|
Mga Kabutihan ng Kaluluwa... Pagsisisi
Posted: August 29,
2006
O kayong mga
nananampalataya! Humingi ng kapatawaran sa Allah
nang taos-puso. Marahil buburahin ng inyong
Panginoon ang masama mula sa inyo…
(Qur’an, 66: 8)
Sinabi
ng Propeta ng Allah (s): “May apat na
palatandaan ang taong nagsisi: (1) siya ay tapat
sa Panginoon batay sa kanyang mga kilos; (2)
umiiwas siya sa kabulaanan; (3) lubusang malapit
siya sa katotohanan; at 4) sabik siyang gumawa
ng kabutihan.”
[Al-Harani,
Tuhaf al-`Uqul,
p. 20]
Sinabi
ni Imam Ja‘far al-Sadiq (‘a): “Kapag ang
alipin (tao) ay taos-pusong magsisi (tawbat
’un-nasuh), mamahalin siya ng Panginoon at
tatakpan siya (ang kanyang mga kasalanan) dito
sa mundo at sa kabilang buhay.” Tinanong ang
Imam (‘a), “At papaano Niya siya tatakpan?”
Sinabi niya (‘a), “Kanyang ipapalimot sa
dalawang mga anghel (na inatasang sumulat sa
kanyang mga gawain) ang kanyang mga kasalanang
kanilang naisulat. Pagkatapos, Kanyang
ipag-uutos sa mga bahagi ng kanyang katawan,
‘Takpan ang kanyang mga kasalanan,’ at Kanyang
ipag-uutos sa mga lugar sa mundo, ‘Takpan ang
mga kasalanang kanyang ginagawa sa inyong ibabaw.’
At kanyang makakaharap ang Panginoon nang walang
magtestigo laban sa kanya hinggil sa anumang
kasalanan.”
[Al‑Kulayni,
al‑Kafi,
kitab
al‑iman wa’l‑kufr, bab al‑tawbah,
hadith #1]
Ang
katotohanan hinggil sa
tawbah
Ang
tawbah ay ang pagbabalik ng unang
katayuang espiritwal ng kaluluwa pagkalipas ng
liwanag ng kanyang likas pang-tao (fitrah)
at ng pagkabalot nito sa kadiliman ng mga
kasalanan at pagsuway. Sa unang kalagayan ng
kaluluwa ng tao ito ay walang anumang kabutihan
o kasamaan. Maaari niyang maabot ang anumang
katayuan, subalit sa kanyang unang kalagayan ito
ay puro, walang kasalanan at may natatanging
liwanag. Ang pagsasagawa ng mga kasalanan ay
nagiging sanhi ng karimlan sa puso, at ang
liwanag ng katutubong kalikasan ay napapawi at
nagiging kadiliman. Subalit, bago pa man ang
kadiliman ay lubusang babalot sa puso, kapag ang
tao ay gigising mula sa kapabayaan at magsisi,
ang kaluluwa ay unti-unting babalik mula sa
kadiliman patungong liwanag ng kanyang likas na
katayuan at buod na espiritwalidad. Ito ay
nabanggit sa isang bantog na hadith mula
kay Imam al-Baqir (‘a): “Sinumang
magsisisi ay katulad ng taong hindi nagkasala.”
[Al‑Kulayni,
al‑Kafi,
kitab
al‑iman wa’l‑kufr, bab al‑tawbah,
hadith #10]
Ang
mga kondisyon at batayan ng
tawbah
Ang
tawbah ay hindi tinatanggap sa taong
nasasabi lamang na “Ako ay nagsisisi.” May ilang
mga batayan na nararapat na masunod bago
matatanggap ang tawbah. Ang mga ito ay
nabanggit sa sumusunod na hadith:
q Naisalaysay
na may taong nagsabi: Astaghfirullah (Patawarin
sana ako ng Allah) sa harapan ni Imam ‘Ali (‘a).
Sinabi ng Imam sa kanya: “Ang iyong ina ay
magdadalamhati sana sa iyo! Alam mo ba ang ibig
sabihin ng istighfar (pagsabi ng
astaghfirullah)? Sa katotohanan,
istighfar ay isang antas ng mga ‘illiyyun
(mga taong may mataas na katayuang espiritwal)
at isang kataga na nangangahulugan ng anim na
bagay. Ang una ay taos-pusong pagsisisi.
Ang pangalawa ay pagpasiyang hindi na
muling gumawa ng kasalanan. Ang pangatlo
ay muling pagbibigay sa mga tao ng kanilang mga
karapatang iyong itinanggi nang sa gayon, iyong
haharapin ang Poong Maykapal nang may dalisay na
pagkatao at walang sinumang may reklamo laban sa
iyo. Ang pang-apat ay ang pagtutupad ng
bawat tungkulin na iyong pinabayaan upang
matupad ang iyong obligasyon hinggil dito.
Ang panglima ay pagbibigay pansin sa mga
bahagi ng iyong katawan na lumaki sa pamamagitan
ng mga bawal na pagkain upang mawala ang mga
masama sa pamamagitan ng pagdadalamhati at
kalungkutan at ang iyong balat ay didikit sa
iyong mga buto at magkakaroon ng panibagong
laman. Ang pang-anim ay ang pagdanas ng
kahirapan ng pagsunod (sa Panginoon) katulad ng
iyong pagdanas ng mga kaluguran ng kasalanan.
Kapag nagawa mo na ang mga bagay na ito,
nararapat ka nang magsabi ng
astaghfirullah!
[Nahj
al‑Balaghah,
Kasabihan # 417]
Ang
banal na tradisyong ito ay nagbanggit ng
dalawang pangunahing kondisyon ng tawbah
(pagsisisi at pagpapasiya), dalawang
mahahalagang batayan ng pagtatanggap dito (muling
paghahandog sa mga karapatan ng mga tao at ng
Panginon), at higit dito, dalawang punto para
maging ganap ang pagsisisi.
Tawbat
’un-nasuh
(taos-pusong
pasisisi)
Ayon
sa magiting na pantas na si Shaykh al‑Baha’i (q),
may iba’t-ibang kahulugan ang tawbat
’un-nasuh. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
q Ang
tawbah na ‘pumapayo’ sa mga tao. Ang ibig
sabihin, ito ay umaanyaya sa
kanilang
tularan siya (ang taong nagsisi) dahilan sa
magandang epekto nito sa taong nagsisi, o ang
tawbah na ‘pumapayo’ sa taong nagsisi na
lubusang lipulin ang mga kasalanan at hindi na
muling gagawin ang mga ito.
q Ang
tawbah na ginawa para sa Panginoon lamang
tulad ng purong pulot-pukyutan na walang pagkit,
kaya tinatawag na ‘asal ’un-nasuh (purong
pulot-pukyutan). Batay sa katapatan, ang
pagsisisi ay nararapat na dahil sa kasamaan ng
mga kasalanan at ang poot ng Panginoon, at hindi
dahilan sa pagkatakot sa impiyerno.
q Ang
katagang nasuh ay may kinalaman din sa
katagang nasabah na ang ibig sabihin ay
‘pananahi’ dahil tinatahi ng tawbah ang
katawan ng paniniwala na hiwa-hiwalay dahil sa
mga kasalanan, at muling pinapaanib nito ang
taong nagsisi sa mga banal na santo (awliya’)
at sa mga nagmamahal sa Panginoon tulad ng
magkakahiwalay na tela na nagiging buo sa
pamamagitan ng pagtahi.
q Ayon
sa isang interpretasyon, ang nasuh ay
isang katangian ng taong nagsisisi at ang
tawbat ’un-nasuh ay isang tawbah na
ang nagsasagawa ay pumapayo sa kanyang sariling
magsagawa ng ganap na pagsisisi hanggang sa ang
lahat ng mga epekto ng kasalanan ay lubusang
mabura mula sa kanyang puso. Ito ay magagawa
lamang sa pamamagitan ng pagpaparanas ng
kaluluwa ng pagsisisi at pagdadalamhati, at
pag-alis ng kadiliman nitong dulot ng mga
nakaraang kasalanan sa pamamagitan ng liwanag ng
mga mabubuting gawain.
Mas
mabuti kung mas maaga…
Ang
matagumpay na tawbah ay isang mahirap na
gawain. Ang pagpakalabis sa mga kasalanan,
lalung-lalo na ang mga mortal na kasalanan, ay
nagdudulot ng lubusang pagkalimot ng tao sa
tawbah. Kapag ang punungkahoy ng mga
kasalanan na tumutubo sa halamanan ng puso ay
lumaki at ang mga ugat nito ay naging malakas,
ang mga bunga nito ay kapahamakan na magdudulot
sa taong tuluyang makalimot na magsisi. Kahit pa
man minsan niyang maalaala ang pagsisisi,
ipinagpaliban niya ito sa ibang araw o buwan
habang kanyang sinasabi sa sarili: “Taos-puso
akong magsisisi sa huling yugto ng aking buhay
kapag ako ay matanda na.” Ito ay pagnanais ng
saloobin lamang. Ang taong ganyan ay hindi
makakagawa ng tawbah kapag ang mga ugat
ng kasalanan ay lubusang sumailalim sa kanyang
pagkatao. Ang pinakamabuting panahon sa
pagsisisi ay habang bata pa ang tao kung kailan
ang mga kasalanan ay hindi pa gaanong marami,
ang kadiliman ng puso ay hindi pa ganap at ang
lahat ng mga kailanganin ng tawbah ay mas
madali pang tuparin. Ang pagkakataong ito na
inihandog ng Panginoon ay talagang nararapat na
pagsamatalaan at ang tao ay hindi nararapat na
magbigay pansin sa mga bulong ni Satanas na
pagpapaliban sa tawbah. Kaya, dapat na
kaagad na humingi ng kapatawaran kapag
may isang kasalanang nagawa. Ang matalinong tao
na nakakaunawa nito ay umiiwas sa mga
pagkakasala at hindi na muling gagawin ang mga
kasalanang nagawa. Ang kanyang puso na puno ng
pagsisisi ay nagkaroon ng matibay na pasiya na
talikuran ang makasalanang buhay. Tutulungan
siya ng Panginoon at kapag ang kanyang tawbah
ay taos-puso, mamahalin siya ng Panginoon ayon
sa banal na bersikulong ito: “Sa katotohan,
mahal ng Panginoon ang mga nagsisisi.”
(Qur’an, 2: 222)
Sinabi
ni Imam ‘Ali (‘a): “Kung nais mong
makamit ang Kanyang mga biyaya sa kabilang buhay,
ngayon ang araw ng paghahanda at bukas ang araw
ng gantimpala. Ang patutunguhan ay ang paraiso
at ang lugar ng kapahamakan ay ang impiyerno.
Wala ba sa inyong nais magsisi dahil sa kanyang
mga kasalanan bago siya yumao, tumbasan ang
kanyang mga maling gawain, at gumawa ng mga
mabuti bago siya makaranas ng pakarusahan?”
[Nahj
al-Balaghah,
Sermon #33]
Isang
panawagan upang gumising ang puso para sa
tawbah
q O
tao! Napakasama at hangal mo dahil sa hindi
pagkilala sa kahalagaan ng mga biyaya ng iyong
Tagatustos. Pagkatapos ng maraming taon na
pagsuway at matagal na kataksilan sa ganoong
mahabaging Panginoon na Siyang naghandog ng
lahat ng mga bagay na nagdudulot ng kaginhawaan
sa iyo—bagama’t walang anumang maiisip na
kabutihan nito para sa Kanya (patawarin nawa
tayo ng Panginoon dahil sa pagbanggit nito)—at
paglabag sa Kanyang mga kabanalan at lubusang
kawalang-hiya at kasuwailan, ngayon na ikaw ay
naging taos-pusong nagsisisi, ang Poong Maykapal
ay tumuturing sa iyong pinakamamahal.
Napakalawak ng pagpapala at pagmamahal! O
Pangioon! Hindi Ka namin makayang pasalamatan
nang lubusan para sa Iyong mga biyaya. Ang aming
mga dila ay walang kakayahang puriin Ka nang
karapat-dapat. Ang tanging aming magagawa ay
pagyukod dahil sa kahihiyan at paghingi ng Iyong
kapatawaran dahilan sa aming kawalang-hiya. Ang
Iyong habag ay hindi nararapat sa amin. Sa
katotohanan, ang Iyong habag at biyaya ay higit
pa sa anumang makayang ilarawan.
q Ang
taong matalino ay nararapat na magsumikap na
mapahigit pa ang pagsisisi at kalungkutan sa
kanyang puso upang masindihan ang apoy ng
taos-pusong pagsisisi sa pahintulot ng Panginoon.
Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ng
pagmumuni-muni sa mga katakot-takot na bunga ng
kasalanan, ang tunay na pagsisisi ay maging mas
matindi sa kanyang puso at dahil dito, ang banal
na apoy ay masisindihan. Hinggil sa apoy na ito,
and Qur’an ay nagsabi: Ang apoy ng Allah ay
lumalagablag sa mga puso bilang isang nakaarkong
bubungan. (104:6-8). Sa kanyang puso, ang
pagsindi ng apoy ng tunay na pagsisisi ay bubura
at susunog sa mga kalawang and korosyon nito.
Dapat niyang alamin na kapag hindi niya mismo
sisindahan ang apoy na ito dito sa mundo at
hindi niya bubuksan ang pintuan ng impiyernong
ito, tiyak na maiiwan niya ang mundong ito
patungong kabilang buhay upang haharapin ang
katakot-takot at napakainit na apoy na nakalaan
sa kanya. Pagkatapos, ang mga pintuan ng
impiyerno ay mabubuksan samantala ang mga
pintuan ng paraiso ay magsasara para sa kanya.
Kaya, mauunawaan ng matalinong tao ang mga
matinding epekto ng kanyang mga kasalanan.
q O
Panginoon! Bigyan mo kami ng dibdib na may
liwanag ng apoy ng pagsisisi. Sunugin Mo ang
aming puso ng apoy sa mundo sa pamamagitan ng
mga tilamsik ng apoy ng pagsisisi. Burahin Mo
ang kalawang ng aming mga puso at kunin Mo kami
mula sa mundo nang malaya mula sa mga masamang
epekto ng kasalanan. Sa katiyakan, Ikaw ang
Panginoon ng mga biyaya. [Hango
sa Al-Khumayni,
Forty
Hadith, tomo 17, ‘Tawbah’]
Kongklusyon:
q Sinabi
ni Imam Zayn al-‘Abidin (‘a): “Panginoon
ko! Ikaw ang nagbukas ng isang pintuan sa Iyong
kapatawaran at tumawag nitong ‘tawbah’
dahil Iyong sinabi, ‘Humingi ng kapatawaran
sa Allah nang taos-puso’
(Qur’an 66:8).
Ano pa ang katwiran ng siyang pabaya sa pagpasok
sa pintuan pagkatapos mabuksan ito?”
[al-Sahifah
al-Kamilah, Ang Litanya ng mga
Nagsisisi]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|