|
Mga Kabutihan ng Kaluluwa... Pagsaliksik ng
Dunong
Posted: July 30,
2005
...At matakot sa
Panginoon, (nang sa gayon) kayo ay Kanyang
tuturuan...
(Qur’an, 2:
282)
Ang Banal na Propeta (s) ng Islam ay nagsabi:
“Ang pagsaliksik ng dunong ay tungkulin ng bawat
lalaki at babaeng Muslim.”
[Al-Majlisi
Bihar al-Anwar, tomo 1, p. 177]
Ayon sa mga katuruan ng Islam, ang pagsaliksik
ng dunong ay isa sa mga dakilang uri ng
pananampalataya na aakay sa tao tungo sa Paraiso.
Subalit, ang layunin ng pagsaliksik ng dunong ay
mas mahalaga kaysa dunong mismo. Ang pagsaliksik
ng wastong dunong nang may banal na layunin,
para sa kaluguran ng Panginoon at paglilingkod
sa Kanyang mga nilalang, ay aakay sa tao
patungong Paraiso kasama ng mga propeta at santo
(awliya). Subalit ang pagsaliksik ng dunong para
sa mga motibong pansarili, makamundo, o
pangmundo ay aakay sa tao tungo sa kamangmangan,
mga kasalanan laban sa mga nilalang ng Panginoon,
at sa wakas, sa impiyerno.
Ang Katotohanan ng Dunong
* Sinabi ng Propeta Muhammad (s): “Ang dunong ay
hindi (natatamo) sa pamamagitan ng malawakang
pag-aaral. Kundi, ito ay isang liwanag na
ibinabahagi ng Panginoon sa puso ng sinumang
nais Niyang patnubayan.”
[Al-Majlisi, Bihar
al Anwar, tomo 67, p. 140]
* Ang lahat ng mga sangay ng dunong, anumang uri
ng mga ito, ay mahahati sa dalawang
pangkalahatang pangkat: (1) ang mga siyensiya ng
kabilang-buhay na ang tunay na layunin ay
pagkamit ng mga matataas na katayuan malapit sa
Panginoon, paglingkod sa mga nilalang ng
Panginoon, at pagkamit ng mga gantimpala sa
kabilang-buhay; at (2) ang mga pangmundong
siyensiya na ang tunay na layunin ay pagkamit ng
mga pangmundong layunin, kayamanan, katayuan sa
lipunan, at pagbigay-kasiyahan sa mga hangaring
pangsarili at makasarili. Kaya, ang hangad sa
pagsaliksik ng dunong ang nagsasagawa nitong
maging pangmundo o pangkabilang-buhay.
* Bawat kaluluwa na patuloy sa pagdalisay sa
sarili mula sa mga masasamang gawi at kasakiman
ay makakatamo ng mga pamukaw-siglang maka-anghel.
Kaya ang dunong na makakamit nito ay ang tunay
at maka-Diyos na dunong dahil ito ay gagabay sa
kanya sa pagsasagawa ng mga mabuting gawi at
aakay sa kanya tungo sa Panginoon. Ang tunay na
dunong na ito ang espiritwal na lampara ng
patnubay na magturo ng tuwid na landas sa kanya
at sa tahanan ng Kanyang kaligayahang lubos.
* Ang kaluluwa na pinamamayanihan ng kasakiman
at masasamang gawi ay nakakatamo ng
pamukaw-siglang maka-Satanas na aakay nito sa
tambalang kamangmangan (pagiging mangmang at
mangmang sa sariling kamangmangan) at sa mga
nagpapalabong takip na bubulag nito sa mga
katotohanan ng banal na layunin sa paglikha,
pinakadiwa ng Panginoon, at buhay sa kabilang
mundo. Kaya, ang anumang dunong na matutunan ay
aakay nito sa pagkamit ng mga pangmundong
layunin, pangsariling hangarin, at masasamang
gawi, at sa katapusan ay gagabay sa kanya tungo
sa impiyerno.
* Sinabi ng Propeta Muhammad (s): “Sa
katotohanan, ang dunong ay binubuo ng tatlong
mga ito: ang ‘matatag na palatandaan’, ang
‘nararapat na tungkulin’ at ang ‘naitatag na
pamamaraan’. Ang mga iba ay hindi kailangan.”
[Al Kulayni,
al Kafi, tomo 1, “kitab fadl al ‘ilm,” “bab
sifat al ‘ilm wa fadluh,” hadith # 1]
* Ang pananalitang ‘matatag na palatandaan’ ay
nagpapahiwatig ng mga siyensiyang rasyonal, mga
wastong doktrina at mga banal na katuruan. Ang
‘nararapat na tungkulin’ ay nagpapahiwatig ng
siyensiya ng etika at pagdadalisay sa sarili.
Ang ‘naitatag na pamamaraan’ ay nagpapahiwatig
ng mga siyensiyang may mga aspetong makamundo at
may napapaloob na uri ng pisikal na aktibidades.
Minsan, ang pagtamo ng dunong ay nagiging
‘nararapat na tungkulin’ at sa ibang panahon ay
isang ‘naitatag na pamamaraan’.
* Ang mga siyensiya ng medisina, anatomiya,
astronomiya, astrolohiya, atbp., kapag titingnan
ang mga ito bilang mga banal na palatandaan at
simbolo, at ang mga siyensiyang may kinalaman sa
kasaysayan at mga sibilisasyon, kapag titingnan
bilang mga paraan sa pagkakamit ng mga aral at
babala, ay mabibilang sa kategorya ng ‘matatag
na palatandaan’ sapagkat sa pamamagitan nila,
ang kaalaman hinggil sa Panginoon o
muling-pagkabuhay ay matatamo o mapatunayan.
Ang mga Kabutihan ng Pagsaliksik ng Tunay na
Dunong
* Sinabi ng Propeta Muhammad (s): “Sinumang
lalakbay sa pagsaliksik ng dunong ay gagawin ng
Panginoong naglalakbay patungong paraiso. At sa
katotohanan, ibubuka ng mga anghel ang kanilang
mga pakpak dahilan sa kagalakan. Sa katotohanan,
ang bawat nilalang sa langit at mundo, at maging
ang mga isda sa karagatan, ay humihingi ng
kapatawaran para sa kanyang nananaliksik ng
dunong. Ang katangian ng ‘alim (pantas) kung
ihambing sa ‘abid (mananampalataya) ay katulad
ng katangian ng buwan kung ihambing sa mga
bituin sa gabing bilog ang buwan. Ang mga pantas
ay tagapamana ng mga propeta, dahilan sa ang mga
propeta ay hindi umiwan ng kayamanan kundi
dunong. Kaya, sinumang lumahok dito ay
makapagkamit ng napakaraming kapakinabangan.”
[Al Kulayni,
al Kafi, tomo 1, “kitab fadl al ‘ilm,” hadith #
1]
Ang mga Moral na Katangian ng Tunay na Dunong
* Ang dunong, kapag tinatamo ito sa pamamagitan
ng mga hangaring dalisay, di maimbot at banal,
ay babago sa personalidad ng isang tao at siya
ay magiging isang makalangit na nilalang. Ang
taong may dunong na yaon ay magiging sagisag ng
mga katangiang banal, at ang kanyang ugali, mga
salita at kilos ay nagpapahayag ng mga ito.
* Madalas sabihin ng Imam ‘Ali (‘a): ‘O
nananaliksik ng dunong! Ang dunong ay may
maraming mga kabutihan. (Kung iyong ipalagay ito
bilang isang tao) ang kanyang ulo ay
kababaang-loob, ang kanyang mata ay kalayaan
mula sa inggit, ang kanyang tainga ay pag-unawa,
ang kanyang dila ay katapatan, ang kanyang
memorya ay pagsusuri, ang kanyang puso ay
magandang layunin, ang kanyang pag-iisip ay
kaalaman (ma‘rifah) sa mga bagay-bagay, ang
kanyang kamay ay pagkahabag, ang kanyang paa ay
pagdalaw sa mga marunong, ang kanyang pasiya ay
integridad, ang kanyang karunungan ay kabanalan,
ang kanyang tahanan ay kaligtasan, ang kanyang
makapangyarihan ay kapakanan, ang kanyang
sasakyang kabayo ay pagkamatapat, ang kanyang
sandata ay kalumayan ng pagsasalita, ang kanyang
espada ay kaluguran (rida), ang kanyang palaso
ay pagpaparaya, ang kanyang hukbo ay pagtatalo
sa mga pantas, ang kanyang kayamanan ay mabuting
mga asal, ang kanyang puhunan ay pag-iwas sa mga
kasalanan, ang kanyang baon sa paglalakbay ay
kabutihan, ang kanyang inuming tubig ay
kahinahunan, ang kanyang patnubay ay ang banal
na patnubay, at ang kanyang kasama ay pagmamahal
sa mga pinili (ng Panginoon).”
[Al Kulayni, al-Kafi,
“kitab fadl al-‘ilm,” “bab al nawadir,” hadith #
3]
* Tinanong ang Propeta ng Allah (s): “Ano ang
dunong?” Kanyang sinagot: “Ang hindi pagkibo.”
Siya ay tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang sinabi:
“Ang masinsinang pakikinig.” Siya ay tinanong: “Pagkatapos?”
Kanyang sinabi: “Ang pag-alaala.” Siya ay
tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang sinabi: “Ang
pagsasagawa (ng anumang natutunan).” Siya ay
tinanong: “Pagkatapos?” Kanyang sinabi: “Ang
pagpapalaganap.”
[Al-Majlisi, Bihar
al-Anwar, tomo 2, p. 28]
* Madalas sabihin ng Imam ‘Ali (‘a): “May
tatlong palatandaan ang taong may dunong:
“Dunong, pagtitimpi at kawalang-imik”.
[Ibid, tomo 2, p.
59]
Bawal ang Pagsaliksik ng Dunong para…
Ayon sa mga katuruan ng Pamilya (Ahl al-Bayt)
(‘a) ng Propeta (s), bawal ang pagsaliksik ng
dunong para sa mga hangaring makamundo o
makasarili.
* Sinabi ng Imam ‘Ali (‘a): “Huwag magsaliksik
ng dunong para sa apat na layuning ito: (1)
pagpupuri sa sarili sa harapan ng mga taong may
dunong; (2) pakikipagsabwatan sa mga mangmang;
(3) pagparangya sa mga pagtitipon ng tao; at (4)
pagtawag-pansin sa mga tao upang makakamit ng
kapangyarihan.”
[Al-Majlisi, Bihar
al-Anwar, tomo 2, p. 31]
Ang mga Kailangan sa
Pagsaliksik ng Dunong
* Ang taong nangangarap na magsaliksik ng dunong,
bilang unang hakbang, ay nararapat na dumaan ng
pagdadalisay na espiritwal, magtanim ng taqwa (takot
sa Panginoon) sa kanyang kaluluwa, iligtas ang
sarili sa mga masasamang hangarin at makamundong
motibo, at madalas na tayahin ang sarili nang
masiyasat kung ang dunong niya ay tinamo para sa
mga makamundong motibo o hindi. Dapat ding
tandaan na ang takot sa Panginoon ay isang
natatanging katangian ng isang ‘alim (taong may
dunong) at sinumang walang takot sa Panginoon ay
hindi mabibilang sa pangkat ng mga may dunong,
kahit na gaano pa ang kanyang naisaulo o
kagaling sa pagtalumpati.
* Sa bawat hakbang ng pagsaliksik ng dunong,
nararapat na magmuni-muni at mag-isip nang
malalim hinggil sa iyong pangunahing layunin sa
pagsaliksik ng dunong. Tanungin ang sarili:
Bakit ako nagsasaliksik ng dunong? Para ba ito
sa pagkamit ng mas magandang katungkulan sa
trabaho, pakipagpaligsahan sa kasama o isang
grupo, pagkamit ng gantimpala, titulo, o
katayuan sa lipunan? Kung ikaw ay nasa mataas na
antas ng edukasyon, ito ba ay para lamang
pagsulat ng mga aklat at sanaysay at pagbigay ng
mga talumpati upang mapuri bilang lalaki o
babaeng may dunong? O di kaya ito ay para sa
kaluguran ng Panginoon at paglilingkod sa
Kanyang mga nilalang?
* Ang natamo mong dunong ay dapat na magpatnubay
sa iyo na maging mas mabuti, magsagawa ng
taos-pusong mga gawain at mas magmahal at
matakot sa Panginoon habang tumatagal. Ang
dunong na hindi mag-akay sa taong gumawa ng mga
mabuti ay hindi tunay na dunong. Ang dunong na
natatakda sa mga salita lamang at wala sa gawa —sa
paglilingkod sa mga nilalang ng Panginoon ay ang
pinakamababang antas ng dunong na nawawala
paglipas ng panahon.
* Pagmasdan ang kilos habang nagtatamo ng dunong.
Nagiging mas mapagkumbaba ka ba at mapagtimpi
tungo sa mga kaibigan at kasamahan? O di kaya ay
naging mas mayabang ka, mapagmalaki at
maargumento? Naging mas mahirap ba para sa iyong
tumanggap ng katotohanan at umamin ng
kamangmangan sa isang pagtitipon? Mas lalo ka
bang naiinggit sa mga taong mas marunong?
Tandaan na ang egoismo ay napapawi at nabubura
ng tunay na dunong at ang palatandaan sa kilos
ng tunay na dunong ay ito: walang-walang egoismo,
banidad, pagkamakasarili, at kayabangan.
* Habang tinatahak ang landas ng dunong, laging
magtiwala sa Panginoon, gumalang sa iyong guro,
at huwag mahiyang magtamo ng dunong kahit na sa
mas nakakabata. Suriin at munimunihin ang
anumang natutunan. Laging humingi ng tulong sa
Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang banal na
habag at handugan ka ng magagandang mga isipan,
at iligtas ka mula sa paggamit ng natamong
dunong para sa mga makamundo at makasariling
motibo.
Konklusyon:
* Sinabi ng Imam ‘Ali (‘a): “Ang taong
maglalakbay para sa pagsaliksik ng dunong ay
katulad ng taong nakikibaka sa landas ng Allah.”
[Al-Majlisi, Bihar al Anwar, tomo 1, p. 179]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|