Page 2
Frame 1
Amie: Ayos lang ako. Medyo malungkot nga lang at ngayon ka lang muli dumalaw.
Jun: Naging abala kasi sa paghahanda ng mga kahilingan sa administrasyong Arroyo eh.
Illustration: Habang nag-uusap ay iniaabot ni Amie kay Jun ang juice at tinapay.
Frame 2
Amie: Anu-ano ang mga hihilingin natin sa admistrasyong Arroyo?
Jun: Una na ang pagtaas ng budget sa edukasyon at pagbaba ng tuition.
Illustration: Habang kinakain ang tinapay ay ipinapakita ni Jun kay Aimie ang mga papel na may table at graph na nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng tuition at pagbaba naman ng budget sa edukasyon noong nagdaang mga taon.
Frame 3
Jun: Dapat ding ibalik ang demokrasya sa mga paaralan sa pagbubukas ng mga isinarang publikasyon.
Illustration: Ulo ni Jun na nakaharap pa rin sa kanyang kanan (kung saan nandoon si Amie). Tapos na siyang kumain ng tinapay.
Frame 4
Amie: Dapat ding palayain ang mga political prisoners.
Jun: Oo, tulad ng pagpapalaya mo sa puso ko!!!
Illustration: Lalong lumapit sa pagkakaupo ang dalawa at hawak na ni Jun ang mga kamay ni Amie.
Frame 5
Amie: Ano ulit ang sinabi mo?
Jun: Ah, wa-wala!
Illustration: Nagulat si Jun. Di niya akalaing nasabi niya iyon for the first time. Si Amie naman ay tuwang-tuwa.