Page 3
Frame 1
Jun: Amie, may gusto ko sabihin sa iyo.
Amie: Ano yun, sabihin mo na.
Illustration: Halatang kinakabahan si Jun, namumula at di malaman ang sasabihin. Si Ana naman ay tuwang-tuwa sa pag-asang magtatapat na si Jun.
Frame 2
Jun: Ano eh. Matagal na tayong magkaibigan at...
Amie: Uh um. Sige na, ano ba yun?
Illustration: Ganung-ganon pa rin ang itsura ni Jun na ngayon ay pinagpapawisan na. Si Ana ay nanlalaki ang mata sa tuwa, halatang interesado sa sasabihin ni Jun. Magkahawak pa rin sila ng kamay.
Frame 3
Amie: Mukang mabigat yata sasabihin mo, di mo masabi eh!!!
Jun: Ano eh. I...I...I want some juice muna!!!
Illustration: Medyo napalihis ng tingin si Ana dahil sa nakitang katorpehan ni Jun samantalang nanghihinayang naman sa pagkakataon si Jun. Di na sila magkahawak ng kamay.
Frame 4
Jun: A-alam mo, kailangan talaga nating hilingin ang mga sinabi natin, sa administrasyong Arroyo.
Amie: Oo, mayroon pa ba tayong nakalimutan?
Illustration: Naging seryoso ang kanilang itsura. Hawak na ni Jun ang baso ng juice na kalahati na lang ang laman.
Frame 5
Jun: Dapat ding hindi makalimutan ng administrayon ang mga pribadong paaralan.
Illustration: Makikita si Jun na nakatayo sa gilid ng bintana habang nakataas ang kanang kamay at hawak ng isa ang baso na kaunti na lang ang laman.