|
Mga Sakit ng Kaluluwa... Masamang Palagay ('Asabiyyah)
Posted: July 6,
2007
O mga tao! Nilikha
Namin kayo bilang lalaki at babae, at ang mga
bansa at tribo upang makilala ninyo ang bawat
isa. Ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng
Allah ay iyong matakutin (sa Kanya).
(Qur’an,
49:13)
Iniulat
ni Imam Ja‘far al‑Sadiq (‘a) na sinabi ng
Propeta (s): “Sinumang may ‘asabiyyah
(anumang uri ng masamang palagay tulad ng
pagpanig sa sariling tribo o lahi, at
nasyonalismo) sa kanyang puso bagama’t ito’y
kasinglaki lamang ng buto ng mustasa, bubuhayin
siya ng Allah kasama ng mga pagano sa panahon ng
Jahiliyyah.”
[Al‑Kulayni, Al‑Kafi, tomo 2, bab al-‘asabiyyah,
p. 308, hadith 3]
Ang
‘asabiyyah
ay isang
pangsikolohiyang katangian na naipapahayag sa
pamamagitan ng pagpanig o pagtanggol ng tao sa
kamag-anak o sinumang may kaugnayan sa kanya
tulad ng paniniwala, ideolohiya, bansa, wika, o
lahi. Ang kaugnayang ito ay maaring may
kinalaman sa propesyon, relasyon ng guro at
mag-aaral, at iba pa. Ito ay isang bisyong
pangmoral na nagmumukhang isang uri ng
pagtatanggol sa katotohanan o relihiyon subalit
sa katotohanan ito ay may layuning itaguyod
ang sariling kapangyarihan o kapangyarihan ng
kasamahan sa relihiyon o grupo, kamag-anak, o
kaibigan.
Ano
ang ‘asabiyyah at ano ang hindi
‘asabiyyah
q Iniulat
na nang tanungin ang Propeta (s), “O
Propeta ng Allah! Ano ang ‘asabiyyah?”,
kanyang (s) sinabi: “Ito ay ang iyong
pagtaguyod sa sariling nasyon (o tribo) sa
pag-aapi.” [Abu Dawud, Sunan, hadith
5119]
q Si
Imam ‘Ali ibn al-Husayn (‘a) ay tinanong
tungkol sa ‘asabiyyah. Kanyang (‘a)
sinabi: “Ang ‘asabiyyah ay magdudulot na
kasalanan sa tao kapag kanyang ituring ang mga
pinakamasamang gawain ng kanyang kalahi o
kababayan bilang mas mabuti kaysa sa mga
pinakamabuting gawain ng kanilang kalabang tribo.
Hindi ‘asabiyyah ang pagmamahal sa
sariling bayan. Subalit, kapag tutulungan ng tao
ang kanyang mga kababayan sa pang-aapi sa iba,
ito ay ‘asabiyyah.” [Al‑Kulayni, Al‑Kafi,
tomo 2, bab al-‘asabiyyah, p. 308,
hadith 7]
Ang
mga kasamaan ng
‘asabiyyah
Kapag
ang puso ng tao ay puno ng dumi ng
pangmakasarili, pagmamahal sa kamag-anak at
hindi nararapat na ‘asabiyyah, ang ilaw
ng paniniwala ay hindi magbibigay liwanag.
q Iniulat
na sinabi ni Imam al‑Sadiq (‘a):
“Babalutin (‘asabahu) ng Allah ng isang
tupi (‘isabah) ng Apoy ang
sinumang may ‘asabiyyah (laban sa iba).”
[Al‑Kulayni, Al‑Kafi, tomo 2, bab al-‘asabiyyah,
p. 308, hadith 4]
q Iniulat
mula kay Imam al‑Sadiq (‘a) na sinabi ng
Propeta (s): “Ang kurbata ng paniniwala
ay tinanggal sa leeg ng sinumang may
‘asabiyyah o alang-alang sa kanya ang ibang
tao ay may ‘asabiyyah.”
[Al‑Kulayni,
Al‑Kafi, tomo 2, bab al-‘asabiyyah,
p. 308, hadith 2]. Ang ibig sabihin, siya
ay walang paniniwala at sa paningin ng Allah
siya ay hindi nabibilang sa mga nananampalataya.
Hinggil sa taong nakikinabang sa ‘asabiyyah
ng iba, siya ay kabilang din sa hadith
dahilan sa kanyang pagsang-ayon sa gawain ng
kanyang kasama. Kaya, sila ay magkasama sa
kasalanan.
Ang
‘asabiyyah
laban sa isang bansa o grupo ay maaring
humantong sa paggawa ng marami pang mga
kasalanan tulad ng paninirang-puri, at mga
karumal-dumal na krimen tulad ng pang-aapi,
pagpatay, pagpuksa, at iba pa.
Ang
‘asabiyyah
ng mga matalino
q Ito
ay mas masama at masidhi kaysa sa iba pang mga
uri ng ‘asabiyyah dahil ang isang pantas
o matalino ay nararapat na patnubay ng
sangkatauhan. Bukod dito, ang karunungan at
pagtuturo ay isa sa mga sanga ng puno ng
nubuwwah at wilayah. Tiyak na ang
katiwalian ng isang pantas ay maging sanhi ng
katiwalian ng isang bansa.
q Ang
uri ng ‘asabiyyah na ito ay naipapahayag
bilang kasutilan sa pagtatalo at kaugaliang
pagtataguyod sa sariling mga kataga at kuro-kuro
or ng sariling guro nang walang
pagsasaalang-alang kung ito ba ay pagtatanggol
sa katotohanan at pagpabulaan sa kabulaanan, o
hindi.
q Sinumang
tumuturing sa sarili bilang ilaw ng patnubay
para sa mga tao ay nararapat na maglingkod
bilang tunay na patnubay tungo sa landas ng kaluguran
at bilang taong inatasang patnubayan ang mga tao
tungo sa kabilang-buhay. Kapag hindi siya tapat
sa kanyang mga salita at ang kanyang pagkatao ay
salungat sa kanyang pag-uugali, siya ay
tatawaging masamang pantas, isang matalino na
masama ang ugali, o ipokrito.
q Isa
pang kasuklam-suklam na aspeto ng bisyong ito sa
mga matatalino ay ang kalupitan sa dunong mismo
dahil ang ‘asabiyyah na ito ay katumbas
ng pagmamalabis at kawalang-galang sa dunong.
q Ang
masamang aspeto ng bisyong ito ay ang kasalanang
nagawa laban sa kabilang panig na binubuo rin ng
mga pantas. Sila rin ay nararapat na igalang at
ang paglapastangan sa kanila ay isang malaking
kasalanan. Minsan, ang walang kabuluhang
‘asabiyyah ay humahantong sa pag-insulto sa
mga pantas.
q Ang
ibang aspeto ng ‘asabiyyah ay may
kinalaman sa taong pinapanigan bilang guro,
halimbawa, ng taong pumapanig. Maaring mapilitan
siyang itaboy ang kanyang estudyante dahil ang
lahat ng mga magiting at mabuting guro (parangalan
sana sila ng Allah) ay natural na pumapanig sa
katotohanan at katarungan, at kinasusuklaman ang
katiwalian at kalupitan.
Ano
ang pipiliin ng mu’min –‘asabiyyah
o katotohanan?
q Ang
tunay na nananampalataya (mu’min) ay may
puso na tagapaglarawan ng ilaw ng paniniwala.
Siya ang sigasig ng katotohanan at banal na
dunong. Siya ay tapat sa mga kautusan ng
relihiyon at mga makatwirang prinsipyo at batas.
Walang anumang kaugalian, pamamaraan, pag-ibig,
pagkakaibigan, o ibang bagay ang mag-udyok sa
kanyang lumihis sa tapat na landas ng
pagtangkilik sa katotohanan at katarungan.
q Makatanggap
ng Islam at makapagsabing may iman lamang
ang tao kapag siya ay masunurin at mapagkumbaba
sa katotohanan. Kaya, kanyang ipinapalagay na
hindi mahalaga at pansamantala ang kanyang mga
layunin at mithiin, bagama’t mahalaga ang mga
ito, kung ihambing sa mga layunin at kautusan ng
kanyang Panginoon at Tagapagkalinga. Kanyang
isinusuko ang kanyang kagustuhan sa Kagustuhan
ng kanyang Panginoon. Ang taong ito ay walang
anumang bakas ng ‘asabiyyah at laging
handang humarap sa katotohanan. Ang mga makapal
at maitim na kurtina ng ‘asabiyyah ay
hinding-hindi magiging hadlang sa kanyang
paningin. Kapag atasang ipatupad ang katarungan
at sabihin ang katotohanan, kanyang tatalikuran
ang lahat ng ugnayan at pagsasamahan at
ihahandog ang lahat ng pagkakamag-anak at
karaniwang ugnayan sa dambana ng mga kahilingan
at kautusan ng kanyang Panginoon.
Kapag
may salungatan sa pagitan ng Islamikong
‘asabiyyah at ‘asabiyyah ng
Jahiliyyah, siya ay papanig sa nauna para sa
katotohanan at katarungan. Alam ng taong pantas
na ang lahat ng uri ng ‘asabiyyah at
ugnayan ay panandalian at mawawala pagkatagalan.
Ang tanging palagian at tunay na ugnayan ay ang
ugnayan sa pagitan ng Lumalang at nilalang. Ito
ay mas matibay, banal at mahalaga kaysa lahat ng
ugnayan at pagkakamag-anak.
Kapuri-puring
‘asabiyyah
Ang
pagtatanggol sa katotohanan, pagtatanggol sa
katarungan, at pagsisikap na ipalaganap at
paniwalaan ang totoo ay hindi ‘asabiyyah
at kung ‘asabiyyah man, ito ay
kumakatawan sa kapuri-puring uri nito. Ang
batayan ay ang mga natatanging layunin at hangad,
at kung gaano ito may kinalaman sa mga
pangmakasarili at masamang pakay at nagtataguyod
ng mga makatarungan at mabuting layunin. Kaya,
tuwing tutulungan ng tao ang kanyang mga
kamag-anak at kaibigan, kapag ginagawa niya ito
para lamang sa pagtatanggol sa katurungan laban
sa paniniil, itong uri ng ‘asabiyyah ay
kapuri-puri at kahanga-hanga dahil ang
pagtatanggol sa katarungan at katotohanan ay isa
sa mga pinakamarangal na katangiang pangtao at
kabilang sa mga kaugalian ng mga Propeta (‘a)
at awliya’ ng Allah. Dapat na panigan ng
tao ang pangkat ng katotohanan at katarungan
bagama’t ito’y kanyang mga kaaway. Ang taong
ganyan ay tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng
katotohanan. Mabibilang siya sa mga bayani ng
karingalang pangtao, isang tapat na mamamayan ng
pinakamimithing lipunan at may kakayahang
buburahin ang mga kabaluktututan sa lipunan.
q Sinabi
ng Propeta (s): “Ang pinakamabuti sa inyo
ay ang taong nagtatanggol sa kanyang mga katribo
habang hindi siya gumagawa ng kasalanan.”
[Abu Dawud,
Sunan, hadith 5130]
q Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Kapag hindi ninyo
maiwasang hindi mabilang sa mga taong gumagawa
ng ‘asabiyyah, gumawa ng
‘asabiyyah para sa pagtatanggol sa
katotohanan at mga api.”
[Al-Amidi,
Ghurar ul-Hikam wa Durar ul-Kalim, hadith
3738]
Ang
sumpa ng
‘asabiyyah
Ang
‘asabiyyah ay isang mapanganib na
kalagayan para sa tao at lipunan. Bawat tao ay
dapat na talagang magmuni-muni tungkol sa mga
maibubunga nito dito sa mundo at sa
kabilang-buhay. Kapag mahal o kinasusuklaman mo
ang isang tao, o pumapanig o kumakalaban ka sa
isang pangkat o bansa, iyong isipin kung ano ang
nag-udyok sa iyo. Kapag hindi ito pagtataguyod
sa katotohanan at katarungan, pagtulong sa mga
api o pagpigil sa pang-aapi at kalupitan,
nanarapat na iyong hintuan ang pagtatanggol sa
mga taong may kaugnayan sa iyo. Tiyak na mahirap
para sa iyong magkaroon ng ganoong hakbang at
talikuran ang pagmamahal, pagkakaibigan at
kaugnayan ng iyong mga kamag-anak, kaibigan at
kasamahan. Ang iyong pasiyang talikuran ang
‘asabiyyah ay hindi lang magligtas sa iyo sa
apoy ng impiyerno kundi mag-udyok din sa ibang
tularan ka.
Konklusyon
q Sinabi
ng Propeta (s): “Sinumang magtaguyod ng
‘asabiyyah, makipalaban alang-alang dito
at mamatay sa landas nito ay hindi
nabibilang sa amin.”
[Mizan al-Hikmah,
hadith 13035]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|