|
Mga Sakit ng Kaluluwa... Paninirang-Puri (gheebah)
Posted: August 17,
2005
“...At huwag kayong manirang-puri sa kapwa;
mayroon bang isa sa inyong ibig kumain ng laman
ng kanyang patay na kapatid? Ikasusuklam ninyo
ito.”
(Qur’an
49:12)
Ang Propeta
Muhammad (s) ay minsang nagsabi kay Imam
‘Ali (‘a): “O ‘Ali! Kung may makarinig ng
paninirang-puri sa kanyang kapatid na Muslim,
ngunit hindi niya ito ipagtatanggol bagama’t
abot-kaya niya ito, tiyak na hahamakin siya ng
Panginoon dito sa mundo at sa Kabilang-Buhay.”
[Al-Hurr
al-‘Amili,
Wasa’il al-Shi`ah,
tomo 8, hadith bilang 16336]
Si
Abu Dharr (r) ay minsang nagtanong sa
Propeta Muhammad (s): “O Mensahero ng
Allah, ano ang gheebah?” Sinagot niya:
“Ito ay pagbanggit ng anumang bagay tungkol sa
iyong kapatid na kanyang kinamumuhian.”
Itinanong ni Abu Dharr (r): “O Mensahero
ng Allah, paano kung ang bagay na ito ay
talagang nasa kanya?” Sinagot niya (s):
“Dapat mong malaman na kung bumanggit ka ng
anumang nasa kanya, ito ay gheebah, at
kung bumanggit ka ng anumang wala sa kanya, ito
ay paghahatid-humapit laban sa kanya.”
[Al-Hurr al-‘Amili,
Wasai'l al-Shi`ah,
tomo 8, hadith bilang 16312]
Mga bunga ng
Paninirang-Puri
Ang
Propeta (s) ay minsang nagbigay-payo kay
Abu Dharr (r) ng ganito: “O Abu Dharr!
Mag-ingat sa paninirang-puri dahilan sa ang
paninirang-puri ay mas malubha pa kaysa
pakikiapid (zinā’).” Itinanong ni Abu
Dharr (r): “Bakit ganoon, O Mensahero ng
Allah?” Kanyang (s) sinagot: “Ito ay
dahilan sa kung ang tao ay nakiapid at
pagkatapos ay humingi ng kapatawaran sa
Panginoon, patatawarin siya ng Panginoon.
Subalit ang paninirang-puri ay hindi
ipinapatawad hanggang sa hindi ipinapatawad ng
kanyang biktima.”
q
Al-Hurr
al-‘Amili,
Wasa’il al-Shi`ah,
tomo 8, hadith bilang 18312
Ang
Dakilang Mensahero (s) ay nagsabi:
“Sinumang naninirang-puri sa isang Muslim ay
sumasayang sa kanyang mga pag-aayuno at
wudu', at sa Araw ng
Muling-Pagkabuhay ang baho ng kanyang
bunganga ay mas matindi kaysa isang bangkay,
at pagdirian ng mga yaong nasa kanyang istasyon
(mawqif). Kung mamamatay siya bago pa
man magsisi, ang kanyang pagkamatay ay katulad
ng pagkamatay ng taong namatay habang
itinuturing na pinahihintulutan ang anumang
ipinagbabawal ng Panginoon, ang Dakila, ang
Maluwalhati.”
q
Al-Hurr
al-`Amili,
Wasa’il al-Shi`ah,
tomo 8, hadith bilang 16316
Isinalaysay ng Imam al-Sadiq (‘a) mula sa
Propetang (s) nagsabi: “O kayong tumalima
sa Islam sa pamamagitan ng inyong mga dila
subalit ang paniniwala ay hindi pa napapaloob sa
inyong mga puso, huwag ninyong hamakin ang mga
Muslim at huwag ninyong hanapin ang kanilang mga
kamalian. Sa katotohanan, ibubunyag ng Panginoon
ang mga kamalian ng sinumang humahanap ng
kanilang mga kamalian; at sinumang may
Panginoon pagkatapos ng kanyang mga kamalian ay
hahamakin, maging sa kanyang sariling tahanan.”
q
Al-Kulayni,
al-Kafi,
tomo 2, “Kitab al-Iman wal-Kufr,” “Bab
man talaba 'atharat al-Mu'minin,” hadith
bilang 2
Isinalaysay ng Imam al-Sadiq (‘a) mula sa
Propetang (s) nagsabi: “Ang kapinsalaan
sa paniniwala ng isang nananampalataya na dulot
ng paninirang-puri ay mas mabilis kaysa
kapinsalaang dulot ng aklah (isang sakit
na bumubulok ng laman) sa kanyang katawan.”
q
Al-Kulayni,
al-Kafi,
tomo 2, “Kitab al-Iman wal-Kufr,” “Bab
al-Gheebah wal-Buht,” hadith bilang 1
Kapag
ang paninirang-puri ay naging bahagi ng ating
asal, ito ay magdudulot ng masamang mga epekto
sa ating kaluluwa. Isa dito ay ang paglinang ng
poot at pagkamuhi sa biktima na unti-unting
tumitindi. Sa oras ng kamatayan, nang ang mga
belo ng makaanghel na kaharian (al-malakut)
ay maiangat, masasaksihan ng naninirang-puri
ang kaaya-ayang katayuan ng kanyang mga biktima
sa paningin ng Panginoon, at ang karangalan at
mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Poong
Maykapal. Kaya ang poot at pagkamuhi ng
naninirang-puri sa kapwa ay maaring humantong sa
kanyang pagkamuhi sa Poong Maykapal! Kaya,
lilisanin niya ang mundong ito habang ang
kanyang puso ay may poot sa Panginoon, at
makakamit niya ang walang-hangganang kapahamakan.
Pagbabawal ng
Pakikinig sa Paninirang-Puri
Ang
paninirang-puri ay ipinagbabawal; gayundin ang
pakikinig nito. Sa katunayan, ayon sa
ipinapahiwatig ng ilang mga tradisyon (hadīth),
ang nakikinig ay katulad ng naninirang-puri sa
lahat ng mga masasamang aspeto—sa paraang ang
kanyang gawi ay isang mabigat na kasalanan na
nangangailan ng paghihingi ng kapatawaran sa
biktima.
Ang
Propeta (s) ay nagsabi: “Ang nakikinig
ay isa sa dalawang naninirang-puri.”
q
Al-Fayd
al-Kashani,
Al-Mahajjat al-Bayda’,
tomo 5, p. 260
Isinalaysay ng Imam al-Sadiq (‘a) mula sa
Dakilang Mensahero (s) na minsang
nagbawal sa paninirang-puri at sa pakikinig nito.
At kanyang (s) sinabi: “Masdan, sinuman
ang makapagbigay-tulong sa kanyang kapatid sa
pamamagitan ng pagpapabulaan sa paninirang-puri
laban sa kanya sa isang pagtitipon, ililigtas
siya ng Panginoon mula sa daan-daang mga
kasamahan dito sa mundo at sa Kabilang-Buhay. At
kapag hindi niya ito ginawa bagama’t kaya niya
itong gawain, mapasakanya ang pasan ng siyang
naninirang-puri nang pitumpong beses.”
q
Al-Hurr
al-‘Amili,
Wasa'il al-Shi`ah,
tomo 8, hadith bilang 16316
Kabilang sa mga tusong paraan ng paninirang-puri
ay ang pakikinig nito nang may panggigilalas.
Ang naturang tao ay nagpapahayag ng
panggigilalas upang maging masigla ang
naninirang-puri sa kanyang mga paglalarawan. Ang
kanyang panggigilalas ay humihimok sa ikalawa sa
kanyang masamang gawi. Halimbawa, sasabihin niya,
“Kataka-taka” o “Astaghfirullah!”.
O di kaya ay sasabihin niya, “Hindi ko alam
iyan!” o “Hindi ko akalaing magagawa niya
iyon!” Ang mga pananalitang ito ay
nangangahulugan ng pagpapatibay sa mga isinasaad
ng naninirang-puri at ng paghihimok nitong
kanyang ipagpatuloy. Sa katunayan ang mga gawing
ito ay mga artipisyo ni Satanas. Sa katotohanan,
ang pagpapatibay ng paninirang-puri ay
paninirang-puri rin; katulad ng pakikinig nito,
at maging ang pagkakaroon ng walang-kibo habang
naririnig ito.
q
Diskurso ni al-Shahid al-Thani ayon sa pagkasipi
sa
Forty Hadith
ni Ayatullah Khumayni.
Ang
Paninirang-Puri ay Maaari Bang Pahihintulutan?
Mayroon lang ilang mga sitwasyon kung kailan
pinapahintulutang magsalita hinggil sa mga
kamalian ng ibang tao. Nararapat na masyadong
maingat nang sa gayon ang pagkakaroon ng mga
kataliwasang ito ay hindi hahantong sa paggawa
ng kasalanan. Ilan sa mga sitwasyong ito ay ang
mga sumusunod:
q Pagtatanggol
sa mga Muslim mula sa kasamahan ng iba, kabilang
ang mga sitwasyon kung saan ang tao ay
pinakiusapang managot sa integridad ng isang
pakakasalan;
q kung
ang pinag-uusapang tao ay hindi naglilihim sa
kanyang paglalabag sa mga Banal na kautusan;
q paglalarawan
ng anumang kamalian ng pasyente sa isang
manggagamot para sa mga layuning panggagamot;
q
pamimintas sa isang tagasalaysay ng mga
tradisyon (hadith).
Ang Lunas para sa
Sakit na ito
Kung
mayroon mang gumagawa ng masamang gawing ito,
nararapat niyang talikuran ang bisyong ito at
buhayin sa kanyang puso ang mga ugat ng
katapatan, pagkakaisa at pagkakasundo sa
pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
q
Magmuni-muni ka ng ilang saglit sa mga epekto ng
kasalanang ito dito sa mundo at sa
Kabilang-Buhay. Muni-munihin ang katakut-takot
at kakila-kilabot na mga pangyayari na iyong
mararanasan sa libingan, Barzakh (purgatoryo),
at sa Araw ng Muling-Pagkabuhay. Unawaing mabuti
ang mga kataga ng Banal na Propeta (s) at
ng kanyang pamilya (‘a) sa dahilang ang
kanilang mga perlas ng dunong hinggil dito ay
gagapi sa iyo. Pagkatapos isaalang-alang mo ang
isang saglit na kawilian, tsismis at kaluguran
ng pagnanasang guniguni laban sa daan-daang
taong kahirapan o walang-hangganang kapahamakan
sa impiyerno at walang-katapusang mahapding
kaparusahan!
q
Alalahanin ito: kahit na may hinanakit ka sa
taong sinisiraan mo ng puri, ang hinanakit na
ito ay hindi nangangailangang ikaw ay
manirang-puri. Nakasaad sa mga tradisyon (hadith)
na ang mga mabubuting gawi ng naninirang-puri ay
naililipat sa aklat ng mga gawi ng kanyang
sinisiraang-puri, at ang mga kasalanan nito ay
maililipat sa talaan ng naninirang-puri.
q
Magsisi at humingi ng kapatawaran sa biktima,
kung ito ay posibleng hindi magdulot ng mga
masamang kahihinatnan; kung hindi ay himingi ka
ng habag ng Panginoon para sa biktima.
q
Buong-lakas mong linisin ang iyong kaluluwa mula
sa kasalanang ito sa pamamagitan ng pagsumpa sa
sariling umiwas sa masamang gawing ito sa loob
ng takdang panahon. Pigilin mo ang iyong dila at
maiging bantayan ang sarili at pangaralan nang
mahigpit ito. Harinawa, sana paglipas ng ilang
panahon matutuklasan mo ang iyong sariling
nagbago at ligtas sa mga masamang bakas nito.
Unti-unti maging magaan ang gawing ito, at
makakadama ka ng natural na disposisyong
ikamumuhi at ikasusuklam ito. Sa puntong ito,
makakataglay ka ng kapayapaan at kalugurang
espirituwal sa pagkamit ng kalayaan mula sa
bisyong ito.
q
Ang
paninirang-puri ay madalas bunga ng kahinaan sa
sariling kaluluwa ng naninirang-puri, tulad ng
panganganino. Suriin ng mabuti ang iyong sarili
upang matuklasan ang kahinaan na nag-udyok sa
iyong manirang-puri sa iyong kapwa; pagkatapos
ay pagsikapang malunasan ang kahinaang ito.
Konklusyon:
q
Ang
Propeta (s) ay nagsabi: “Walang kahoy na
mas mabilis tumupok ng apoy kaysa gheebah
sa pagtupok ng mga birtud ng isang deboto.”
[Al-Mahajjat
al-Bayda’,
tomo 5, p. 264]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|