|
Ano ang Sinasabi ng mga Hindi Muslim hinggil kay
Muhammad, ANG PROPETA NG ISLAM (Sumakanya at
Kanyang Pamilya nawa ang Kapayapaan)
Posted: June 10,
2005
“Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong
mga kalalakihan, kundi siya ay Mensahero ng
Panginoon at ang Kahuli-huliang Propeta.”
(Qur’an
33:40)
Ito ay isang koleksiyon ng maiikling mga sipi
mula sa iba’t ibang mga tanyag na hindi Muslim,
kabilang ang mga akademiko, manunulat, pilosopo,
manunula, politiko, at aktibista ng Silangan at
Kanluran. Sa aming pagkakaalam, walang sinuman
sa kanila ang naging Muslim. Kaya, ang mga
katagang ito’y nagpapakita ng kanilang personal
na pananaw hinggil sa iba’t ibang aspeto ng
relihiyong Islam.
Michael H. Hart
(1932- ) Propesor ng astronomiya, pisiks at
kasaysayan ng siyensiya.
q
“Ang
aking pagpili kay Muhammad na manguna sa talaan
ng mga pinakamaimpluwensiyang tao sa mundo ay
maaring pinagtatakahan ng ibang mambabasa at
maaring tinututulan ng iba, subalit siya lamang
ang tao sa kasaysayan na nagkamit ng sukdulang
tagumpay sa larangang pangrelihiyon at sekular.”
[The
100: A Ranking of the Most Influential Persons
in History, New York, 1978, p. 33]
¬
¬
¬
¬
¬
William Montgomery Watt
(1909- ) Propesor (Emerito) ng Arabe at
Pag-aaral ng Islam sa Unibersidad ng Edinburgh.
q
“Ang
kanyang kahandaang dumanas ng mga pagkakausig
dahilan sa kanyang mga paniniwala, ang mabuting
asal ng mga taong naniniwala sa kanya at
naniniwala sa kanya bilang pinuno, at ang
kadakilaan ng kanyang pinakaduyong tagumpay—ay
puro nagpapahiwatig ng kanyang pangunahing
integridad. Ang pagpapalagay kay Muhammad bilang
impostor ay nagdudulot ng mga problema kaysa
lumulutas ng mga ito. Bukod dito, walang sinuman
sa mga bantog na tao sa kasaysayan ang
di-gaanong hinangaan kaysa kay Muhammad.”
[Mohammad
at Mecca, Oxford, 1953, p. 52]
¬
¬
¬
¬
¬
Alphonse de Lamartine
(1790-1869) Manunula at estadistang Pranses.
q
“Pilosopo, orador, apostoles, mambabatas,
mandirigma, kongkistador ng kaisipan,
taganumbalik ng mga makatwirang turo, ng isang
kultong walang mga imahen; ang tagapagtatag ng
dalawampung mga imperyong makamundo at ng isang
imperyong espirituwal, siya si Muhammad. Kung
nauukol sa lahat ng mga pamantayan kung saan ang
kagitingan ng taon ay ibabatay, maari nating
itanong, may tao bang hihigit pa sa kanya?”
[Traduksiyon
mula sa Histoire De La Turquie, Paris,
1854, tomo II, pp. 276-277]
¬
¬
¬
¬
¬
Kapita-pitagang Bosworth Smith
(1794-1884) Yumaong Pensiyonado ng Kolehiyo ng
Trinidad, Oxford.
q
“…siya
ay kapwa Sesar at Papa; subalit siya ay Papa na
walang mga pagmamarangya ni Papa, at Sesar na
walang mga hukbo ni Sesar. Walang permanenteng
hukbo, walang guwardiya, walang palasyo, walang
natatakdang kinikita, kung mayroon mang taong
may karapatang magsabing siya ay namamahala sa
pamamagitan ng isang karapatang Dibino, ito ay
si Mohammed; dahil mayroon siyang buong
kapangyarihan na walang mga kasangkapan at mga
tagataguyod.”
[Mohammed
and Mohammedanism, London, 1874, p. 235]
¬
¬
¬
¬
¬
Mohandas Karamchand
Gandhi
(1869-1948) Palaisip, estadista, at pinunong
nasyonalista ng India.
q
“...Mas
lalo akong naging kumbinsido na hindi espada ang
nagpawagi sa Islam sa pamamaraan ng buhay noong
mga panahong iyon. Ito ay ang tunay na
kawalang-rangya, ang lubos na pagkakait sa
sarili ng propeta, masusing pagsasaalang-alang
sa kanyang mga pangako, matinding katapatan sa
kanyang mga kaibigan at alagad, ang kabuuan ng
kanyang loob, ang kanyang kawalang-takot, ang
kanyang lubos na pagtitiwala sa Panginoon at
sariling layunin. Ang mga ito, at hindi espada,
ang naghandog ng bawat bagay sa kanila at
lumutas ng bawat kagipitan.”
[Young
India (peryodiko), 1928, Tomo X]
¬
¬
¬
¬
¬
Edward Gibbon
(1737-1794) Itinuturing na pinakamagiting na
mananalaysay na Britanyo sa kanyang panahon.
q
“Ang
pinakamahalagang tagumpay sa buhay ni Mohammad
ay bunga ng kapangyarihan ng asal lamang na
walang hampas ng isang espada.”
[History
of the Saracen Empire, London, 1870]
¬
¬
¬
¬
¬
John
William Draper
(1811-1882) Siyentipiko, pilosopo, at
mananalaysay na Amerikano.
q
“Apat
na taon mula ng yumaon si Hustinyano, A.D. 569,
ipinanganak sa Mecca sa Arabia ang taong may
pinakamahalagang impluwensiya sa sangkatauhan…si
Mohammed.”
[A
History of the Intellectual Development of
Europe, London, 1875, tomo.1, pp. 329-330]
¬
¬
¬
¬
¬
David
George Hogarth
(1862-1927) Arkeologo, manunulat, at
tagapag-ingat na Ingles ng Museong Ashmolean,
Oxford.
q
“Seryoso man o walang-halaga, ang kanyang
araw-araw na asal ay nagtatag ng panuntunan na
taimtim na sinusunod ng milyun-milyong mga tao
hanggang sa kasalukuyan. Walang sinumang
itinuturing na Taong Walang-Kapintasan ng isang
bahagi ng sangkatauhan na masusing tinutularan.
Ang gawi ng Tagapagtatag ng Kristiyanismo ay
hindi gaanong namayani sa pangkaraniwang buhay
ng Kanyang mga alagad. Bukod dito, walang
Tagapagtatag ng relihiyon tulad ng Apostoles ng
Muslim ang umiwan ng katangi-tanging kabunyian.”
[Arabia, Oxford, 1922, p. 52]
¬
¬
¬
¬
¬
Washington Irving
(1783-1859) Tanyag bilang ang “unang Amerikanong
mahusay sa panitikan.”
q
“Siya
ay mahinahon at matimpi sa kanyang karaniwang
pagkain, at masinsin sa pag-aayuno. Siya ay
hindi nagpalaway sa anumang karilagan sa
kasuutan, ang karangyaan ng makitid ang isip;
maging ang kanyang kawalang-rangya sa pananamit
ay hindi nagbago, kundi bunga ng tunay na
kawalang-bahala sa pagtatanging batay sa
walang-halagang bagay... Sa kanyang mga
pribadong pakikitungo siya ay tumpak. Siya ay
makatarungan sa kanyang pakikitungo sa mga
kaibigan at estranghero, mayaman at mahirap,
makapangyarihan at mahina, at mahal ng mga
karaniwang tao dahilan sa kabaitan sa
pakikitungo sa kanila at sa pakikinig sa
kanilang mga daing... Ang kanyang mga pandigmang
tagumpay ay hindi pumukaw ng pagdadalang-puri at
palalong kabantugan, na maari nilang gawin kung
ang mga ito ay bunga lamang ng mga layuning
makasarili. Sa panahong tugatok ng kanyang
kapangyarihan napanatili niya ang dating
simplidad ng mga asal at anyo sa mga panahon ng
kanyang kagipitan. Malayong maapektuhan ng
makaharing katayuan, siya ay magdamdam kung sa
kanyang pagpasok sa isang silid, ay may
di-pangkaraniwang parangal ang ipapakita sa
kanya.”
[Life
of Mahomet, London, 1889, pp. 192-3, 199]
¬
¬
¬
¬
¬
Annie Besant
(1847-1933)
Teosopista at pinunong nasyonalistang Britanyo
sa India. Pangulo ng Batasang Pambansa ng India
sa taong 1917.
q
“Imposible para sa sinumang sumusuri sa buhay at
asal ng dakilang Propeta ng Arabia, na may alam
kung paano siya nangaral at namuhay, na
makaramdam ng anuman maliban sa paggalang sa
dakilang Propetang ito na isa sa mga magiting na
mensahero ng Poong Maykapal. At bagaman sa aking
mga sasabihin sa inyo maraming mga bagay ang
aking babanggitin na marahil alam na alam ng
karamihan, subalit ako mismo ay nakakadama,
tuwing binabasa ang mga ito, ng isang panibagong
paghanga at galang sa magiting na Arabeng gurong
ito.”
[The
Life and Teachings of Muhammad, Madras,
1932, p. 4]
¬
¬
¬
¬
¬
Edward Gibbon
(1737-1794) Itinuturing na pinakamagiting na
mananalaysay na Britanyo sa kanyang panahon.
q
“Ang
kanyang (Muhammad) memorya ay malakas at
matatandain, ang kanyang pang-unawa ay madali at
sosyal, ang kanyang imahinasyon ay maringal, ang
kanyang pagpapasiya ay malinaw, mabilis at tiyak.
May taglay siyang kagitingan maging sa isipan at
gawa.”
[History
of the Decline and Fall of the Roman Empire,
London, 1838, tomo 5, p.335]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil kay Propeta
Muhammad (s)
at sa kanyang mga turo, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|