|
Mga Sakit ng Kaluluwa... Inggit (Hasad)
Posted: December
25,
2006
...O baka naman
kinaiinggitan nila ang [ibang] mga tao dahilan
sa biyaya ng Allah na ipinagkaloob sa kanila?
(Qur’an, 4:54)
Sinabi ni Abu ‘Abd
Allah (al‑Imam al‑Sadiq) (‘a) na sinabi
ng Apostoles ng Allah (s) na sinabihan ng
Poong Maykapal si Musa anak ni ‘Imran (‘a)
ng ganito:
“O anak ni ‘Imran,
huwag mong kaiinggitan ang mga tao dahilan sa
mga biyayang ipagkakaloob Ko sa kanila; huwag mo
silang panlisikan ng mata, at huwag magpadala sa
iyong (mainggiting) sarili. Sa katotohanan, ang
taong mainggitin ay galit sa pagkakaloob Ko ng
biyaya, at tumututol sa pagbabahagi Ko ng mga
biyaya sa Aking mga nilalang. Sinumang ganyan ay
hindi kabilang sa Akin at hindi rin Ako kabilang
sa kanya.”
[Al-Kulayni, Usul al‑Kafi, tomo 2, p.
307, bab al-hasad, hadith 6]
Ang
hasad
o inggit ay isang kalagayang sikolohikal kung
saan hinahangad ng tao na hindi makamit ng ibang
tao (ang mahsud o kinaiinggitan) ang
isang biyaya, talino or katangian na nararapat
sa kanya. Ipinapaliwanag ng mga katuruang moral
ng Islam ang mga dahilan at motibo ng hasad
at ang mga masamang epektong pang-espirituwal,
pangmoral at panlipunan nito at naghahandog ng
mga praktikal na solusyon laban sa sakit pang-espirituwal
ng ito.
Ang mga Dahilan at Motibo ng Hasad
Ang mga katangian
ng ibang tao tulad ng talino, mga katangiang
pang-espirituwal at pangmoral, o magagandang
gawain, o mga panglabas na salik tulad ng
karangalan, katanyagan at yaman ay maaring
magdulot ng hasad. Gayundin, ang mga
immoral o masasamang katangian na inaakalang
mabuti ay maari ring magdulot ng hasad.
Halos lahat ng mga sanhi ng hasad ay mga
produkto ng damdaming pagiging mababa at
malumbay. Kapag ang akalain ng tao ay natatangi
ang iba sa kanya, magkakaroon siya ng
pagkasilong na kapag maragdagan ng mga panglabas
na salik at lihim na kagustuhan ay nagdudulot ng
inggit sa kanyang puso.
Ang pantas na si
‘Allamah Majlisi ay nagbigay ng pitong dahilan
at motibo ng hasad. Ang mga dahilang ito
at mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
q Poot:
Ang hasad ay maaring dulot ng poot.
Halimbawa, ang poot sa isang pamilya, tribo o
grupo ay maaring sanhi ng inggit ng tao sa mga
tagumpay na nakakamit ng kinapopootan.
q Pagiging
mapagmataas: Inaasam ng hasid (taong
naiinggit) ang kapurihan ng mahsud
dahilan sa isang katangian nito. Dahilan sa
kawalan ng pasensiyang sugpuin ang pag-aasam na
ito, ang hasid ay nagiging mapagmataas at
marubdob na hinahangad na mawala ang katangiang
ito sa mahsud.
q Kibr
(pagmamalaki): Ang hasid ay marahas sa
taong may katangian, kagalingan o talino, at
nabibiglang makita ang biyayang naibibigay sa
taong kanyang kinaiinggitan. Halimbawa,
minamaliit ng mayaman ang karangalan ng isang
dukha sa paniniwalang ang karangalang ito ay sa
kanya nararapat.
q Takot
at pag-aasam sa kapangyahiran: Ang taong
naiinggit ay takot din sa maaring hakbang ng
taong may katangian or talino na hahadlang sa
kanyang mga pinapangarap. Ang takot na ito ay
mapapansin kapag ang pagkuha o pagpapanatili ng
tao sa kapangyarihan sa iba ay nangangailan na
walang ibang tao ang dapat may katulad na
katangian o talino. Halimbawa, ang taong nais na
muling mahalal bilang pangulo ng isang samahan
ay maghahangad na walang ibang kasapi ang
pumunta sa harapan at magpakita ng kagalingang
mamuno tulad ng pagtalumpati at kahusayan sa
pagbubuo at pagpapakilos sa samahan.
q Likas
na kasamaan: Hindi nais ng taong likas na masama
na makita ang ibang tao na maging maligaya.
Madalas na tinutugon ng ganoong tao ang balita
tungkol sa mabuting kapalaran ng iba sa
edukasyon o negosyo, halimbawa, ng tuya,
pesimismo at kutya, o ibang bastos na paraan o
kilos.
Ang mga masamang epekto ng Hasad
Ang inggit ay isa
sa mga pinakamapanganib na sakit ng puso at ito
ay nagbubunga ng ibang mga bisyo tulad ng
pagkukunwaring banal, pagtsismis,
paninirang-puri, pagmamalabis, pangunguyam, at
pagpapahirap nang labis sa iba na puro mga
mabigat na kasalanan. Ang kasuklam-suklam na
katayuang ito ay nagpapakitid at nagpapadilim sa
puso ng tao at ang mga epekto nito ay lalaganap
sa kanyang pang-ilalim at pang-ibabaw na
pagkatao. Ang mga pangangamba at dalamhati ng
hasid ay lumiligid sa tao o mga taong
kanyang kinaiinggitan. Ang hasad sa
kanyang puso ay bumubulag sa kanya kaya hindi
niya nakikita ang mga kabutihan ng kinaiinggitan,
at nagiging malungkot siya dahilan sa mga
biyayang ipinagkakaloob ng Panginoon sa
mahsud. Ang espirituwal na liwanag at banal
na alipato ng paniniwala na dahilan kung bakit
ang puso ng taong ay mas malaki kaysa anumang
bagay sa mundo ay hindi makakasang-ayon sa
kadiliman at kakitiran ng pusong dulot ng
hasad. Ang puso ay nagiging malungkot at
malumbay, ang dibdib ay nagiging masikip at ang
mukha ay nagiging mabalasik at nakasimangot.
Habang lumalala ang kalagayang ito, mas lalo
nitong tinutupok ang liwanag ng paniniwala na
siyang sanhi ng kaligtasan ng tao sa kabilang
buhay at ang buhay at sigla ng kanyang puso. Sa
katapusan, gagawin ng sakit na ito ang hasid
bilang isang kawawang hamak.
q Ang
Propeta Muhammad (s) ay nagsabi: “Babala!
Huwag kalabanin ang mga biyaya ng Allah.” Nang
siya ay tanungin tungkol sa mga taong
kumakalaban sa mga biyaya ng Allah, kanyang (s)
sinabi: “Ang mga taong mainggitin.” (Al-Mu‘tazali,
Sharh Nahj al-Balaghah, tomo1, p. 315)
q Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Ang inggit ay
pangunahing lalang ni Satanas.” (Al-Amadi,
Ghurar al-Hikam wa Durar al-Kalam, hadith
1133)
q Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Ang hasid ay
isang taong may sakit bagama’t siya ay mukhang
malusog.” (Ghurar, hadith 1963)
q Iniulat
ni Muhammad ibn Muslim na sinabi ni Imam al‑Baqir
(‘a): “Ang tao ay marahil mapatawag sa
isang bagay na ginawa habang galit subalit
tinutupok ng hasad ang paniniwala (iman)
tulad ng pagtupok ng apoy sa kahoy.” (Al-Kulayni,
Usul al‑Kafi, tomo 2, p. 306, Bab al-Hasad,
hadith 1)
q Naiulat
na sinabi ni Imam Ja‘far al-Sadiq (‘a):
“Sinasabi ni Satanas sa kanyang mga kawal:
“Itanim ang
hasad at
pagsuway sa Allah sa kanilang mga puso dahilan
sa ang mga ito ay katulad ng shirk (politeismo)
sa paningin ng Allah”.” (Al-Kulayni, Usul al-Kafi,
tomo 2, p. 327, Bab al-Baghy, hadith
2)
q Iniulat
ni Imam Ja‘far al-Sadiq (‘a) na sinabi ni
Luqman (‘a) sa kanyang anak: “May tatlong
palatandaan ang taong hasid: (1) Siya na
naninirang-puri; (2) Siya ay manghihibo sa
harapan; at (3) Siya ay masaya kapag datnan ng
masamang kapalaran [ang taong kinaiinggitan].
(Al-Saduq, Al-Khisal, p. 121, hadith
113)
Ang Lunas sa Sakit na Ito
Kapag ikaw ay
dumaranas ng mapanganib na sakit na ito, taimtim
na pagmunimunihin ang laki ng mga masamang
epekto nito sa iyong paniniwala. Isaalang-alang
ang mga sumusunod na hakbang upang matanggal ito
sa iyong puso:
Tandaan na ang iyong inggit ay walang masamang
naidudulot sa iyong kinaiinggitan (mahsud)
at hindi rin nito nawawala ang anuman sa mga
taglay niyang kabutihan at katangian. Patuloy
kang makakaranas ng lungkot, sakit at dalamhati
samantala ang mahsud ay lubos na maligaya.
Maging sa kabilang-buhay ang iyong inggit ay
nakakabuti sa iyong mahsud, lalung-lalo
na kapag ito ay nauwi sa paninirang-puri dahil
ang iyong mga mabubuting gawain ay mailipat sa
mahsud
q Pilitin
ang iyong sariling maging magiliw sa mahsud.
Ang nararapat na layon ng iyong kabutihan ay
pagtanggal sa iyong inggit. Ang iyong sarili ay
mag-utos sa iyong saktan ang mahsud
subalit dapat mong tutulan ito at gawain ang
salungat dito at kaibiganin siya. Dapat mong
igalang siya at unti-unting kumbinsihin ang
iyong puso na igalang siya.
q Sikaping
makita mismo ang kanyang mga kabutihan at isipin
na ang mga ito ay mga biyaya ng Allah sa kanya.
Pilitin ang iyong sariling purihin siya at
ipaalam sa iba ang kanyang mga katangian.
Bagama’t ang iyong kilos ay hindi natural sa
simula, dahilan sa ang iyong layunin ay
pagbabago sa sarili, ito ay unti-unting maging
natural. Insha’Allah, araw-araw ito ay
magiging iyong totoong kilos at ang iyong puso
ay susunod sa iyong dila sa pagpuri sa kanyang
mga kabutihan at katangian.
q Dapat
mong kumbinsihin ang iyong sarili at unawain na
ang iyong mahsud ay isang nilalang ng
Panginoon; marahil ito’y isang biyaya ng
Panginoon na siyang hirangin para sa mga
katangian at biyaya na kanyang tinatamasa at
wala sa iyo.
q Kapag
ang iyong kinaiinggitan ay isang ‘alim (dalubhasa
sa relihiyon) na may taglay na dunong o
kabanalan, dapat mong maunawaan na isa siya sa
mga pili ng Panginoon na naghandog sa kanya ng
malaking katangian. Sikapin mong maging
mapagmahal at mapagkumbaba sa kanya.
q Sa
anumang yugto ng iyong panggagamot sa sarili,
huwag mong isipin na ang bisyong ito ay hindi na
malulunasan; ang maling akalang ito ay bulong ni
Satanas at mababang pagkatao (al-nafs al-ammara)
na humahangad na mabigo ang iyong mga pagsisikap
na gamutin ang sarili. Umasa sa Poong Maykapal
na nangakong papatnubay sa mga taong
nagsusumikap at tutulong sa kanila sa
pamamagitan ng Kanyang hindi nakikitang grasya
at dadagdagan ang kanilang mga kakayahan. (Al-Khumayni,
Forty Hadith, tomo 5 ‘Hasad’)
Konklusyon:
Ang hasad
ay isang sakit ng kaluluwa na may mga mahalagang
epektong pangsikolohiya, pangmoral at
panglipunan. Sa kabutihang palad, ito ay
malulunasan sa pamamagitan ng taimtim na
paniniwala at walang-humpay na pagsisikap. Ang
taong may paniniwala ay maasahin sa mabuti,
umaasa sa Panginoon at nalulugod sa paraan ng
pagbabahagi ng Panginoon sa Kanyang mga biyaya
sa pagitan ng Kanyang mga nilalang.
q Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Sinumang hindi na
naiinggit ay mahal ng mga tao.” (Al-Majlisi,
Bihar al-Anwar, tomo 77, p. 237, hadith
1)
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|