Page 1
Frame 1
Top Cap: Hindi umaalis ng pagkakatitig sa kanilang bintana si Amie, lider ng Student Christian Movement of the Philippines na parang may hinihintay.
Illustration: Nasa loob ng bahay nila si Amie habang nakaupo sa isang mahabang sopa na nasa bandang kaliwa katabi ng pinto. Nasa itaas ng sopa ang dalawang bintana kung saan nakatingin si Amie. Katapat ng sopang ito, sa kabilang dulo ng bahay, ang isang mesa kung saan nakapatong ang isang itim na telepono. Sa pagitan nito ay may isang lamisita na may nakapatong na dalawang baso ng juice at tinapay. Katabi ng sopang inuupuan niya (sa dulong kaliwa) ay may isa pang sopa na ganoong ganoon din ang itsura. Mahaba ang buhok ni Amie, maganda ang mukha at medyo matangkad. Nakasuot siya ng dilaw na t-shirt, puting palda at sandalyas.
Frame 2
Top Cap: Dumating na ang hinihintay ni Amie na si Jun, lider ng Erap Resign Youth Movement. Bumisita siya upang pag-usapan nilang dalawa ang mga kahilingan ng mga kabataan sa administrasyong Arroyo at upang ipagtapat ang pag-ibig kay Amie.
Amie: Ayan na si Jun!!!
Jun: Amie, magandang umaga sa iyo.
Illustration: Nakatayo na si Amie sa may pintuan habang pinapapasok si Jun. Maganda ang porma ni Jun, nakasuot siya ng puting t-shirt, maluwang na pantalon at leather na sapatos. Matangkad siya, matangos ang ilong at clean-cut ang gupit. Buong galak siyang nakatingin kay Amie habang ibinibigay ang tsokolate at pulang rosas.
Frame 3
Amie: Magandang umaga. Maraming salamat dito ha.
Jun: Walang anuman. Kamusta na?
Illustration: Kapwa na sila nakaupo ng malapit sa isa't isa sa sopang inuupuan kanina ni Amie. Inilagay ni Amie ang tsokolate at rosas sa kanyang kanan samantalang nasa kaliwa niya si Jun. Diretso ang tingin nila sa isa't isa.