|
Mga Sakit ng Kaluluwa... Masamang Palagay (Riya')
Posted: August 8,
2007
...kapag sila ay nakatindig sa pagdarasal,
hindi sila nakatindig nang mabuti;
sinagawa nila ito upang makita ng mga tao at
hindi nila naalaala ang Allah kundi panandalian
lamang.
(Qur’an, 4: 142)
Sinabi ni Imam al‑Sadiq (‘a): “Ang
riya’ sa anumang anyo nito ay
nangangahulugan ng shirk (politeismo);
sa katotohanan, sinumang gumagawa para sa mga
tao, ang kanyang gantimpala ay magmumula sa
kanila, at sinumang gumagawa para sa Allah, ang
kanyang gantimpala ay magmumula sa Kanya.”
[Al-Kulayni, Al-Kafi, tomo 2, p. 402]
Iniulat ni Imam al‑Sadiq (‘a) na sinabi
ni Amir al‑Mu’minin ‘Ali ibn Abi Talib (‘a):
“May tatlong kapuna-punang katangian ng taong
mahilig magpakitang-tao (riya’): siya ay
masaya kapag binati ng mga tao; siya ay
malungkot kapag nag-iisa; at nais niyang puriin
siya sa anumang kanyang ginagawa.”
[Al-Kulayni, al-Kafi, tomo 2, p. 295]
Ano ang riya’ ?
Ang
riya’
ay
nangangahulugan ng iyong pagpakitang-tao na ikaw
ay mabuti o tunay na nananampalataya upang
igalang at hangaan ng madla o makaani ng
magandang reputasyon. Ito ay naiiba sa
ipokrisiya (nifaq) dahil ang ipokrito (munafiq)
ay nagkukunwaring marangal, tapat, mabuti, at
relihiyoso bagama’t walang layuning makamit ang
mga katangiang ito para sa Panginoon. Ang taong
may riya’ ay may ganoong mga katangian
para sa kaluguran ng Panginoon. Subalit,
paglipas ng panahon gumagawa siya ng mabuti
upang igalang at hangaan ng madla.
Ang mga antas ng
riya’
q
Unang
antas: Ipinapakita ng tao ang kanyang mga
paniniwalang pangrelihiyon at kaalam sa
relihiyon upang patunayan sa mga tao na siya ay
matapat kaya nararapat na pagkatiwalaan at
igalang. Halimbawa, kanyang itinatanghal ang
kanyang pananalig sa Panginoon at Kanyang
Kapangyarihan sa pagsasabing hindi siya
nananalig kanino man maliban sa Allah. Kapag ang
pananalig sa Panginoon o pagsuko sa Kanyang
pasiya ay pinag-uusapan, siya ay laging
tumatango at humihimutok upang ipakita sa mga
tao na siya ay tunay na nananampalataya. Ang
antas na ito ng riya’ ay makikita rin sa
taong tumalikod sa maling mga paniniwala at sa
pamamagitan nito, nais niyang makakamit ng
katungkulan at paggalang ng mga tao. Halimbawa,
tuwing ang pagkukunwaring banal (nifaq)
ay mabanggit, ang kanyang mga salita o kilos ay
parang mga salita o kilos ng taong hindi
nagkukunwaring banal.
q
Ikalawang antas: Ipinapakita ng tao ang kanyang
kabanalan at mga mabuting gawain at ganoon siya
kumikilos sa pagkukunwaring wala siyang anumang
kasamaan. Sa ganoong mga kilos, hangad niyang
pagkatiwalaan ng iba. Halimbawa, siya ay
magbigay abuloy o magpahayag ng debosyon upang
igalang at puriin.
q
Ikatlong antas: Ito ay kumakatawan ng hayagang
pananampalataya ng tao at paggawa ng mga mabuti
sa harapan ng mga tao upang ipakita sa kanila na
siya ay tapatang sumusunod ng mga kautusang
pangrelihiyon o umiiwas sa mga masamang gawi.
Kaya, nais niyang bihagin ang kanilang mga
damdamin sa pamamagitan ng relihiyon. Halimbawa,
tapat na nagdarasal siya sa tumpak na oras o
nagsasagawa ng mga karagdagang dasal sa hating-gabi
upang makilala siya bilang piyadoso ng kanyang
mga kaibigan at ibang pa.
Ang mga masamang epekto ng
riya’
q
Hindi
batid ng taong may riya’ na kahit pa man
maging tanyag siya sa mga tao, pantas at
makapangyarihan, siya ay kadusta-dusta sa
paningin ng Hari ng mga hari at ang kanyang mga
gawain ay aakay sa kanyang patungong Sijjin
(ang pinakamababang bahagi ng impiyerno).
q
Ang
riya’
ay kadalasang kasama ng ibang mga masamang
katangian. Kabilang dito ay sum‘ah na
nangangahulugan ng pagpuri sa sarili upang
igalang ng tao at maipagyabang ang sarili. Ang
taong may riya’ ay kadalasang mahilig
humamak ng iba at sumakit sa damdamin ng
kapwa-tao. Madalas siyang marahas sa sinumang
relihiyoso upang patunayan na mas relihiyoso
siya.
q
Kapag
ang puno ng riya’ ay pahintulatang tumubo
sa puso ng tao, ito’y tutulak sa kanyang maging
isang hipokrito. Bawat isa sa mga masamang
katangiang nabanggit ay sapat na aakay sa tao
patungong impiyerno.
q
Nakasaad sa mga tradisyon (ahadith) na
ang taong may riya’—nagpapakita ng
kanyang debosyon, pagkarelihiyoso, dunong,
pagtatalumpati, pangunguna sa pagdarasal,
pag-aayuno at iba pang gawain sa layuning
igalang ng mga tao at hindi pagkamit ng
gantimpala mula sa Allah—ay isang politeista (mushrik).
Ang kanyang politeismo (shirk) ay
pinapatunayan ng Qur’an at mga tradisyong (ahadith)
naiulat mula sa Banal na Pamilya ng Propeta (s).
Kaya, ang kanyang kasalanan ay hindi ipapatawad.
q
Ang
Imam al-Sadiq (‘a) ay tinanong hinggil sa
sumusunod na kasabihan ng Allah: “Sinumang
nais na makipagtagpo sa kanyang Maykapal ay
dapat na gumawa ng mga mabuti at huwag sumamba
sa sinuman maliban sa Allah”
(Qur’an 18:110). Ganito ang kanyang kasagutan:
“Ang mga gawain ng taong gumagawa ng mga mabuti
hindi upang palaring matagpuan ang kanyang
Panginoon kundi upang malaman ng mga tao ang
kanyang mga mabuting gawa at ituring siyang
piyadoso ay magiging dahilan na siya ay ituring
na politeista na sumamba ng iba maliban sa
Allah.” Kanya pang sinabi: “Walang sinuman sa
mundong naglihim ng kanyang mga gawaing mabuti
na hindi ibinunyag ng Allah paglipas ng panahon.
At walang sinuman sa mundong makapaglihim ng
kanyang mga gawaing masama na hindi ibubunyag ng
Allah bago pa man siya lumisan sa mundo.” [Al-Kulayni,
al-Kafi, tomo 2, p. 453]
Ang iba’t ibang mga antas ng mga
mananampalataya at
awliya’
Yaong mga mabuti
at hindi gumagawa ng kasalanan ay maibibilang sa
mga santo at kaibigan ng Allah (awliya’ Allah).
Tungkol naman sa iba, ang uri ng kanilang
mga kabutihan at kasalanan ay malalaman ayon sa
antas kung saan sila nabibilang. Ang mga
katangian na itinuturing na kabutihan ng mga
taong nasa mababang antas ay maaring ituring na
kasalanan ng mga taong nasa mataas na antas.
Katapatan (ikhlas) ang pinakamataas na
antas ng kaligtasan mula sa riya’ at
isang natatanging katangian ng mga awliya’.
Karamihan sa mga tao ay mahilig na ipaalam sa
iba ang kanilang mga kabutihan. Bagama’t ito’y
hindi nakakaapekto sa kanilang paniniwala (iman)
o katapatan (ikhlas), ito’y itinuturing
ng mga awliya’ bilang isang pagkukulang.
At dahilan sa kanilang pagiging malapit sa
Panginoon, ito’y isang uri ng nifaq o
shirk.
Si Imam al‑Baqir (‘a) ay tinanong tungkol
sa katayuan ng taong masaya tuwing malaman ng
iba ang kanyang mga mabuting gawain. Sinabi ng
Imam (‘a): “Walang masama sa ganoon.
Walang sinumang hindi gustong malaman ng mga tao
ang kanyang mga gawaing mabuti, subalit hindi
niya dapat na gawain ang mga ito sa layuning
hangaan siya. [Al-Kulayni, al-Kafi, tomo
2, p. 297]
Ilang mga payo sa pagsugpo ng
riya’
q
Ang
taong dumaranas ng malalang sakit na ito ay
kadalasang hindi batid na ito ay tumagos sa
kanyang personalidad kaya ang kanyang mga gawain
ay walang halaga. Ang mga tukso ni Satanas at ng
sarili ay masyadong mapaglalang at ang landas ng
pagkatao ay masyadong makitid. Kapag hindi
mahagyang maingat ang tao, hindi niya mapapansin
ang masamang ito. Sa kanyang palagay, ang
kanyang mga gawain ay para sa kaluguran ng Allah
subalit ang katotohanan ay para sa kanyang mga
pangsariling interes.
q
Maging
manggagamot ng iyong sarili at madalas na
tanungin ang sarili kung ano ang tunay na mga
layunin sa iyong mga mabuting gawain, salita at
pananampalataya. Ganoon din ba ang iyong
kataimtiman sa paggawa ng mga mabuti, pagdarasal
o pag-aayuno kapag ikaw ay nag-iisa o walang
nakakakita sa iyong mga gawain? Talaga bang
gumagawa ka ng mabuti para lamang sa kaluguran
ng Panginoon? Hinaangad mo bang iyong mga
kaibigan dahilan sa iyong mga kabutihan,
kagalingan, mahabang pagdarasal, at debosyon?
Ano ang iyong nararamdaman kapag hindi ka puriin
sa paggawa ng isang kabutihan? Paghambingin ang
iyong dararamdaman kapag ginawa mo ang isang
bagay sa publiko, at kung walang nakakakita.
Kapag mas gusto mong gawain ito kapag may
makikita kaysa kung walang makakita, iyong
ituring ang sarili bilang isang biktima ng
riya’.
q
Kapag
ikaw ay nananaliksik ng dunong, ang pagiging
biktima ng riya’ ay hihimok sa iyong
magkaroon ng mahalagang katungkulan sa paningin
ng mga taong marangal o pantas sa pamamagitan ng
paglutas ng isang suliranin o pagtalakay ng
isang paksa sa natatanging paraan. Itanong sa
sarili: “Kapag nakayang gawain ito ng isang
kaibigan o ibang tao sa harapan ng madla, o di
kaya ay higit pa sa aking nagawa, ganoon din ba
ang magiging pakiramdam ko? Ang aking ginawa ba
ay para sa kaluguran ng Allah?”
q
Gumawa
ng hakbang upang masugpo ang riya’ dahil
aakay ito sa iyo patungong impiyerno. Alisin ang
hilig na puriin ng mga tao dahilan sa mga
kabutihang ginawa para sa Allah. Gumawa ng mga
kabutihan bilang katungkulan sa Panginoon.
Labanan ang hilig na gumawa ng kabutihan o
manalangin sa publiko o di kaya ay kung saan may
malaking posibilidad na ikaw ay puriin, hanggang
sa ang hilig na ito ay lubusang mabura sa iyong
puso. Laging ipanalangin na mabura sa iyong puso
ang mga dumi ng politeismo at ipokrisiya at ang
kalawang ng paghahangad sa mundo na siyang
ipagmumulan ng mga kasamaan.
Konklusyon:
q
Sinabi
ng Propeta (s): “Sinumang gumagawa ng
bagay na gusto ng Panginoon bilang pakitang-tao,
at kung nag-iisa ay gumagawa ng mga bagay na
hindi gusto ng Panginoon, kanyang matitikman ang
poot at galit ng Panginoon.” [Al-Hurr
al-‘Amili, al-Wasa'il, tomo 1, p.69]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
tunay na Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|