Sino si Joseph Ejercito Estrada?
Si Joseph Ejercito Estrada o Erap ay ang ika-labintatlong pangulo
ng Pilipinas at ang kauna-unahang pangulo na inimpeach ng Mababang
Kapulungan ng Kongreso.
Bago siya pumasok sa pulitika, nagsilbi siya bilang aktor mula pa
noong panahon ng martial law. Unang pagpasok sa pulitika, siya ay
naging mayor ng San Juan kung saan lubusan niyang sinuportahan ang
martial law government kung kaya nanatili siya sa pwesto hanggang sa
bago dumating ang EDSA Revolution.
Matapos ang EDSA, naging senador si Erap. Noong 1992, nanalo sia
bilang bise presidente at pangulo naman noong 1998. Siya ang
presidente ng Pilipinas na may pinakamalaking naging boto
(Philippine Free Press, Disyembre 30, 2000).
Ano ang "Oust Erap Campaign?"
Ito ay isang panawagan ng iba't ibang sektor ng lipunan para sa
pagtanggal sa pwesto ni Erap. Ito ay isang malayang pagpapahayag ng
karapatan ng mga tao. Ipinakita nito kung gaaano kakritikal ang mga
tao sa mga nangyayari sa bansa. Ipinakita nito ang sentimyento ng
mga tao sa administrasyong Estrada.
Anu-ano ang mga paraang ginawa upang ma-oust si
Erap?
Mayroong tatlong paraang ginawa ang mga tao upang ma-oust si
Erap. Ang una ay ang boluntarong pag-ooust sa kanya. Halimbawa nito
ay ang website tulad ng www.eLagda.com na naghanap ng isang milyong
signatures para sa pagbibitiw ni Erap.
Pangalawa ay ang impeachment process na nakabatay sa articles of
impeachment na ipinasa ng Mababang Kapulungan.
Pangatlo ay ang "pressure politics" na isinasagawa ng iba't ibang
grupo upang mapatalsik si Erap.
Kailan at anong mga grupo ang nagpasimula ng panawagan
sa pagbibitiw ni Erap?
Ang kampanya sa pagbibitiw ni Erap ay nagsimula noong Agosto 1999
sa pamumuno ng militanteng grupong Anakbayan nang mag-post sila ng
mga slogans na may pulang tinta sa Manila na nagsasabing "Patalsikin
si Erap."
Sumunod naman ang iba't ibang mga grupo. Isa na dito ang Kilusang
Mayo Uno (KMU). Ipinanawagan nila ang pagbibitiw ni Erap kasabay ng
kahilingang ipagtibay ang P125 across-the-board wage hike noong
Oktubre 1999.