smeri

A place where... learning and teaching are a joint and continuous endeavor                              A place where... you can be both a teacher and a student
SMERI > Research Bureau > Writing and Translation Department

Isang Sermon na Walang mga Tuldok

Posted: June 10, 2005

 

 

Ang Propeta Muhammad (s) ay nagsabi:

Ako ang tahanan ng dunong at si ‘Ali ang pintuan nito

(Sahih al-Tirmidhi, (Edisyong Cairo), Kitab al-Manaqib, tomo 5, p. 637, hadith bilang 3723)

 

Ang kaalaman, dunong at kahusayan sa pagtatalumpati ng Imam ‘Ali b. Abi Talib (‘a) ay alam na alam ng mga Muslim sa iba't ibang pangkat ng kaisipang Islamiko.  Isang halimbawa ng kanyang kadalubhasaan sa wikang Arabe ay napatunayan sa sermong itong di inihanda na kung isusulat ay walang anumang tuldok!!

 

Ang lahat ng puri ay sa Allah lamang: ang kapuri-puring Hari, ang May-aring magiliw, ang Tagahugis ng lahat ng mga isinilang, ang Dulugan ng bawat api, ang Tagahatak ng mga lupain, ang Tagapagtatag ng mga matatag ng mga buldok, ang Tagatustos ng ulan, ang Tagapaginhawa ng mga kahirapan, ang May Alam at Unawa sa mga lihim, ang Tagawasak ng mga kaharian at Tagalipol ng mga ari-arian, ang Tagabago at Tagaulit ng mga panahon, ang Pinagmulan at Hantungan ng lahat ng mga bagay.  Laganap ang Kanyang kabutihang-loob at sapat ang mga nagpapatungang ulap at ang tustos ng ulan.  Tumutugon siya sa sinumang humihingi o umaasa, malawakan at masaganang nagbibigay.

Ako’y walang humpay na pumupuri sa Kanya. Itinuturing ko Siyang iisa katulad ng pagturing sa Kanyang iisa ng sinumang bumabaling sa Kanya. Makinig! Siya ang Allah, walang ibang bathala para sa mga bansa maliban sa Kanya. Walang sinumang makapilipit sa anumang Kanyang matuwid na itinakda o itinatag. Inatasan Niya ang Muhammad bilang tagadala ng bandila ng pagsuko (Islam), ang pinuno ng mga namumuno at tagasansala ng kanilang paniniil, ang tagasalanta ng mga kapangyarihan ng Wudd at Sawa` (dalawang mga idolo).  Siya ang nagbigay-alam at nagturo, ang nagtakda at nagpalubos. Itinatag niya ang mga batayan at nagpaginhawa sa kanila rito. Siya ang nagbigay-diin at babala hinggil sa nakatakdang pangako (Araw ng Paghuhukom). Ang Allah ang nag-ugnay sa kanya sa karangalan at nagbigay kapayapaan sa kanyang kaluluwa, sumakanyang mga inapo at kapita-pitagang pamilya nawa ang pagpala ng Allah; habang ang mga bituing gabay ay kimikislap, ang buwan ay patuloy na lumilitaw, at ang himig ng kaisahan (La ilaha illa Allah) ay naririnig sa paligid.

Kalingain ka nawa ng Panginoon! Kumilos tungo sa pinakamabuting mga  gawi. Kaya tahakin ang landas na naaayon sa kautusan, at tigilan ang ipinagbawal at talikuran ito. Makinig sa kautusan ng Allah at maging may batid nito. Ipagpatuloy ang mga ugnayan sa mga kamag-anak at alagaan sila. Suwayin ang mga pagnanasa at itaboy ang mga ito. Maki-ugnay sa mga tapat at piyadoso bilang mga kamag-anak, at tigilan ang pagtitipan  sa aliwan at kayamuan. 

Ang inyong lalaking bagong kasal ang pinakadalisay sa mga malayang lalaki sa pagpanganak, may pinakamabuting-loob at kagalang-galang, at may pinakamatamis na angkan. Humarap siya sa inyo rito upang hingiin ang kamay ng inyong kamag-anak, ang magiliw na babaeng bagong kasal  (Siya’y) nag-alay ng dote, katulad ng ginawa ng Sugo ng Allah kay ‘Umm Salamah. Sa katiyakan, siya (s) ang pinakamagiliw na manugang na lalaki. May magandang-loob sa kanyang mga inapo. Ipinakasal niya sila sa sinumang kanyang ninais. Hindi siya nagulumihanan at walang pagkalingat sa kanyang pagpili ng asawa.

Alang-alang sa inyo, humihingi ako sa Allah ng walang-hangganang pagpala ng ugnayan sa Kanya. At ang  pagpapatuloy ng Kanyang mga kaluguran, at magbigay-sigla sana sa lahat sa pagbabago ng kanilang sariling kalagayan, at sa paghahanda sa kanilang  sariling hahantungan at sa kabilang-buhay. Ang pasasalamat ay magpakailanmang Kanya at ang pagpuri ay para sa Kanyang Sugong Ahmad (s).

 

Ang sermon ay tila binigkas ng Imam ‘Ali (‘a) sa okasyon ng may kasal (nikah), at maaaring kanyang sariling kasal.  Ito’y sinipi ng maraming mga pantas tulad nina:

 

q       Muhammad Rida al-Hakimi, Saluni qabl an tafqiduni, tomo 2, pp. 442-3.

q       Sayyid al-Musawi, al-Qatarah min bihar manaqib Aal-Nabi wa al-`Itrah, vol. 2, p. 179

q       Hasun al-Dulafi, Fada’il Aal al-Rasul, p. 6

 

 

Anong katangi-tangi sa sermong ito?

Sinumang kay kaalaman sa Arabe o makakabasa lang man ng letrang Qur’an ay makakabatid na may mga titik ng alpabetong Arabeng may mga tuldok na iniuugnay sa mga ito. Ang mga titik na ito’y itinala sa ibaba at laging ginagamit sa talumpating Arabe at mga tekstong isinulat.

 

 

Ang paglikha ng anumang letrang isinulat na may makabuluhang uri na hindi ginagamitan ng anuman sa mga titik na ito ay isang trabahong mahirap. Ang pagbigkas ng naturang sermon nang walang paghahanda, katulad ng kilalang ginawa ng Imam ‘Ali (‘a) sa lahat ng kanyang mga sermon, ay talagang kahanga-hanga! 

[Nota: Ang titik na kumakatawan sa taa marbutah ay isinusulat nang walang mga tuldok sa naunang letrang Arabe]

 

Mayroon bang kahilintulad na mga sermon?

Ang Imam ‘Ali (‘a) ay isang beses na bumigkas ng isa pang magandang sermon na walang titik na alif !! 

 

Ang titik na ito ng alpabetong Arabe ang tiyak na pinakamadalas na titik sa wika. Kung ang pagsulat ng ilang mga pangungusap na walang mga tuldok ay mahirap na, ano pa kaya ang pagbigkas ng isang sermon na puno ng dunong at maraming beses ang laki sa inyong nakita, subalit hindi ginamitan ng isa lang mang alif !!

 

Ang sermong ito’y kadalasang tinatawag na al-Khutbah al-Muniqah at itinala ng maraming mga pantas na Muslim.  Kabilang sa mga pantas na Sunni na sumipi nito ay sina: 

q       Muhammad b. Muslim al-Shafi‘i, Kifayat al-Talib, p. 248

q       Ibn Abi’l Hadid al-Mu’tazili, Sharh Nahj al-Balaghah, tomo 19, p. 140

 

Paano naisagawa ng Imam ‘Ali (‘a) ang naturang kahanga-hangang gawa?

Natamo ng Imam ‘Ali (‘a) ang kanyang malawak na kaalaman at kahusayan sa pagtalumpati sa kanyang matagal at malapit na pakikisama sa Propeta Muhammad (s).  Ang  Propeta (s) na may inspirasyong Dibino, ang pinagmulan ng lahat ng naturang kaalaman at dunong at isang gurong katangi-tangi para sa Imam ‘Ali (‘a).

 

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa autentikong Islam na itinuro ng Propeta Muhammad (s) at ipinaliwanag ng Imam ‘Ali (‘a) paglipas niya, dumalaw sa:


http://al-islam.org/faq/ 

 

For any comment, email: [email protected].
Copyright © SM Educational & Research Institute (SMERI), 2005. All rights reserved.
Home
SMeRI in Brief
library
education Bureau
research Bureau
external Bureau

 

Download the PDF version of this fact sheet.

 

 

 ---oOo---

 

Who and Why ?

To help provide quality Islamic knowledge available in as many world languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)

To encourage those without enough time or inclination for reading books to explore the various topics in brief.

How ?

One

Download and print the fact sheet.

Two

Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as are required.

Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the middle.

Three

Distribute
Where ?

Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.

Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep these Fact Sheets handy.

Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with each purchase.

Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that you come across, such as those in many airports.

Are you a student? Hand out or leave copies at your school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some in study rooms and cafeterias.

Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets as appropriate.

Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If so, pass them on.


Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means listed above.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1