa Pamantasang De La Salle at maging mga ibang mag-aaral mula sa iba’t ibang mga pamantasan at mga kolehiyo. Ang nasabaing proyekto ay ang “Bahay Banahaw Project” na isasakatuparan sa loob ng mahiwagang bundok ng Banahaw. Naniniwala ang SMS na ang Banahaw ay isang perpektong lugar upang pagtirikan ng research house dahil ang Banahaw ay may mayamang kultura at sagana sa likas na mga yaman na maaaring pagkuhanan ng mga di-matawarang mga datos. Ang SMS ay mayroon ring layunin makatulong sa mga kapatid nating mga katutubo na patuloy na nangangalaga sa Bundok ng Banahaw sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho sa mga ito, gaya ng taga-pangalaga sa nasabing bahay o bilang mga tour guides sa mga baguhan sa lugar.

   Ang Bahay Banahaw Project ay masasabing hindi lamang nakatuon sa mga bagay na makakabuti sa mga estudyante lamang, hindi lamang ito isang paraan upang “magamit” ang mga bagay-bagay na matatagpuan sa sagradong lugar gaya ng Banahaw, kundi, ito rin ay isang mabisang paraan upang mas makilala at malaman ng mga tao, particular ang mga estudyante na magmumula sa Pamantasang De La Salle at nang iba pang naniniwala sa proyekto na gaya nito.

Mobile Library

   Ang SMS ay may layuning maisakatuparan ang isa sa mga mahahalagang aral na itinuturo ng Pamantasang De La Salle, ito ay ang patuloy na paghahanap ng mga epektibong paraan kung papaano makakatulong sa mga kapos-palad at tunay na mga nangangailangan ng tulong nating mga kapatid.

   Ito ay isang proyekto na masasabing isang magandang hakbang tungo sa pagkamit nang tagumpay sa pagbibigay tulong sa mga tao. Ito ay isang proyekto na may tatlong layuning pinanghahawakan, una, ay ang pagtulong sa mga kabataan upang maging mas maging epektibo at kapaki-pakinabang na mga mamamayan n gating bansa, pangalawa, upang mabigyang pansin ang pangangailangan ng mga batang hindi manlang nakapagkamit ng anumang uri na pormal na edukasyon, at ang pangatlo, ay ang paggamit ng mga kaalaman tungkol sa SP(Sikolohiyang PIlipino)at ang pagtataguyod nito. Ito ay magsisilbing isang silid-aklatan para sa mga lugar na higit na ngangailangan ng atensiyon, na kugn saan mataas ang bilang ng mga hindi nakakapag-aral. Ang mga bata/tao ay mabibigyan ng mga pagkakataon na makahiram at makapagbasa ng mga iba’t ibang uri ng aklat.

   Ang Mobile Library ay isinasakatuparan sa tulong ng TATSULOK, isang panlabas na organisasyon kung saan kabilang ang UP-Buklod Isip, ang PNU-KAISIP at PUP-BSP, kung saan kabilang rin ang DLSU-SMS.

 

 
Hosted by www.Geocities.ws

1