|
Mga Sakit ng Kaluluwa... Galit (Ghadhab)
Posted: September
24,
2007
…Yaong (malayang) tumutustos maging sa
kaluguran o kagipitan; yaong pumipigil sa
kanilang galit at pumapatawad sa kapwa tao. At
mahal ng Allah ang mga gumagawa ng kabutihan.
(Qur’an, 3: 134)
Sinabi ni Imam Ja‘far al-Sadiq (‘a):
“Ang galit ay susi ng lahat ng uri ng kasamaan.”
[Al‑Kulayni,
al‑Kafi, tomo 2, p. 303, hadith 3]
Iniulat mula kay Imam al‑Sadiq (‘a) na
narinig niya ang kanyang ama, Imam al‑Baqir (‘a),
na nagsabi: “Isang Arabong nakatira sa disyerto
ay dumalaw sa Propeta (s) at nagsabi:
‘Nagkatira ako sa disyerto. Iyong ituro sa akin
ang buod ng dunong.’ Sinabi ng Prophet (s)
sa kanya: ‘Iniutusan kitang hindi magalit.’
Pagkatapos tatlong beses itong itanong (at
marinig ang kasagutan ng Propeta) sinabi ng
Arabo sa kanyang sarili: ‘Hindi na ako muling
tatanong sa Apostoles ng Allah (s) dahil
wala siyang iniutos kundi mabuti’.” Sinabi ni
Imam al‑Sadiq (‘a): “Madalas na sinasabi
ng aking ama, ‘Mayroon bang mas marahas kaysa
galit? Sa katotohanan, kapag galit ang tao,
maaring makapatay ng iba na ipinagbabawal ng
Allah, o manirang-puri sa babaeng may asawa’.”
[Al‑Kulayni, al‑Kafi, tomo 2, p. 303,
hadith 4]
Ang Katotohanan ng Galit
Ang galit ay isang kalagayang pangsikolohiya na
bunga ng pagkabalisa at hangad na makapaghiganti.
At kapag naging mas matindi ang pagkabalisang
ito, mas lalo ring tumitindi ang apoy ng galit.
Ang isang matinding pagkabalisa ay sumasakmal sa
utak at dahil dito ang tao ay nawawalan ng
wastong pag-iisip. Sa puntong ito, ang kalooban
ng tao ay tulad ng yungib ng apoy at ang usok at
hugong nito ay lumalabas sa bunganga nito. Kapag
nangyari ito, mahirap patahanin ang tao at
patayin ang apoy ng kanyang galit. Anumang
itatapon dito ay nagiging bahagi at panggatong
niya. Sa dahilang ito, ang taong galit ay bulag
at pipi sa patnubay at wastong pag-uugali. Sa
ganoong kalagayan, ang mga hakbang tulad ng payo,
paalaala at pangaral ay hindi makapatahan sa
kanya. Kapag siya ay payuhan o pangaralan, mas
lalong magalit at malamang na manakit ng iba o
maghiganti.
q
Sinabi
ni Imam al‑Baqir (‘a): “Sa katotohanan,
ang galit na ito ay isang alipatong sinindihan
ni Satanas sa puso ng anak ni Adan.” [Al‑Kulayni,
al‑Kafi, tomo 2, p. 304, hadith
12]
Ang
mga Masamang Epekto at Bunga ng Galit
q
Ang
taong galit ay tulad ng baliw na hindi iniisip
ang kahihinatnan ng kanyang mga kilos. Gumagawa
siya ng hindi kanais-nais na mga gawain, at ang
kanyang bibig, mga kamay at katawan ay hindi
niya mapipigilan.
q
Dahilan sa galit maaring magsalita ng masama ang
tao laban sa mga propeta ng Allah at Kanyang
awliya’. Maaring maghimok din sa kanyang
gumawa ng kalapastangan, manirang-puri sa mga
mabuting tao, pumatay ng tao na wala sa
katarungan, sumira sa buhay ng mga tao, bumuwag
ng pamilya, at magbunyag ng mga lihim ng iba.
Walang limitasyon sa mga masamang gawaing ito na
maaring gawain ng tao sa oras ng pagsilakbo ng
galit na tumutupok sa maraming tahanan at maging
isang lipunan.
q
Tungkol sa mga kapinsalanang pangmoralidad nito,
ang galit ay maaring magbigay-daan sa malisya
laban sa iba na minsan humahantong maging sa
poot hindi lang laban sa mga propeta at
awliya’ kundi sa mismo Allah, and Poong
Maykapal. Maari ring magbigay-daan sa ibang mga
kasamaan tulad ng inggit (hasad), lihim
na poot at di-makatarungan at di-mapigilang
paghihiganti.
q
Ang
katulad ng galit dito sa mundo ay ang apoy of
Poot ng Panginoon sa kabilang-buhay. Ang galit
ay nagmumula sa puso. Ang katotohanang pang-espirituwal
ng galit na ito ay marahil ang apoy ng Poot ng
Panginoon na nagmumula sa kaituburan ng puso at
lumalaganap sa buong katawan at ang mga apoy
nito ay lumalabas sa mga bahaging panglabas
tulad ng mga mata, tainga at dila.
q
Ang
galit na naging bahagi ng pagkatao ng isang tao
ay mas malaki ang kapahamakan. Pumapatay sa puso
ng tao at umaapekto sa kanyang wastong-pag-iisip,
at ang puso ay nagiging walang-awa. Ang anyo na
matatamo ng ganyang katayuang pangmoral sa
purgatoryo (barzakh) at Araw ng
Muling-Pagkabuhay ay mabangis na walang
kahambing dito sa mundo dahil ang kahayupan ng
tao sa katayuang ito ay hindi maihahambing sa
anumang mabangis na hayop.
q
Iniulat na sinabi ni Imam al‑Baqir (‘a):
“Naisulat sa Torah na sinabi ng Panginoon kay
Moises (‘a): “O Moises, iyong pigilin ang
galit laban sa mga taong nasa ilalim ng iyong
kapangyarihang Aking ipinagkaloob nang sa gayon,
ikaw ay maaring maligtas mula sa Aking Poot.”
[Al‑Kulayni, al‑Kafi, tomo 2, p.
302, hadith 7]
q
Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Iligtas ang sarili
mula sa galit dahil ang simulan nito ay
kabaliwan at ang wakas nito ay malaking
pagsisisi.” [Al-Amidi, Ghurar ul-Hikam
wa Durar al-Kalim, hadith 2635]
Ang Katangian ng Pagpigil sa Galit
q
Ang
kilos ng taong matapang ay batay sa wastong
pag-iisip at panatag na sarili. Siya ay
mapagtiis, mahinahon at nagagalit sa wastong
panahon. Ang kanyang galit ay nararapat at kapag
siya ay maghiganti, ito ay nababatay sa tamang
pag-iisip at mabuting pagpasiya. Alam na alam
niya kung sino ang nararapat na patawarin at
kung ano ang di pansinin at ipagpaumanhin.
q
Ang
galit ng tunay na nananampalataya ay para sa
kaluguran ng Allah. Kapag galit, kanya ring
naiisip ang kanyang mga tungkulin at karapatan
ng iba, at hinding-hindi aapi ng sinuman. Hindi
siya magsalita o kumilos ng masagwa. Ang lahat
ng kanyang kilos ay nababatay sa mga pamantayan
ng katarugan at shari‘ah. Ang kanyang mga
kilos ay hindi niya pagsisihan balang-araw.
q
Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Ang pinakamalakas na
tao ay yaong lulupig sa kanyang galit sa
pamamagitan ng kanyang pagtitiis.”
[Al-Rayshahri, Mizan al-Hikmah,
hadith 15027]
q
Sinabi
ni Imam Ja‘far al-Sadiq (‘a):
“Pagtatakpan ng Allah ang mga lihim ng taong
pipigil sa kanyang galit (sa ibang tao).”
[Al-Majlisi, Bihar al-Anwar, tomo 73, p.
264, hadith 11]
Kapag ang Tao ay Pagalitin…
Ang isa sa mga
praktikal na pangsugpo sa galit ay pagpatay ng
apoy nito habang maaga pa at ang tao ay nasa
wastong pag-iisip pa.
q
Sinabi
ni Imam al-Baqir (‘a) “...sinumang
nagagalit ay nararapat na paupuin kung siya ay
nakatayo, dahil, sa katotohanan, ito’y
magtataboy sa kasamaan ni Satanas. At sinumang
galit sa miyembro ng kanyang pamilya ay
nararapat na lapitan at hupuin o hawakan dahil
kapag ang damdaming pangpamilya ay napukaw ng
paghawak, ito ay nagbibigay kahinahunan.”
[Al‑Kulayni, al‑Kafi, tomo 2, p. 302,
hadith 2]
Sinabi ni Imam ‘Ali (‘a): “Kapag ang tao
ay galit habang nakatindig, dapat siyang agad na
humiga sa lupa (umupo) nang ilang saglit dahil
ito’y magtataboy ng masamaan ni Satanas sa
sandaling iyon.”
[Al-Rayshahri, Mizan al-Hikmah, hadith
15059]
Ilang mga Payo sa Paglunas ng Galit
q
Dapat
malaman ng taong laging nagagalit na ang galit
ay kakayahan na ipinagkaloob ng Poong Maykapal
para sa pangangalaga, pagpapanatili at
kaligtasan ng sangkatauhan at para sa disiplina
at kaayusan ng sistemang pangpamilya,
proteksiyon ng mga karapatang pangtao, at
pananggalang sa mga banal na batas. Kapag
kumilos siya salungat sa layunin ng Allah at
gamitin ang kakayahang magalit laban sa banal na
layuning ito, ito ay paglabag sa ipinagtiwala na
nararapat ng parusa Niya. Anong kamangmangan at
kawalan ng katarungan ang paglabag sa
ipinagkatiwala ng Allah at mapala ang Kanyang
poot! Kaya nararapat na isiping mabuti ng tao
ang mga kasamaang bunga ng galit, at sikaping
alisin ang mga masamang epekto nito na bawat isa
nito ay maaring magbigay-hapis sa tao nang
walang-hanggan, maraming suliranin sa mundo at
kaparusahan sa kabilang-buhay.
q
Ang
isa sa mga pangunahing lunas sa galit ay
pagtanggal sa mga salik na pumupukaw nito.
Kabilang sa mga salik na ito ang pagmamahal sa
sarili na nagbibigay-bunga ng pagnanasa sa
kayamanan, kabantugan at karangalan, at hangaring
ipilit ang kagustuhan sa iba at palawakin ang
kalipunan ng kapangyarihan. Ang mga ito ay likas
sa sumisindi sa apoy ng galit, kaya ang mga ito
ay mahalaga para sa taong iyon. Sinumang
nagmamahal sa mga bagay na ito ay nagagalit
kapag hindi niya nakamit ang isa sa kanyang mga
minimithi. Ang isa pang salik na minsan
nagpapagalit sa tao ay ang maling pag-aakala na
ito (galit) ay isang katangian at
kasingkahulugan ng tapang. Ang galit ay bunga ng
kahinaang pang-espirituwal, kakulangan ng
paniniwala, at kalabisan ng ugali at pagkatao.
q
Iniisip mabuti ng taong matalino ang mga
masamang ibubunga ng galit at ang mga kabutihan
ng pagpigil nito. Kaya, minamarapat niyang
patayin ang apoy na ito sa kanyang puso sa
anumang paraan. Inaalis niya sa kanyang puso ang
pagmamahal sa kayamanan, karangalan at iba pang
bagay na pumupukaw ng galit. Kapag magpasiya
siyang kumilos laban sa kanyang sarili at mga
makamundo nitong hangarin, sa tulong at biyaya
ng Panginoon, ang kanyang mga pagnanasa ay
makukulangan at hindi na magbigay pansin sa mga
ito. Ang kanyang kahinahunan at kapanatagan ng
loob dahil sa hindi na muling magnanasa sa
kayaman, kapangyarihan at karangalan ay hindi
magbigay daan sa kanyang gumawa ng anumang bagay
laban sa katarungan. Unti-unti siyang magkaroon
ng pagpigil sa sarili tuwing magalit at lubusan
niyang mapigilan ito. [Hango sa Al-Khumayni,
Forty
Hadith,
tomo 7, ‘Ghadhab’]
Konklusyon
q
Sinabi
ni Imam Ja‘far al-Sadiq (‘a): “Ang
mu’min (naniniwala) ay ang tao na kapag
galit, ito ay hindi ihihila sa kanya laban sa
katotohanan...” [Al-Kulayni, al-Kafi,
tomo 2, p. 186, hadith 11]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
tunay na Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|