FSUN FSUN DECC
(DISTANCE EDUCATION COMPUTER COURSES)
SCHOLARSHIP PROGRAM   
                         
19th Floor, Cityland 10, Tower 1,
6815 H.V. dela Costa St., cor. Ayala
Avenue, Makati City, Philippines
Tel. No.  (00632) 8127733
Fax Nos>  (00632) 8127733
Email:  [email protected]
Local Traditions and Festivities in Marinduque and Their Impact on the Tourism Industry
 
Contributed by:  Cathy T. Llamera

Home
Location
History
People
Festivals
Putong
Travel
Places to Visit
Recommendation
Acknowledgment
FREE EMAIL

          


putong.jpg (115113 bytes) Putong  or  Tubong  is Marinduque's unique custom of welcoming and honoring friends and visitors.  The ceremony starts with the "mamumutong",  a group of men and women singing greetings to the honoree.  Calling the latter "santo" (or  "santa" if the visitor is a female),  the "mamumutong", accompanied by stringed instruments, sing and dance in quickening rhythm in front of the honoree, showering him with flowers and coins symbolizing wishes of good health and prosperity.  A crown made of flowers and garlands/bouquets are given the honoree.  Shouts of "Mabuhay!" and Viva!" end the ceremony.

                                                                            
                                                                      

Modern version of the "Putong":

(Chorus)
Narito po kami
Mahal na may bahay
Tinugtog na namin
Instrumentong taglay.

Ugali nang una
At magpakailanman
Dalawi't aliwin
Ang may kapistahan.

O, kawili-wili
Panaho'y tiwasay
Buwan ng ________
Ipagtatagumpay.

Ang dahila't pakay
Ang mahal n'yong ngalan
Santo _____________ 
Aming dinadalaw.

Di man kami dapat
Sa oras na ito
Ang nasa'y magdiwang
Sa kamahalan n'yo.

Aming hinahanap
Sa lugar na ito
Sapagka't dumating
Ang kapistahan n'yo.

Anong dikit nitong oras
Panahon ay aliwalas
Anong sadyang karirilag
Nitong lugar na mapalad.

Ang lugar na kawiliwili
Nitong gabing agradable
Pabo real na kandili
Ang may pista'y ipagbunyi.

Nang kami'y dumating
Sa inyong harapan
Agad sinalubong ng kaliwanagan
May dalawang anghel na namagitan
Tig-isang kandila ang hawak sa kamay.

Kami po'y may dalang mga korona
Sa kamahalan n'yo ay natatalaga
Ang kasama nito'y marikit na palma
Sampu ng bulaklak na kaaya-aya.

Lakad mga sama, tayo ay sumulong
Sa loob ng bahay, 'masok, magpatuloy
Awiti't purihin itong ating putong
Dito sa may bahay na may pista ngayon.

Nang kami ay dumating sa loob ng Herusalem
Ang mabunying santo ang nadatnan namin
Nariyan sa altar, nakalagay sa Belen
Diyan ipinanganak ang Mesiyas natin.

Ang koronang ito'y malaon nang handa
Sa kapistahan n'yo muling nabalita
Kaya naparito sa inyo ang sadya
Korona'y ipatong sa ulong sanghaya.

(Solo)  Ang korona naming tangan
Ay bulaklak manding tunay
Tanggapin nyo't puputungan
Sa ulo nyo'y ilalagay.

(Chorus)
Lakad mga sama, iputong na ninyo
Ang palma ay sa kamay, korona'y sa ulo
Kahimanawari ay makamtan ninyo
Sambahi't igalang ang mahal na santo.

Ang mga angheles dito ay lumapit
May dalang bulaklak galing sa langit. 
(Repeat  "Vamos mga sama...")

Kahimanawari'y habaan ang buhay
At sa madlang tao'y walang karamdaman.

(Repeat "Vamos mga sama...")

Viva!  Viva! Viva!  Mabuhay! Mabuhay!
Mabuhay ang santong ating pinutungan
Viva!  Viva! Viva! Mabuhay! Mabuhay!
Mabuhay ang santong ating pinutungan.

Viva!  Viva!  Viva!  Buhayin!  Buhayin!
Buhayin ang santong pinutungan natin
Viva!  Viva!  Viva! ito ay tapos na
Karampatan namang humiyaw ng Viva!

Viva!  Viva!  Viva!

Mabuhay!


















 

 

 

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1