::  Regular Activities
     ::  Long Term Activities
     ::  Special Activities
     ::  Komento/Suhestiyon

// regular activities

Seminars/Talks

   Kung mayroong Piling-Piling Araw na ganap lang para sa mga paksang tungkol sa Sikolohiyang Pilipino, ‘wag ka! Naghahain rin ang SMS ng mga talks na nagtatalakay ng mga paksang kinahihiligan ng marami, tulad ng Dream Analysis, Effective Thesis Making, at marami pang iba! Kung may nais kang paksa na gawing seminar, huwag magatubiling magsuwestiyon!

CLASIKO

   Hindi makukumpleto ang SMS kung wala ang CLASIKO, ang opisyal na newsletter ng samahan. Dito ninyo masusulyapan ang mga makukulay na aktibidades na naganap at gaganapin pa lang, na sana ay hindi ninyo malalampasan!

Membership/Frequency Card Distribution

   Sa simula ng taon, namimigay ang Katuwang ng Pangalawang Pangulo para sa Pang-Anib ng membership cards, na may mga pribilehiyo at discounts na nakukuha sa mga piling-piling establisyimento. Sa kabilang banda, ang frequency cards ay nagsisilbing talaan ng dami ng aktibidades ng samahan na iyong napuntahan. Mapuno mo lamang ito, at siguradong makakakuha ka ng malaking premyo!

SMS Website

   Basta SMS, ang buhay, siguradong makulay.

<<prev next>>

 
Hosted by www.Geocities.ws

1