Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours


Browse our Archives
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!
By Allyn V. Baldemor:

Pesanteng UP--
magsasaka sa kampus

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Q&A On The Estrada
Fallout (Primer)


John Andrew Agbay

Previous Page

Anu-anong mga grupo ang kasalukuyang tumatawag sa pagbibitiw ni Erap at ang kanilang mga dahilan?

a. United Opposition na pinangungunahan ni Bise Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, Cory Aquino, Fidel Ramos at Jaime Cardinal Sin. Ang mga dahilan nila ay: pagkawala ng tiwala sa administrasyon dahil sa corruption, cronyism, at incompetence; naging "morally, mentally, and physically incapable" na siyang mamuno;

b. Bayan - isang militanteng grupo na nagpauso ng mga katagang "Sobra Nang Pahirap, Patalsikin si Erap." Naglabas sila ng "Agenda ng Bayan." Ito ay ang mga bagay na kailangang gawin ng magiging bagong pangulo. Una rito ang pagtataguyod ng katarungan, karapatang pantao at kapayapaan. Ikalawa ay ang paggigiit ng pambansang kasarinlan at pagsulong ng tunay na pang-ekonomikong pag-unlad. Ikatlo ay ang pagtaguyod sa mga repormang sosyo-pulitikal at ekonomikal.Ikaapat, garantyahin ang mga kahilingan ng iba't ibang mga sector;

c. Anakbayan - isa sa naging aktibo sa panawagan ng pagbibitiw ni Erap. Dinadahilan nila ang kabulukan ng administrasyon, pangungurakot, paglapastangan sa simbahan at panunupil;

d. UP Coalition for the Urgent Resignations of Estrada (CURE) at iba pang faculty at mga estudyante. Ang mga dahilan nila ay: ang kabiguan ng Erap administration na pamunuan ang bansa, ang pagkawala ng kanyang kakayahang moral upang mamuno dahil sa mga isyung pumapalibot sa kanyang administrasyon, at dahil wala siyang nagawa para sa mahihirap (Forum, Oktubre 28, 2000);

Nagkakaisa ba ang lahat ng mga grupong ito?

May mga grupong talagang nagkakaisa pero may iba na humihiwalay. May mga grupo tulad ng Sanlakas at KAMPI na nananawagan ng "resign all" samantalang ang karamihan sa mga grupo ay ang pagbibitiw lamang ni Erap ang ninanais.

Kahit na ang sinasabing united opposition ay hindi naman talaga "united' dahil sa mga personal na interes ng mga myembro nito. Ang masa ay nabigo na makamit ang kanilang hinihiling na pagbabago at pagtataas ng kanilang mga karapatan matapos ang rebolusyon sa EDSA dahil sa sila Cory at Ramos ay walang ginawa kundi ipagpatuloy ang pulitikal at ekonomikal na kondisyon bago ang 1986.

May basehan ba ang mga argumento ng mga grupong ito?

Oo. Demokratikong bansa ang Pilipinas at ang bawat isa ay may kalayaaang magpahayag ng kanilang mga damdamin. Lahat ng kabulukang ibinubulagar nila ay kitang-kita naman sa kasalukuyang administrasyon.

Ang problema nga lang ay ang panawagan na "resign all" at "snap election" ng Sanlakas at Kampi. Paano masisigurong ang gagawing "snap election" ay hindi na pangungunahan ng mga trapo at paano isasakatuparan ang binabanggit nilang reporma? Ikalawa, hindi naman nangangahulugang ang snap election ng tunay na pagbabago at reporma. Ikatlo, tunay ngang magpapahina sa oposisyon ang "resign all" na ito dahil may mga trapo rin naman na anti-Erap.

Page    1   2    3       back to top
Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site


copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1