ARALING AKTIBISTA

 

Paunang Salita

 

Ito ang ikalawang edisyon ng Araling Aktibista. Sa edisyong ito, may ginawang pagsasaayos sa dating balangkas ng mga aralin, at ilang pagdaragdag sa dati. Ang kalipunan ng mga aralin ay dapat pag-aralan ayon sa pagkakasunud-sunod at bilang isang kurso. Gayunman, makakatayo pa rin nang mag-isa ang bawat aralin para sa pagbabalik-aral sa anumang aralin.

Ang bagong balangkas ay binubuo ng sumusunod:

Aralin I – Ang mga saligang rebolusyonaryong aktitud at ang Limang Gintong Silahis

Aralin II - Rebolusyonaryong Pag-aaral at Wastong Paraan ng Pagsusuri

Aralin III - Linyang Masa

Aralin IV – Ang Demokratikong Sentralismo at Sistemang Komite.

Ginawang pangunahing nilalaman ng Aralin I ang Limang Gintong Silahis upang maging pamilyar at mapahalagahan bilang saligang mga babasahin ang mga klasikong artikulo ni Mao Zedong tungkol sa mga saligang rebolusyonaryong aktitud. Ang dating Aralin I ay mananatili bilang pantulong at gabay sa pag-aaral sa mga artikulo sa Limang Gintong Silahis. May ginawa ring amyenda sa dating Aralin I para lumapat sa pag-aaral sa Limang Gintong Silahis.

Pinagsama sa iisang aralin ang dating Aralin II (Rebolusyonaryong Pag-aaral) at  Aralin III (Wastong Paraan ng Pagsusuri at Pag-iisip), dahil mahigpit silang magkaugnay. Gayundin ang Aralin V(Demokratikong Sentralismo) at Aralin VI (Sistemang Komite). Idinagdag sa Aralin IV ang Paraan ng Paggawa ng Isang Komite.

Pinanatili ang dating Aralin IV (Linyang Masa) bilang Aralin III sa kursong ito.

Ang Araling Aktibista ay para sa lahat ng organisadong masang nakapag-aral na ng Pangkalahatang Kursong Masa.  Pero prayoridad at kailangan itong ibigay sa mga aktibistang nasa antas ng KP at GP at may karanasan na sa pagkilos sa rebolusyonaryong kilusan,sa kanayunan man o sa kalunsuran.  Mahalaga ito sa pagbubuo ng matatag na gulugod at ubod ng pamumuno sa mga rebolusyonaryong samahan  at kilusang masa.

Maaaring idagdag o isunod ang pag-aaral sa iba pang mga araling tulad ng panlipunang pagsisiyasat at gawaing masa at iba pang nasa kurikulum ng PADEPA

 

Pambansang Kagawaran sa Edukasyon-Pangkalahatang Kalihiman          

Enero 1999   

 

                                               

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1