|
Mga Kabutihan ng Kaluluwa... Katapatan (Ikhlas)
Posted: November
15,
2006
Tiyak na
ipinagkaloob Namin sa iyo ang Aklat na may
katotohanan. Kaya, paglingkuran ang Allah at
maging tapat sa pananampalataya sa Kanya.
(Qur’an 39:2)
Sinabi ng Propeta
Muhammad (s): “Tiyak na may katunayan ang
bawat katotohanan at hindi maabot ng alipin (tao)
ang katunayan ng katapatan (ikhlas)
maliban na lang kung hindi niya magugustuhan ang
puri ng mga tao sa kanya dahilan sa mga gawaing
kanyang ginawa para sa Panginoon lamang.”
[Al-Majlisi,
Bihar al-Anwar,
tomo 72, p. 304, hadith # 51]
Habang
ipinapaliwanag ang kasabihan ng Poong Maykapal
na ito, “Nang kayo ay Kanyang masubukan at
makikita kung sino sa inyo ang pinakatapat sa
mga gawain,” (67:2) sinabi ni Imam Ja‘far
al-Sadiq (‘a): “Ito’y hindi tumutukoy sa
isa sa inyo na may pinakamaraming mabuting
gawain kundi tumutukoy sa kanya na pinakatapat
sa kanyang gawain, at ang katapatang ito ay
walang iba kundi takot sa Panginoon at katapatan
ng intensyon.” Pagkatapos, kanyang idinagdag:
“Ang pagtiyaga sa isang gawain hanggang ito ay
maging tapat ay mas mahirap kaysa mismo gawain,
at ang katapatan sa gawain ay nangangahulugan na
hindi mo nais na puriin ka ng iba dahil dito
kundi ang Poong Maykapal lamang, at ang
intensyon ay mas mahalaga kaysa mismo gawain. Sa
katotohanan, ang intensyon ay ang mismo gawain.”
Pagkatapos, kanyang binasa ang bersikulo ng
Qur’an na ito, “Sabihin [mo O Muhammad),
gumagawa ang bawat isa sang-ayon sa kanyang
ugali (shakilatihi),” (17:84) at sinabi na,
“Ang shakilah na ito ay nangangahulugan
ng intensyon (niyyah).”
[Al‑Kulayni,
al‑Kafi,
tomo 2, kitab al‑iman wa’l‑kufr, bab
al‑ikhlas, hadith # 4]
Ang katapatan (ikhlas)
ng intensyon, gawain at pagtitiyaga dito ay ang
pinakamataas na antas ng pagmamahal at
paglilingkod sa Panginoon. Ang ikhlas ay
may sumusunod na mga kahulugan at paliwanag:
q Ang
kagalang-galang na ‘arif (mistiko) at
matalinong salik (manlalakbay espirituwal)
na si Khwajah ‘Abd Allah al‑Ansari (q) ay
nagsasabi: “Ang ikhlas ay nangangahulugan
ng pag-aalis ng mga kasagwaan sa gawi ng tao.”
At ang ‘mga kasagwaan’ ay nangangahulugan ng
hangad ng taong bigyang kaluguran ang sarili at
iba.
q Isinalaysay
ng magiting na pantas na si Shaykh al-Baha’i (r)
na sinasabi ng mga lupon ng puso (yaong mga
taos-pusong nagmamahal sa Allah): “Ang ikhlas
ay nangangahulugan ng pagpapanatili sa
gawaing walang kinalaman sa sinuman maliban sa
Panginoon at ang nagsasagawa nito ay hindi
nararapat na maghangad ng anumang gantimpala
para dito sa mundo at kabilang buhay.”
Sinabi ng Propeta
Muhammad (s) na sinabi ng Allah (swt):
“Ang ikhlas ay isa sa Aking mga lihim
at nilalagay Ko ito sa puso ng Aking minamahal
na alipin.” [Al-Majlisi,
Bihar
al-Anwar,
tomo 70, p. 249, hadith # 24]
Sinu-sino ang mga mukhlisun (matapat)?
Inaanyayahan ng
Poong Maykapal ang Kanyang mga alipin tungo sa
Kanya sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na
nararapat nilang linisin ang kanilang mga
kaluluwa mula sa anuman maliban sa Allah at
gawain ang mga itong para sa Panginoon lamang.
q Ang
mga
mukhlisun ay iyong mga nananampalataya sa
Panginoon sa paraang hindi nila itinuturing ang
kanilang mga sarili bilang naglilingkod at hindi
nila binibigyang halaga ang pasiya ng mundo at
mga tao. Kaya, sila at ang kanilang mga kilos ay
para sa Panginoon lamang. Ang kanilang uri ng
pagsamba ay ang din na pinili ng Poong
Maykapal para sa Kanya at nilinis ito mula sa
dumi ng pagsamba sa iba maliban sa Allah, at
Kanyang sinabi: Sa katotohanan, tanging sa
Panginoon lamang ang tunay na katapatan (al‑din
al‑khalis). (Qur’an 39:3)
q Iniulat
mula sa magiting na mistokong al‑Shaykh al‑Muhaqqiq
Muhyi al‑Din ibn al‑‘Arabi na kanyang sinabi: ‘Sa
katotohanan, tanging sa Panginoon lamang ang
tunay na katapatan’ ay kaligtasan mula sa
mga dumi ng pagiging iba at kaakuhan. At ang
iyong pagkapuksa sa Kanya ay dapat na lubusan.
Ang Buod, mga Katangian, mga Kilos at ang
din ay hindi na nararapat na may-kaugnayan
sa iyo. Sa katotohanan, hangga’t ang katapatan
ay hindi nalinisan ng katunayan, hindi
ito magiging para sa Panginoon.”
Ang pagsamba ng
mga matapat ay ang bakas ng mga katunayan
(tajalliyat) ng Pinakamamahal (Allah) at
walang naipapaloob sa kanilang mga puso kundi
ang Buod ng Nag-iisang Panginoon.
Ang
ikhlas
ay sumusunod sa kilos
Dapat na maging
maingat ang tao dahil minsan matapat niyang
isinasagawa ang isang trabaho nang walang
pagkakamali, pagpapakitang-tao (riya’) o
pagmamayabang sa sarili (‘ujb) subalit
pagkatapos, nagkakaroon siya ng riya’ sa
pamamagitan ng pagbanggit nito sa iba, tulad ng
nabanggit sa banal na hadith na ito:
q Sinabi
ni Imam al‑Baqir (‘a): “Pagtitiyaga sa
isang trabaho ay mas mahirap kaysa sa trabaho
mismo.” Siya ay tinanong, “Ano ang ibig sabihin
ng pagtitiyaga sa trabaho?” Kanyang (‘a)
sinabi, “May isang tao na gumagawa ng kabutihan
sa isang kamag-anak o gumugugol siya ng salapi
alang-alang sa Panginoong Nag-iisa at walang
katumbas. Kaya, ang gantimpala ng isang mabuting
gawaing lihim na isinagawa ay isusulat para sa
kanya. Pagkalipas, kanya ito binanggit sa ibang
tao at ang anumang naisulat para sa kanya ay
mabubura at sa halip, ang maisusulat ay ang
gantimpala ng mabuting gawain na hayagang
isinagawa. Pagkatapos, kapag muli pa niyang
banggitin, ang bisyo ng pagpapakitang-tao (riya’)
ay maisusulat sa kanya (sa halip na gantimpalang
nauna).” [Al‑Kulayni,
al‑Kafi,
kitab al‑iman wa’l‑kufr, bab al‑riya’, hadith
# 16]
Ang diwa ng trabaho ay intensyon
q Sa
malinis na intensyon at tapat na hangarin
nakasalalay ang perpeksiyon o kabaluktutan ng
mga pananampalataya (‘ibadat) at maging
ang kanilang katumpakan o kawalang-saysay. Ang
mga katangiang pang-espirituwal ay bumubuo sa
pangunahing uri at mga intensyon ng kaluluwa
kung saan ang mga gawain ay sunud-sunuran at
bumubuo ng pangalawang katangian nito. At habang
ang pagmamahal sa sarili ay nananatili sa puso
at ang tao ay nananatili sa mapang-aping
pinamamahayan ng ego, siya ay hindi manlalakbay
patungo sa Allah (musafir ila’llah);
sa halip, isa siya sa mga taong nananatiling
nakadikit sa lupa (mukhalladun ila’l‑ard).
Ang shirk sa ‘ibadah na sumasaklaw
sa lahat ng mga antas nito ay ang pagsaklaw sa
kaluguran at kasiyahan ng sinuman maliban sa
Panginoon maging ito man ay ang mismo sarili ng
tao o iba. Kapag ito ay para sa kaluguran ng iba
o mga tao, ito ay palabas na shirk at
riya’ ayon sa hurispudensiya (fiqhi
riya’). Kapag para sa sariling kaluguran
(rida’), ito ay patago at
lihim na shirk. Ayon sa mga ‘urafa’
(mistiko) ito ay nagpapawalang-saysay sa
‘ibadah at hindi tinatanggap ng Panginoon.
Mga halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng hating-gabing
dasal (tahajjud) para kumita ng mas
malaki, o pagbibigay ng zakat para
magkaroon ng karagdagang kayamanan. Ang mga
pananampalatayang (‘ibadat) ito ay tumpak
at sinumang magsagawa ng mga ito ay itinuturing
na nagsagawa ng kanyang tungkulin at sinunod ang
mga ipinag-uutos ng shari‘ah, subalit ang
mga gawaing ito ay hindi maituturing na tapat na
pananampalataya sa Poong Maykapal o di kaya ay
may malinis na intensyon at pakay. Samakatuwid,
makamundo ang mga layunin ng uri ng ‘ibadat
na. Kaya, ang mga gawain ng ganoong klase ng tao
ay hindi wasto.
q Kapag
inalis ng tao ang pagmamahal sa mundo sa
pamamagitan ng pagdisiplina sa sarili at
walang-humpay na pakikibaka laban sa kanyang mga
makamundong hangarin, magiging buo ang kanyang
panlabas at pangloob na pagkatao. At kapag ang
tao ay lilisan sa pinamamahayan ng ego at
magtungo sa Panginoon, tulad ng nabanggit sa
Qur’an: Sinumang lilisan sa kanyang tahanan
patungong Allah at Kanyang Sugo, at mamatay sa
daan, ang kanyang gantimpala ay nasa Allah
(Qur’an 4:100) at magsagawa ng espirituwal na
paglalakbay at dahil dito makaranas ng ganap na
pagkapuksa (fana’‑e tamm), ang kanyang
gantimpala ay sa Poong Maykapal lamang.
Paano panatiliin ang ikhlas – ilang mga
puntong praktikal
q Kung
mayroon kang nagawang mga kabutihan para lamang
sa Allah, paglilingkod sa kapwa o mga gawaing
ipinag-uutos o itinatagubilin, dapat mong
alalahanin na hindi ka ligtas mula sa kasamaan
ni Satanas at ng iyong sarili (nafs al-ammarah)
habang buhay ka.
q Dapat
kang maging maingat dahil maari kang hikayatin
ng iyong sarili na banggitin ito sa harapan ng
iyong mga kaibigan o kakilala, o banggitin ito
nang di-tuwiran. Halimbawa, kung ikaw ay
palagiang nagdarasal tuwing hating-gabi (tahajjud),
ang iyong sarili ay maaring mag-udyok sa iyong
banggitin ito nang di-tuwiran sa pamamagitan ng
pagtalakay sa kasamaan or kabutihan ng panahon
sa madaling araw o sa du‘a o adhan
para sa subuh na pagdarasal. Sa
pamamagitan nito, dinumihan mo ang iyong
pananampalataya sa pamamagitan ng riya’.
Kaya, dapat mong iwasan ang ganoong mga
pangyayari.
q Tulad
ng isang doktor o nars, bantayan mo ang iyong
sarili upang hindi ito makawala. Sa loob lamang
ng isang saglit, maari itong makawala at sisira
sa iyong mga matapat na gawain. Ang paglilinis
ng intensyon sa anumang paghahangad sa kaluguran
ng sinuman maliban sa Allah (shirk) at
pagpapakitang-tao (riya’),
palagiang pagbantay sa sarili, at pagpapanatili
sa katapatan ay puro mahirap na mga gawain.
q Alalahanin
ang mga tungkulin at ipagpalagay ang iyong
intensyon at mga gawain sa pamamagitan ng
bersikulong ito ng Banal na Qur’an:
Sabihin mo: “Sa katotohanan, ang aking dasal at
pag-alay, ang aking buhay at kamatayan ay lahat
para sa Allah, ang Panginoon ng sansinukob.”
(Qur’an 6:162)
q Habang
ikaw ay may egoismo at pagnanasa sa katungkulan
at kapangyarihan, kahit na ikaw pa ay
sumasaliksik ng mga banal na dunong at katangian,
ang mga ito ay magagamit lamang sa mga
makasariling hangarin. Ang paghahangad sa sarili
at paghahangad sa Panginoon ay hindi maaring
ipagsabay. Samakatwid, kapag ang Panginoon ay
hinahangad para sa sarili, ang tunay na hangad
ay ang sarili at hindi ang Panginoon. [Al-Khumayni,
Forty
Hadiths,
kabanata 20, p. 8]
Konklusyon:
Ang unang hakbang
sa paglalakbay tungo sa Allah ay ang pagtalikod
sa pagmamahal sa sarili. Kung gaano matagumpay
ang tao sa paglilinis ng pagmamahal sa mundo sa
kanyang puso, ganoon din ang kanyang tagumpay sa
pagmamahal sa Panginoon at ang kanyang puso ay
maging malinis mula sa nakatagong shirk (egoismo).
Sinabi ng Propeta
Muhammad (s): “Kapag ang tao ay taimtim
na ialay ang sarili sa Panginoon sa loob ng
apatnapung araw, ang dunong (hikmah) ay
dadaloy sa kanyang dila mula sa kanyang puso.”
[Al-Suyuti,
al-Durr
al-Manthur,
tomo 2, p. 237]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|